bc

Loving Hunter Santilian (Tagalog)

book_age18+
2.3K
FOLLOW
17.8K
READ
second chance
dominant
submissive
CEO
boss
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

He's a mess, a complete mess. He's broken, devastated, a total wreck. He's ruthless. But I know he just wanted to be loved. And I would do everything for him to love me back, kaya kong itaya ang lahat mahalin niya lang ako. Kaya nang magkaroon ako ng tsansa na mahalin niya ay pinatulan ko agad iyon. Pero hindi pala ganoon kadali ang lahat dahil sa huli iniwan ko rin siya. At sa muling pagbabalik ko, matanggap pa kaya niya ako?

chap-preview
Free preview
One
Muling tinungga ni Hunter ang alak na hawak niya. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Panay bote ng walang laman na alak ang naroon, ilang mga sigarilyo at pakete ng m*******a. Yes, he takes weeds, doon na lang kasi siya sumasaya, doon pakiramdam niya ay buhay siya. Katulad nang kwartong ito ang buhay niya, patapon. He was so devastated to the point that he commited suicide so many times, but all his attempt failed. Bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang kaibigan niyang si Chance. Chance Sandoval is his long time friend, ito ang katuwang niya noon at lalo na ngayon. Iiling-iling na pumasok ito habang may hawak na itim na garbage bag. Isa-isang pinulot nito ang kalat habang siya ay mataman lang na nakatingin sa kaibigan. “You look like hell. Para kang ermitanyo. Can’t you shave?” Chance looked at him with disgust. Sa halip na sumagot ay muli siyang tumungga ng alak. “Damn, Hunter, can’t you moved? Jimena is happy now, you should also be.” Anito saka siya tinabihan. How can he be happy if he’s still inlove with her? “I can’t... everytime I see her face, regrets are filling my heart. That should be me, Chance. Ako dapat ang pakakasalan niya. If I wasn’t a jerk.” Tinapik ni Chance ang balikat niya saka inagaw ang bote na hawak niya. “One day, someone will change your perspective, from bitter to sweet, from broken to complete.” Ipinikit ni Hunter ang mga mata saka isinandal ang ulo sa sofa. It’s been years yet his heart is still longing for Jimena Benitez. Paano ba muling tumayo kung wala nang dahilan pa para magsimulang muli? They started as f**k buddies, noong una ay hindi naman niya ito gusto but as the time goes by... Jimena started to invade his being. But he cannot accept it. Hindi siya iniwan ni Jimena kahit na ilang beses na niyang ipinakita na dapat na siyang iwan. Noong mga panahon na iba’t ibang babae na ang dinadala niya sa bahay nila ay wala pa rin siyang narinig sa dalaga. At noong handa na siyang aminin dito na mahal niya ito ay saka naman lalong nagulo ang lahat. Nalaman nito lahat ng kasinungalingan niya. Lumayo ito at noong muli silang nagkita. She wasn’t the vulnerable and naive Jimena he knew. And what hurts the most? She was inlove to someone else... someone’s who’s better than him. “Hunter, I have an idea.” Ani Chance. Nangunot naman ang noo niya nang bigla siyang hilahin ni Chance at itulak patungo sa banyo. “Shower first, Man. You stink.” Wala siyang nagawa kundi ang maligo. He even shaved, tama nga ang kaibigan nagmumukha na siyang ermitanyo. At nang matapos ay naabutan niya si Chance ay nakaupo na ito sa sofa at halatang pagod na pagod. Wala na rin ang mga nagkalat na bote at hindi na amoy sigarilyo ang kwarto niya. “Hell, puwede na akong maging katulong mo. Sa susunod nga matuto kang maglinis. You know that I can’t stand dirty places.” “Okay, okay. Just stop nagging me like you’re my mother.” Sabay na silang lumabas ng kanyang condo. Sa kotse na ni Chance sila sumakay, habang nagmamaneho ay abala pa rin ang isip niya kay Jimena. How can he forget when she give him so much to remember? Walang araw na hindi niya pinupuntahan ang bahay nito. Sinusulyapan niya si Jimena sa malayo upang mabuhay siyang muli. Para siyang buhay ngunit unti-unting namamatay. Maybe that was his punishment for hurting Jimena. Kung sana lang ay kaya niyang ibalik ang kahapon kung saan masaya sila at siya pa ang mahal nito pero alam niyang sa panaginip na lang  iyon mangyayari. Masakit man isipin ngunit hanggang alaala na lang ang lahat ng iyon. Mahinang tapik ni Chance ang nakapagpabalik sa kanyang wisyo. Nasa harap na sila ng Olympus. Nangunot ang noo niya, may access pala siya sa bar na ito? Exclusive bar ito at hindi puwedeng pumasok akung hindi member.  He heard that it cost millions to be a member on this club. Wow, Chance, ikaw na talaga. Nang makapasok sila ay sumalubong sa mata niya ang nakakahilong disco light, hindi gaanong matao ang bar marahil ay dahil iilan rin ang member. Isang lalaking nakasuot ng itim na Armani suit ang lumapit sa kanila. Nag-fist bump si Chance at ang lalaki. “I’d like you to meet my best friend, Hunter Santilian,” pakilala sa kanya ni Chance. Inilahad naman niya ang kamay sa kaharap. “And this is Gin De Veyra, isa sa mga may-ari ng bar na ito,” “Nice to meet you, Mr. Santilian.” Gin smiled and grabbed his hand. “I hope you’ll enjoy in our sanctuary.” Anito saka nagpaalam na paalis. “I’ll get us a drink.” Ani Chance. Umupo siya sa malaking sofa hindi kalayuan sa dance floor. Mangilan-ngilan ang tao at karamihan ay lalaki ang narito. Nang makabalik si Chance ay may dala na itong isang bote ng Jack Daniels. Ginagawa na lang niyang tubig ang alak. Habang abala sa pag-e-eksamina sa lugar ay may namataan siyang pamilyar na pigura. Nangunot ang noo niya nang makumpirmang tama nga ang nakikita niya. Ibinaba niya ang hawak na baso at mabilis na tinungo ang distansya nilang dalawa. Marahas na hinila niya ang braso ng babae. Akmang tatarayan pa siya nito ngunit biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito nang makita ang mukha niya. “Andito ka lang pala.” Mas lalong humigpit ang hawak niya sa dalaga. “H-Hunter...” Hunter gritted his teeth. “Court---Hunter, O M G!” anang babaeng mukhang kaibigan nito. Mas lalong kumulo ang dugo niya. Sila ang mga babaeng nagpakalat ng video. “I-I didn’t know it will go viral,” nauutal na sabi noong babae. Pinaningkitan niya ito ng mata. “What do you want? Money? O baka naman nagpapansin ka. You want to get into my pants?” pagkasabi’y malakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha. “Whoa, hey, hey, chill guys, c’mom. Walang sampalan mahalan lang. What the heck!” Ani Chance na ngayon ay nasa gitna na nilang dalawa. Mas lalong kumulo ang dugo niya. She has the guts to humilate him... in front of everyone? This girl is really dead! “Bastos ka! At sa tingin mo pagnanasahan kita? Oh God, Mr. Santilian, maybe you’re dreaming at kahit sa panaginip. I won’t even touch nor fantasize you. Ang kapal naman ng mukha mo. Wala kang modo!” Anito na halatang galit na galit. “Then why did you do that? Anong kailangan mo? I don’t even know you.” “I-It was just a dare. Hindi ko naman alam na may ibang makakita at kukuha rin ng video.” Paliwanag nito. “Sa panahon ngayon sa tingin mo talaga walang gagawa n`yan? The people are craving for fame and so are you!” “Wala na akong magagawa. It went viral... I’m sorry.” Her voice sounds sincere. Huminga siya nang malalim saka hinila ito sa braso. Mabilis silang nakalabas sa Olympus dahil wala namang mga taong nakaharang sa daanan hindi katulad ng typikal na mga bar sa tabi-tabi. Kanina pa daldal ng daldal iyong babae, binitiwan niya lang ito nang makita na niya ang kotseng gamit nila kanina ni Chance. Mabilis na binuksan niya ang pintuan saka itinulak papasok ang babae. Umibis siya upang makasakay na rin. “What’s your name?” tanong niya rito. Pinaandar na niya ang sasakyan. “Why do you care?” mataray naman na sagot nito. “I said what’s your name?” ulit niya sa mas delikadong tono. Nag-i-init na ang ulo niya sa baabeng ito. Kanina pa ito talak ng talak na parang pwet ng manok. “Courtney Arkisha.” “Nice name.” Natigilan ang babae saka humarap sa kanya. She even blushed. Hunter chuckled. “You’re blushing.” Pumalatak naman ito saka isinuot ang seatbelt. “Saan mo ako dadalhin? This is kidnaping!” “Kusa kang sumama, that’s not kidnaping.” Bumuga nang marahas na hangin si Courtney saka siya inisnaban. “Saan nga tayo pupunta? Dis oras ng gabi na. Huwag mo akong pagtatangkaan.” Pinagkrus pa nito ang dalawang braso sa dibdib. Bahagya naman siyang natawa sa reaksyon nito. “I’m not interested in that... ayoko sa flat chested.” He said a matter of factly. “Luh, grabe siya, o. Judger masyado!” “I like you.” Napamaang si Courtney sa sinabi niya. Mas lalong namula ang mukha nito. Napahagalpak siya ng tawa sa hitsura nito. “I mean I like your personality. Based on your reactions it looks like you have a crush on me.” Panunuya niya. “Ayoko sa bastos. I have a boyfriend.” Hindi na siya nagsalita. Tumigil sila sa downtown kung saan kitang-kita ang city lights. Paborito niya itong lugar na ito. He felt relaxed when he’s seeing the beauty of the city. Nauna siyang bumaba. Umupo siya sa bumper ng sasakyan kasunod naman niya si Courtney. “Ang ganda.” Namamanghang wika nito. He smiled. “I’m sorry kung basta na lang kita hinila at isinama. Ayokong pumunta dito mag-isa, baka kasi tumalon ako d`yan sa sobrang lungkot.” Itinuro niya ang bangin. Courtney smiled. “I’ve known you since College, Hunter, I know you wouldn’t do that.” Nangunot ang noo niya. Since College? “We’re classmates. Hindi mo lang alam kasi you’re busy f*****g girls.” Hindi siya nagsalita. Si Courtney naman ay nanatiling nakatitig sa kanya. “Hunter Santilian, the man who can’t be moved.” 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
549.4K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.0K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
831.0K
bc

Married By Mistake

read
170.5K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
381.4K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
629.0K
bc

Lucas Sebastian III - SPG

read
2.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook