bc

Dating Pilipinas

book_age0+
15
FOLLOW
1K
READ
tragedy
comedy
bxb
gxg
like
intro-logo
Blurb

Ang aklat na ito ay pinagtiyagaan kong sinulat upáng magíng tulong ko

kahi't kaunti sa m~ga di pa nakababatid n~g dating kasaysayan niring

Lupang Tinubuan na n~gayo'y halos nalilibing sa limot. Marahil ay di

na isinasaloob n~g iba na lin~gunin pa ang nakaraan; n~guni't kung

ating didilidilihin ay lubhang mahalaga, sapagka't ang nakaraan ang

siya nating pinagbabakasan n~g n~gayon sampu n~g hinaharap, siyang

bumubuhay n~g m~ga bagay na nangyayari, siyang kumakandili n~g ating

alaala sa ating m~ga kanunuan na ating pinagkautan~gan n~g buhay at

bala na, at sa madaling sabi ay siyang pinakasalamin n~g madlá sa

pamumuhay, na dahil dito ay pinagsikapan n~g halos lahat n~g lupain

ang pagsiyasat at pag-aaral n~g kanikanilang kasaysayan.

chap-preview
Free preview
chapter 1
Ang aklat na ito ay pinagtiyagaan kong sinulat upáng magíng tulong ko kahi't kaunti sa m~ga di pa nakababatid n~g dating kasaysayan niring Lupang Tinubuan na n~gayo'y halos nalilibing sa limot. Marahil ay di na isinasaloob n~g iba na lin~gunin pa ang nakaraan; n~guni't kung ating didilidilihin ay lubhang mahalaga, sapagka't ang nakaraan ang siya nating pinagbabakasan n~g n~gayon sampu n~g hinaharap, siyang bumubuhay n~g m~ga bagay na nangyayari, siyang kumakandili n~g ating alaala sa ating m~ga kanunuan na ating pinagkautan~gan n~g buhay at bala na, at sa madaling sabi ay siyang pinakasalamin n~g madlá sa pamumuhay, na dahil dito ay pinagsikapan n~g halos lahat n~g lupain ang pagsiyasat at pag-aaral n~g kanikanilang kasaysayan.   Sa kasaysayang ito ay di ko muna inilakip ang sa m~ga taong gubat at ang sa kamorohan, sapagka't ang una ay di pa lubhang kilala ang wika sampú nang boong paraa't ayos n~g pamumuhay, saka kapua may kahabaang salaysayin lalong lalo na ang sa kamorohan na may kilala't sariling kasaysayang nain~gatan; at dahil sa m~ga dahilan ito ay minagaling kong unahin itong pinakamahalaga sa atin upáng huag lubhang humabà at tuloy makaya n~g lahat ang halaga, sapagka't kung papagsasabaysabayin ay mamabigatin n~g karamihan ang halaga sa kamahalan n~gayon n~g pagpapalimbag.   Tuloy ipinauunawa ko na ang kasaysayang ito ay hinan~go ko sa m~ga aklat nina P. Chirino, P. Delgado, P. Colin, P. Placencia, Morga, Dr. P. de Tavera. Sa salaysay ni Pigafetta, sa m~ga paaninao ni Dr. Rizal at kaonti sa m~ga aklat nina Blair at Robertson at gayon din sa m~ga kasaysayan ni Dr. Barrows at Comisionado Dean C. Worcester. Marahil din naman ay may kaonting kulang pa ito, dahil sa di ko pagkasumpong n~g lahat ng kasaysayang kailan~gan, n~gunit inaasahan kong ito ang m~ga pinakamahalaga.   Ipinauunawa ko rin na ang aking pagkasulat nito ay utang na loob ko sa aking amaing si G. Felipe G. Calderón, kay Mr. J.H. Lamb, at kay Dr. James B. Rodgers na nan~gagkatiwala sa akin n~g kanilang m~ga aklat na nabangit ko sa unahan nito na n~gayo'y mahirap man~gasumpun~gan.   _Sofronio G. Calderón_         =Unang Pangkat.=   =M~ga Unang Tao Rito.=     Isa sa m~ga lahing hangang n~gayo'y nan~gananahan dito sa m~ga kapuluang Pilipinas ay ang m~ga "Itim" ó "Ita", at sapagka't ayon sa kapaniwalaan ay siyang unang nan~gamayan dito ay di n~ga maliligtaan sa kasaysayan n~g Pilipinas.   Ang dami, di umano, n~g m~ga ito ay may tatlong yuta at pawang nan~gananahan sa m~ga gubat at bundukin n~g Bataan at Sambales at sa Silan~ganang bundukin n~g dakong hilaga n~g Luzon na mula sa Cabo Engaño hangang Baler. May man~gilan~gilan ding nan~gananahan sa m~ga bundukin n~g m~ga lalawigang Rizal, Bulakan, Kapangpan~gan Tarlak, Pangasinan, Ilokos Norte, Nueva Ecija at Abra. Gayon din sa m~ga pangpan~gin n~g Rio Grande sa Kagayan at sa ilog Ablug sa lalawigan n~g Kagayan at sa m~ga dating comandancia n~g Infanta at Príncipe na n~gayo'y sakop n~g lalawigan n~g Tayabas. Bukod dito'y mayroon din sa m~ga pulo n~g Mindoro, Panay, Negros, Mindanaw at iba pa.   Palibhasa,t, nakapangkat-pankat ang lahing ito ay nagkaroon n~g iba't ibang pan~galan, na yaong m~ga nasa Sambales lalong lalo na yaong m~ga haluang dugo ay pinan~ganlang _Abunlon_; yaong nan~ga sa Morriones sa Tarlak ay _Aburlin_; ang ibang nan~ga sa Kagayan, Isabela, Kapangpan~gan Bulakan at Bataan ay _Ita_; ang ibang nan~ga sa Isabela ay _Agtas_; ang ibang nan~ga sa Nueva Ecija, Kapangpan~gan, Sambales, Ilocos Sur, at Tarlac lalong lalo na yaong m~ga haluang dugo ay _Balugas_; ang ibang nan~ga sa Sambales ay _Bukiles_ ang nan~ga sa baybayin n~g dagat Pacífico sa Hilaga n~g Luzón ay _Dumagat_; at ang nan~ga sa Baggaw sa Kagayan ay _Parames_.   Dahil sa pagkakapangkat-pangkat na ito at pagkakaroon n~g iba't ibang pan~galan ay pinagkaroonan n~g iba't ibang isipan n~g m~ga mananasaysay, na anáng iba'y supling sa iba't ibang lahi n~g m~ga _itim_ at anáng iba'y iisang lahi na napapangkat lamang n~g angkan-angkan na sa akala ko'y itong hulé ang mapaniniwalaan.   Ang m~ga taong ito ay nan~gananahan pulupulutong na limalimangpu humigit kumulang at ang hitsura't anyo ay pandak na lilimang paa ang taas, maiitim baga man ang iba'i may kakuyumangihan, malalaki ang mata n~g karamihan, kulot ang buhok at balbasin ang m~ga lalaki, sarat ang ilong, makakapal ang labi at mabibilog ang ulo. Hindi nan~gaggugupit n~g buhok, malibang totoong mahaba na at kung gayon ay pinuputol n~g itak ó sundang kung sakaling walang gunting. Ang ibang itim sa Bataan ay nagsisipagkoronita sa ulo na parang pare upang makasin~gaw ang ipit, di umano, at yaong nan~ga sa Sambales ay nagsisipag-ahit kung minsan n~g kalahati n~g ulo, na mula sa tuktok hangang sa batok.   Ang damit, n~g m~ga lalaki ay bahag lamang sa m~ga balakang at ang sa m~ga babae ay tapi na mula sa baywang hangang sa tuhod. Ang dinadamit ay kayo kung mayroon, datapua't karaniwa'y balat n~g kahoy.   Ang karaniwang kagayakan ay sarisari. Gumagamit n~g kawayang suklay na may gayak na pakpak na sarisaring kulay. Nagsisigamit din n~g hikaw, bitones, pirapirasong salamin at iba pa na gaya rin nito. Ang m~ga pinuno ay nagpapatulis n~g n~gipin sa harap, at halos lahat ay nan~gagsisipagkudlit sa katawan n~g sarisaring hitsura na ang m~ga lalaki ay sa dibdib, sa likod at sa m~ga bisig at ang m~ga babae naman ay gayon, din bukod pa sa m~ga harapan n~g hita at sa iba pang dako n~g katawan.   Ang lahing ito ay may ugaling magpabagobago n~g tahanan, at sa ganito'y hindi nan~gagbabahay at ang karaniwang pahin~gahan ay ang paanan n~g m~ga punong kahoy na kanilang pinagtitindigan n~g balangkas na miski paano saka binububun~gan n~g kugon ó n~g miski anong dahon.   Sa pagkabuhay ay nan~gabubuhay sa isda, lamang lupa, sa bigás (na nan~gaghahasik n~g palay sa dakong katahanan), at lalong lalo na sa m~ga hayop na kanilang nahuhuli ó napapana, at di umano'y m~ga totoong maibiguin sa lamán n~g ungoy, saka nan~gagsisikain n~g ahas, palaka bubulí at iba pang hayop na di natin kinakain.   Ang sakbat na kagamitan ay sibat na kawayan ó san~ga kaya n~g kahoy at, pana't busog na may lason na kanilang ginagamit sa ano mang lakad nila.   M~ga totoong magiliwin sa tugtugin at ang kanilang m~ga instrumento ay buho't kawayan. May sarisaring sayaw sila, na tinatawag nilang sayaw kamote, sayaw pagong, sayaw pan~gin~gibig sayaw pakikihamok at iba pa na may kahabaang saysayin dito kung papaano.   Sa pag-aasawa ay inuugali ang pagkakasunduan n~g m~ga magulang saka ang bigay-kaya na gaya rin n~g sa ibang lahing gubat. Tungkol sa pagdidiwan nito ay sarisari ayon sa iba't ibang angkan n~g m~ga ito, n~guni sa m~ga itim na nan~ga sa bundok n~g Mariveles ay ganito di umano. Nagsisipagtago sa gubat ang babae at ang m~ga abay niya, saka hinahanap n~g lalaki at n~g m~ga abay naman nito hangan sa masumpun~gan. Pagkasumpong ay ipinagsasama ang babae sa dakong pagtatapusan n~g pagdidiwan na tumutugtog ang lalaki n~g gansa (na isang instrumento nila) sa harap n~g babae at habang lumalakad ay sumasayaw: samantalang ang babae naman ay may takip na panyo sa ulo at mukha at lumalakad na payuko. Pagtigil n~g tugtog n~g lalaki ay hinahandugan n~g m~ga kaibigan ang babae n~g kanikanyang kaya. Pagkatapos ay lumalapit ang babae sa isang wari entablado na handa na kapagkaraka na may dalawang dipa ang taas at nililigid n~g kanyang m~ga kamag-anak, saka tinatakbo at inaagaw n~g lalaki na hinahawakan sa bisig at isinasampa sa itaas noong wari entablado na doon sila nauupong dalawa na magkaabrasete. Kung magkagayon ay sumasampa ang ilan sa kanilang m~ga kaibigan at kamag-anakan na nagsisipag-alay n~g kanikanyang kaya, saka nan~gananaog na kasama ang bagong mag-asawa. At pagkapañaog ay sinasalubong n~g isang matandang lalaki at isang matandang babae na nan~gagsisilagay marahil na pinaka-inaama at ini-ina at siyang nan~gagpapa-ala-ala n~g kanilang payo sa bagong mag-asawang yaon.   Bagay sa kanilang kapanampalatayahan, di umano, ay wari ang pagsamba sa m~ga bagay n~g katalagahan at sa m~ga kalulua, at ang m~ga matanda at ang m~ga namatay sa kanila ay lubhang ipinakagagalang.   Ang lahing ito ayon sa kapaniwalaan ay nan~ganahan ditong malaong panahon hangang sa dinatnan n~g lahing _malayo_.   Tungkol sa pagkaparito n~g m~ga ito kung paano at saan nan~gangaling ay di masabi at hangan n~gayon ay di pinagkakaisahan n~g m~ga mananalaysay ang bagay na ito; sapagka't anáng iba ay galing sa Aprika na nakapagpalipat-lipat sa pulo't pulo hangang Nueva Ginea at mula sa Nueva Ginea hangang dito, at anáng m~ga bagong mananalaysay ay hindi, kun di ang m~ga ito'y kaibang lahi n~g m~ga itim sa Aprika at talagang tagarito sa Kasilan~ganan.         =Ikalawang Pangkat.=   =Lahing Pilipino=     Maliban sa m~ga _itim_ ay pawang lahing _malayo_ na ang nan~gananahan dito na may halo marahil na kaonting _indonesiano_, at n~gayo'y siyang m~ga kinikilalang pilipino.   Ang lahing ito ay nababahagi n~gayon n~g tatlong malaking bahagi: Una'y ang m~ga taong nagsipangubat na dî napasaklaw sa kapangyarihan n~g m~ga taga ibang lupain, ikalawa'y ang m~ga moro ó kumikilala kay Mahoma at ikatlo'y ang m~ga nagsipagkristiano.   Ang tatlong bahaging ito ay paraparang napapangkat, n~gayon n~g lipilipi at angkan-angkan.   Ang unang bahagi, na sa m~ga taong gubat, ay lubhang marami ang pagkakapangkatpangkat; n~guni't ang m~ga lubhang kilala ay ang Igorot Ilongot, Tingian, Gaddan at Kalinga dito sa Luzon, ang Tiruray sa Mindanaw at ang Tagbanua sa Palawan. Ang pagkakapangkatpangkat n~g m~ga taong ito ay pinagkaroonan n~g iba't ibang isipan n~g m~ga tanyag na mananalaysay. Anáng Profesor Blumentrit, sukat dito sa kalusonan at kabisayaan ay napapangkat ang m~ga ito n~g tatlong pu't anim na lipi baga man kalakip na pati nang sa m~ga itim, at anáng m~ga mananalaysay na Jesuita ay dadalawang pu't anim, at sa bilang na ito ay may binangit pa ang m~ga Jesuita na dî ibinibilang n~g Profesor Blumentrit sa kanyang salaysay na gaya rin n~g Profesor Blumentrit tungkol sa binangit n~g m~ga Jesuita: ano pa't kung idadagdag ang m~ga binangit n~g m~ga Jesuita na dì naibilang n~g Profesor Blumentrit sa kanyang pagkatala ay hihigit pa n~ga sa tatlong pu't anim na bilang niya. N~guni't hindi lamang ito, kundi dumating dito ang m~ga Americano at pinagsikapan ding masiyasat itong iba't ibang liping nagsisipangubat, na sa m~ga sumiyasat at nakakita n~g m~ga ito ay di maliligtaan sina Dr. Barrows, Comicionado Dean C. Worcester, John C. Foreman. Dr. M.L. Miller, Capitan Charles E. Nathorst, at Capitan Samuel D. Crawford at di rin nan~gagkaiisa n~g isipan bagay sa m~ga liping ito; sapagca't ani Dr. Barrows ay tatatlo ang liping malayo rito at kung bagá man anya't marami ay angkan lamang n~g tatlong ito ang iba, samantala namang ang sa Comicionado Dean C. Worcester ay anim ang liping malayong narito at anáng iba ay isang gayon: ano pa at iba't iba. Kung alin ang matuid sa m~ga salaysay noong m~ga una sampu nitong m~ga huli ay di natin masabi at hangang n~gayon ay di pa lubos na kilala ang boong paraa't ayos n~g pamumuhay niyang m~ga taong gubat na nabangit baga man masasapantahang di lubhang magkakaiiba, Ang ikalawang bahagi na sa m~ga moro, ay gaya rin n~g sa m~ga taong gubat na napapangkat n~g lipilipi at angkan-angkan, na ang iba'y sa Dabaw, ang iba,y sa Samboanga, ang iba'y sa Kottabato at ang iba'y sa iba't ibang dako n~g Hulo't Mindanaw na pawang may kanikanyang n~galan. Ang m~ga ito ang may lalong malinaw na kasaysayan kay sa lahat n~g lipi rito sa Pilipinas, dahil marahil sa maagang pagkasulong nila sa katalinuang pakamahometano at pagkapagin~gat nila n~g kanilang m~ga alamat at m~ga alaala n~g dating pamumuhay n~g kanilang m~ga kanunuan. Tungkol dito ay di dapat ligtaang basahin ang salaysay ni Naajeb M. Saleeby sa kanyang aklat na kasusulat pa lamang. Ang ikatlong bahagi, na sa m~ga nagsipagkristiano at siyang m~ga liping tinutukoy ko sa kasaysayang ito ay masasabi nating may walong lipi ang dami na dili iba't itong m~ga sumusunod: Ang _Bisaya_, na m~ga taong nan~gananahan sa maraming m~ga pulong napapagitan sa Luzón at Mindanaw, sa makatuid baga'y sa m~ga puló n~g Panay, Negros, Leyte, Samar at ibapa; ang _Tagalog_, na nan~gananahan sa kalagitnaan n~g Luzon at nakakalat sa m~ga lalawigan n~g, Maynila, Batan~gan, Kabite, Laguna, Bulakan, Bataan, Nueva, Ecija at iba pa; ang _Kapangpan~gan_ at _Pang-asinan_ na nan~gakakalat sa m~ga kapatagan n~g kahilagaan nitong Luzon; ang _Ilokano_, na nan~gananahan sa may dakong kalagitnaan n~g hilaga't kanluran nitong Luzon; ang _Kagayan_ na nan~gagsasalita n~g wikang Ibanag at nan~gananahan din sa Kagayan; ang Bikol na nan~gananahan sa Kamarines at sa m~ga lalawigan n~g Sorsogon; at ang _Sambal_ na nan~gananahan din sa Sambales. Dito'y di na kabilang ang ibang lipi na nan~ga sa Nueva Viskaya, sa pulo n~g Batanes at Kalamianes dahil sa kaliliitan.         =Ikatlong Pangkat.=   =Ang Pagkaparito at Pinangalin~gan n~g Lahing Pilipino.=     N~gayon n~gang batid na natin ang dinamidami nitong m~ga lipilipi at angkan-angkang nan~gananahan dito na pawang kinikilalang pilipino ay di natin maliligtaan na di maitanong kahi't sa sarili kung ang m~ga ito ay katutubo rito ó kung bakit nan~gaparito at saan nan~gangaling.   Sa pagkakatutubo rito, n~g m~ga taong ito anang man~ga mananalaysay ay hindi at bago pa n~ga mandin ang m~ga ito ay ang m~ga _ita_ muna ang nan~ganahan dito; sapagka't di n~ga naman mangyayari na ang isang lahing mahina na gaya n~g m~ga ita ay mahuli pa isang lahing may kaonting kalakasan. N~guni't mula pa sa kaunaunahang dako hangang sa panahong ito ay hindi kaila na ang tao ay laging nagsikap n~g ikabubuti't ikagiginhawa n~g sarili na kung di n~ga masiyahan sa kanyang bayan ay dumadayo sa iba; kaya't hangang n~gayon ay may m~ga taong gubat na nagpapabuhatbuhat n~g tahanan dahil sa paghanap n~g lalo't lalong mabuting lupa ó n~g dakong lalong maginhawa sa kanyang pamumuhay, at maging sa m~ga matalinong bayan man ay gayon din, at nariyan ang Australia na pinamamayanan n~g m~ga Ingles:--at--ang m~ga lupang Pilipinas, na halos lahat n~g pulo't lalawigan ay sagana sa m~ga halama't pananim, sa m~ga kayamanan at sa balang ikabubuhay,--ay di mapagtatakhang pamayanan n~g lahing ito. Kung paano ang pagkapasimula n~g pagkakaparito n~g m~ga ito ay di natin masabi at walang aklat na makapagpatotoo, datapua't ang m~ga pagkakaganiganito n~g m~ga tao noong unang dako, na nan~gapapalipat sa ibang m~ga pulo't lupain ay di kaila sa m~ga kasaysayan, at nariyan ang m~ga aklat nina Ratztel, Ellis, John Dunmore at ibp. Noon n~gang una na di pa lubhang kilala ang katalinuan sa pagdadagat at wala pang kagamitan, kungdi ang m~ga sasakyang may layag lamang ay madalas nangyayari sa m~ga magdadagat na kung totoong nan~gapapalaot sa dagat at inaabot n~g pagbabago n~g han~gin ay nan~gapapaligaw hangang sa másadsad sa ibang lupain, at man~gyare, kung hindi na man~gakabalik at kabubuhayan naman ang lupaing kinasadsaran ay natutuluyan n~g doon mamayan, ó kung sakali mang nan~gakabalik at sa ganang kanila ay lalong maginhawa ang lupaing kinasadsaran nila kay sa lupa nilang tinubuan ay nangyayari ring pinagbabalikan at nag-aanyaya pa n~g kanilang m~ga kamag-anak at kakilala. Ito n~ga ang matuid na masasapantaha natin, na dahil n~g ikinaparito n~g m~ga taong ito, at dito'y di natin maliligtaang di bangitin na pinakahalimbawa ang sali't saling sabi n~g m~ga Tagakaola at m~ga Bagobo sa Mindanaw na anila'y sadsad lamang sila sa lupaing kinatatahanan nila n~gayon at ang kanilang pinangalin~gan ay isang lupaing malayong malayo. Hindi ko na bangitin ang lubhang maraming m~ga pangyayaring ganito sa iba't ibang lupain at totoong makapal.   Bagay naman sa pinangalin~gan ay masasabi nating wala n~g iba kundi ang m~ga kalapit lupain At dito naman sa m~ga kalapit lupain ay wala n~g ibang masasapantaha, liban sa m~ga lupang nasa dakong timog, na dili iba't ang kamalayahan dahil sa siyang m~ga tan~ging bayan na kahuad sa kulay tikas at anyo, kakapatid sa wika at kaayon sa halos lahat n~g ayos at paraan n~g pamumuhay n~g m~ga Tagarito. Saká anang m~ga mananalaysay, siyang sali't saling sabi n~g m~ga tao rito, na ang m~ga nabangit na lupain ang pinangalin~gan n~g m~ga kanunuan nila. At bagay rito ay may salaysay si P. Colin na anya'y: "May isang taga Kapangpan~gang nakarating sa Sumatra (isang lupaing malaya) at sumapit sa isang dako na kanyang kinaringan n~g kanyang sariling wika at siya'y nakisagót na parang siya'y ipinan~ganak sa dakong yaon, anopa't tuloy sinabi sa kanya n~g isang matanda na kayo'y m~ga inapó n~g m~ga nagsialis dito noong unang dako na nan~gamayan sa ibang lupain at di na namin nan~gabalitaan."   N~guni't may isang bagay na hindi lahat n~g tao rito ay Kapangpan~gan ó Tagalog mang ó Bisaya kaya, kung di may taong gubat at may taong bayan, may Igorot at may Tingian, may Tagalog at may Bisaya at marami pa.   Ang kadahilanan nito, sa akalà ko, ay sanghî sa pagkakapangkat pangkat n~g m~ga bayan malayo (ó lahing pinangalin~gan n~g m~ga Tagarito) saká ang pagkakapangkat pangkat pa uli rito.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.2K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
424.8K
bc

Unloved by the billionaire

read
397.0K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
315.6K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
441.9K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook