bc

After All

book_age0+
595
FOLLOW
5.0K
READ
second chance
pregnant
drama
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

After all the stops and starts we keep coming back to these two hearts. As the song say, they will always come back.

chap-preview
Free preview
Prologue
Mahinang tinapik ni Julie ang bintana. Tuwang tuwa niyang pinapanuod ang paglaglag ng snow mula sa langit. Napadako naman ang tingin niya sa pinto nang marinig niya ang pagtawag sa pangalan niya. "Julie Anne let's go!" Tumatakbong lumabas siya ng kwarto at muntik na tumama sa sariling ama. "Whoa, easy there sport!' Matatawa na sabi ng kayang ama nang saluhin siya nito bago pa siya mapagulong sa hagdanan. "You've grown so big. Nakakalimutan ko na 10 years old ka na." Nginisihan lang niya ang kanyang tatay na hinawakan ang kamay niya para sabay na silang bumaba ng hagdanan. "Fix your dress Julie Anne." Sabi ng kanyang ina. "Wag mo na sawayin ang bata." Sagot ng tatay niya. Umiling na lang si Laura na nanay ni Julie at lumapit para ayusin ang damit ng bata. "Para mas lalo ka gumanda anak." Ngiti nito. Ngumiti din pabalik si Julie at sakto naman ay pumasok ang kanyang ate. "Merry Christmas!" "Merry Christmas Ate Angel!" Bati ni Julie Anne sa kanyang kapatid. "Merry Christmas bunso!" Bati ni Angel at linapitan ang kapatid para yakapin. "Ganda ganda naman ng panganay ko." Sabi pa ni Laura at inayos din ang damit ni Angel. Ngumiti pabalik ang huli na tuwang tuwa din sa pagpuri ng nanay. "Let's go na malelate na tayo sa simbahan." Sabi ni Ian at inakbayan si Angel bago hawakan si Julie nang mahigpit. Dahil malapit lang ang simbahan sa bahay nila ay naglakad na lamang sila. At mas tuwang tuwa pa si Julie dahil sa nakikita niya nang libre ang paglaglag ng snow. Wala pang labing limang minuto at umabot na sila sa simbahan. "Julie!!" Lumingon si Julie sa tumawag sa kanya at napangiti nang makita kung sino ito. "Papa can I play?" Paalam nito sa ama. "Ang dress mo Julie Anne ha." Paalala naman ng nanay. Binalewala ni Julie ang sinabi ng nanay at lumapit na sa batang lalaki na nakaupo sa garden sa labas ng simbahan. "You guys are late." Sabi pa nito. Julie made a face at the boy. "No we're not. The priest is not here yet." Ngumisi lang ang batang lalaki sa kanya nang magiba ang ekspresyon nito sa muhka at inayos nito ang buhok niya. "You have snow in your hair. And fix your dress." Nagsalita pa ito pero ito rin naman ang nagayos ng mga iyon para sa kanya. Ito ang nagpagpag ng nyebe sa buhok niya at ito din ang nagayos sa dress niyang medyo nakukusot. "Eh! Lahat na lang lahat na lang!" Tila naiinis na sabi ng babae. Natawa din ang lalaki at ginaya pa ang ekspresyon sa muhka ni Julie Anne. "Lahat na lang lahat na lang!" "Elmo naman eh!" Tumawa ulit ang batang lalaki at kinurot pa ang pisngi ni Julie Anne. "Syempre I'm concerned. Best friend tayo eh. Diba, Lahat?" "Anong lahat?" Nagtataka pa na tanong ni Julie Anne. "Lahat! It's what you always say! Lahat na lang lahat na lang!" Tawa pa ni Elmo. Bahagyang may accent ang batang lalaki dahil sa America ito lumaki pero marunong naman mag-Tagalog. Julie made yet another face. Parang lagi na lang ganun ang ginagawa niya kapag si Elmo ang kasama. Lumalakas ang paglaglag ng nyebe pero walang pake ang mga bata. Wala pa naman ang pari at hindi pa nagsisimula ang misa. "Uwi ka na kasi ng Philippines." Sabi naman ni Julie sa kaibigan. Siya kasi ay sa Pilipinas talaga nakatira at nagbabakasyon lamang sa New York every Holidays habang si Elmo naman ay sa New York nakatira at umuuwi lamang ng Pilipinas kapag naman summer. Bilang sagot ay ngumiti sa kanya si Elmo at muli ay pinahid ang snow na nasa may ulo ng babae. "Sabi ni mommy sa Philippines daw ako magco-college." "Eh pano yun? The curriculum's different here." Sabi pa ni Julie. Elmo shrugged just as Julie fixed his jacket. "O tingnan mo, ikaw magulo din jacket." Ngumisi sa kanya si Elmo. "Lahat na lang." At hindi na napigilan ni Julie ang sarili at muli ay natawa. "Lahat..." "Lahat..." Sabi ni Elmo na tila nagsasangayon. Sabay pa sila napatingala sa nalalaglag na snow. "Merry Christmas, Lahat." Pangaasar pa ni Julie. Pero kumagat din naman si Elmo at sumagot. "Merry Christmas, Lahat." "Elmo! Julie Anne! Pasok na!" Tumingin sa isa't isa ang dalawang bata at saka naman hinatak patayo ni Elmo ang kaibigang babae. "Let's go Lahat!" 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.1K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.0K
bc

A Night With My Professor

read
495.7K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.3K
bc

OSCAR

read
226.2K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook