bc

Patayin Sa Kilig Si Barbara

book_age0+
397
FOLLOW
1.2K
READ
drama
tragedy
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Isang magic red lipstick ang babago sa buhay ng 34- year old virgin na si Barbara. Tinaningan na ang kanyang buhay at ang listick lang na iyon ang sagot sa kanyang kaligayahan. Mahanap niya kaya ang lalaking papatayin siya sa sobrang kilig?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
BARBARA's POV “I DON'T think we can do it Barbara...” “Call me baby.” “Hindi na kita mahal Barbara!” “Ang sabi ko, call me baby! Not Barbara!” Nanggagalaiti kong sabi kay Borge. Nasa isang fine dining restaurant kami that early morning. Sabi niya kanina sa phone may sasabihin daw siyang importanteng bagay. Ang walanghiya! Makikipag-break lang pala. After twenty years naming dalawa, makikipagbreak siya?! “Barbara, ayoko na. I don't even know kung tama itong ginagawa ko pero I want freedom!” “Freedom? Walanghiya ka pala eh. Kailan ba kita ikinulong? Lahat ng gusto mo nagagawa mo naman!” sabay inom ko sa juice. Tumusok pa sa ilong ko iyong straw. Di ko nakita. Yumuko si Borge. “Wag naman makitid ang utak mo Barbara. Ayoko na talaga!” “Ayaw mo na? Borge, twenty years! Ganun mo na lang itatapon iyon. Trenta'y kwatro na tayo parehas. Ni minsan hindi mo ako inayang magpakasal. Inisip ko na lang nahihirapan kang mag-isip ng kakaibang paraan para mag propose!” “Barbara ano ba?!” “Ano ba ka rin?! Putang-ama naman Borge! Ano bang dahilan? Diretsahin mo na nga ako!” Namamawis na ang pisngi ko. Tense na tense na rin ako. Matagal na tinitigan ako ni Borge bago siya sumagot. “Barbara, I'm GAY.” Matagal akong nakatitig kay Borge. Tila nag self-destruct ang mga tenga ko at mas pinili kong hindi pakinggan ang lumabas sa kanyang bibig. "Huwag ka ngang magbiro ng ganyan, Borge." "Hindi ako nagbibiro, Barbara. I'm serious!" "Huwag mo akong pinagloloko, ha! Gumagawa ka lang ng ibang dahilan. Babae ba? May iba ka na ba? Kulang na ba sa tamis ang adobo ko? Sumagot ka agad, Borge!" halos pasigaw na ako. Tiningnan niya ako na parang nagmamakaawa na siya. "Ito talaga ang dahilan ko. Bakla ako. Ganito na ako bago pa maging tayo. Pinigilan ko pero I just can't do!" Kaya pala... Kaya pala never niya akong inayang magpakasal. Kaya pala kahit magkatabi kami sa kama at halos hubo't hubad na ako ay wala siyang ginawa kundi ayain akong magpitik-bulag o 'di kaya ay tong-its. Bakit hindi ko naramdaman? Bakit hindi ko nakita ang mga signos? Ah, hindi ako papayag na sayangin ang benteng taon na pinagsamahan namin. Hinawakan ko siya sa kamay. "Tutulungan kitang magbago, Borge. Ipapagamot kita sa Amerika. Ipapachemotherapy kita o di kaya ay ipapatawas---" "Barbara!" nagulat ako nang isaboy niya ang isang basong tubig. "Gumising ka na! Tanggapin mo na isa akong bakla at hindi na healthy pa sa ating dalawa na ituloy pa ang relasyong ito." Napayuko ako at napaluha. "Borge..." "Next week ay lilipad na ako papuntang Thailand. Magpapalagay na ako ng pempem para maging ganap na akong babae." Hindi ko na kinaya ang huli niyang sinabi. Isinilid ko sa plastic na dala ko ang pagkain na nasa lamesa at umiiyak ns tumakbo na ako palabas sa lugar na iyon. UMIIYAK akong naglakad pauwi. Nilalakad ko ang kahabaan ng EDSA. Hindi ko matanggap na bakla pala si Borge at magpapasex change na daw ang bruha. Hindi na ako magugulat kung isang araw ay makita ko siyang mas maganda na siya sa akin. Tumingala ako sa langit pero di ko kinaya. Nakakasilaw ang sikat ng araw. Nakakasulo. Sumigaw ako. “Booorgeee!!!” At nagtatalon ako. Crack! Naputol ang takong ko. “Borge! Ang takong ko.. Hu hu hu...” At naglupasay ako sabay upo sa gilid ng kalsada. Tumingin sa kawalan at naluha ako. Hindi dahil sa naiiyak ako kundi dahil sa alikabok at usok ng tambutso na nasasagap ko. It hurts pero kailangan kong tanggapin. Tumayo ako sabay sigaw ng: “Taxi!” Uuwi na ako. Mahirap lakarin ang kahabaan ng EDSA. “ATE, kailangan na namin ng pera for the field trip.” Salubong agad sa akin ng kapatid kong si Bunny. Panganay ako sa limang magkakapatid. Bed-ridden na ang tatay at tindera sa palengke ang nanay. Nagtatrabaho naman ako bilang encoder sa isang maliit na kumpanya. “Bunny mamaya na lang. Broken-hearted kasi” “Hi Ate!” sabay yakap naman sa akin ni Bora. Ang pangatlo namin. Puro kami babae. "Asan na iyong promise mo na bagong phone? Birthday ko na next week ah!" “Bora, broken-hearted a” Bigla namang singit ang aking nanay. "Naku Barbara, anak! Mabuti naman at andito kana. Si Aling Sonia, naniningil na sa kinuhang kong pabango sa Avon! Babalik daw siya mamaya." “Nay, broken—“ Hindi ko na lang itinuloy ang aking sasabihin dahil baka may sumingit pa ay makasapak pa ako. Sapo ko ang aking noo. “OK. Mamaya na natin pag-usapan iyan. Akong bahala.” Tuloy-tuloy na ako sa kwarto ko. Nagpalit ako ng pambahay at lumabas na. Nadaanan ko ang nakabukas na pinto ng kwarto ng tatay. Nakita kong nakahiga lang siya at nakatingin sa kawalan. Pinuntahan ko siya. “Tatay...” at sumubsob ako sa dibdib niya. “Nakipag-break na po sa akin si Borge. Bading po siya tatay—“ “Aff..Aff..Fiii...” Natigilan ako ng magsalita si tatay. “May sinasabi kayo tatay? Hindi ko po maintindihan...” Kumuha ako ng papel at ipinasulat sa kanya ang gusto niyang sabihin. Nagsulat naman siya: IbiliMoAkoNgAfficianadoKaseUbosNaIyongSaAkin Lalo akong napaiyak. Kailangan ko ng kausap. Tinawagan ko si Chiqui. “MAGLALASHINGBELS ba tayey at dito tayo nag gorabels sa bar?” tanong sa akin ni Chiqui pagkaupo namin sa mesa. Tumango ako. “Magpapakalunod ako sa alak ngayon bakla. Break na kami ni Borge!” “What?! Break na kayo?” “Ay hindi! Kasasabi ko nga lang diba?” Umirap si Chiqui na isang beki. “Ang sungit mo naman bakla! Menopause lang?!” Hinigit ko iyong kulot na bangs nito. “Hoy! Oo, matanda na ako pero di pa ako menopause! Baklang to!” Luminga-linga ako. “Asan na ba iyong waiter? Antagal naman!” “Gaga! Kakaupo pa lang natin. Di pa tayo tumatawag ng waiter! Waiteeer!” Nakaharap pa talaga sa akin si Chiqui ng sumigaw siya. Naluha-luha ako sa baho ng hininga niya. Amoy Boy Bawang na hinaluan ng bulok na karne! “Waiteeer!” Ulit pa niya. Nakakamatay ang hininga ng baklang ito! Kung anu-ano kasi ang ipinapasok sa bunganga nito. Bigla akong kinurot ni Chiqui sa braso at parang kinikilig pa ito. “Ay bakla! Ang cute ng waiter. Parang si... Alden Richards!” Tinignan ko iyong waiter. Gwapo nga pero bagets naman. Parang kakagraduate lang ng highschool. "Grabe ka talaga bakla. Child abuse ka!" sita ko sa kanya. “Ano pong order niyo?” tanong nung waiter at nakita kong may dimples pa ito ng ngumiti ito sa amin. “Tatlong bucket ng beer at isang bandehadong mani!” sabi ko. Sumabat naman si Chiqui. Sabi ko na nga ba at di nito mapipigilan ang di magsalita. “Anong name mo cute na waiter?” Kakamot-kamot sa ulo na sumagot iyong waiter. “Dustin po.” “Wag mo na akong po-po-in. Twenty-six lang ako. Ano bang gusto mo? Rubber shoes o branded shirts?” “Ah eh...Sige po. Follow up ko na po iyong order niyo.” pag-iiba ng usapan nito at umalis na ito. Tila nangangarap na sinundan ni Chiqui ng tingin iyong waiter. Nagbu-beautiful eyes pa ito. Napailing ako. Ang baho na nga ng hininga, kerengkeng pa! Binelatan ko si Qwerty nang makaalis na iyong cute na waiter para kuhain ang order namin. "Ano ka ngayon, bakla? Tablado ka, ano! Akala mo kasi lahat ng lalaki mukhang pera!" "Ay, ewan! Wait nga lang... Why oh why ba kasi tayey maglalasing?" "Break na kami ni Borge!" "Whaaat?!" naluha na naman ako nang masagap ng ilong ko ang hininga ni Chiqui. "Oo, kaya magpapakalunod tayo sa alak. Sky is the limit, bunganga mong amoy anghit!" Dumating na iyong order namin. Ibang waiter na ang nagdala. Natakot yata kay Chiqui. “Hoy bakla uminom ka!” sabi ko. Gusto ko siyang painumin para mabawas-bawasan ang antot ng bunganga niya. “Ayoko...” tanggi niya. “Uminom ka sabi!” “Hindi ko kailangang uminom. Ikaw may problema eh!” “Ayaw mong uminom?” “Ayaw!” “OK. Waiter, isang galong mouthwash nga dito!” sigaw ko. PASURAY-SURAY ako sa paglabas ng bar. Ang walanghiyang si Chiqui, tinakasan ako! Ang sabi mag-C-CR lang daw tapos di na bumalik! Humanda siya sa akin bukas dahil papanutin ko ang kulot niyang bangs. Naku! Makikita ng baklang iyan! Humakbang na ako patawid pero natigilan ako dahil biglang umikot ang paningin ko at nasuka na ako. Hinang-hina na napasalampak ako sa gilid ng kalsada. Nakakapagsisi naman. Dapat pala ay itinulog ko na lang ito. Hindi ko tuloy alam kung paano ako uuwi. Sumuka ulit ako... Ang baho ko na. “Ale, OK lang po kayo?” tanong ng isang lalaki. Tinignan ko siya. Tumayo ako. “Ihatid mo ako sa bahay...” wala sa sariling utos ko. “Po?” “Baki mo ako pino-po-po? Mukha na ba akong matanda?” May halong pananakot ang boses ko. “Hindi po-- Ah, hindi!” “Ihatid mo ako!” “Hindi ko alam bahay mo.” Magsasalita pa sana ako pero nagkandaduling-duling na ang paningin ko at pakiramdam ko ay babagsak na ako. Mabuti na lamang ay inalalayan ako nung lalaki. “Ang mabuti pa po, sa bahay na lang muna kayo baka manakawan kayo pag iniwan ko kayo dito.” “Manakawan? Hindi ba pwedeng baka magahasa ako kapag pinabayaan mo ako! Kagaha-gahasa naman ako diba?” Hindi na nagsalita iyong lalaki. Silence means yes. Pumara na siya ng taxi tapos ang huli kong naalala ay ng makatulog ako sa loob ng taxi pagkatapos kong sumuka ulit ng sandamakmak!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
215.0K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

My Secret Agent's Mate

read
113.7K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
476.9K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook