bc

GIRLFRIEND FOR LEASE

book_age16+
316
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
escape while being pregnant
fated
second chance
arrogant
inspirational
boss
drama
like
intro-logo
Blurb

Rana is the brain behind the famous counseling service company - 'Girlfriend for Lease'. She's never been part of the act sa limang taon niyang pagpapatakbo ng negosyo, but when Mr. San Nicholas met her at his office, she also met his not-so-nice son na unfortunately, sa dinamirami ng empleyado nila ay siya pa ang napili bilang maging 'girlfriend' nito. He's even willing to triple the payment para lang sa kanyang pagpapanggap.

She rejected it at once until his mother interfered and tried to convince her, at napapayag naman siya out of sympathy. She thought that everything will be okay, no strings attached, lahat ay magiging palabas lang. That's what she thought, hanggang sa makilala niya kung sino talaga ang taong nasa likod ng maskara ng batang San Nicholas...

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
"Thank you for calling Girlfriend for Lease. This is 'Sky', how may I help you?" masiglang bati ni Rana sa telepono. Yes, you read it right. GIRLFRIEND FOR LEASE. It was a business concept made by Rana herself. Her Counseling Service Business is actually licensed. Katunayan, sila pa lang ang bukod-tanging lisensyadong kumpanya na may ganitong konsepto sa buong bansa. She came up with the idea 8 years ago when her bestfriend asked her to pretend as his girlfriend para pagselosin ang babaeng nagugustuhan nito... and it was effective! She opened up the idea with her bestfriend Rico and although he had apprehension at first, she was able to convince him. How? Because she put up an excellent argument. Girlfriend for Lease will be considered as a healing process service. Although it's a kind of deception, she'll make sure that the positive result is achieved before terminating the contract with the client. Their service focused on psychological being of their client like how to properly interact with opposite gender, developing self-esteem and how to start a romantic relationship. She did her research, identify the pros and cons, created a business plan, drafted contracts and of course, created a team. Atlast, she was able to start the business 2 years after she finalized all the necessary documents to begin on her new venture. Naging matunog ang pangalan nila sa industriya because of the positive outcome na nangyari sa isa sa pinakamayaman at maimpluwensya nilang kliyente. From then on, naging mistulang rocketship ang business nila. She was even forced to hire more employees para lang maka-cope up sa demand ng mga clients nila. Heto nga, sa araw na iyon ay tatlong kliyente ang kinatagpo niya sa opisina at ang huling appointment niya ay nakatakda sa isang hotel. Matapos niyang makumpleto ang mga dokumentong kakailanganin sa meeting ay isinukbit na niya ang shoulder bag habang tangan ng kaliwang kamay ang mga dokumento. Pinasadahan niya pasumandali ang sariling repleksyon sa salamin bago dumiretso ng paglabas ng opisina. "Sab, huwag mo na akong hintayin, didiretso ako ng school pagkatapos ng meeting ko," habang isinusuot ang blazer ay wika niya sa sekretarya. "Okay. Sabi nga pala ni Mrs. Chua, confirmed na raw ang booking mo papunta sa Island next week. Tumawag din si Kim pupunta siya dito bukas. Mukhang may problema," wika ni Sab. "You tell me..." sang-ayon niya bago nagpakawala ng buntong-hininga. "I'll get going. Ikaw na muna ang bahala rito." "Goodluck!" nakangiting wika nito bago sinagot ang telepono nang mag-ring iyon. Nagmustra siya ng pag-alis pagkuwa'y tuluyang binaybay ang palabas ng establishment. Dumiretso siya sa parking kung saan naka-park ang kotse niya at hindi naglaon ay binabaybay na niya ang daan patungo sa Aromatico Hotels and Resorts. Ang katagpo niya ngayon ay ang General Manager ng hotel na pupuntahan niya. She only spoke with his secretary at ang binanggit lang nito ay ang interes ng amo nito sa kanilang serbisyo. Alas-quatro ang appointment niya at nasa hotel na siya bago pa mag- alas-tres y media. Napaaga siya ng dating. In-anticipate kasi niya ang traffic na himalang maayos ngayon. "Hi, good afternoon. I'm Sky. May appointment ako with Mr. San Nicholas at 4 pm." magiliw na wika niya sa Front Desk. "Sino po sa kanila Ma'am? We have 2 Mr. San Nicholas here at the Hotel," nakangiti ring tanong ng magandang Receptionist. "Ah, si Mr. Emmanuel San Nicholas," sagot niya. Mabuti na lamang at naitanong niya sa Sekretarya nito ang buo nitong pangalan. "One moment, Ma'am," wika nito bago nagdial sa phone. "Hello, Ms. Jane, nandito po si Ms. Sky, may appointment daw po siya kay Mr. Emmanuel," pahayag nito. Bahagya itong tumigil at pinakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya. "Okay po, Ms. Jane," pagtatapos nito bago ibinababa ang telepono at muling bumaling sa kanya. "Nasa meeting pa raw po si Mr. Emmanuel, Ms. Sky. Ipapahatid ko po muna kayo sa Executive Office at doon na lang daw po kayo maghintay," wika nito. "Ah, okay. Thank you," tugon niya. "Mike, pa-assist naman si Ms. Sky sa EO. Hinihintay siya ni Ms. Jane sa office," pakisuyo nito sa kasamahang Bellman. Tumango lang ang lalaki bago siya iginiya sa daan. Nasa unang palapag ang opisina ng kanyang kliyente. Pagbukas ng elevator ay agad na bumugad sa kanya ang isang mamahaling oil painting ng isang magandang babae at sa ibaba niyon ay isang lamesa na gawa sa mahogany. Nasa ibabaw nito ang isang 'di kalakihang vase na nude ang kulay na walang laman na bulaklak. Tila sinadyang hindi ito lagyan ng kahit na anumang palamuti para hindi mapukaw ang atensyon ng sinumang bisita mula sa larawan ng babae. "Ma'am, dito po tayo." Naputol ang kanyang pag-iisip nang magsalita ang Bellman. Tumango siya bago sumunod dito. Isang mahabang pasilyo ang kanilang tinahak. Ilang opisina rin ang kanilang nalampasan bago nila narating ang pinakapunong pintuan sa dulo ng pasilyo. Tatlong katok ang ginawa ng empleyado bago binuksan ang pintuan at pinauna siya. "Salamat, Mike," pakli ng sa palagay niya ay sekretarya ni Mr. San Nicholas. Nakatayo na ito sa lamesa nang datnan nila na animo'y talagang naghihintay sa pagdating niya. Ipininid ng empleyado ang pintuan habang siya naman ay nakangiting pumasok sa loob ng opisina. "Hi, I'm Jane. I'm Mr. Emmanue's Secretary. May I offer you any drinks, Ms. Sky?" tanong ng babae na tingin niya ay halos kasing edad lang niya. "Nice to finally meet you. Ah, just plain water, Ms. Jane, Salamat," sagot niya hababg binubusog ang mga mata sa nakikitang modernong tanawin ng opisina. Iminustra nito na maupo siya sa leather sofa na nasa gilid ng opisina paharap sa lamesa nito. "Any minute, baka dumating na rin si Mr. Emmanuel," wika nito habang binubuksan ang bote ng sparkling water na kinuha mula sa maliit na ref. Marahan nitong inilapag ang dala pati ang isang baso sa glass table na nasa harap niya bago muling umupo sa upuan nito. "Thanks," aniya bago nagsalin ng tubig sa baso at bahagyang uminom. Kanina pa siya nauuhaw at hindi niya malaman kung bakit tila nanunuyo ang lalamunan niya samantalang hindi naman kainitan sa labas.  Makaraan ang ilang sandali ay bumukas ang pintuan na pinasukan niya kanina at iniluwa ang isang lalaki na naka-jacket at sumbrerong itim. Mataas ito at kahit na nababalot ang katawan nito ng makapal na jacket ay hindi maikakaila na matipuno ang pangangatawan nito. Bago pa man dumako ang paningin niya sa mukha ng lalaki ay natawid na nito ang lamesa ng sekretarya. Hindi niya mawari ang nararamdaman pero para siyang inuugoy sa samyo ng panlalaking pabango nito. "Where is he?" mahinang tanong ng lalaki kay Jane na noon ay tumayo at hinarap ang bagong dating. "Sir, dito na muna kayo maghintay. Nasa meeting pa siya pero may meeting ulit siya pagdating niya dito," wika ng babae bago binuksan ang isang glass door at iginiya ang lalaki na agad din namang sumunod. "I just need -" narinig pa niyang pahayag ng lalaki bago tuluyang sumara ang glass door. Ilang saglit pa ay muling lumabas si Jane at bumalik sa puwesto. "Pasensya na, Ms. Sky," paumanhin nito. Tumugon lang siya ng ngiti bago bahagyang tumingin sa nakapinid na glass door. Magtatanong pa sana siya nang bumukas ang front door ng opisina at iniluwa naman ang isang middle-aged man na may kasunod na isa pang mas nakababatang lalaki na nakasuot ng makapal na salamin. Agad namang tumayo si Jane at pinakilala siya sa amo. "Mr. Emmanuel, Ms. Sky is here." Awtomatikong dumako ang paningin nito sa kanya at ang kanina'y istriktong awra nito ay agad na napalitan ng matamis na ngiti. Ibinigay nito sa kasamang lalaki ang dalang papel at mabilis na nakipag-kamay sa kanya. "Am I late for our meeting? Well, I'm sorry, Ms. Sky," paumanhin nito bago siya iginiya na pumasok sa pribadong opisina nito na nasa dulong bahagi ng opisina, katabi ng Executive Lounge na pinasukan ng lalaki kanina. "S-sir, how about these -" susunod pa sana ang nakababatang lalaki nang putulin ito ni Mr. Emmanuel. "Let's discuss about these things tomorrow morning, Rudolph. You may leave," anang matanda bago walang pasabi na isinara ang pinto. "Have a seat, Ms. Sky," anyaya nito habang nakalahad ang palad sa isa sa mga upuan paharap sa lamesa nito. "Thank you. Actually, napaaga lang po ako ng dating." Maagap naman siyang umupo at ngumiti rito. Tumango lang ito at ngumiti. "May I offer you anything before we start?" tanong nito bago umupo sa swivel chair. "No, thanks. I'm fine," sagot niya. Humugot ito ng hininga bago tumingin sa kanya. Pakiramdam niya ay may laman ang bawat tingin nito and it's making her feel uneasy. She took a deep sigh and forced a genuine smile. "May I start with the presentation, Mr. San Nicholas?" tanong niya para lang kumawala sa alanganing sitwasyon. "To be honest, I know your calibre, Ms. Sky. I had a good feedback about your company, so it's definite that I will take your services," pahayag nito bago pa man niya maibigay rito ang brochure ng kanilang kumpanya. "I am flattered, Sir, but I suggest that you go through our brochure to know more about our services," aniya bago tuluyang iniabot ang brochure. "Alright." Bahagya nitong pinasadahan ng tingin ang brochure bago muling bumaling sa kanya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Your company was recommended to me by my fellow businessman and friend, Agustine. You did a good job and I was very impressed on how you changed him and as a result, he's now married with his loving wife," mahabang pahayag nito bago tumayo at tumalikod sa kanya upang humarap sa glass wall kung saan makikita ang ganda ng papalubog ng panghapong araw. "Mr. Agustine was a difficult case but my staff was able to pull it off," sang-ayon niya habang nakatingin din sa labas ng building. Humugot ito ng malalim na hininga bago muling humarap sa kanya at nagpamulsa. "I saw how Agustine changed overnight... for the better, ofcourse. I witnessed how he improved himself and I was surprised, really. I've known him all my life and I was one of those people who really cared for him, but I was not expecting him to be like that after all these years." Nabanaag niya ang magkahalong saya at pag-asa sa mga mata nito. Marahan itong lumakad at naupo muli sa swivel chair. "For 2 years, I never asked him how he changed, until he opened it up to me... willingly. He was the one who told me about you and your services," patuloy nito. "We offer our best service to all our clients, Sir. Before we accept any project, we do all the research, analyze the situation and do all the necessary arrangements. That's why the project may take few months or even years to finish bago natin makuha ang desired results," paliwanag niya. "I know," sang-ayon nito habang tumatango. "Sir, may I know kung para kanino ang project so I could recommend kung sino ang puwedeng maghandle ng client?" diretsong tanong niya. "For my son," sagot nito. Agad niya iyong isinulat sa notebook na hawak at naghintay ng iba pang impormasyon na sasabihin ng matanda. "He's 32..." patuloy nito bago niya narinig ang pagpapakawala nito ng buntong-hininga, na para bang nahihirapan itong magsalita. "S-sir, okay lang po kayo?" maang na tanong niya. Tumango lamang ito bago nagpatuloy. "You see, my son met an accident 8 years ago and it damaged his appearance which also affected his self-esteem. This might sound pathetic, but I want your service to be rendered to him without him knowing it." Nasa tono ng matanda ang tila isang pagsusumamo. "Mr. San Nicholas, your request is beyond our policies. The contract specifically indicates that the client must be aware of our services," paliwanag niya, bagama't naroon sa tinig niya ang simpatya sa sitwasyon. "I understand, but this is a special case, Ms. Sky. He will never agree to this and much more, he will feel more degraded and hopeless," his words were honest, however, this is not the first time she encountered such request. "I'm sorry, Mr. San Nicholas, but -" "I'll double the payment... Cash," giit nito. "But -" "I'll triple it if you will render the service," wika ng baritonong tinig na mula sa bumukas na palang pintuan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Wife (R-18)

read
337.7K
bc

Contract - Tagalog

read
752.3K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Wanted Perfect Yaya

read
240.8K
bc

Reckless Hearts

read
255.7K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
314.9K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
851.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook