bc

Villa Erotica: Akim Guindesalvus

book_age18+
1.0K
FOLLOW
4.1K
READ
sex
one-night stand
fated
CEO
boss
billionairess
comedy
sassy
like
intro-logo
Blurb

Villa Erotica Series One: Akim Guindesalvus

Playboy tycoon Alejandro Farrell ‘Akim’ Guindesalvus doesn’t expect to see Anastasia Placino in his family villa.

Over the bakod na pinasok ni Anastasia Celine ‘Ancee’ Placino ang isang malaking villa para mapuntahan lamang ang ama ng dinadala ng kaniyang matalik na kaibigan. Dahil sa ayaw ipaalam ng kaibigan nito na siya ay buntis sa lalaking iyon ay si Ancee na ang kumilos.

Ngunit sa pagpasok niya sa villa na iyon ay hindi niya akalain na hindi na rin siya makakaalis. Akim Guindesalvus threat Ancee na kakasuhan siya nito ng trespassing dahil sa pagpasok nito.

Ancee stayed at villa for three months at kung hindi niya gagawin iyon ay makakasuhan siya.

She have a reputation to protect.

Makakaya niya kayang hindi ibigin ang tatay ng anak ng kaniyang kaibigan?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE (ANCEE'S POV)
“Excuse me? Alam niyo po kung sino ang lalaking ito?” pakita ko ng isang litrato sa lalaking naglalako ng taho sa gilid. Nasa loob ako ng aking sasakyan habang pinapakita sa kaniya ang picture ng lalaki. “Ah! Guindesalvus ‘yan!” kilala niya ang hinahanap ako. “Alam mo po ba kung saan siya nakatira? Hindi ko kasi alam kung saan siya rito sa Batangas.” ngunit isang ngisi lang ang kaniyang ibinigay sa akin. “Imposibleng hindi mo ‘yan alam, Hija. Sinusundo nila ang mga guest nila sa tuwing nag-iimbita sila ng bisita. Palagay ko ay hindi ka bisita, Hija.” mukhang nahuli niya na ang pakay ko. “I need to talk with this man, Sir. This is a private serious matter,” diin ko pang sambit na ikinatungo na lamang niya. “Dumiretso ka lang. Tago ang villa na iyon at maari kang maligaw. Hindi ko na pinansin ang pinagsasabi niya basta ang tinandaan ko lang ang daan patungo sa kung saan naroon sila. “Maraming salamat-” imbis na matapos ko ang sasabihin ko ay siya itong nagsalita ulit. “Ang problema ay hindi ko alam kung narito ang mga Guindesalvus. Kilala mo ba kung sinong Guindesalvus ang hinahanap mo?” Maarte kong inangat ang litrato ng lalaking nakangiti sa at nainom sa bar. “This man,” sagot ko. Hindi ako mahilig makipagbiruan o hindi naman kaya ay mag-aksaya ng oras para sa walang kwentang bagay. Kailangan kong makausap ang lalaking ito at gawin niya ang tama. “Hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko. Bahala ka kung sino ang makita mo sa loob.” saka ito umalis. Pinagmasdan ko ang lalaki bago ito umalis at ako naman itong tumaray lang. “Ano ba ang pinagsasabi niyang bahala na ako kung sino ang makita ko?” isinara ko ang bintana ng aking kotse at mabilis na lang iyong pinaandar. Sinunod ko ang sinabi ng lalaking nagbebenta ng taho at sa dulo ng isang daanan ay napansin ko ang isang malaking gate. “Villa Erotica?” gusto kong matawa sa malaking letra na gawa mula sa bakal at tila kasama ng malaking gate. Tanaw ko sa dulo ang dagat at isang malaking mansyon sa gilid. Ito ang bahay niya? Ang pangit pakinggan ng Erotica para sa akin. Bakit naman iyon ang ipinangalan? Dumiretso lang aking kotse at tila nagbabaka sakaling pagbuksan ako ng gate ngunit iyon ang hindi nangyari. Kita ko kung paano naglakad ang guard at tumungo sa akin. Ibinaba ko nanaman ang aking bintana at tila ngumiti sa guard. “Ano ang kailangan niyo?” “I wanted to talk with this man.” paulit-ulit na lang ako sa pagsasabi ng linya na ito sa kung sinu-sino rito sa Batangas para lang makausap ito. “May imbitasyon po ba kayo?” “Invitation? No.” “Kung gano’n ay makakaalis na po kayo.” umawang ang labi ko sa aking narinig. Pinapaalis niya ba ako? Dahil wala akong invitation? “Excuse me, Manong!” sigaw ko pang muli na ikinahinto niya. “Hindi ba pwedeng kausapin ko siya? Kailangan na kailangan lang talaga. May atraso siya sa akin at sa kaibigan ko kaya kailangan ko siyang makausap.” “Magkaso ka na lang, Ma’am, kung may atraso si Sir sa inyo.” hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Inayos ko ang aking bangs at ngumiti ng kaunti. “I need to talk to this man… A. S. A. P.” ini-spell ko pa sa kaniya. “Isa po itong private property, Ma’am.” “This is not your own villa to decide. You’re just a guard. That’s all…” kita ko kung paano siya nainis sa aking sinabi. “Ako po ang pinagsabihan ni Sir, Ma’am. Hindi po kami magpapapasok ng kahit sino kung walang imbitasyon. Ayon lang po, pwede na po kayo umalis.” nauubos na talaga ang pasensiya ko. “T-teka!” ngunit hindi na niya ako pinansin at naglakad na lamang siya papalayo. Sumandal ako at mabilis kong itinapon ang litrato ng lalaking iyon. Humanda talaga siya sa akin kapag nakita ko siya. “Akala mo ay matatakasan mo na ang problema mo? Hindi. I’m your nightmare, Guindesalvus. Just dressing like your daydream.” sa pag-init ng ulo ko kasabay ng mainit na panahon ay inikot ko ang aking sasakyan. Sinuri ko maiigi kung saan ako pwedeng pumasok ng hindi na kailangan lumusot pa sa guard na ito. Hindi ako papayag na gano’n-gano’n na lang ang gawin niya sa kaibigan ko. “Got yah!” dinilaan ko ang aking labi nang makita ko sa isang online map ang kabuuan ng Villa Erotica. Masyado nga itong pribado kaya’t hindi ko rin makita ang loob. Lumabas ako muli sa eskenita at doon ko nanama natagpuan ang matandang lalaki na nagbebenta ng taho. “Hindi ka pinapasok, Ano? Mahigpit ‘yan d’yan. Kung hindi ka naman imbitado ay hindi ka makakapasok.” “May iba pa bang daan para makapasok sa loob ng villa?” nanlaki ang mata niya at umiling sa akin. “Ineng, mapapahamak ka sa ginagawa mo.” hindi ko gustong mangyari ito. Masyado ko lang mahal ang kaibigan ko. “Pero kung makulit ka talaga ay bahala ka na. Akyatin mo na lang ang bakuran nila at bato naman iyon. Bahala ka na kung mahuli ka o hindi.” saka niya inilagay ang bote ng tubig nito sa kaniyang bag at umalis. Umakyat ng bakod? Nakapag-hiking naman ako. Marunong naman ako umakyat pero illegal itong gagawin ko. Bahala na! Iniwan ko ang aking kotse sa kanto at ako naman itong naglakad lamang sa kabilang kanto patungo sa gilid ng malaking villa. Ang inaasahan kong may mga guards din ay wala. “Hayop na matanda na ‘yon. Hindi niya naman sinabi sa akin na ganito ito kalaki!” parang mall na ang aakyatin ko sa haba! “Wish me f*****g luck…” inayos ko ang aking buhok at tila tinali iyon. Pasalamat na lang at ako may baon akong sapatos pero naka short-shorts lamang ako at crop top. Hindi tugma sa ginagawa ko ngayon pero bahala na. For the sake of my bestie! “You can do this, Ancee!” para akong spider woman sa ginagawa ko at maari akong mamatay at mabalian. Kaya nang maakyat ko ang tuktok ay pasalamat na lang ako ulit at puno lamang ang naroon at parang hardin. Kita ko ang likod ng mansyon ng Guindesalvus na iyon mula rito. “Paano ako nito makakababa?” pinilit kong mag-isip kung ano ang gagawin ko para lang makababa kaya nang makita ko ang isang sangay ng puno na medyo malapit lang sa aking gawi ay doon ako naglakas ng loob na tumalon. Sa kamalas-malas ko ay nabali iyon at dali-dali akong nahulog sa ibaba. Sa halip na masaktan ay sobrang saya ko nang tumalbog ako. Ang bait talaga ng Panginoon at hindi niya ako hinayaan na mabalian ng buto! Nahulog lamang ako sa trampoline! Sabihin na natin na medyo masakit ang balakang ko pero kaya naman ang sakit. “Handa ka lang talaga, Guindesalvus.” dahan-dahan akong nakapasok mula sa loob ng kaniyang mansyon. Wala akong nakita na kahit anong katulong sa loob. Ngayon ako tinubuan ng kaba sa aking dibdib. Baka mamaya ay hindi pala safe dito sa lugar na ito. Imbis na matulungan ko ang kaibigan ko ay mapahamak lang din ako. Sa ilang paglalakad ko pa ay doon ko napansin ang isang malaking kusina. Maayos at malinis. “Ang ganda rito…” modern ang itsura ng bahay at kahit alikabok ay wala akong makita. Nang makita ko ang ref ay binuksan ko rin iyon. Nakialam na talaga ako ng gamit nila rito. “Maraming laman… impressive,” sunod ko pang sabi. Kinuha ko ang isang bote ng tubig at dali iyong binuksan at ininom. Sa kaunting paglalakad ko pang muli ay nakaabot na ako sa mas malaking gawi ng mansyon. Malaking sala…. malaking sala na may isang lalaki na nakatingin lamang sa bintana na tila tanaw-tanaw ang magandang dagat sa labas. “Huli ka…” mahina kong sabi at inilapag ang tubig sa gilid at dali-dali siyang pinuntahan. “Hoy! Guindesalvus ka, hindi ba? Ikaw ‘yan, hindi ba?” sabay pakita ko sa kaniya ng litrato. “How did you get in here?” tanong nito sa akin. Kumunot lamang ang noo ko. Malamang umakyat sa kay taas-taas na pader! Dahil hindi ako pinapapasok sa gate. “Ikaw ito? Tama?” galit ang tono kong isampal sa kaniyang dibdib ang papel na may mukha nito. “So?” “Anong so? Nabuntis mo ang kaibigan ko! Kaya dapat mong panagutan!” “How sure are you that it’s me?” niloloko niya ba ako? Ayan, oh. Kitang-kita sa litrato na mukha niya ito! “This place is private, and you can't just enter.” “Well, pasensiya ka na at nakapasok ako. Lalabas lang ako kung sasama ka sa akin para kausapin ang kaibigan kong nabuntis mo!” “You can't get out of here, Ms. Anastacia Placino…” kumabog ang aking dibdib. Paano niya ako nakilala sa unang pagkikita pa lang namin?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook