bc

Tonight Can Last Forever

book_age18+
606
FOLLOW
4.3K
READ
sex
one-night stand
second chance
pregnant
goodgirl
sporty
doctor
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Falling in love was Faith least priorities. Masyado kasing istrikto ang mga magulang niya. Kaya nang Manalo siya ng trip to Palawan, sinamantala niya na wala sa bansa ang mga magulang at nagpunta siya sa malaparaisong isla. Malay ba niyang mai-inlove siya sa nakilalang guwapo at sikat na college basketball heartthrob- si Troy Escobar. Pero kahit tapos na si Faith ng Medical Technology, hindi pa rin siya puwedeng magka-boyfriend. Gusto kasi ng kanyang mga magulang na tapusin muna niya ang pagdodoktor.

Pero hindi man dapat, hinayaan ni Faith ang sariling matangay ng magic ng Palawan. Hinayaan niyang may mangyari sa kanila ni Troy kahit ilang araw pa lang silang magkakilala. Alam niyang maghihiwalay rin sila sa pagtatapos ng kanyang bakasyon.

Hindi nga lang niya inakala na iniwan man niya si Troy, magpapabaon ito ng alaalang babago nang lubos sa buhay niya….

chap-preview
Free preview
Chapter One
“WOW! This is a paradise!” buong paghangang sabi ni Faith habang inililibot ang tingin sa paligid. Puro berde, puti at asul ang nakikita niya habang nakatapak ang mga paa sa maputi at malambot na buhangin. There she was in a famous Club E Resort in Palawan. Napanalunan ni Faith ang vacation trip for two na iyon sa raffle contest ng Triple Play, isang kilalang sports apparel and merchandise store sa bansa. Dapat ay kasama niya roon ang best friend niyang si Lorraine pero biglang hindi na ito makakauwi sa Pilipinas para magbakasyon dahil nagkasakit ang mommy ng kaibigan niya. Ang best friend niya ay isang Filipino immigrant na nag-aaral ng medisina sa Portland, Oregon. Wala naman siyang ibang gustong makasama sa trip na iyon kundi si Lorraine kaya tumuloy pa rin siya kahit nag-iisa. Kasamang dumating ni Faith sa resort si Tere na representative ng Triple Play at dalawang lalaki at dalawang babae na kapwa niya nanalo.             “First time mo rito, Miss?” Napalingon si Faith nang marinig ang boses ng isang lalaki. Isang matangkad at guwapong lalaki ang amused na nakatingin sa kanya. He had expressive eyes. Maputi at makinis ang balat nito. He was about six feet or more dahil bahagya pa niya itong tiningala sa tangkad niyang five feet and six inches. Kaagad niyang namukhaan ang lalaki. Isa ang lalaki sa mga nakasabay niya sa perry kanina na nagdala sa kanila sa Club E Resort. Like her, the guy looked like he was in his twenties. He actually looked familiar. Sa taglay na kaguwupuhan at kakisigan, hindi na siya magugulat kung isa itong modelo o artista. Idagdag pa na maraming turistang nagpa-picture dito kanina.           “So, first time mo rito, Miss?” muling tanong ng lalaki na nagpatigil sa kanya sa pagmamasid sa mukha nito.           “Oo,” matipid na sagot ni Faith. “Welcome to Club E Resort then. I’m Troy Escobar, and you are?” nakangiting sabi nito at naglahad ng kanang kamay.           When Faith heard the name, she suddenly knew why the guy was familiar. Sikat na college basketball player at product endorser si Troy Escobar na nagmula sa isang maimpluwensiyang pamilya. Anak si Troy ng power couple na sina retired three-star general at businessman na si Tyrone Escobar at award-winning broadcaster at TV host na si Trina Del Prado – Escobar. “Faith Ignacio,” sagot niya at tinanggap ang pakikipagkamay ni Troy.           “Are you with someone, Faith?” tanong ni Troy pagkatapos bitiwan ang kanyang kamay.           “Mag–isa lang ako.”           Nagulat siya nang bigla itong yumuko at dinampot ang dala niyang traveling bag na nakalapag sa puting buhangin. “Let me help you with this, okay?”        Nakangiti siyang tumango. Kailangan nga niya ng tagabuhat ng bag dahil dahil ang mga staff ng resort na sumalubong sa kanila ay nauna nang umalis dala ang gamit ng ibang mga turista. Naiwan na rin siya ng mga kasama niya. Alam niyang iilan–ilan na lang ang gentleman sa mundo. Isa pala roon ang basketball heartthrob. “So, Faith, do you live in Manila?” tanong ni Troy habang magkaagapay silang naglalakad sa pathway papunta sa reception area ng resort.           “Yes.”           “I live in Makati, sa Dasmariñas Village,” sabi naman nito.           “Okay.”           “Are you here for vacation or work?” tanong pa nito.           “Vacation. Ikaw?”           “Both.” Tumango lang si Faith dahil hindi na niya alam ang sasabihin. Pagdating sa reception area ay nakita niya si Tere sa counter, kausap ang isa sa mga receptionist habang nasa likuran nito ang mga kapwa niya nanalo. Humarap siya kay Troy at kinuha ang kanyang bag.           “Thank you,” nakangiting sabi niya.               “You’re welcome. See you around, Faith,” nakangiti ring sabi nito.           Tumango siya at naglakad na palapit kina Tere.     “NO, HINDI PUWEDE! Hindi ako papayag!”           Napakunot-noo si Troy at napahinto sa paglalakad nang marinig ang malakas na boses ng isang babae. Kalalabas lang niya ng tinutuluyang cottage na nasa gawing likuran ng resort at papunta na sana sa restaurant na nasa gilid ng hotel nang maagaw ng atensyon niya ang dalawang babaeng nagtatalo sa harap ng restaurant. Mabilis niyang nakilala ang dalawa- ang isa ay si Tere na staff ng Triple Play na isa sa mga ine-endorso niya, at si Faith na kakikilala pa lang niya. Nakatayo sa likuran ni Tere ang isang lalaki na may hawak na handy camera, dalawang staff ng resort na nagsisilbi ring tour guide at dalawang pares ng lalaki at babae.           Natutok ang tingin niya kay Faith nang makita ang pagkairita sa maganda nitong mukha. Sa domestic airport pa lang kanina ay napansin na niya ito. Masyado itong maganda para hindi niya mapansin. She possessed the face of an angel and a body that can could easily attract every man’s attention. Maputi at matangkad ito tulad niya at halatang sporty rin. Hindi niya akalain na makakasabay pa niya si Faith sa perry at sa iisang resort lang ang punta nila. Medyo nainis pa siya kanina nang sa buong biyahe ay engrossed na engrossed ito sa pagmamasid sa kagandahan ng paligid at hindi man lang nagpakita ng interes sa kanya samantalang halos lahat ng nakasabay nila ay nagpa-picture sa kanya. Inakala pa niyang masungit at isnabera ito dahil halos hindi ito ngumingiti. Pero hindi naman pala ito ganoon dahil pinansin naman siya nang kausapin niya kanina.  “No! hindi n’yo ako puwedeng kuhanan ng video!” sabi pa ni Faith.  “Hindi ka puwedeng tumanggi dahil nasa terms and condition na pinirmahan mo ang photo and video coverage na ito,” impatient nang sabi ni Tere. Dala ng kuryosidad, nagpasya na siyang lumapit at mamagitan sa dalawang babae.  “May problema ba, Tere?” Napalingon ang dalawang babae sa kanya. Halatang nagulat si Faith nang makita uli siya. Umaliwalas naman ang mukha ni Tere.            “Sir Troy, ayaw kasi niyang sumama sa activities na gagawin namin at magpakuha ng video,” pagsusumbong ni Tere. “Hindi naman puwede ‘yon dahil isa siya sa mga nanalo sa raffle contest ng Triple Play.” Troy knew about the raffle contest. Gumawa pa siya ng promotional video tungkol doon. Isa pala si Faith sa mga nanalo. “Ganoon ba?” Inilipat niya ang tingin kay Faith. Nagpapasaklolong tingin ang ipinukol nito sa kanya. Sandaling nagsalubong ang mga kilay niya sa pagtataka. Humarap uli siya kay Tere. “Arbor ko na lang siya, Tere. May iba pa namang mga winners, ‘di ba? Huwag mo na lang pilitin si Faith kung ayaw niya. If ever na magkaproblema ka, ako ang ituro mo sa boss mo, okay?”           Halatang nagulat si Tere sa sinabi niya. Gayunman, walang pagtutol na nagpaalam na ito at umalis. Sumunod dito ang mga nasa likuran nito.           “Thank you for saving me,” nakangiting sabi ni Faith nang mapagsolo sila. Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Troy nang muling makita ang maganda nitong ngiti. Nangungusap din ang mga mata nito at parang nang-aakit ang mga labi. Hugis-puso ang makinis nitong mukha at matangos ang ilong. Her hair was what he liked most about her. Tuwid na tuwid iyon at itim na itim- halatang alagang-alaga. “May bayad ‘yon, ‘no. Sabayan mo akong mag-lunch.” Ipinatong niya ang isang kamay sa balikat ni Faith, bagay na normal lang niyang ginagawa sa mga babaeng malalapit sa kanya. Halatang nagulat ito sa ginawa niya at sandaling nanigas ang katawan pero hindi naman nagprotesta. Iginaya na niya ito papasok sa restaurant.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The ex-girlfriend

read
138.6K
bc

Unwanted

read
510.3K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.5K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
439.5K
bc

Unexpected Romance

read
38.2K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
684.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook