bc

Twisted Tales Book 4: Duty To My Heart

book_age0+
531
FOLLOW
3.3K
READ
opposites attract
arranged marriage
arrogant
badboy
goodgirl
boss
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

[First love never dies...]

For once, gusto nang gumawa ni Pepper ng isang bagay na hindi na kakailanganin ng permiso ng kanyang mga magulang. Kaya on impulse, nagdesisyon siyang i-boycott ang kanyang sariling engagement party. Pero minalas siya, dahil sa dinami-rami ng sasakyang puwede niyang pagtaguan, sa sasakyan pa siya ni Calyx napasakay. Ito ang isa sa mga taong ayaw niyang makasama. Pepper hated Calyx to the core. Pero kailangan niyang pagtiisan ito.

Ang usapan nila ay ibababa siya nito sa isang safe na lugar, pero sa panggigilalas niya ay isinama siya ni Calyx sa pupuntahan nito. Ang akala ni Pepper ay hindi niya matatagalan ang presensiya ng lalaki, pero nakilala niya nang husto ang kakaibang Calyx nang sumama siya rito.

She did not expect she would fall in love with him. Again...

chap-preview
Free preview
Prologue
ABALA si Pepper sa pagsusulat ng kanyang assignment sa isang bond paper. It should actually be a group assignment but since her friends needed to do something else, she volunteered to do it. Walang kaso sa kanya iyon. Wala naman siyang ibang gagawin nang hapong iyon kaya minabuti niyang siya na lang ang gumawa ng assignment nila sa Science. Siya rin naman ang gagawa niyon sa huli. Napailing na lang siya nang maalala kung ano ang katwiran ng mga kaibigan niya. High school pa lang sila pero ang tatamad na ng mga ito. Paano pa kaya kapag nagkolehiyo na sila? Ang katwiran ni Sugar ay kailangan daw nitong tulungan ang mommy nito sa ginagawa nitong bagong recipe. Naiintindihan naman niya iyon dahil recipe maker ang mommy ni Sugar at wala itong ibang katulong kundi ang huli. Si Ginger ay may date raw na kailangan nitong siputin dahil baka raw sabihin ng mortal nitong kaaway na si Yoej na nagsisinungaling lang ito sa pagsasabing may mga nakaka-date ang una. Normal na kay Ginger na palaging ibatay kay Yoej ang lahat ng kilos nito kaya sanay na siya roon. At alam niyang balang-araw ay magkakaayos din ang mga ito... baka higit pa sa inaasahan niya. At si Lemon naman ay nagpaalam na gagawa raw ito ng report para sa isa nilang subject kung saan ito ang nakatoka. So, she was left to do the task. Hindi siya sanay na walang ginagawa. Mas gusto niyang maging abala dahil mas napapanatag ang kalooban niya kapag ganoon. escape from reality niya ang pagiging busy sa kung ano-anong gawain. Kaya marami na siyang alam gawin. Kapag nagsawa siya sa isang bagay ay iniiwan niya iyon at humahanap uli siya ng bagong pagkakaabalahan huwag lang siyang tumunganga at walang ginagawa. Nai-stress kasi siya kapag nasa bahay lang siya. Marami kasing napapansing mali sa kanya ang mommy at daddy niya. Kahit na matagal na niyang alam kung bakit ganoon ang turing ng mga ito sa kanya ay hindi pa rin nababawasan ang sakit sa kanyang puso dahil sa rason ng mga ito. Kaya madalas, hinihiling niyang sana ay hindi na lang siya naging Chinese. Galit sa kanya ang mga magulang niya maging ang Lolo Ching niya dahil naging babae siya. She was the first born child of the eldest son of Ching Sy. Siya ang una sa linya na magmamana ng Sy Co., Ltd. pero hindi siya matanggap ng lolo niya bilang unang apo nito. Mula pagkabata ay nabuhay siya para paluguran ito pero parang walang epekto rito ang lahat ng ginagawa niya. Gusto niyang ipakita sa mga ito na karapat-dapat siya bilang unang apo pero hindi pa rin niya maramdaman na masaya ang mga ito sa presensiya niya. She really was unwanted. Galit sa kanya ang daddy niya dahil galit dito ang lolo niya dahil babae ang unang apo nito. Bakit daw hindi siniguro ng daddy niya na lalaki ang magiging unang anak nito. Galit naman sa kanya ang mommy niya dahil siya raw ang may kasalanan kung bakit nambabae ang daddy niya. May dalawang kabit ang daddy niya at may anak itong mga lalaki sa mga ito. Purong Filipina ang mga babae nito samantalang purong Chinese ang mommy niya. Siya lang ang nag-iisang babaeng apo sa pamilya ng daddy niya. May mga pinsan siyang babae pero hindi niya kasundo ang mga ito. Because she was the unwanted one. Maging ang mga ito ay aloof sa kanya. Kaya pinahahalagahan niya ang tatlong matatalik niyang kaibigan. Naging kaibigan niya ang mga ito mula pa noong grade school sila. Sila lang, sa lahat ng tao sa mundo ang nagparamdam sa kanya ng pagmamahal. Tinanggap siya ng mga ito bilang siya. Hindi siya gagawa ng ikasisira ng pagkakaibigan nila. Gagawa siya ng paraan para pagtibayin pa ang samahan nilang apat. Mahalaga sa kanya ang kanilang pagkakaibigan at mahal na mahal niya sina Sugar, Ginger, at Lemon. Sinipsip niya sa straw ang paborito niyang caffe latte nang mapagtanto niyang naubos na niya iyon. Napanguso siya. Sinulyapan niya ang counter at nakitang mahaba ang pila roon. Mamaya na lang siya o-order uli. Malapit naman na siyang matapos sa kanyang ginagawa. Tatayo na sana siya nang biglang may nagpatong ng caffe latte sa mesa niya. Napakunot ang noo niya. Hindi naman kasi siya um-order ng isa pa. Nang mag-angat siya ng mukha ay muntik na siyang mapasinghap. Her eyes met the brownest eyes she'd ever seen—charming, seductive, twinkling eyes. Seductive? Gosh, Pepper! Saan mo nakuha 'yon? Sixteen ka pa lang! kastigo niya sa sarili. Gusto niyang pagalitan ang sarili ngunit hindi na siya nakapag-isip pa nang maayos nang ngitian siya ng lalaking nagpatong ng caffe latte sa mesa niya. Gosh! He's charming and gorgeous and handsome and incredibly seductive! Sa unang ngiti nito ay bumigay agad ang puso niya. Hindi ito ang unang crush niya pero ito siguro ang maituturing niyang ultimate crush dahil sa ginawa nito sa puso niya. Parang lalabas na sa rib cage ang puso niya dahil sa sobrang lakas ng pagkabog niyon. Nakakatakot isipin pero masarap sa pakiramdam. Kinikilig siya. 'Yon 'yon, eh, kinikilig ako, pag-amin niya sa kanyang sarili. Sino ba naman ang hindi kikiligin kapag nginitian nang ganoon kaguwapong nilalang? She had never been fascinated by handsome celebrities. Mas nai-in love pa siya sa heroes ng mga romantic book na nababasa niya. Pero iba ang dating sa kanya ng lalaking ito. He was simply... likeable. "Ubos na ang coffee mo kaya nag-order na uli ako para sa 'yo," sabi ng lalaki. Even his voice was soothingly handsome. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Hindi ito mukhang waiter ng Bellissima's dahil hindi ito nakauniporme. Mukhang hindi rin ito manager doon dahil kilala na niya ang mga manager doon. Surely, they wouldn't have a new manager right away when she just talked to Cristie—Bellissima's manager—a few minutes ago. Mas mukhang modelo pa ang lalaking ito kaysa maging waiter. Mukha nga itong action hero-s***h-romance hero. His boots are cute, komento niya sa kanyang isip nang sulyapan niya ang suot na sapatos ng lalaki. Clearly, he wasn't a waiter. Tumikhim ito dahilan para mag-angat siya ng tingin dito. God, he was really gorgeous in the truest sense of the word. He wasn't a boy just like her classmates. He was a guy—a man. "Do I get a perfect ten, then?" nakangising tanong nito sa kanya. Tinaasan niya ito ng isang kilay at hindi pinansin ang sinabi nito. Conceited. "Hindi ako um-order ng coffee," mataray na sabi niya rito. "Whoa! One minute ago, you were drooling over me, and now you're already this hot for me?" sabi nito. "Excuse me lang, ha! I'm not drooling over you!" mariing sabi niya rito. "Kung gano'n, why are you staring at me—all of me—like I'm some piece of meat in the market?" Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. "No, I'm not!" tanggi niya rito. "You are, sweetie. Believe me," sabi nito. Napamaang lang siya rito dahil sa itinawag nito sa kanya. Sweetie. Now why was that so good to hear? "Take the latte. It's for you. A 'thank you' kiss would be enough," sabi nito, sabay kindat sa kanya. Her heart jumped one second and thumped like crazy the next. A kiss! He's a stranger, Pepper. You musn't give in. Sixteen ka pa lang, paalala niya sa sarili. Dahil sa sinabi nito ay kinuha niya ang kanyang ID mula sa kanyang bag at ipinakita iyon sa lalaki. "Parental Guidance is recommended," sabi niya rito habang ipinapakita niya rito ang kanyang ID. Napaawang ang mga labi nito. "Seriously?" hindi makapaniwalang tanong nito. Tinanguan niya ito. "Jesus Christ!" bulalas nito. Pinigilan niya ang kanyang sarili na matawa sa reaksiyon nito. He seemed like he was in a state of panic, and he had an I-can't-believe-I-flirted-over-a-sixteen-year-old-girl expression on his face. Malaking bulas siya para sa isang labing-anim na taong gulang na babae. Her body was well-developed, like that of a woman. Maraming beses na siyang napagkamalang college student at marami na ring mga college student ang pumorma sa kanya pero hindi niya ine-entertain ang mga ito. Hindi pa siya handa sa mga ganoong bagay. "Drink your coffee and go home," seryosong sabi nito sa kanya. The twinkle, charm, and seduction in his eyes were now gone. Para na itong isang nakatatandang kapatid na nanenermon sa nakababatang kapatid. She pouted at him. "Don't pout. That caused it," sabi nito. "Huh?" naguguluhang tanong niya rito. Caused what? "Drink your coffee and go home," muling sabi nito. Magsasalita pa sana siya pero tinalikuran na siya nito at naglakad palabas ng Bellissima's. Hindi man lang siya nakapagpasalamat dito. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagod kaya naupo na lang siya. Nanghinayang at nanlumo siguro ang tamang deskripsiyon sa nararamdaman niya. Kahit na conceited ang lalaki ay naging instant, ultimate crush niya ito dahil sa tindi ng epekto nito sa kanya pero hindi man lang niya nakuha ang pangalan nito. Hindi rin naman nito alam ang pangalan niya. Inabot niya ang kapeng ibinigay nito. Nagulat siya nang makitang may note na nakadikit sa ibabaw ng lid ng kapeng iyon. Hey, beautiful! –Calyx. Iyon ang nakalagay sa note. Kasunod niyon ang isang numero ng cell phone. My gosh! kinikilig siya. She felt like rolling all over the tiled floor dahil sa sobrang saya at kilig. Calyx. Pangalan pa lang nito kinikilig na siya. She would make sure they would meet again.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.6K
bc

Reckless Hearts

read
256.1K
bc

I Married A Stranger (Tagalog)

read
1.5M
bc

NINONG III

read
362.7K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.2K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Unexpected Romance

read
38.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook