bc

A very unusual way to like someone

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
tomboy
twisted
campus
highschool
like
intro-logo
Blurb

One day Dylan found herself being attracted to Michaela but at the same time confused because she's not sure whether if it's just Idolizing Mica or if it's already 'Love'.

Entering Cloud Bautista, Dylan's enemy since their elementary days, the famous volleyball player in the campus who's always on the game when it comes to silly things.

Will Cloud be Dylan's love rival or someone who'll melt Dylan's toughness?

chap-preview
Free preview
C H A P T E R. 1
Disclaimer! This is a work of fiction. Certain names,events and incidents that are mentioned are purely products of the author's imagination. Wednesday ngayon at nakatambay ako ngayon dito sa library, hindi para mag basa kundi para matulog. Tahimik kase dito sa library dahil puro matatalino lng ang nandito at mahigpit na ipinagbabawal ang pag iingay. Kaya sa lahat ng parte ng school eto ang pinaka paborito ko dahil malayo sa ingay ng mga estudyante , malamig pa dahil may aircon dito hehe. Hindi naman pumasok Sir. Ocampo ngayon, ang teacher namin English subject kaya okay lng magpakalat kalat ako saka sa library naman ako nandidito kaya magandang alibi ang maibibigay ko sakaling malaman ni Sir. Ocampo na wala ako sa room. Nasa bandang dulo ako ng Library na to para hindi ako agad makita ng librarian, papaalisin kase ako nun pag nalamang natutulog lang ako dito. Sasabihin pa nun ' kaya ka lng nandito kase may aircon eh ' eh siya nga nag ffacebook lng dun sa upuan nya naka-aircon na may sweldo pa. Kaya naman kumuha ako ng mga librong related din sa pinag aaralan namin at saka ibinukas ito sa pinaka gitna para kapag nahuli akong natutulog sasabihin ko lng ang magic word ' nakatulog po ako habang nag babasa ' hehe. Medyo gamit na nga lng yung palusot nayun pero dahil ako si Dylan, gagana yan for sure. Bakit? Kung hindi nyo naitatanong consistent honor student ako, pero hindi ako yung tipo ng estudyante na halos puro pag aaral lng ang alam. Kaya kong ibalanse ang pag aaral at pag loloko, wait...wait baka kung anong pagloloko iniisip nyo magbigay na lng ako ng halimbawa hmmm... Eto yung ginagawa ko ngayon hehe nasa labas ng classroom pakalat kalat, napunta narin ako ng guidance office dalawang beses nung nasa Elementary ako maliit na offense lng naman yun no pero ngayong highschool wala pa naman. Gusto ko lng ienjoy ang youth ko kasabay ng mabuting pag aaral ko minsan ko lng to mararanasan kaya sinusulit ko na, nasa 3rd year highschool nako at malapit na rin mag-college. Sabi ng mga kakilala ko sulitin ko na daw yung highschool life ko kase baka hindi ko daw to magawa pag nasa college nako. " Dylan! " May tumatawag ba sakin? " Nandito ka lng pala, kanina ka pa namin hinahanap" pamilyar yung boses na'to ah. " Dylan!" Argh sino ba'tong tawag ng tawag istorbo naman eh " Patay ka kay Sir. Ocam-" hindi pa natatapos ng boses na iyon ang dapat na sasabihin niya ng bigla kong itinaas ang aking ulo mula sa pag kakayuko, 'akala ko panaginip lng yung boses na tumatawag sakin'. " Ay! Nakakagulat ka naman bakla! " Hiyaw ni Francis, ang kaibigan kong beki. " Hinahanap...ba ako... ni Sir. ...Jerome?? " Mahina at mahabang tanong ko sa kanila dahilan para magtawanan sila ng malakas. 'tinatawanan ba nila ang tanong ko? Seryoso akong nagtatanong eh'. " Ano ba nagtatanong eh " inis na sabi ko " Hindi no niloloko ka lng namen, himbing ng tulog mo Dy, kanina ka pa namin tinatawag kung hindi namin sasabihin ang magic word di ka gigising tch. " Tugon ni Carl, ang kaibigan kong beki ay hindi pala nasa indenial stage pa siya let just say ' paminta' ? " Uyy kinabahan siya HAHAAHAHAAH " panunura ni Jamaica, atsaka sinabayan nila ng tawanan. " Siraulo hindi no! " Angil ko. hindi naman talaga ako kinabahan, slight lng hehe saka may palusot naman nako kung mahuhuli man talaga ako, my plan is perfect. " Shhhh! Students at the back kung mag iingay lng kayo dito the door is open pwedeng pwede kayong lumabas " mahina pero may diin na sabi ng Librarian sa aming apat. " Guys labas na tayo, nakakadisturb tayo ng mga tao dito tara na " maarteng sambit ni Maica at saka ipinalupot ang kanyang braso sa akin para hilahin ako palabas. " Tsk, arte naman nun parang ang hina nga ng boses naten eh " naiiritang sabi ni francis nang makalabas kami ng library habang kinukutkot pa ang kanyang mga kuko. " Luko lakas kaya ng mga bunganga nyo, kaya ayoko kayong kasama eh!" Sagot ko sa kanya saka padabog na naupo sa bench ng gymnasium. " Ang sakit mo namang magsalita teh. Putulin ko yang dila mo anyways, may nasagap akong balita " " Kung ano man yan francis wag mo ng ituloy mukang nonsense na naman yan eh " pailing-iling na sabi ni Carl. " How dare you Carla na tawagin akong Francis, didn't i told you na tatawagin nyo lng akong 'Francis' when my dad is around. Bakit nandito ba siya? " Nakapamewang na ani ni Francis- ay Franz habang dinuduro duro pa si Carl habang ako naman at si Maica ay tatawa tawa dahil sa pangalang itinawag ni Franz kay Carl ' Carla' HAHAHAHAHHAHAHAHAAHA. " Oo, yun oh nasa likod mo ' tugon ni Carl sabay turo sa likuran ni Franz. " Dad " Malalim ang boses na sabi ni Franz sabay lingon sa kanyang likuran. Nag tawanan kami ng malakas ng makita ang priceless na reaksyon ni Franz ng makita niyang wala naman talaga duon ang kanyang ama. Hindi kase alam ng tatay ni Franz na isa siyang binabae ang kanyang nanay lng ang nakakaalam at ang bunso niyang kapatid na si Francheska, panganay na anak si Franz at nag iisang lalaki pangarap ng tatay niya na mag karoon ng anak na lalaki para iyon daw ang mag mamana ng kompanya nila yes, mayaman sila Franz pero mukang pulibi kapag kasama namin dahil puro palibre lng ang alam. " Alam nyo hindi kayo nakakatuwa, kayong tatlo ang sarap nyong krompalin lalo kana Carla " nakapamewang na sagot ni Franz saka umirap sa hangin. " Joke lng naman Franz,sorry na luv u " paglalambing na ani ni Maica kay Franz. Kahit na ganon lng ang sinabi sa amin ni Franz alam naming kinabahan parin siya hindi man nya sabihin, may pagka-terror kase ang tatay niya. " Okay, anyways AGAIN sana wala ng MAG- INTERRUPT " pagpaparinig ni Franz. " A little bird told me na...may bagong transferee sa section naten, unfortunately...babae " disappointed na tugon niya. "Ohhhh" - Carl " Ahhh " - ako Sabay naming reaksyon at saka napatingin sa isa't isa. " Wow! Kunware interested dun sa bagong transferee kase BABAE " biro ko kay Carl habang pinagdidiinan ang salitang babae. " Wow! kunware disappointed kase hindi LALAKI " pambabara niya sa akin saka diniinan ang salitang lalaki." Pero ang totoo interested siya kase BABAE " dagdag pa niya. " Siraulo " binatukan ko siya dahilan para magtawanan sila na pati ako ay natawa na rin. " Time na! " Naputol ang tawanan namin sa sinabi ni Maica. A.P. time na at kailangan na naming pumasok ng room bago ang subject teacher namin dahil kapag nauna siya pumasok sa room namin paniguradong magwawala na naman yun and worst patayuin kami sa pintuan buong period nya, yes...terror ang teacher namin sa A.P. and yes sobrang old school ng punishment niya sa Elem. lng ata ginagawa yun eh yun ang subject time na sobrang tahimik ng classroom namin as in sobrang tahimik sa sobrang sungit ng teacher namin na yun. One time nga sinabunutan nya yung seatmate ko dahil mali ang sagot na ibinigay niya kay Ma'am Pascual. " Tara kung ayaw nyong mabungangaan " nagmamadaling ani ni Carl. " Baka gusto nyong bilisan Jamaica? Francis?" Sarkastikong tanong ko sa dalawa. * Kring kring * * kring kring * Tunog ng bell ng school hudyat na uwian na namin. "Ughh" hikab ni Carl habang nag iinat inat pa. Ramdam ko ang antok ako man din ay inaatok, Filipino ang huling subject namin sa maghapon kaya nakakaantok talaga bago mag uwian lalo na ngayon at bumubuhos ang malakas na ulan mabutinna lng at uwian na. " Pagkauwiang-pagkauwi ko matutulog talaga ako, ang sarap matulog ngayon" sambit ko saka hinarap sila." Una na ko guys bye bye " saka ko isinukbit ang aking bag at saka patakbong lumabas ng classroom. Nasa hallway ako ngayon at abala ako sa pag hahanap ng aking payong sa aking bag ng may isang walang kwentang ang bumunggo sa akin dahilan para mawalan ako ng balanse at basa rin ang tiles ng hallway kaya naman mas lalo akong nawala sa aking balanse ramdam kong babagsak na ang aking katawan sa malamig sa sahig na aking inaapakan kaya naman hinanda ko na ang sarili ko sa lakas ng impact na mararamdaman ko once na tumama ako sa sahig. Para bang ako'y nasa pelikula kung saan ang babaeng pangunahing karakter ay nadulas, unti unting bumabagal ang palagid pagkatapos ay darating ang kanyang kapareha sa kwento kung saan siya ay sasaluhin nito sila ay mag kakatitigan at boom dun na mag sisimula ang kanila love story. Sa mga ibang babae siguro magugustuhan nila ang sitwasyong ganito pero sa akin HINDI ! " Ahhh, paki tayo ako" sambit ko habang pinapalo palo ang braso ng lalaking nakaalalay sa aking likod at baywang. Pwersahan ako nitong itinayo dahilan upang lumagutok ang ilang buto sa bahagi ng aking katawan, pakiramdam ko ay parang nabalian pa ako ng buto sa ginawa nyang pag tayo sa akin 'ahh siraulo to ah maka hila saken wagas' saka ko nilingon ang nilalang na tumulong sa akin upang tignan ang kanyang muka dahil hindi ko ito masyadong nakita noong inalalayan ako nito kanina. " RION!? " nagugulat kong tanong. " Oh! Bat parang gulat na gulat ka di mo ba ineexpect na sasaluhin kita? " Sagot niya at saka ako kinindatan. " Yak! Kadiri " anang ko atsaka akmang pinupunasan ang bahagi ng aking damit na kanyang nahawakan. " Ang arte mo naman di ka naman maganda, ikaw nangang tinulungan jan " Kunot noong ani niya. ' aba gago to ah anong pinagsasabi nitong hindi maganda foul yun ah, masyadonna atang personal yun saka anong connect ng itsura ko sa nangyari kanina?' " pasmado talaga bunganga mo ano? Edi thank you! Tabi nga!" Saka ko siya hinawi na parang kurtina dahil sa kapayatan niya. ' sa bahay Kakatapos ko lng maligo dahil pag kauwi ko ay basang basa ako ng ulan. Hawak ko ang aking selpon sa aking kanang kamay habang hawak ko naman sa kaliwang kamay ang maliit na tuwalya na nakasukbit sa aking leeg habang marahang pinupunasan ang aking basang buhok. Matapos mapunasan ang aking buhok ay saka ako naupo sa aking kama ' mamaya na lng ako mag susuklay pag tuyo na buhok ko' ani ko sa aking sarili. Nag sscroll lng ako sa YouTube upang maghanap ng video na pwede kong panoodin nang wala akong mahanap na maganda video content ay marahas kong pinatay ang aking selpon at saka ko sinuklay ang aking buhok. Habang sinusuklay ko ang aking mahabang buhok ay walang malay na inuulit ko na pala sa aking isipan ang nangyari kanina sa hallway. ' parang dati lng ah lagi kaming laman ng guidance office ng kumag na yun ah, medyo nag matured din sya pero ganon pa den ugali basura tsk.' Mag kaklase kami ni Rion mula grade 6 hanggang ngayon pero kahit na magkaklase kami ay bihira lamang kaming mag pansinan hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil sa... ' flashback " Ma'am Mae si Dylan po at saka si Rion nag aaway na naman po" " bitaw sabi eh, ahhh" " ma'am nag kakagulo na po sa room " " bibitawan ko lng buhok mo kapag binitawan mo na tenga ko" " parating na si ma'am tumigil na kayo jan! " " pag naabutan tayong ganito ni ma'am humanda ka talaga sakin mamayang uwian" " lagot kayo! " " oh eh ano naman? akala mo hindi kita papatulan porket babae ka? " " Sabi ng bitaw e, bibitaw ka o hinde? " " hindi! " wala sa bokabularyo ko ang salitang "talo", kaya kung competitive siya mas competitive ako. kaya naman... " ah ganon " pag kasabi ko nun ay saka ko hinila muli ang tenga niya na ngayon ay napaka pula na dahil sa higpit ng pag kakahawak at paghila ko dito. " ahhh ahhhhh ahhhhhh " palahaw ni Rion habang pinapalo palo pa ang braso ko na parang bang gustong sabihin na talo na siya at tanggalin na ang pagkakahawak ko sa kanyang tenga. Nasa ganoong sitwasyon kami ng... " DYLAN AVERY VASQUEZ! HAIDEN CLOUD RI- HAIDEN RION CLOUD BAUTISTA! " sigaw ng aming gurong tagapayo na halos maputol ang hininga dahil sa haba at lakas ng kanyang pag kakasigaw at paubo ubo pa na para bang nasamid siya sa sarili niyang laway. Inulan naman ng tawanan ang buong classroom dahil maling pag kakabigkas ng aming guro sa pangalan ng lalaking kaaway ko. Ano naman kayang trip ng magulang ng isang to at binigyan ng napaka haba at komplikadong pangalan tsk. Bata palang si Ms. Mae pero kung titignan mo ang kanyang itsura mukang nasa 30's na siya siguro ay dala na rin ng pag-kastress niya sa kanyang mga estudyante. Ayoko naman talagang patulan tong si Ulap dahil ayokong mapasama sa mga estudyanteng makukulit at palaging laman ng guidance office dito sa school pero hindi ko talaga matantya ang ugali ng isang to, pati pag mumuka niya na nakakairita ang sarap...balatan...joke " anong kaguluhan to? Dylan? Rion? Bakit nag aaway na naman kayo? " mahinahon na sabi ng aming guro ngunit naroon parin ang galit at pagkairita sa kanyang boses at tila ba hinahabol parin ang hininga mula sa pag sigaw nya kanina. " Si Dylan po kase " paninisi ni Rion sa akin habang nakuturo pa ang kanyang daliri sa akin. 'siraulo ba tong Ulap na'to anong ako!?' iritang sabi ko sa sarili. " Anong ako? Ikaw nag umpisa jan eh, di nga kita inaano " pandedepensa ko sa aking sarili atsaka inirapan si Rion. " Enough! Sa pag tuturuan kayong dalawa pumunta kayo sa guidance office now! " Sigaw ulit ni ms. Mae " Ikaw kase eh" bulong ni Rion habang palabas ng classroom. " Anong ako baka ikaw, pakeelamero ka kase eh" bulong ko pabalik habang inaambahan si Rion ng suntok. ' guidance office " Anong nangyari explain" galit na utos ni ms. Mae, nasa Guidance office na kami ngayon at magkaharapan kaming nakaupo ni Rion sa tabi ng desk ni ma'am Mae. " Si Rion po talaga ang nag umpisa-" naputol ang dapat sanay sasabihin ko ng biglang sumingit ang mokong. " Anong ako? Hindi po ako yun ms. Mae, nagtatanong lng naman po ako sa kanya tapos bigla na lng nananakit " mabilis na sambit ni Rion. " Hindi ka nagtatanong, NAMAMAKI-ALAM KA " sagot ko pabalik at pinagkadiinan ko pa ang salitang namamakialam. " Okay, Mr. Bautista ano naman ba ang pinapakialam mo kay Ms. Vasquez? " Tanong ni Ma'am Mae kay Rion. " Her bag po, pero I'm just curious po about why is she playing pogs and text, she's not a guy. Perhaps are you a tomboy Dylan? " Sagot ni Rion habang tiim na nakatitig saakin. " Eh ano naman sayo kung nag lalaro ako nun? " Tanong ko atsaka inirapan siya "May masama ba dun? Atsaka ikaw! Bakit ka nakikipag away sa babae bakla ka ba? " pananapos ko sa aking sasabihin atsaka ngumisi. " Anong bakla? Di ako bakla! " Galit na sabi niya at saka matiim na timitig sa akin. Medyo kinabahan ako sa sama ng tingin niya baka mamaya may masama na palang binanalak tong mokong nato, pero hindi ako nag pasindak sa mga masasamang tingin niya. At tiitigan ko din siya pabalik na may halong panunura habang ngumingisi. " Class walang mali sa pagiging tomboy o bakla, ang mali dito ay yung nag aaway kayo dahil lng sa maliit na bagay, go ahead ng apologize to each other now." " Ayoko " sabay naming sagot. Kapwa mga bata pa kami ng panahon na iyon kung kaya't ang pagiging immature ay likas sa amin. " Hindi pwedeng ayoko, go ahead now apologize to each other bago ko pa tawagan ang mga parents nyo" nagbabantang tinig ni Ms. Mae At bilang isang mabait na nilalang, kapwa, anak, kapatid, kaibigan, kamag-aral, estudyante, asaw- ... ay agad kong inilahad ang aking kamay habang inuusal ang salitang ' im sorry ' ganoon din ang kanyang ginawa, matapos nun ay pinabalik na kami sa classroom. ' end of flashback 'pero teka lng bakit ko nga pala binabalikan pa yung mga ganitong memories sa utak ko, ugh kadiri ' kinilabutan ako sa sarili kong iniisip hindi dahil may gusto ako kay Rion kundi sobrang nakakahiya 'grabe parang gusto ko na lng humimlay, ako lng ba yung ganto? Bakit ko kaya ginawa yun? ' iiling iling kong sabi sa sarili at saka nahiga na para matulog. ' the next day Sa totoo lng malapit lng naman yung bahay namin sa school na pinapasukan ko, hindi ko lng talaga malaan kung bakit palagi pa rin akong late kumpara sa mga kaklase kong nakatira pa sa malalayong lugar. Lakad patakbo ang ginawa ko wag lng maabutan ng bell ng school dahil oras na mag-ring na to na late ka na, at ang lahat ng late ay pag pupulutin ng mga kalat sa school groud in 10 mins yung tipong kakapasok mo palng ay amoy uwian ka na. 'nice' masayang tugon ko ng makaabot ako sa room ng hindi pa nag-bbell. " Late ka na naman bakla " muka ni Franz ang bumungad sa akin ng umagang iyon. " Magbagong buhay ka na Dy " sulpot ni Carl sa likod ni Franz. " Wow! Coming from you Carl late ka rin naman ah, kala mo d ko alam? Kanina pa kita tinatawag nung tumatakbo ka paakyat ng room. Siraulo " tatawa tawa kong sagot at saka ibinaba ang aking bag sa aking upuan. " Dylan, 20 pesos para sa floorwax " nakalahad na tugon ni Riza, ang treasurer ng aming section siya rin yung seatmate ko na sinabunutan ni Ma'am Pascual. Ngayon masasabi kong deserve nga nya yung sabunot na yun, kay gandang bungad sa umaga. " Haist! " Singhal ko " nag-ffloorwax pa rin ba tayo? Sa Elementary lng ata yung ganon eh " saka sabay abot ng bente pesos, agad naman siyang umalis at d na nag abala pang sagutin ang sinabi ko dahil kailangan pa niyang singilin ang iba ko pang kaklaseng ngayon lng din dumating. Papaupo na ko ang pigilan ako ni Franz. Sa aming apat ako lng ang nalayo ng upuan hindi naman sobrang layo, nasa likuran lng naman nila akong tatlo. Sa room namin ay may tatlong columns, sa bawat row naman ng columns may tatlong upuan ganon ang seating arrangement namin kaya hindi ko sila katabi nasa pinaka huling row ako nakaupo pero dalawa lng kami dito ni Riza kaya may isa pang bakanteng upuan sa tabi ko at mukang makakatabi ko ang bagong transferee dahil ito lng naman na yung available na upuan dito sa aming room at paniguradong ito rin ang sasabihin sa akin ng kaibigan kong bakla. " Dy, your time has come paniguradong-" pinutol ko agad ang mga sasabihin ni Franz dahil alam ko na kung ano ang kanyang pinupunto. " paniguradong ako ang makakatabi ng transferee dahil yung upuang katabi ko, ang bakanteng upuan na natitira na lng." Pagtutuloy sa kanyang sasabihin. "Bingo! " Hiyaw ni Maica na siyang ikinatawa ng dalawang bakla. " So? Ano naman ngayon kung makakatabi ko yung bagong transferee? " takang tanong ko na siya namang iwas ng tatlo, bigla na lng nasiupo at hindi ako pinansin na para bang wala akong tinanong mag sasalita pa sana ako pero biglang tumunog ang bell kasunod ng pag pasok ng aming adviser. " Good morning,class " bati ni Mrs. Reyes, ang aming adviser at teacher sa Science. Yes... Science ang first subject namin sa umaga. " Good morning, Mrs. Reyes " malakas na tugon ng aking mga kaklase ang iba kong mga luko-lokong kaklase ay sinadya talagang lakasan ang pagbati habang tatawa tawa pa sila. " Okay,sit down maliban dun sa mga nasa hulihang row na mga nangagago pa " sarkastikong saad ni mrs. Reyes. ' hala ba't pati ako nandamay di naman ako kasali dun eh ' mahinang bulong ko. Siraulo kase tong mga lalaki sa bandang likuran den eh, masarap balian ng buto nakakahiya tuloy nakatayo kaming mga nasa pang dulong row. " Good morning, Mrs. Reyes " bati namin ngunit kamalas malasan nga naman hindi pa nag kasabay sabay na siyang ikinatawa ng aking mga kaklase. ' nubatong mga to parang mga grade 1 mag-ggreet lng d pa kaya tsk.' iritang sabi ko. " Aba talagang hindi kayo aayos ah, Ulit! " Malakas na sambit ni Mrs. Reyes. " Good morning, Mrs. Reyes " this time maayos na, salamat Diyos. " Parang mga grade 1 " pagtataray ni ma'am, mukang wala na naman siya ngayon sa mood sanay na kaming mag kakaklase sa ganitong scenario sa room. Kapag palaging sumisigaw at nagtataray si ma'am matik wala sa mood to. " Nga pala may bago kayong classmate" patuloy nya. " Iha pasok ka " matapos nito ay pumasok ang isang hindi kapayatang babae, maputi, may maikling buhok na katulad ng kay Dora pero bumagay naman sa kanya palibhasa may itsura at mukhang mas maliit siya kaysa sakin pero hindi gaanong nalalayo ang height namin sa isa't isa. " Woah! " Singhap ng mga lalaki kong kaklase ng makapasok ang bagong transferee sa room namin. " Please introduce yourself " utos ni ma'am. " Ahmm... Hi, i am Michaela Muse P. Rios, 17. Nice to meet you all " mahinang pagpapakilala niya sa harapan at saka bumaling kay ma'am. " That's it? " Tumango naman si tranferee. " Okay... Hmmm " Mahinang utas ni ma'am habang tila naghahanap ng upuan kung saan pwedeng umupo ang bagong estudyante." Dun sa tabi ni Vasquez " ininguso ni ma'am ang pwesto ko. " Dun po ? " Nakaturong tanong ni transferee, nang makita kong nakatingin siya saakin ay nag iwas ako ng tingin at saka kunwaring may abala sa pagsusulat ng hindi ko rin malaman kung ano man iyon. " Oo dun sa pang unang line, pinakahuling row" dinig kong sabi ni ma'am. Hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala ang transferee. " Hi " malumanay na tinig niya mukang ako yata ang kinakausap nya, pero hindi ako nag aksayang tapunan siya ng tingin, ' gusto ko lng mag-act na kunware isa akong masungit at mysterious na estudyante' kaya ipinagpatuloy ko lng kung ano man tong ginagawa ko. Mahigit 30 Segundo na ata ang nakalipas pero ramdam ko parin na parang may nakatayo sa aking harapan pero ipinagsawalang bahala ko lng ito not until... " Dy" pabulong na tawag ni Maica sa akin pero hindi ko siya pinansin. " Dylan" this time si Carl naman ang tumatawag sa pangalan ko habang niyuyugyog pa ang braso ko. " Ano ba yun-" inis kong baling. Nagugulat kong nakita na nakatayo pa rin pala sa harapan ko ang transferee, naguguluhan ko siyang tinanong " bakit? " mahinang tanong ko. Pagkatapos ay itinuro niya ang katabing upuan ko, napalingin naman ako duon at doon ko na realize na kaya pla hindi pa umuupo at umaalis ang transferee sa harapan ko ay dahil nasa upuan nya ang bag ko. Nahihiyang tinanggal ko ito at saka sinabing " okay na, sorry "

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook