bc

Pleasing My Hot-Tempered Step Brother

book_age18+
1.2K
FOLLOW
4.6K
READ
second chance
badboy
goodgirl
CEO
drama
sweet
bxg
serious
punishment
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Simula nang mamatay ang mga magulang nina Hendrick at Althea ay nagbago rin ang pakikitungo ni Hendrick kay Althea.

Naging mahigpit kasi ang lalaki kay Althea kahit na ginagawa naman ng dalaga ang lahat ng gusto nito.

Mabuti na nga lang at may mabuting puso si Althea dahil kahit kailan ay hindi nito pinatulan ang pagsusungit ni Hendrick

Hanggang sa dumating ang isang gabi na magpapabago sa sitwasyon ng dalawa.

Sa kalagitnaan kasi ng gabi ay umuwi si Hendrick ng lasing at doon ay may naganap sa dalawa. Simula noon ay unti-unting nagbago ang pakikitungo ni Hendrick kay Althea. Naging malambing ito at maalaga na ikinatuwa ni Althea ng husto.

Subalit panandalian lang pala ang lahat. Kasabay kasi ng pagdating ni Isabel ay magbabago rin ang pakikitungo ni Hendrick kay Althea. Si Isabel daw kasi ang nag-iisang babae na minahal ni Hendrick sa buong buhay nito.

Dahil doon ay napagdesisyunan ni Althea na iwanan si Hendrick at magpakalayo-layo.

Paano kung sa huli ay si Hendrick naman ang maghabol kay Althea? Papapasukin pa kayang muli ni Althea si Hendrick sa buhay nila ng anak niya o iiwasan na ito dahil may Harry na sa buhay niya?

chap-preview
Free preview
Episode 1
"You're f*****g late again, Kate Althea Castillo!" sigaw ng stepbrother ni Althea na si Hendrick. Simula nang mamatay ang mommy niya at ang daddy nito ay nag-iba na rin ang pakikitungo nito sa kaniya. Lahat na lang ng kilos niya ay pinupuna nito. Ayaw na ayaw din nito na nakikipag-usap siya sa ibang tao partikular na sa mga lalaki. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya dahil lahat na lang ng bagay na ginagawa niya ay hindi nito nagugustuhan. "I'm sorry, Kuya," paghingi niya ng tawad sa lalaking nanlilisik na ang mga mata. "Katatapos lang po kasi ng program namin sa school, eh." Isa kasi siyang guro sa pampublikong paaralan na mariin nitong tinutulan noon pa man. Dapat daw kasi ay related sa business ang kinuha niyang kurso para raw matulungan niya ito sa pagpapatakbo ng mga negosyo nito. Ilan kasi sa mga sikat na mall dito sa Pilipinas ay pag-aari ng mga Dela Rosa. Kaya siguro laging mainit ang ulo nito dahil sa dami ng inaasikaso nito araw-araw. Nag-iisa lang kasi si Hendrick kaya wala itong ibang katulong sa pagpapatakbo ng negosyo na naiwan ng papa nito. Limang taon pa lang siya noon nang pakasalan ng daddy nito ang mommy niya. Samantalang si Hendrick ay labing limang taon naman noon. Sa totoo lang, tutol si Hendrick sa pagpapakasal ng mga magulang nila pero wala itong nagawa dahil mahal na mahal ni Tito Ricardo ang mommy niya. Noong nabubuhay pa ang mga magulang nila ay hindi siya masyadong pinapakialaman ni Hendrick. Subalit iba na ang sitwasyon ngayon. Mas mahigpit pa kasi ito sa mahigpit at mas masungit pa ito sa masungit. "It's f*****g eight o'clock in the evening, Althea! Uwi pa ba 'yan ng matinong babae?" "I'm sorry, Kuya." Hindi ito tumatanggap ng paliwanag kaya naman wala na siyang ibang choice kundi ang humingi rito ng tawad nang paulit-ulit. "May boyfriend ka na ba, ha, Althea?" Biglang nanlaki ang mga mata niya dahil sa naging tanong nito. "So, meron nga?" "I don't have, K-kuya," kandautal niyang tugon dito. "At saka bawal akong mag-boyfriend, 'di ba? At kahit naman may manligaw sa akin hindi ko rin naman sila sasagutin dahil ayaw kong magalit ka." Inilang hakbang nito ang pagitan nilang dalawa at pagkatapos ay mahigpit nitong hinawakan ang panga niya. "Sa oras na malaman ko na may boyfriend ka na, ibabaon ko kayong dalawa sa lupa. Naiintindihan mo ba ako, Althea?" Mabilis siyang tumango-tango. "Yes, Kuya!" Hindi naman sila magkapatid pero kung paghigpitan siya nito ay dinaig pa ang mama niya no'ng nabubuhay pa ito. "File a resignation tomorrow, Althea." "But why?" Kapag na-late siya ng uwi lagi na lang ganito ang sinasabi ni Hendrick sa kaniya. "Hindi ko naman ginustong ma-late ng uwi, Kuya. Birthday kasi ng isa sa mga co-teacher ko kaya po na-late ako ng uwi." "Wala akong pakialam kahit ano pa ang okasyon niyo ngayon, Althea! Bukas na bukas din ay magpaalam ka na sa eskuwelahan na pinapasukan mo dahil simula sa lunes ay sa akin ka na magtatrabaho. Naiintindihan mo ba?" "Kuya, nasasaktan po ako..." Mas lalo kasi nitong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa panga niya. Agad naman na nanlambot ang ekspresyon ng mukha nito at mabilis na pinakawalan ang panga niya na hawak-hawak nito. "File a resignation tomorrow, Althea," ulit nitong saad sa kaniya. Yumuko siya sabay tango. "I will." Wala pa nga siyang isang taon sa pagtuturo pero gusto na agad nitong mag-resign siya. Siguro susundin na lang niya ang gusto nito para hindi na sila nito nag-aaway. Kahit na lagi itong nagagalit ay iniintindi na lang niya ito dahil baka pagod na rin ito sa kaaalaga sa kaniya. Sampung taon ang tanda ni Hendrick sa kaniya at simula nang mamatay ang mga magulang nila ay ito na ang nag-alaga sa kaniya. Lahat din ng mga pangangailangan niya ay ibinibigay nito kaya naman hindi siya nakikipagtalo rito sa tuwing mainit ang ulo nito. "Hindi na po mauulit, Kuya. Pasensiya na po," paghingi niya ulit ng tawad dito. "Talagang hindi na mauulit 'to dahil simula bukas hindi ka na papasok sa eskuwelahan na 'yon, Althea." Ngayon lang naman siya na-late ng uwi dahil napasarap ang kuwentuhan nila ng mga kasamahan niya. Masyado lang talagang mahigpit si Hendrick pagdating sa kaniya samantalang wala naman siyang ginagawang masama. "Palitan mo na 'yang damit mo dahil kakain na tayo," mariin nitong utos sa kaniya na agad naman niyang sinunod. "Bilisan mo dahil kanina pa ako nagugutom." Hindi kasi ito kumakain hangga't hindi siya dumarating at ganoon din siya. Kapag kasi hindi niya ito hinintay ay nagagalit ito. Tumango-tango siya. "Opo, Kuya." Habang kumakain ay panaka-naka siyang napapatingin kay Hendrick dahil nakakunot ang noo nito. "May problema ba, Kuya Hendrick?" Hindi niya na natiis na hindi ito tanungin dahil pakiramdam niya ay may mali sa kapatid niya. "I'm fine," tipid nitong tugon at pagkatapos ay tumayo na ito hindi pa man nauubos ang mga pagkain na nasa plato nito. "Are you sure?" Hindi kasi siya naniniwala dahil kilalang-kilala niya si Hendrick. "Yeah, mauuna na ako sa 'yo, Althea. Pagkatapos mong kumain ay umakyat ka na rin sa kuwarto mo at matulog ka na." Pagkasabi no'n ay umalis na ito sa hapagkainan kaya naiwan na lang siyang mag-isa. Kahit araw-araw ay sinusungitan siya ni Hendrick ay hindi niya pa rin mapigilan na hindi mag-alala rito. "Kawawa naman si Sir Hendrick." Narinig niyang usal ni Aling Magda na isa sa mga kasambahay nila. "Kahit kasi masama na ang pakiramdam niya ay pumapasok pa rin siya, eh." Mabilis siyang napalingon sa gawi ng matanda. "May sakit po ba si Kuya?" Tumango ito. "Kalalabas nga lang niyan sa ospital, eh. Masyado kasing inaabuso ang sarili." Dahil sa sinabi nito ay dinagsa ng kaba ang dibdib niya. Bakit hindi niya alam na kagagaling lang pala nito sa ospital? Biglang nanikip ang dibdib niya dahil pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit ito nagkasakit. Masyado kasing workaholic si Hendrick kaya siguro ito nagkakasakit. "Aling Magda, tapos na po akong kumain," imporma niya sa matanda dahil nawalan na siya ng ganang kumain. "Pakiligpit na lang po ang mga ito." "Magagalit si Sir Hendrick kapag nalaman niyang hindi mo inubos ang pagkain mo, Hija." "Huwag niyo na lang pong ipaalam," saad niya rito. Balak niya kasi na puntahan si Hendrick sa kuwarto nito para alamin ang kalagayan nito. Pinakalma niya muna ang sarili niya bago niya kinatok ang pinto ng silid nito. Nang walang sumagot ay kusa na niyang binuksan ang pinto ng silid nito. Alam niyang pagagalitan na naman siya nito pero wala na siyang pakialam pa dahil mas nananaig ang pag-aalala niya rito. Pagpasok siya sa loob ng kuwarto nito ay kadiliman ang sumalubong sa kaniya. "Kuya Hendrick," tawag niya sa pangalan nito pero wala siyang nakuhang sagot mula rito. "Kuya, are you okay?" Mas lalo tuloy nadagdagan ang pag-aalala niya dahil hindi man lang ito nag-abalang sumagot. At dahil walang kailaw-ilaw sa silid nito kaya hindi niya tuloy makita kung narito ba ang lalaki sa loob o wala. "Kuya, nandito ka ba?" Nakahinga lang siya ng maluwag nang makapa niya ang kinaroroonan ng lamp shade nito. Binuksan niya iyon at pagkatapos ay napatingin siya sa kama. Napangiti siya nang makita niya na nakahiga si Hendrick patagilid habang ito ay nakaharap sa gawi niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa gawi nito at pagkatapos ay lumuhod siya sa harapan nito. Idinantay niya ang likod ng palad niya sa noo nito at kasabay noon ay biglang nag-init ang sulok ng mga mata niya. Medyo may sinat nga ito. "I'm sorry, Kuya," umiiyak niyang usal sa lalaking nakapikit. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sobra-sobra ang pag-aalala niya rito. "Why you didn't tell me that you're sick? Sana hindi na lang ako pumasok para maalagaan ka." Sa tuwing nagkakasakit kasi siya ay dinadala kaagad siya nito sa ospital. Hindi rin siya nito iniiwanan kahit na isang segundo man lang. Kaya nga kahit medyo masama ang ugali nito ay hindi na lang niya ito pinapansin dahil hindi naman siya nito pinapabayaan. "What the f**k are you doing here in my room, Althea?" namamaos nitong tanong sa kaniya. "'Di ba sinabi ko sa 'yo na matulog ka na pagkatapos mong kumain? Bakit ba ang tigas ng ulo mo? And why the f**k are you crying?" "Natatakot kasi ako, eh." Biglang kumunot ang noo ni Hendrick at pinilit din nito ang sarili nitong ibangon pero pinigilan niya ito. "May nangyari ba, Althea?" Umiling-iling siya. "I'm sorry." "Bakit? May ginawa ka ba na hindi ko magugustuhan?" "Wala." "Huwag mong sabihin sa akin na umiiyak ka ng walang dahilan?" "Dahil alam ko na ako na ang dahilan ng pagkakasakit mo," wika niya rito. "Pumunta ka na sa kuwarto mo at matulog ka na," mariin nitong utos sa kaniya pero hindi niya ito sinunod. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi nagiging maayos ang pakiramdam mo," pagmamatigas niya. "Sino ba ang masusunod sa ating dalawa? Ikaw o ako?" "Ako!" aniya sabay sampa sa kama nito. "Dito ako matutulog para mabantayan kita." "Go to your room, now!" bulyaw nito pero nagmatigas siya. Hindi naman ito mananalo sa kaniya ngayon lalo na't may sakit ito. "I'm staying here with you." Mananatili siya rito sa kuwarto nito hangga't hindi siya nakakasigurado na magaling na ito. "Humanda ka sa akin bukas, Althea!" pagbabanta nito pero imbes na matakot kay Hendrick ay niyakap niya ito mula sa likuran. "Goodnight, Kuya." Bahagya siyang bumangon para gawaran ito ng halik sa pisngi nito. "Sana hindi ka na masungit bukas paggising mo." "Pumunta ka na sa kuwarto mo at doon ka matulog, Althea!" "Dito na lang ako matutulog, Kuya. Hindi naman ako malikot, eh." "Magkakasakit ako lalo sa ginagawa mo, eh!" Bigla siyang nalungkot sa sinabi nito. "Ayaw mo ba na bantayan kita?" "I don't need you here!" asik nito. Parang may bumara sa lalamunan niya dahil sa naging pahayag ni Hendrick. "Huwag ka nang sumigaw dahil baka lumala pa 'yang sakit mo. Susundin ko na lang ang gusto mo para gumaling ka na." Babalik na lang siguro siya mamaya kapag tulog na ito. Hindi rin naman kasi siya makakatulog ng mahimbing sa kuwarto niya dahil sobra talaga ang pag-aalala niya rito. Kahit kasi ubod ng sama si Hendrick ay mahalaga pa rin ito sa buhay niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook