bc

Devil in Tuxedo

book_age18+
1.2K
FOLLOW
5.8K
READ
age gap
drama
comedy
twisted
sweet
humorous
first love
like
intro-logo
Blurb

During her wedding day, Milky Sanbuenaventura was involved in a car accident.

She walked up in a secret society selling women for their dirty business. As one of the item, she was sold for fifty million pesos by the man named October Heartfeelia. A heartless monster from an influential clan of serial killers.

Will she able to escape this ruthless, sexiest, and the most handsome devil in his tuxedo?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 - The bid and the bidder
"For item number 46, Here's a gorgeous lady who can be your toy, s*x slave, a dog or whatever you want! The bidding starts at 20,000!" Maririnig sa buong lugar ang dugundong ng mga hiyawan, sigawan at palapakpakan. Matapos ang malakas na tunog ng tambol, nag-umpisa na ang subasta. "25,000!" "30,000!" "50,000!" Kaniya-kaniyang presiyo ang mga nagkakainteres na manonood sa animo'y aakalain mong isang bagay lamang na inilalako at ibinibenta. Ang mga tao sa lugar na ito ay walang puso! Hindi kami mga manika o antigong bagay na puwede nilang pagpiyestahan! Kapag ako nakatakas sa lugar na ito, sinisiguro kong aahitan ko ang ilong ng lahat ng taong nandirito! Isinusumpa ko! Napupuno ngayon ng galit, pagkamuhi at pagtangis sa dibdib ko ngunit wala akong magawa. 'Ni hindi ko magawang ikilos ang mga kamay at paa kong nakagapos dahil sa labis na panghihina dulot ng kung anong klase ng likido na itinurok nila sa katawan ko. Mistulang manhid na manhid ang pakiramdam ko na ultimo ang lamig sa lugar ay baliwala lamang sa balat kong natatabingan lamang ng dalawang piraso ng kulay pilak na panloob. Napapalamutian ito ng mga makikinang na accessory bids. Para akong mababang uri ng babae sa anyo ko ngayon. Lantad sa mata ng lahat ang halos hubad ko ng katawan. Aliping walang kakayahang maipagtanggol ang kaniyang sarili. "50,000! Going once? Going twice? Sold! Item number 46 is sold for 50,000!" Nag-umpisa akong makaramdam ng kaba dahil sa huling anunsyo ng tagapag-salita. Naibenta na sa mababang halaga ang babaeng sinusundan ko sa pila sa isang...matandang panot na maitim at malaki ang tiyan. Nakangisi pa ito at mistulang naglalaway habang hinahagod ng tingin ang binili niyang babae. Pesteng poknat ng hinayupak! Kung ganiyang uri ng demonyo ang bibili sa mala-diyosang katawan ko, swear to paracetamol at bactedol! Lalaklak talaga ko ng isang tanke ng nakalalasong tranquilizer! Naramdaman ko na lamang ang dalawang bisig sa magkabila kong braso na marahas na humila sa'kin upang maiakyat ako ng tuluyan sa entablado. Halos hindi ko maimulat ang aking mga mata dahil sa spotlight na tahasang nakatutok sa'kin ngayon. Nakasisilaw man ngunit sa parteng ito ng madilim na lugar ay kitang-kita ko ang dami ng mga tagapanood sa harap. Lahat sila ay nakasuot ng iba't ibang klase at laki ng maskara. Karamihan ay mga kalalakihan ngunit mayroon ding mangilan-ngilang kababaihan. Lahat sila ay nasa akin ngayon ang atensyon. Tinatapunan ako ng tingin mula bunbunan hanggang talampakan. Bagay na ikinangingitngit ko ngayon. Mas malakas ngayon ang sigawan at may mga nauulinagan pa akong pagsipol. Para silang mga gutom na leon na hinainan ng sariwang karne kaya hindi magkamayaw sa pagpupunyagi! Hindi ko lubos maisip kung anong kahihinantnan ko pagkatapos nito. Kung kanino ako maisusubasta at kung anong mga posibleng gawin niya sa'kin. Sa ikawalang pagkakataon, nakaramdam ako ng takot. Ang kaibahan nga lang ngayon, ang takot na nararamdaman ko ay para na mismo sa sarili kong kaligtasan. Sa bawat panghahamak at pambabastos na nagmumula sa harap ay unti-unting bumubuhos ang luha mula na aking mga mata. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong uri ng panghihilakbot. Gusto kong manapak! Gusto ko silang tadyakan isa-isa pero hindi ko magawa! Ano bang nangyari? Bakit ba ako umabot sa ganito? "Item number 47, A stunnin---" Hindi na natapos pa ng tagapag-salita ang pambungad na pagpapakilala nito sa akin ng umalingaw-ngaw sa apat na sulok ng malawak na bulwagan ang isang baritonong tinig. "50 million pesos!" Katahimikan. Tila lahat ng tao ay nabato sa kanilang puwesto dahil sa katagang binitiwan ng estranghero. Lahat ay nagmistulang larawan sa isang mannequin challenge. May ilan pa ngang hindi na naibaba ang nakataas na kamay dahil sa gulat habang ang ilan ay nakaawang pa ang mga labi at nanlalaki ang mga mata. Ako man ay hindi rin makapaniwala sa narinig. 50 million? Sino namang sira ang tuktok na bibili ng isang babae sa halagang 50 million? Hindi kaya plano niya akong gawing tortured victim? Santisimang anak ng minanang kama! Panginoon tulungan niyo po ako. "F-Fifty million pesos? Am I hearing it right?" Nang makabawi sa pagkabigla ang tagapag-anunsyo ay nilinaw nito ang kung ano mang narinig na nagpatigil sa lahat. "Are you deaf, stupid or both? Are you going to proceed or I'm gonna kill you?" Para naman itong tinubuan ng sanga-sangang takot dahil sa nakakapanindig-balahibong banta ng lalaki. Relax na relax lamang sa pagkakatayo ang estranghero habang deretsong nakatingin sa direksyon ko. Dahil sa malakas nitong presensya ay hindi ko naiwasang mapatingin sa nakatitig nitong mga mata. Nagtagpo ang aming paningin at ng mga oras na iyon, kakaibang pakiramdam ang pumukol sa dibdib ko na siyang nagpalambot lalo sa nanghihina ko ng mga tuhod. "Item number 47, sold for 50 million pesos! The highest bid in the history!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

Married By Mistake

read
170.6K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
315.4K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.0K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.6K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
549.5K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook