bc

Marrying the Devil Billionaire

book_age18+
124.8K
FOLLOW
1.1M
READ
billionaire
sex
one-night stand
kidnap
badboy
brave
CEO
drama
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

WARNING: SUPER RATED SPG! READ YOUR OWN RISK!

PLAGIARISM IS A CRIME! DO NOT COPY!

BOOK 1 - COMPLETED

BOOK 2 - COMPLETED

BOOK 3 - COMPLETED

#COMPLETED #VIP #PAY-TO-READ

Lara Laureen Montenegro and Damon Adler Miller’s story

Si Lara Laureen Montenegro ay ang nakakatandang kapatid ni Isabelle Montenegro. Dahil siya ang unang anak sa pamilya, kailangan niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa kanyang kapatid. Kahit ayaw niyang maging tagapagmana sa kanilang negosyo ay wala siyang nagawa kundi tanggapin ito at mahalin. Si Lara ay isang masunurin na anak at lahat nang sinasabi ng kanyang ama ay sinusunod niya upang hindi ito ma disappoint at ayaw niya rin na madamay si Isabelle sa mga paghihirapan na nararanasan niya.

Paano kung dumating sa punto na ipakasal ang kanyang kapatid sa hindi niya naman kilala? Ang pinaka ayaw ni Lara ay makitang umiiyak ang kapatid at nasasaktan, kaya gagawin niya ang lahat nang kanyang makakaya upang hindi matuloy ang kasal at ito ay ang akitin ang lalaking papakasalan ni Isabelle.

Pero paano kung pumalpak ang plano ni Lara? at sa iba palang lalaki ang naakit niya! Hindi si Luke Archer Coleman ang nakasama niya kundi si Damon Adler Miller, ang demonyong bilyonaryo at kailangan niya itong pakasalan kahit labag man sa kanyang kalooban.

DO NOT COPY!

PLAGIARISM IS A CRIME.

chap-preview
Free preview
SIMULA
MARRYING THE DEVIL BILLIONAIRE SIMULA “Lara, iwan mo na siya para hindi ka na masaktan nang demonyong iyon!” galit na sabi ng aking kaibigan na si Steven. Napakagat ako sa aking labi at hindi nakapagsalita. Nandito kami ngayon sa isang resto bar na malapit lang sa kompanya namin. Nakipagkita ako kay Steven dahil hindi ko na kayang itago itong matagal ko ng nararamdaman na pasakit galing sa asawa ko. “Wala siyang magandang naidulot sa ‘yo simula noong kinasal kayong dalawa. Wala siyang pakialam sa ‘yo, hindi ka niya mahal!” Alam kong masyadong harsh si Steven sa sinasabi niya sa akin ngayon pero totoo naman ang lahat ng iyon. Simula noong kinasal ako sa asawa ko ay wala ng magandang nangyari sa buhay ko. Ang magulong buhay ko noon ay mas lalong gumulo no’ng kinasal ako sa demonyo kong asawa. I tried to make our relationship healthy but I failed. Wala siyang plano na makipag-ayos sa akin. Ang gusto niya ay ang saktan ako nang paulit-ulit at iparamdam sa akin ang kagagahan na nagawa ko noon. Napahilamos ako sa aking mukha dahil hindi ko na alam ang aking gagawin. Humarap ako kay Steven at tignan siya ng seryoso. “Our company needs him, Steven. Hindi ko siya pwedeng iwan. Magagalit din sa akin si Daddy kapag nalaman niyang balak kong iwan si Adler,” seryoso kong sabi. Umigting ang kanyang panga habang seryoso rin na nakatingin sa akin. “Plano mong magpaka-martyr, Lara Laureen Montenegro?” Nangingilid na ang aking mga luha ngayon at ang bigat na ng aking pakiramdam. Napapikit ako at kasabay nito ang pagpatak ng aking mga luha. Hinay-hinay akong tumango at umiyak nang umiyak. “M-Mahal ko na rin siya, Steven. Hindi ko kayang iwan ang asawa ko kasi mahal ko na siya,” mahina kong sabi. Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Steven at niyakap ako. Sumiksik ako sa kanyang dibdib at doon umiyak nang umiyak. Sa kanya ko lang naipapalabas ang mga problema ko at sa kanya lang ako umiiyak ng ganito. Kahit masyadong harsh ang sinasabi niya, dinadamayan niya naman ako. “Ang tanga mo talaga kahit kailan, Lara!” sabi niya habang nakayakap sa akin. Mahina akong napatawa at mas niyakap pa siya lalo. Nang matapos na akong umiyak ay napagpasyahan na naming umuwi sa mga sarili naming tahanan. Kailangan ko na rin umuwi dahil sigurado akong nasa bahay na ang asawa ko. “Mag-ingat ka, Lara!” paalam ni Steven sa akin bago pumasok sa kanyang kotse at pinaandar ito. Ngumiti ako at kumaway sa kanya. Nang makaalis na si Steven ay pumunta na rin ako sa aking sasakyan at napagpasyahan ng umuwi. Mabilis lang akong nakarating sa subdivision namin dahil hindi ito masyadong malayo sa aming kompanya. Pagkatapos kong nilagay sa garage ang kotse ko ay lumabas na ako at pumasok sa aming bahay. Pagpasok ko sa loob ay katahimikan kaagad ang bumungad sa akin. Dalawa lang ang kasambahay namin dito sa bahay at tahimik lang din sila kaya walang nag-iingay dito sa amin. Umakyat na ako sa hagdan at pumunta sa aming kwarto ni Adler. Oo, tabi pa rin kami sa pagtulog dahil iyon ang gusto ni Adler. Ayaw niya man sa akin pero gusto niya ang aking katawan. May pangangailangan pa rin kami sa isa’t isa at dito ko lang nararamdaman na mag-asawa kaming dalawa. Masakit man para sa akin pero wala akong magagawa, mahal na mahal ko ang asawa ko. Pagpasok ko sa loob ay kaagad kong nakita si Adler sa may balcony namin habang naninigarilyo. Nakasuot siya ng white sando at naka pajama na rin siya. Nang maisirado ko na ang pintuan ay humarap siya sa akin at kaagad kong nakita ang matalim niyang mga titig sa akin. “A-Adler, ang aga mo atang nakauwi galing kompanya,” sabi ko sa kanya na may halong kaba. Nakipagkita ako kanina kay Steven at ayokong malaman iyon ni Adler. Hindi man ako mahal ng asawa ko pero nagagalit siya kapag may ibang lalaki na lumalapit sa akin at pati si Steven ay ayaw niyang lapitan ko. Pinatay niya muna ang sigarilyo na hawak niya at itinapon ito. Hinay-hinay siyang lumapit habang may matalim pa rin na tingin sa akin. Napalunok ako sa aking laway at naramdaman ko rin ang malakas na pagtibok ng aking puso. “A-Adler!” tili ko. Hinapit niya ako sa aking beywang at pinagdikit ang aming mga katawan. Nilapit niya ang kanyang mukha sa may tenga ko at dinilaan ang aking tenga at kinagat ito. Napakapit ako sa kanyang balikat at mahinang napaungol. Napapikit din ako sa aking mga mata dahil hindi ko kaya ang titigan siya. “Where have you been, Lara Laureen Miller?” bulong niya malapit sa aking tenga. Napalunok ako sa aking laway at nahihirapan siyang sagutin sa aming posisyon ngayon. Naramdaman ko ang paghaplos ni Adler sa may hita ko kaya mas lalo akong hindi mapakali. “A-Adler—” “Someone saw my wife earlier with Steven Saavedra. Can I ask if that’s true, Mrs. Miller?” tanong sa akin ni Adler gamit ang kanyang malambing na boses. Imbis na kiligin ako sa uri ng pagkakasabi niya pero mas lalo pa akong natakot dahil alam ko na ang sunod na mangyayari. “Open your eyes!” Napatalon ako sa gulat sa kanyang pagsigaw at mabilis na minulat ang aking mga mata at napatingin sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot sa kanyang susunod na gagawin. Nakita ko ang nakakatakot niyang eksprisyon habang nakatingin sa akin. Hinawakan niya ang aking baba at inilapit ang mukha ko sa kanyang mukha. Nanlamig ako nang dilaan niya ang gilid ng aking labi at muli akong binulongan. “Ano ‘yung sinabi ko sa ‘yo noon, wife?” Nanginginig ang aking labi na sinagot ang kanyang tanong. “B-Bawal makipagkita sa ibang… ibang lalaki,” nauutal kong sabi. “Hmmm.” Hinaplos niya ang aking beywang at hinalikan ang aking pisngi. “Can you explain what happened earlier?” “M-Magkaibigan lang kami ni Steven, Adler. W-Wala akong ginagawa na masama—” “Liar!” sigaw niya. Hindi ko na mapigilan na maiyak. Napatili ako nang buhatin ako ni Adler at inihiga sa aming kama. Nanlaki ang mga mata ko ng pumatong siya sa akin. “A-Adler!” “Walang ibang pwedeng lumapit sa ‘yo, umangkin sa ‘yo at humawak sa ‘yo dahil akin ka lang, Lara Laureen Miller! Hindi ka makakatakas sa akin dahil hindi ko hahayaan na maging masaya ka!” sigaw niya at tumawa ng mala-demonyo. Napapikit ako sa aking mga mata at umiyak nang tahimik. Ito ang buhay ko. Nang dahil sa kagagahan na nagawa ko noon ay nakulong ako sa isang relasyon na hindi ko naman ginusto. Ikinasal ako sa lalaking walang ibang ginawa kundi gawing impyerno ang buhay ko. Pero hindi ko akalain na kahit puro pasakit lang ang binibigay niya sa akin ay mahuhulog ako sa kanya, mahuhulog ako sa demonyong katulad niya. I am Lara Laureen Montenegro Miller, and I married the Devil Billionaire named Damon Adler Miller.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
83.7K
bc

His Obsession

read
69.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook