bc

Sinful Love ( Cougar Series #25)

book_age18+
2.0K
FOLLOW
11.8K
READ
revenge
family
age gap
scandal
badboy
drama
tragedy
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Sampong taong gulang lamang si Lorenzo nang mahagip ng mga mata niya si Luna, labing walong taong gulang sa kanilang pamamahay. Dinala ito ng kanyang ama sa kuwarto nila, nataong wala ang kanyang ina at nasa conference sa Maynila.

Musmos man, alam ni Lorenzo na may mali. Alam niyang may ginagawang hindi maganda ang kanyang ama na isa pa naman guro sa kolehiyo.

Hanggang sa naging maugong ang mga ispekulasyon at eskandalong kinasasangkutan ng kanyang ama. At ang nagsiwalat? Ang babaeng kasama nito, si Luna.

Hindi naging madali kay Lorenzo ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Nagtanim siya ng sama ng loob sa mga ito dahilan para maging rebelde siya.

After 15 years, muli silang pagtatagpuin ng kapalaran. Isang sikat na modelo na si Lorenzo. Isang guro na rin si Luna sa liblib na lugar kung saan siya nagtago ng maraming taon.

Matutunaw ba ng pusong nagmamahal ni Luna ang pusong bato at naghihiganti ni Lorenzo? Kung hindi lang edad ang hadlang kundi,  ang  demonyo rin sa kanilang pagkatao.

chap-preview
Free preview
Prologue
Napatingala si Luna sa langit habang pababa siya ng bus sa terminal. Matindi ang sikat ng araw kaya ginawa niyang payong ang kanyang palad para takpan ang mukha. Halos mag- aals dos na ng hapon nang makarating siya sa bayan ng Sta. Ynez, parte ng Luzon. Halo-halong emosyon ang naramdaman niya nang tuluyang umapak ang kanyang mga paa sa lugar na iyon. Muli niyang sinipat ang hawak na telepono at hinanap muli sa kanyang gallery ang screen shot ng address na pupuntahan niya. Isang paaralan. Pumara siya ng tricycle na puwedeng sakyan papunta roon. ''Sa Ynez State University po tayo," ika niya sa driver. Tinaasan niya ito ng kilay nang ngumisi ito sa kanya. Napailing na lamang siya nang paandarin na nito ang tricycle at hindi pinansin ang kakaibang titig nito sa kanya. Mukhang bata pa ito kaya kinabahan siya dahil menor de edad ang nagmamaneho ng nasakyan niya. Mahigpit na lamang siyang napakapit sa hawakan sa loob ng tricycle. Nakahinga ng maluwag si Luna nang maayos naman silang nakarating sa lugar. Sinipat pa niya ang katawan, buo pa naman iyon pero ewan niya kung nakabalik na ba ang kanyang kaluluwa dahil mukhang lumabas ito kanina. Sa bilis ba naman kasi ng pagpapatakbo ng binatilyong driver, na animo'y nakikipagkarerahan kay kamatayan. "Salamat," nagawa pa niyang magpasalamat sa driver at inabutan niya ito ng singkuwenta. Ewan niya kung sapat na iyon na bayad. ''Sa iyo na ang sukli kung meron man,'' dagdag niyang sabi nang humugot ito ng pitaka sa maruming bulsa ng pantalon. Napakamot naman sa ulo ang binatilyo at muling ngumiti. "Ney, Ukkang, nagpintas man ta pasaherom. ( Ukkang, ang ganda naman ng pasahero mo).''  Napairap si Luna sa hangin nang may lumapit sa kanilang isang lalaki. Inakbayan pa nito ang binatilyo na tinawag sa pangalang Ukkang. "Diak garud unay maawatan ibagbaga na. Sapay nagpintas, haan sa nga taga dituy ayan tayo. (Hindi ko nga maintindihan ang sinasabi. napakaganda pa naman, hindi yata taga rito sa atin).'' Nakasimangot siyang lumayo sa dalawang nag-uusap dahil hindi niya maintindihan ang mga ito. Tumigil siya sa harapan ng gate kung saan may nakabantay na sekyu para mag-check ng I.D ng mga estudyanteng pumapasok. Umusbong ang matinding kaba sa kanyang sistema nang muling maisip ang pakay. Natatakot rin siya sa kalalabasan ng gagawin ngunit, wala siyang mapagpipilian. Kailangan niyang isagawa ang plano niyang iyon. Nag-ipon siya ng lakas ng loob bago tuluyang humakbang palapit sa sekyu na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya na may pagkamangha sa titig. Napapailing siya sa sarili dahil parang ewan ang reaksiyon ng mga ito sa kanya. Tila ba ngayon lang nakakita ng tiga ibang lugar. Palihim niyang pinasadahan ang sarili. Naka-spagetti strap siya at shorts na maong na hanggang kalahati sa kanyang hita. Mainit ang panahon kaya iyon ang sinuot niyang bumiyahe. Dala niya ay isang bag na may lamang damit niya ng dalawang araw. Babalik rin naman siya agad sa Maynila pagkatapos ng pakay sa lugar na iyon. Nginitian niya ang sekyu na ngumiti rin pabalik ng pagkatamis-tamis. "Sir, puwede pong pumasok? May hinahanap po kasi akong tao. Guro po siya sa school na ito,'' tanong  niyang nagpa-cute pa sa guwardiya. Napangisi ang guwardiya sa kanya. Napalunok siya nang makitaan niya ng kakaibang kislap ang mata nito. Kung hindi siya nagkakamali, puno iyon ng pagnanasa. Kinilabutan siya dahil doon. Napatanong tuloy sa sarili kung ano bang meron sa bagong salta sa lugar na iyon. Halis lahat ay iba makatingin sa kanya. "Papapasukin kita Miss,  pero bigay mo muna number mo at pangalan." Gustong masuka ni Luna sa ginawang pagngisi ng guwardiya at sa tinging ipinupukol nito sa kanya. Nakakabastos ang ginagawa nito ngunit wala siyang magawa, wala siyang kakilala roon. Ni pati ang pakay niya ay hindi siya kilala. Hindi lingid kay Luna ang ibig sabihin ng mga tinging iyon ng mga lalaki. At the age of 17, nagkaroon na siya ng nobyo. Ang nobyo niyang iyon ang nagpatikim sa kanya sa  saglit na kamunduhan ng laman. Mas matanda ito sa kanya ng limang taon kaya naging sunud-sunuran siya. Sa una, hanggang pahawak-hawak lang, hanggang nauwi sa paggamit ng bibig. Hanggang sa nais na makuha ang kanyang p********e. Hindi niya iyon ibinigay kaya siya hiniwalayan. Oo, isa siyang walang hiyang anak. At ngayon, magrerebelde na naman siya sa ama, gamit ang gurong pakay niya. "Sorry, hindi ako basta-basta nagbibigay ng impormasyon ko. Hihintayin ko na lamang siya rito," aniyang tinalikuran ang guwardiya. "Agpakipot ka pay lang, pokpok ka met laing sa ket!" (Nagpapakipot ka pa, eh pokpok ka rin lang naman yata!) Kahit nakalayo na siya ay umabot pa rin  naman sa kanyang pandinig ang sinabi nito. Medyo naintindihan niya ang ibang salitang sinabi nito. Gaya ng pokpok na lagi na niyang naririnig mula sa mga taong nakakakilala sa kanya. Pinigilan ni Luna ang sariling sugurin ang guwardiya. Alam niyang wala siyang mapapala kung papatulan niya ito. Baka lalo niyang hindi makausap ang pakay, mahihirapan pa siya. Uuwi siyang sawi. Nakakita siya ng waiting shed sa malapit, malapit rin ito sa parking lot ng Unibersidad. Tinumbok niya iyon para doon magpahinga at hintayin ang pakay. Muli niyang kinuha ang telepono sa bag. Muli niyang in-open ang kanyang gallery, ngayon naman ay isang litrato ang tiningnan niya. Litrato ng taong pakay niya. Taong tanging makakatulong sa kanya. Halos isang oras nakaupo doon si Luna. Muli siyang tumayo habang nakamasid sa paligid. Naglakad siya paroo't parito dahil ramdam niya ang pangangalay dahil sa matagal na pagkakaupo. Pati puwetan niya ay uminit na sa upuan, ngunit wala pa rin at hindi makita ang taong pakay. Muli siyang sumulyap sa may gate, sa pagkakataong iyon, napahigpit ang pagkakahawak niya sa sling bag na dala. Kitang-kita niya ang pakay na guro na nakikipag-usap sa mga guwardiya at estudyanteng madaanan. Nang malapit na ito sa gawi niya ay walang alinlangang tinawag niya ito. "Mr. Cervas!" tawag niya rito nang matapat sa kanyang kinaroroonan. Napalingon sa kanya itong may pagtataka sa mukha. Naikiling pa nito ang ulo. "Puwede ko po ba kayong makausap?" Mas humarap sa kanya ang guro. "Ano ang kailangan mo, hija?" malumanay na tanong ng guro. Nagtataka kung bakit may dalagang naghahanap sa kanya. Sobra man ang kaba sa dibdib, mas nilapitan pa ni Luna ang guro para mabulungan ito. May mga nakatingin kasing mga tao sa paghaharap pa lang nila kaya ayaw niyang  may makarinig ng sasabihin niya. Ibinulong niya sa guro ang kanyang pakay. Kitang kita ni Luna ang biglang pamumutla nito na para bang nakakita ng multo.  Pati na ang paggalaw ng kamao ng guro ay hindi nakaligtas sa kanya. Nang kalauna'y masama siya nitong tinitigan. "Lets talk somewhere else. Sa bahay tayo,'' ika nitong ipinagtaka niyang nilakasan pa ang sinabi nito. Narinig tuloy ng iba at nagsimula ang mga itong magbulong-bulongan. Hinawakan siya sa braso ni Mr. Cervas. Gusto niyang pumiksi ngunit tila nawalan siya ng lakas nang mahigpit ang pagkakahawak nito na tila nanggigigil. "I'm sorry pa, I need to do this. This is the only way, para naman sa atin ito,'' piping sabi niya sa sarili habang nagpatianod na lamang sa paghila ng guro sa kanya. Sumakay sila sa sasakyan nito. Kita niya ang mga mapanuring tinging na nakasunod sa kanila. Ngunit tila walang pakialam ang guro sa kahit anong mapanuring mata ng mga nakakakita sa kanila. MASAYANG naglalaro ang sampong taong gulang na si Lorenzo sa kanyang robot na laruan. Katatapos lamang niyang gumawa ng kanyang homework at ngayon na lamang nakapaglaro. Responsable siyang bata, kahit na mag-isa siya sa kanilang bahay ay kaya niya ang sarili. Umuuwi na rin siyang mag-isa pagkatapos ng kanyang eskuwela. Walking distance lang naman ang bahay nila sa iskwelahan. Kasalukuyan niyang pinaglalaban ang kanyang mga laruan nang maulinigan niya ang ugong ng sasakyan ng kanyang ama kaya naman, dali-dali siyang  napatakbo palabas para salubungin ito. "Papa!" masayang bati niya at yumakap dito pagkababa na pagkababa pa lamang nito sa sasakyan. Ginawaran naman siya ng halik sa noo ng kanyang ama. "Mamaya na tayo maglalaro, Lorenzo. May bisita ako at kakausapin ko lamang," ika ng ama niya na pumantay pa sa kanya. Nang tumayo ang kanyang ama at naglakad ay sumunod siya. Doon niya napansin ang isang dalaga na nakatayo lamang at nakamasid sa kanila. "Lorenzo, anak, go,'' utos ng kanyang ama na halos ayaw niyang sundin. Lalo na noong makita niyang parang nag-uusap ang ama niya at ang bisitang dalaga gamit ang mga mata. Lalo siyang nangamba nang ayain ng kanyang ama ang babaeng bisita papunta sa kuwarto ng mga ito. Nakasunod ang mga mata niya habang hindi mapigilang makuyom ang kamao. Bata man siya, alam niya at nararamdaman niyang may mali sa ginagawa ng ama. Hindi magawang maglaro ni Lorenzo, kaya naman nagpasya siyang pumunta sa likod bahay nila. Kumuha ng bangkong matutungtungan para masilip ang ama at ang bisita. Bahagyang nakabukas ang bintana ng mga ito kaya maari siyang sumilip doon. "Ah!" sigaw ng babae na tila ba nasasaktan. Gumuhit ang matinding galit sa mga mata ni Lorenzo sa naaktuhang eksena  na ginagawa ng ama at ng babaeng kasama nito. Nakaupo ang babae patalikod sa bintana habang nakaluhod ang ama niya sa harap nito. Sa galit at sa matinding gulat na rin, hindi  niya nagawang magtago nang tumayo ang kanyang ama. "Lorenzo!"  Imbes na matakot o kaya ay mahiya, mas nagalit pa ang ama niya noong makita siya. "Bumaba ka riyan! Wala kang galang!" sigaw nitong tinungo ang kinaroroonan niya. Bago pa man makalapit ay agad siyang bumaba at tumakbo, dala ang galit at hinanakit sa ginagawa ng ama. Ang pagtataksil nito sa ina niyang nasa malayo ngayon. Muli siyang lumingon sa pinanggalingan. Nakita niya ang amang sinara ang bintana. Wala siyang nagawa kundi ang maghintay sa labas ng kanilang bahay. Ayaw niyang pumasok dahil mauudyukan lamang siyang puntahan ang kuwarto ng mga magulang at bulabugin ang ginagawa ng mga ito. Pumulot siya ng bato at pinagbabato ang nakitang drum ng tubig sa kanilang likuran. Doon niya ibinuhos ang galit. Tikom ang bibig niyang minemorya ang itsura ng babaeng kasama ng ama. Hindi niya kailanman kakalimutan ang mukhang iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

His Obsession

read
63.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook