bc

Home Wrecker

book_age18+
445
FOLLOW
1.8K
READ
possessive
mistress
drama
twisted
bxg
serious
betrayal
wife
husband
selfish
like
intro-logo
Blurb

"Ako ang Mahal mo Mark! Hindi ang kapatid ko. Naalala mo ba noong nag sisimula pa lang tayo? Ako ang gusto mo makasama sa pag tanda hindi ang kapatid ko kaya pumayag ako maging Mistress mo! Kasi alam ko ako yung Mahal na Mahal mo."

Hanggang saan makakaya ni Gwen ang pagiging Home Wrecker at hanggang saan ang magagawa niya para sa pagmamahal niya kay Mark kahit alam niya na may iba nang mahal si Mark.

Makakaya kaya niya kalabanin ang sariling kapatid para sa pag-ibig? O susuko na lang niya ang pagiging Home Wrecker at tatanggapin na hindi na niya mababawi ang lalaking pinaka mamahal niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Gwenneth's POV "Besh! Anong balak mo? Kasal ngayon ng ate mo." pagtatanong sa akin ni Klarissa. Hindi ko alam ang gagawin eto na ang pinaka masakit na pangyayari sa buhay ko 10 years ko minahal si Mark dahil lang sa pangarap ko nawala siya sa akin ng parang bula handa naman ako balikan siya pero bakit hindi niya ako inintay? "Hindi ko kayang pumunta ng kasal hindi ko kayang makitang masayang nagpapalitan ng vows ang kapatid ko at si Mark!"  "Pero kailangan ka doon magtataka sila tita kapag wala ka pa doon kaya kailangan mo lakasan ang loob mo." pag papakalma sa akin ni klarissa. Hindi ko napigilan maiyak dahil sa kasal na ito dapat masaya ako kasi yung ate ko naka tagpo na ng magmamahal sa kaniya pero bakit sa dinami-dami ng lalaking mamahalin niya bakit yung taong nag bigay kulay pa sa buhay ko?!  Napaka unfair ng mundo! 2 years ako nawala sa buhay ni Mark at ngayon ikakasal na siya alam niya kung gaano ko siya kamahal pero bakit mas pinili niya ang kapatid ko?! Ako dapat yung kaharap niya sa altar! "Besh tama na ang iyak.. lusaw na lusaw na ang make up mo oh! Halika na mag ready ka na hinahanap na tayo nila tita." pag aasikaso sa akin ni Klarissa. Wala na ako ibang nagawa kundi ang sundin ang kagustuhan ni Klaire. Si Klarissa ang kaibigan ko simula pa noon dalawa sila ni ate Elisse na nag aasikaso sa akin noong bata pa ako pati sa pakikipag relasyon ko kay Mark alam ni Klarisse.  Matagal ko tinago sa pamilya ko ang relasyon namin ni Mark balak ko na sana siya ipakilala sa pamilya ko pero naudlot dahil sa pag reach ko sa pangarap ko which is pangarap na akala dapat sa amin ni Mark. Ang alam lang ni ate Elisse crush-crush lang ang meron ako pero hindi niya alam na noong panahon na yun si Mark ang naging inspirasyon ko. Buo ang tiwala sa akin ng parents ko kaya kahit kailan hindi nila qinuestion ang pag alis-alis ko ng bahay noon at never rin ako gumawa ng ikakasira ng tiwala nila kaya sobrang swerte ko sa pamilya ko.  Umuwi ako galing States kasi kasal ng ate ko ngayon at halos gumuho ang mundo ko nang malaman ko si Mark ang boyfriend ni ate at siya ang papangasawa ni ate. Gusto ko isumbat sa ate ko na ako yung mahal ni Mark at hindi siya kaso hindi ko magawa! Matagal na kami wala ni Mark pero hanggang ngayon hindi ako maka move on sa kaniya hirap na hirap ako tanggapin na hindi na siya parte ng buhay ko! Si Mark ang first love pero paano ko haharapin ang mga darating na bukas na siya na ang Brother In Law ko?! "Huy huwag ka na umiyak sobra na ako nahihirapan ayusan ka ng make up kasi panay ang tulo ng luha mo." pag rereklamo ni Klarissa. "Kl-Klarissa hindi ko kaya pumunta sa kasal ni ate sobrang sakit!" pag hagulhul ko kay klarissa. "Magpakatatag ka Gwen wala na kasi tayo magagawa eh. Ikakasal na yung ate mo sa taong pinakamamahal mo marami pang nakalaan para sayo Gwen tandaan mo hindi lang si Mark ang tao sa mundo kaya please ayusin mo sarili mo." "Pl-Please! Huwag na tayo pumunta Klaire sobra ako dinudurog ngayon dahil sa nangyayari nagmamakaawa ako please!" pag mamakaawa ko sa kaniya. "Hay nako Gwen hindi pwedeng wala tayo doon ikaw ang maid of honor ng kapatid mo ikaw ang pinaka may mahalagang role sa kasal niya kaya kailangan na natin mag punta doon."  Hinayaan ko na siya ayusan ako ulit at huminga ako ng malalim sana kayanin ko na makita sila mamaya kailangan ko ipamukha kay Mark na kaya ko sila makita ng masaya kahit deep inside sobrang ako dinudurog ng sakit. Yung mga plano at pangarap ko para sa amin ni Mark wala na naging bula dahil sa kasal na ito. "Mahal na mahal ko si Mark.. Pero lahat ng yon nabalewala dahil ikakasal na siya sa kapatid ko pero paano na ako klarissa?! Paano na ako?!"  "Kailangan mo na mag move on Gwen ang tagal na rin na panahon simula nang magkahiwalay kayo at time na rin ito para sayo na tanggapin mo na wala na siya sa buhay mo. Alam ko mahirap kalimutan si Mark kasi siya yung first love mo pero eto na yung reality."  "Bawiin ko kaya sa kaniya si Mark? Tutal ako naman talaga ang mahal niya eh hindi si ate Elisse."  "Nababaliw ka na ba?! Parang sinabi mo na rin na handa ka maging kabit para lang kay Mark yan ang huwag na huwag mong gagawin!"  "Bakit ako naman talaga ang mahal ni Mark hindi si ate! Kaya lang si ate ang pinakasalan niya kasi si ate yung laging nandyan para sa kaniya!"  Hindi ako makakapayag na hindi ko mababawi si Mark kay ate kasal man sila wala ako pakeelam ang akin ay akin! Wala ako pake sa tinatawag na karma pero mahalaga sa akin si Mark siya ang bumuo ng mundo ko at siya nag mulat sa akin. "Oo una ka niyang minahal pero Gwen iniwan mo si Mark! Kahit pagbalik-baliktarin ang mundo hindi ka niya mahal at ipinaalala ko lang na wala ako kaibigan na kabit!" saka ako tinalikuran ni Klarissa. Inayos ko na ang sarili ko at hahayaan ko muna magpakasaya si ate sa piling ng lalaking pinaka mamahal ko pero darating ang araw na iiwan rin siya ni Mark at ako ang pipiliin niya kasi mare-realize niya na ako dapat ang pinakasalan niya. Ready na kami ni Klaire at papunta na kami sa hotel kung saan naka check in sila Mark nakaramdam ako ng kaba kasi muli kami magkikita ni Mark sa pangalawang pagkakataon noong namanhikan sila sa bahay wala ako at nasa trabaho kaya hindi ko nakita muling si Mark. "Gwen umayos ka huwag na huwag kang gagawa ng gulo dito. Mahiya ka sa wedding ng ate mo." pag babala sa akin ni Klarissa. Hindi ko na siya sinagot at bumaba na ako sa saksakyan saka nag tungo sa place kung saan nagaganap ang pictorial. Sa hindi kalayuan nakita ko na agad si Mark na masayang-masaya kasama ang pamilya niya pati mga groomsmen niya. "Anak!" tawag sa akin ni Mommy. "Mom, I'm sorry ngayon lang kami ni klaire natraffic kasi kami." pag sisinungaling ko sa mommy ko. "Look at your ate hindi ko akalain na isang mabait at marespetong lalaki ang papakasalan niya kaya hindi ako nagsisi na ibinigay ko sa kanila ang blessing namin ng daddy mo. Kaya anak sana kapag nakatagpo ka ng lalaking mamahalin ka yung katulad ni Mark." pag papayo sa akin ni Mommy. " Opo naman mommy I know I deserved better." sagot ko kay Mommy pero kung alam niya lang na si Mark lang ang gusto kong lalaki. Ilang sandali pa ay tinawag na kami ng photographer para sa pictorial namin family at ng Bridesmaid. Sobrang ganda ni ate at bagay na bagay sa kaniya ang wedding gown na suot niya halata rin na pinag handaan ang araw na ito. "In a count of 3 say cheese. 1, 2, 3" sambit ng photographer at ngumiti kaming lahat.  Kitang-kita sa mata ng mga magulang namin ang sayang nararamdaman nila dahil sa wakas ikakasal na rin si ate at sa totoo lang first boyfriend rin ni ate si Mark na ngayon ay mapapangasawa na niya. Never rin nagpakilala ng boyfriend si ate sa pamilya namin kaya hindi sila makapaniwala na ikakasal na si ate. Sobrang career orriented ni ate Elisse kaya naman lahat ng pagod binuhos nila dito to make this day perfect and memorable. Pero para sa akin hindi ito memorable seeing my love marrying another woman sobrang sakit. "Ok yung magkapatid naman ang sunod na pi-picturan. Please use your signature pose." sambit ng photographer. Agad namin ginawa ni ate ang signature pose namin. Simula bata pa lang kami ni ate tuwing pi-picturan kami magkapatid iyong signature pose lang namin ang ginagamit namin at hanggang ngayon malaki na kami ito pa rin ang gamit namin pose. "Congratulations ate! You deserved this moment kasi napaka bait mong tao and napaka malaaga mo." panimula ko. I want to act normal sa kanila ayoko isipin nila hindi ako masaya sa kasalan na ito kahit ang totoo hindi naman talaga. I remember noong sinabi ni ate na ikakasal na siya kay Mark halo-halong emosyon ang nararamdaman ko pero nagpakatatag ako sinuportahan ko si ate kahit sobrang sakit sa akin nang nalalaman ko. "Thank you so much Gwen! Hindi ko alam kung anong nagawa  ko sa mundong ito para makilala at mahalin ng isang katulad ni Mark." sagot niya sa akin. I smiled at her as a response. Wala na ako ibang masabi sa kaniya at baka masabihan ko pa siya ng masasakit na salita kaya I tried to smile.  Natapos na ang pictorial namin at ready na kami mag punta sa church dito ako ngayon naka sakay sa bridal car katabi ni Ate Elisse at hindi ako comportable ramdam ko rin ang kabang nararamdaman ni ate ngayon. Naka ilang buntong hininga na siya dahil sa kabang nararamdaman niya and as her sister pinapakalma ko naman siya. Kahit ako kinakabahan rin ilang beses ko na piniglan ang sarili ko na lapitan si Mark pero sobrang hirap.  Gustong-gusto ko na yakapin si Mark at sabihing Miss na Miss ko na siya na gusto ko na siya bumalik sa akin para kami na lang yung ikasal pero pinigilan ko kasi ayoko masira ang araw na ito para kay ate.  Ayoko rin dumating ang point na itakwil ako ng pamilya ko dahil sa kahihiyan na dinala ko sa mismong wedding ng kapatid ko. First time ko nakita ang pamilya ni Mark ng personal ngayon ko lang sila nakita kasi noong kami pa ni Mark hindi niya rin ako naipakilala sa family niya. Ilang taon kami nagkasama pero never namin naipakilala ang isa't-isa sa mga family namin kaya sobrang pinagsisihan ko yon. I decided na huwag muna namin ipaalam sa pamilya namin ang relasyon meron kami before kasi gusto ko sigurado na ako na siya talaga ang makakasama ko sa habang buhay. Bumaba na ako ng sasakyan kasi pinapila na kami ng Organizer nag lakad na pala papasok ng church si Mark at sa kalayuan kitang-kita ko ang tingin niya dito sa pinag pwe-pwestuhan namin mga abay.  Nag simula na kami mag lakad at hindi ko maalis ang tingin ko kay Mark umaasa ako na kahit isang tingin lang ay dadampian niya ako ngunit hindi niya nagawa. Gusto ko maiyak dito sa loob pero pinipigilan ko. "Gwen kumalma ka. Ibaling mo muna ang atensyon mo sa iba huwag kay Mark napapag halataan ka."  "Wala ako pake! Hindi ganyan ang Mark na kilala ko Klaire! Hindi siya ganyan kasaya sa piling ng ate ko!" bulong ko kay Klarissa. "Wala ka nang magagawa ikakasal na sila ngayon at halata sa kaniya na Mahal na Mahal niya ang ate mo." pang de-derekta sa akin. "Grabe ka talaga! Hindi ko alam kung kaibigan ba kita o ano!" irap ko sa kaniya. Hindi ko namalayan na nakarating na pala sa harap ng pari ang kapatid ko at tanging si Mark lang ang nakikita ko. Yung mga luhang nagbabaksagan sa mga mata niya habang naka ngiti sa harap ng kapatid ko. Sa akin dapat siya umiiyak sa saya hindi sa kapatid ko.  ~ Natapos ang vows at ang kasal hindi ko na napigilan mapahagulhul ulit ramdam na ramdam ko na naman ang sakit sa puso ko. Masayang masaya sila habang tinatapos ang cerenomy hindi na ako sumabay kila mommy at kay Klaire na ako sumabay. "Tahan ka na kanina ka pa iyak ng iyak wala naman magagawa yang iyak mo kasi kasal na ang ate at ang prince charming mo." "Klarissa bakit ganoon? Masama bang unahin ang pangarap bago ang future namin? Para sa amin rin naman yon eh!" "Alam mo Gwen kung talagang mahal mo si Mark hindi mo uunahin ang pang sarili mong kaligayahan kung manga-ngarap ka lang rin dapat kasama siya na sabay niyo haharapin. Sa ginawa mo kasi iniwan mo siya sa ere kaya nawala siya sayo." Napatahimik ako sa sinabi ni Klarissa kasi totoo naman kung hindi dahil sa pagiging selfish ko sana kasam ko siya ngayon at ako ang pinakasalan niya. Hindi ko malilimutan ang mga pangarap na binuo niya kasama ako pero ngayon yung mga pangarap na binuo niya hindi na ako ang kasama niya. Samantalang ako.. Iniwan ko siya para sa sarili ko pangarap napaka walang kwenta ko tao hindi ko iniisip ang mga pwedeng mawala sa akin. Yung nag bigay kulay sa mundo ko wala na ngayon wala nang makakapantay pa kay Mark. Umaasa ako na sana dumating ang araw na magising siya sa katotohanan na ako ang mahal niya. "Hindi tayo pupunta ng reception habang ganyan ang itsura mo.  Fix your self Gwen and be brave." seryosong sambit ni Klarissa kaya agad ako nag ayos ng sarili. Kakayanin ko tapusin ang araw na ito na hindi nahahalatang nasasaktan ako. Gustong gusto ko bawiin ang para sa akin sa akin dapat ang surname na Chavez at hindi sa kapatid ko! Nag retouch na ako at nag bigay sign kay Klaire para pumunta na kami sa reception hindi ko alam kung nahahalata na ba nila na may mali sa akin kasi lagi ako late simula pa kanina. Pero wala na ako pakeelam ang gusto ko lang makita si Mark iniisip ko na lang na hindi nag e-exist ngayon si ate at sa akin masaya Si Mark. Sa mahabang panahon na ginugul ko para kay Mark hindi ko alam ganito ako mahihirapan tanggapin ang lahat. Akala ko malaman ko lang na may iba na siya kaya ko na maging masaya. Pero mali pala ako sobra ako nahihirapan gusto ko ipamukha kay Mark na bumalik ako para sa kaniya. Para ituloy ang pangarap namin dalawa pero malabo na mangyayari iyon sobrang bigat sa puso! Nakarating rin kami ng reception at sakto na wala pa sila Mark kaya hindi pa kami late. "Gwen kalma ka lang ok? Huwag mo muna isipin ang lahat act normal like what you did in the wedding ceremony." pag babala sa akin ni Klarissa. Nagpapasalamat rin ako na may kaibigan ako na sa despite of my kagagahan in life nandiyan pa rin to support me. Through my ups and downs andiyan siya lagi aside from my family and my ate. Sobrang blessed ko na kung dumating sa buhay ko si Mark para maging katuwang ko sa habang buhay. Nagsimula na kami maglakad papasok ng reception ayon sa ayos ng MCee at ng organizer. Hindi ko maalis ang tingin ko sa main door kung saan dadaan at maglalakad ang bagong mag asawa. "AND NOW! LET'S WELCOME THE NEWLY WED!  MR AND MRS. CHAVEZ" sigaw ng Mcee kaya naman nag tayuan lahat ng mga bisita at lahat mga wine glass nila pinatunog nila using their forks. Hindi maalis sa mukha nila ang mga saya na sinisigaw ng mga bisita at nag halikan sila sa harap namin lahat. "Woooaahhh! MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" sigaw ng mga bisita at saka sila nag tungo sa pwesto nila sa harap namin.  "KISS! KISS! KISS!" sigaw rin ng mga bisita sabay patunog pa sa mga wine glass na hawak nila gamit ang kutsara. Gustong-gusto ko na matapos ang araw na ito sa patagal ng event mas lalo lumalalim ang sugat sa puso ko. Isa lang naman ang gusto ko eh bumuo ng sariling pamilya kasama si Mark na siyang naging liwanag ko noong mga panahon sobrang lugmok ko sa problemang kinahaharap ko noon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Broken Angel

read
3.8K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
407.9K
bc

OSCAR

read
226.3K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.5K
bc

My Husband's Mistress

read
297.6K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook