bc

The King Meet The Boss

book_age18+
11.6K
FOLLOW
119.2K
READ
contract marriage
love after marriage
badboy
badgirl
mafia
gangster
sweet
bxg
campus
like
intro-logo
Blurb

- The king meet The Boss -

Paano kung magkatagpo ng landas ang isang ganster na tinatawag nilang King dahil sa natalo nila ang naghahari dati sa underground battle at isang Mafia boss ?

Pwede kayang mahulog ang loob nila sa isa't-isa? O maglalaban sila.

Dalawang magkaibang mundo.

Dalawang delikadong mundo.

Dalawang magulong mundo.

Dalawang taong magkaiba, pagtatagpuin ng tadhana.

May chance kaya na maging masaya sila o maghihiwalay din dahil sa magkaiba sila ng mundo.

- COMPLETED.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: First meet
ALLISON Nandito ako ngayon sa isang park sa Japan, naglalakad. Namamasyal kasi ako ngayon kasi natapos ko na ang dapat kong tapusin dito. Ako nga pala si Allison Faye Santillan. Simple lang naman ako kung sa harap ng maraming tao, masayahin, laging nakangiti, matalino at maganda din naman. Mayaman, pero simple lang ako manamit hindi ako kagaya ng ibang babaeng mayayaman diyan na kung anu-anong mamahalin ang sinusuot. Ang hindi alam ng iba sa likod ng pagiging masayahin at pagiging simple ko ay may naninirahan sa akin na isang halimaw. I'm one of the mafia boss, and it's running in our blood to kill with no mercy and heartless. Pero minsan lang naman lumalabas ang dark side ko na 'yon kapag nagagalit ako, kaya nga ginagawa kong masayahin ang sarili ko para hindi 'yon lumabas. Ako at ang kapatid ko na lang na si Lelouch ang natitira sa pamilya namin. Dahil ang mga magulang namin ay namatay na. Pinatay ng mga kalaban namin. This is my life… We have to play with the bullets… We only have two options… To kill or to be killed. Loving and marrying someone is not in my vocabulary… 'Yan ang motto ko sa buhay. Pero mukhang mababali ang motto kong 'yan. Mahirap man ang sitwasyon ko ay kaya ko naman lahat harapin para sa pamilya. I have to be strong to protect my family and love ones. Habang naglalakad ako dito sa park ay may nakita akong isang matandang lalaki. Well, he's not that much old. Parang nasa mga forty’s na siya. May kasama siyang lalaki na—well, I hate to admit it, but he's kinda handsome and he's wearing all black. Parang emo lang ang peg. Habang papalapit sa kanila ay hindi ko sinasadya na marinig ang usapan nila. "Saan na ba ang girlfriend mo, anak?" tanong nang matanda sa kasama niya. Nang mapatingin ako sa binata ay bahagya akong nagulat nang nakatingin siya sa akin. Is he really looking at me? Tumingin ako sa kaliwa, kanan at sa likod ko. Baka naman kasi hindi talaga ito nakatingin sa akin, lalo na’t hindi ko naman siya kilala. Napakunot-noo ako ng wala naman akong nakitang ibang tao na malapit sa akin. Okay. This is kinda creepy. Aalis na sana ako nang makita ko siyang papalapit sa direksyon ko. "Nandito na siya, tanda. Hon," sabi niya sabay akbay niya sa akin na ikinagulat ko naman Eh? Anong tawag niya sa akin? Ilang beses kong inisip kung ano bang tinawag niya sa akin kanina at nanlaki ang mga mata ko. "A-ano—" aalma na sana ako ng bigla niya akong iharap sa matanda. "Siya ang girlfriend ko, tanda," sabi niya sa matanda. Okay, siya na ang bastos. "Ano ba pangalan mo?" bulong niya sa tenga ko. Tumaas naman ang mga balahibo ko at ang lakas ng t***k ng puso ko. Okay. What was that? Ang lapit pa naman ng mukha niya sa akin. Nararamdaman ko ang hininga niya sa bandang tenga ko. "A-Allison Faye Santillan." Damn! Bakit ako nabubulol at bakit ako sumagot? Baliw na ba ako? May mahika sigurong ginamit ang lalaking ito at napapasunod ako sa kanya. "Siya na ba ang girlfriend mo, anak?" Napatawa ako sa loob ko. Hindi niya po ako girlfriend. Hinila niya lang po ako. Sarap sabihin sa kanya ‘yan, pero itong si Mr. stranger na 'to ang higpit ng pakakahawak sa bewang ko na parang sinasabi na, sumabay ka na lang. "Ang ganda naman niya. Para siyang anghel, anak," sabi nang lalaking may edad na nakangiti pa. Anak? Napatingin ako sa lalaking katabi ko, ‘yong mukha niya ay parang wala siyang gana. So anak niya pala itong gwapong nilalang na ito? Pero tanda ang tawag niya sa daddy niya. Ano ba 'yan, wala naman siyang manners. Gwapo nga, pero wala namang galang sa magulang. "Sumabay ka na lang. Tsk!" sabi niya. Hindi pala sabi, bulong niya sa nakakatakot na tono. See? Tama ako sa naramdaman ko. Sumabay na lang daw ako. Pilit akong napangiti sa daddy nito. “Hello po," sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa kanya para makipag-shake hands. "Hi,hija. Ako nga pala si Fire Reyes, father ng boyfriend mo," pakilala niya sa akin. Hilaw akong napangiti sa kanya. Mabait naman ito, hindi ko lang maiwasan na mapangiti ng hilaw dahil sa sinabi nitong boyfriend ko daw itong katabi ko, na wala namang pakialam sa mga nangyayari. “I'm Allison Faye Santillan po, Mr. Reyes," magalang kong pakilala sa kanya. "Naku! Sobrang pormal naman nitong girlfriend mo, anak. Don't call me Mr. Reyes. Just call me, Tito," nakangiting sabi niya. Nginitian ko na lang siya bilang sagot ko sa kanya. "Ilang taon ka na, Hija?" "Eighteen na po. Bakit po?" Nakangiti pa rin ako sa kanya dahil ang bait niyang makipag-usap sa akin. "Tamang-tama na pala ang edad mo.” Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Anong ibig nitong sabihin sa tamang-tama na ang edad ko? “Dito ka ba nakatira sa Japan?" tanong naman niya sa akin. "Hindi po. Namamasyal lang po ako dito. Sa Pilipinas po talaga ako nakatira at uuwi na po ako bukas." At sana hindi ko na po kayo makita. Damn! Ano ba ‘tong napasok ko? Hindi naman ako makaangal kasi itong si Mr. Stranger, ang higpit ng hawak sa bewang ko. Damn it! Hindi ako komportable. Siya pa lang ang mapangahas na nakagawa sa akin nito. Ang sarap niya tuloy barilin at patayin. Okay, Allison, relax lang. Ilang beses akong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Breath in, breath out. Okay. Kalma na ako. "Gano’n ba? Tamang-tama uuwi na din kami bukas. Oh, siya, Anak.” Bumaling ito sa binata. “Ihatid mo na 'yang girlfriend mo at i-invite mo siya bukas sa bahay para mag-dinner. Well, para pag-usapan na din natin ang kasal niyo next week.” Bumaling naman ito sa kanya. “Sige, Hija. I have to go, may meeting pa kasi ako. Nice meeting you again,” sabi nito saka bumeso sa akin at umalis. Tulala akong nakatingin sa likod ng daddy nitong lalaki hanggang sa mawala ito sa paningin ko ay hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang sinabi nito. What just the hell did he said? Kasal? Sinong ikakasal next week? s**t! Napahawak ako sa bibig ko ng tuluyan ng ma-digest sa utak ko ang sinabi nito. Napatingin ako sa katabi ko at nanlaki ang mga mata na ikakasal kami nito. Pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa bewang ko. Masyado na ata siyang namimihasa sa paghawak sa bewang ko. Tsk! "What the hell was just that?!" sigaw ko sa kanya sabay taas ng kilay. “Don’t shout, stupid girl. Hindi ako bingi!" sigaw niya rin sa akin. Napalunok ako dahil medyo—medyo lang naman—nakakatakot siya kapag sumisigaw. Nawawala ang pagiging gwapo niya. Tsk! "Tsk! Fine. Uuwi na ako," sabi ko sabay talikod sa kanya. Aalis na sana ako kaso pinigilan niya ako at hinawakan sa braso saka hinila. Sa sobrang lakas ng paghila niya sa akin ay napayakap tuloy ako sa kanya. Hmm, in fairness ang bango niya. Shete! Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa pinagsasabi ng sarili ko. Stop it! Agad akong lumayo sa kanya saka inayos ang sarili ko. Grabe naman makahila ito, nagugusot ang damit ko. "Ihahatid na kita," seryosong sabi niya na nakatingin pa sa mga mata ko. “Okay.” Nagulat ako sa nasabi ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya ng maramdaman kong naging malakas at mabilis ang pagtibok ng puso ko. What is happening to me? Bakit ko nararamdaman ito? Abnormal na ba ako?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
380.8K
bc

The Professor's Wife

read
449.2K
bc

Be Mine Again

read
98.8K
bc

That Night

read
1.1M
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.8K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook