bc

The Broker Series #3: Cost Nothing (R-18)

book_age18+
3.0K
FOLLOW
18.2K
READ
contract marriage
arrogant
boss
twisted
bxg
others
like
intro-logo
Blurb

||MATURE CONTENTS/R-18/SPG||

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
"NAGKITA na ba kayo ni Rifle?" tanong ni Uzi Montelle kay si Snipe Swaggerty, kaibigan n'ya at President ng Arme Company habang nagmamaneho ito ng kotse n'ya papunta sa Arme building. Si Uzi at Snipe ay mayroong pag-uusapan na mahalagang bagay tungkol sa kaibigan nila na si Rifle Winchester. Masyado silang nag-aalala para sa kalagayan ng kaibigan dahil sa nangyari sa lolo ni Rifle. "I saw him, outside my building," sagot ng kausap n'yang si Snipe. "Buti naman," aniya ni Uzi. Ang mata nito ay nasakalsada dahil nagmamaneho ito. "Sige, malapit na ako sa Arme," paalam ni Uzi. Binaba n'ya na ang phone nito, binilisan n'ya ang kotse n'ya dahil gusto na nitong makita ang kaibigan n'yang si Rifle. Isa sa sobrang nalungkot si Uzi sa pagpatay kay Chairman Ramond, ang lolo ni Rifle dahil kasama na nila itong lumaki, tinuturing na ni Uzi si Chairman Ramond bilang lolo na rin. Nag-aalala rin si Uzi para kay Rifle dahil kilala n'ya ang ugali ni Rifle. Muling kinuha ni Uzi ang cellphone n'ya para i-dial ang girlfriend nitong si Jasmine Hernandez, hindi n'ya ito nakakausap simula ng namatay si Chairman Ramond. Ilang taon na silang magkasintahan ni Director Uzi, makikita kay Uzi na sobra n'yang mahal si Jasmine na hindi nito magawang lokohin ang girlfriend n'ya. "The number you will dial cannot be reach please try again later." Kumunot ang noo ni Uzi sabay buntong hininga. Binato ni Uzi ang phone n'ya sa passenger seat at nagfocus na lang sa pagmamaneho ng kotse. Hindi n'ya malaman ang dahilan kung bakit ayaw s'yang kausapin ni Jasmine. Iniisip nito kung mayroon ba s'yang nagawang kasalanan na ikakagalit ng girlfriend n'ya. Naging busy si Uzi sa trabaho n'ya at inaamin nitong nawalan s'ya ng oras kay Jasmine, pero naiintindihan naman iyon ni Jasmine dahil alam n'ya ang kalagayan ni Uzi. Kailangan n'yang magsipag dahil s'ya na ang susunod na mamahala ng company ng magulang ni Uzi, bukod doon ay ginagawa n'ya iyon para sa future nilang dalawa. Kusa na lang napapangiti si Uzi ng maalala n'ya na balak na nitong ayain na magpakasal si Jasmine. Naghahanap lang ito ng tama oras para sa pinakamahalagang bagay na iyon. Pitong taon na sila ni Jasmine kaya sapat na iyon para lumipat sa panibagong pahina nilang dalawa. Naapakan bigla ni Uzi ang preno ng kotse n'ya ng mapansin nito ang babaeng nasa-isip n'ya lang ngayon ay napansin n'ya na sa hindi kalayuan mula sa sasakyan n'ya. Napatingin si Uzi sa malaking building sa harapan nila at ito ang Arme building na pagmamay-ari ng kaibigan n'ya si Snipe, sa kabila naman ay highway na mayroong mabibilis na takbo ng mga sasakayan na dumadaan doon. Nanliit ang paningin nito ng mapansin ni Uzi na maykakaibang kilos si Jasmine. Naglalakad ito ng dahan-dahan patalikod na mukhang balisa. Bumaba si Uzi agad ng sasakyan para lapitan si Jamine. Tinaas nito ang kanang kamay para kawayan si Jasmine. "Jasmi—" Hindi natuloy ni Uzi ang sigaw na pagtawag n'ya kay Jasmine ng makita nitong malapit na sa kalsada si Jasmine at mukhang walang balak na huminto sa paglakad nito paatras. "Jasmine!" sigaw na tawag ni Uzi. Tumakbo palapit si Uzi kay Jasmine para pigilan ito. Lumingon si Jasmine kay Uzi ng makita n'ya si Uzi ay bigla itong tumigil sa paglalakad. Bumagal ang takbo ni Uzi ng makita ang kasintahan n'yang tumigil na. Bakas sa mukha ni Uzi na kinabahan ito na makita na ganoon ang girlfriend n'ya. Napangiti si Uzi ng magtama ang mata nila ni Jasmine, hanggang ngayon ang nararamdaman ni Uzi ay para unang araw na pagkikita pa rin nila ni Jasmine. Isang kakaibang ngiti ang binigay ni Jasmine kay Uzi na lubos na pinagtaka ni Uzi. Biglang nawala ang ngiti ni Uzi sa labi nito ng makita na naman n'yang nagpatuloy sa pag-atras si Jasmine. "What the— Jasmine no!" sigaw ni Uzi ng makita na mayroong sasakyan na papalapit kay Jasmine. Tumakbo ng mabilis si Uzi para pigilan si Jasmine, pero biglang tumigil si Uzi sa pagtakbo ng masaksihan nito ang girlfriend n'yang nasagasaan ng kotse. Tumilampon si Jasmine ilang metro mula sa kotseng nakabanggang sa kan'ya. Tumigil ang paligid ni Uzi sa nakita nito. Naghalo ang kaba at takot sa puso n'ya sa nangyari aa girlfriend nito. Tumakbo si Uzi palapit kay Jasmine na nakahandusay na sa kalsada ang puno ng dugo ang ulo nito. Parang bumagsak ang mundo ni Uzi na makita ang kasintahan n'ya sa ganoong position. "J-jasmine!" hindi nakapaniwalang tawag ni Uzi kay Jasmine. Agad na nilapitan ni Uzi si Jasmine. Tumulo ang luha ni Uzi ng nakita n'ya ang girlfriend n'yang nahihirapan. Bakas sa mukha ni Jasmine na sobrang itong nasaktan. "Dadalhin kita sa hospital!" sabi ni Uzi. "N-no!" Tumigil si Uzi sa sinabi ni Jasmine. Patuloy pa rin ang pagluha ni Uzi at hindi n'ya maintindihan ang nangyayari kay Jasmine. Napalingon si Uzi ng marinig nito ang isang malakas na putok ng baril na ikinagulo ng paligid nila. "S-sorry... U-uzi..." Muling bumalik ang tingin ni Uzi kay Jasmine. "Ano bang pinagsasabi mo Jas?!" umiiyak na tanong ni Uzi. "P-pumili ka... n-ng babae na p-para sayo..." nahihirapan na sabi ni Jasmine sa boyfriend na si Uzi. Umiling si Uzi na patuloy ang pagluha sa mata nito. "Ikaw ang para sa akin, kumapit ka lang dadalin kita sa hospital," sagot ni Uzi. "I-I love y-you!" Huling sinabi ni Jasmine bago ito dahan-dahan na pumikit. "Jas!" sigaw na tawag ni Uzi kay Jasmine. Tinatapik ni Uzi ang pisngi ni Jasmine para gisingin ito. "Please! Wag mo akong iwan Jas!" sabi ni Uzi. Niyakap ni Uzi ang katawan ni Jasmine na patuloy pa rin ang pag labas ng dugo sa katawan ni Jasmine. "No! Please! Not you Jasmine!" Dumami ang mga tao sa paligid at tinitignan ang nangyari kay Jasmine. Patuloy ang pag-iyak ni Uzi habang yakap ang katawan ni Jasmine. Ilang minuto ang lumipas ay mayroong dumating na ambulance at kinuha ang katawan ni Jasmine. Sasama dapat si Uzi sa ambulance ng makita nito ang mga kaibigan n'ya na si Snipe, nalipat ang tingin nito kay Rifle na nakahandusay sa sahig at puno ng dugo. "R-rifle?!" Halos wala ng boses na lumalabas sa bibig ni Uzi dahil sa nakikita n'ya ngayon. Ang puso n'ya ay nababalot na ng sakit dahil sa nangyari sa pinakamamahal n'yang si Jasmine at ngayon ay nakita nito ang kaibigan n'ya na puno rin ng dugo sa katawan. Ang na rinig niya malakas na putok kanina ay kay Rifle tumama. Agad itong tumakbo papunta sa pwesto ni Rifle at pilit na iniisip na hindi ito ang kaibigan n'ya. Naglakad palapit si Uzi na mayroong takot sa puso nito. Puno na nangdugo ang suot nitong puting long sleeve, halos naghahalo na ang luha at pawis n'ya. Tumingin si Uzi kay Snipe na hindi rin ito nakapaniwala sa nakikita n'ya. "H-hindi maaari!" sigaw ni Uzi ng makumpirma nga n'ya na ang kaibigan n'yang matagal n'ya ng kasama, ang kaibigan n'ya na laging kalokohan ang alam, ang kaibigan n'yang nagtatanggol sa kanila noong mga bata palang sila nila ni Snipe ay nasaharapan n'ya at may tama ng baril sa dibdib nito. Napaluhod na lang si Uzi sa harapan ni Rifle dahil sa bigat ng nararamdaman nito. Kinuha ni Uzi si Rifle sa pagkakayap ni Xyra at niyakap ito. Hindi maingay ang pag-iyak ni Uzi, pero sa bawat patak ng luha n'ya ay bakas ang sakit na nasapuso n'ya ngayon. Si Rifle at Snipe ang pinakamalapit sa kan'ya kaya sobrang sakit na makita nito na ang isa sa pinagkakatiwalaan n'yang kaibigan ay wala na. "Rifle is gone!" Umangat ang tingin ni Uzi sa nagsalita, kay Snipe pilit na tinatago ang pagpatak ng luha nito. Niyakap ni Snipe si Xyra ang girlfriend ni Rifle sa kabilang side ni Snipe ay ang umiiyak na fiancè ni Snipe na si Younis, kaibigan din ni Rifle. "Hindi pwedeng mawalan si Rifle!" puno ng sakit ang boses ni Younis. Napaupo na lang ito dahil sa nangyari sa kaibigan n'ya. "Tanggap ka na, na ikaw ang pinakagwapo sa mundo kaya gumising ka na d'yan Rifle!" dagdag pa nasabi ni Younis. Niyakap ni Snipe si Younis para pakalmahin ito. Biglang nawalan ng malay si Xyra kasabay noon ang pagdating mga pulis. Isa-isa silang pinalayo sa katawan ni Rifle. Inalalayan ng pulis si Uzi para ilayo kay Uzi. Mayroong lumapit na nurse sa kan'ya para i-check kung mayroon ba itong natamong sugat sa katawan dahil nababalot na ng dugo ang suot nitong damit. "I'm fine!" walang buhay na sabi ni Uzi sa nurse. Biglang naalala ni Uzi ang girlfriend n'yang si Jasmine. Lumingon ito kung saan ang ambulance na kumuha kay Jasmine, pero wala na ito doon. Tumakbo si Uzi papunta sa kotse n'ya para sundan ang girlfriend n'ya si Jasmine. Hindi na nito alam kung ano ang nangyari kay Jasmine. Nagdadasal si Uzi na sana ay ok lang si Jasmine. Mabilis ang pagpapatakbo ni Uzi ng sasakyan n'ya kasabay noon ang dobleng pagtibok ng puso n'ya dahil sa kaba. Wala ng paki-alam si Uzi sa mga traffic sign sa kalsada ang gusto lang nito ay mapuntahan n'ya ang kasintahan n'yang si Jasmine. Pagdating ni Uzi sa hospital ay nagmamadali itong tumakbo papasok ng hospital. Pagdating n'ya doon ay nakita n'ya na pinapalibutan ng mga doctor at nurse ang katawan ni Jasmine. "Time of death 9:38 A.M!" Pagkarinig ni Uzi noon at napaluhod ba lang ito. Mayroong mga nurse na lumapit sa kan'ya, pero si Uzi ang tingin n'ya ay na kay Jasmine. Hindi makapagsalita si Uzi dalawang mahalagang tao ang nawala sa kan'ya ngayon. "Sir, ok lang po ba kayo?" tanong ng nurse kay Uzi. Tumayo si Uzi para lapitan si Jasmine ngunit ay nanlambot ang tuhod nito dahilan ng pagluhod ulit ito buti na lang ay mayroong na mga nurse ang umalalay sa kan'ya. "Jasmine!" sigaw ni Uzi. Pilit na tumayo si Uzi at lapitan si Jasmine. Nasalikuran nito ang ibang nurse na nag-aalala sa kan'ya sa akala ng mga ito na nasaktan din si Uzi dahil sa suot nitong damit. Nakarating si Uzi sa pwesto ni Jasmine. Sobrang putla at walang ka buhay-buhay ang mukha ni Jasmine. Niyakap ni Uzi ang katawan ni Jasmine. "Magpapakasal pa tayo hindi ba?!" sabi ni Uzi kay Jasmine. Ayaw pa rin na maniwala ni Uzi sa mga nangyayari. Ang pangarap ni Uzi ay bigla na lang naglayo sa nangyari na ito. Ang plano n'ya sa buhay n'ya ay lahat iyon ay kasama si Jasmine at hindi pwedeng mangyari kung wala na si Jasmine sa tabi n'ya. "Hindi ko kaya Jas, please gumising ka na d'yan," bulong nito sa kasintahan n'ya na si Jasmine. Dumating ang pamilya ni Jasmine, gaya ng reaction ni Uzi ay ganoon din ang naging reaction ng pamilya ni Jasmine sa nangyari kay Jasmine. "Ate Jasmine!" hindi makapaniwalang sa tawag ni Sofie ang nakakabatang kapatid ni Jasmine. Ang mama ni Jasmine ay bigla na lang nanlumo na makita ang anak na wala ng buhay. Inalalayan ni President Hernandez ang asawa n'ya. Tumakbo palapit si Mrs. Hernandez sa anak nitong si Jasmine. Lumayo si Uzi para makita ng pamilya ni Jasmine ang nangyari kay Jasmine. Wala sa sariling pinagmamasdan ni Uzi ang mukha ni Jasmine. Hindi nito mapigilan ang luha n'ya na kumawala sa mata nito. Sobrang sakit na makita n'ya ang girlfriend n'ya na namatay sa mismong harapan n'ya at wala man lang itong nagawa para iligtas ang taong mahal n'ya. Kung nilapitan n'ya sana agad si Jasmine ay hindi na nito matutuloy ang aksidente na nagpaguho sa mundo n'ya. Tulala si Uzi sa nangyayari wala itong naririnig kung hindi ang pag-iyak ng mga nagmamahal kay Jasmine. "Nasaan ba ang mga doctor? Bakit ayaw nilang gamitin ang anak ko?!" sigaw ni President Hernandez ang papa ni Jasmine. Lalong naiyak si Uzi at napaupo na lang ito sa sahig. Jasmine is gone.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.6K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.5K
bc

SILENCE

read
380.5K
bc

OSCAR

read
226.1K
bc

Marrying My Fiancee

read
460.8K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
631.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook