bc

The Perfect Stranger

book_age18+
5.1K
FOLLOW
32.1K
READ
contract marriage
one-night stand
love after marriage
fated
independent
inspirational
drama
comedy
bxg
passionate
like
intro-logo
Blurb

Passion ni Patricia Sebastian ay ang mag-bake at pangarap niya na magkaroon ng sariling store balang araw. As of now kasi visible pa lang ang business nila ng pinsan niya thru online. Marami na rin naman silang mga customers at nakakapag-supply na rin sila sa mga coffee shops at restaurants. Simple lang naman ang gusto ni Patricia iyon ay ang mabigyan ng masaganang buhay ang mga magulang niya na parehas ng nag-retire mula sa pagtuturo. Pinakahuli sa listahan ng mga priorities niya ang magkaroon ng sariling pamilya dahil mas importante sa kanya ay ang kanyang carreer. Masaya na siya sa tinatakbo ng buhay niya at wala na siyang mahihiling pa. Maganda ang takbo ng business nila, may mga kaibigan siya na super supportive sa kanya at mga magulang na mahal na mahal siya. Ngunit may natuklasan siya na lubos na magpapabago sa buhay niya at nagdulot ng pangamba sa kanya. Siya ay nakaisip ng isang plano at buong akala niya magiging okay na ang lahat pero hindi niya inaasahan na magiging komplikado lang ang lahat.

Paano nga ba haharapin ni Patricia ang mga pagsubok sa buhay niya?

Vincent Antonio Villadiego Jr. need to do something to keep the company by his side. Kailangan niyang sundin ang mga condition ng Lola niya para tuluyang mapunta sa kanya ang company. Ang hindi niya alam ay along the way mahahanap din niya ang tao na babago sa buhay niya.

Ano nga ba ang naghihintay para kay Patricia at Vincent? Nagsimula sa isang kontrata mapunta kaya sa isang masayang happy ending o sa malungkot na pagsasama.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Strong Independent Women
Patricia "Good morning, mga bes," inaantok na bati ko sa dalawang housemate ko paglabas ng kwarto.  Tatlo kaming magkakasamang nakatira sa flat na ito. Originally sa pinsan kong si Mikaela ang place na ito pero nang mag-start akong mag-work ay rito na rin ako tumira. Malaki naman ang lugar nito, tatlo ang kwarto at may malaking kusina. Sa lahat ng mga kamag-anak ko ay ito lang ang pinaka-close ko na halos magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Magkasing-edad lang din kami kaya mas nagkakasundo talaga kaming dalawa.  Noong una ay ayaw pumayag ng mga magulang ko na lumayo ako dahil sa solo akong anak. Pero dahil gusto ko talagang maging independent ay nagmakaawa ako sa mga ito na payagan ako. Every other week ay pinipilit kong maka-uwi para makasama ang mga ito. Parehas ng retired ang mga magulang ko mula sa pagtuturo. Simula nang kumikita na ako ay hindi na ako pumayag na magtrabaho pa ang mga ito.  Si Ramilito or Ram ang isa pa naming kasama rito sa bahay. Naging bestfriend ko ito noong nasa college pa kami. Nalaman ko na naghahanap ito ng matutuluyan na malapit sa pinag-applyan nitong hotel na nagkataon naman na malapit sa flat ng pinsan ko. Matagal ng magkakilala ang dalawa kaya pumayag naman ang pinsan ko. At nang matanggap nga ito si Mia na mismo ang nagprisinta na rito na ito tumuloy kasama namin. Iyon nga lang minsan ay pinagsisisihan ko ang araw na 'yon, lalo na sa mga pagkakataon na pinagkakaisahan ako ng mga ito. "Good morning din." sagot ng pinsan kong si Mia na abala sa phone at hinalikan ko ito sa ulo.  "Ano naman ang problema ng isang 'yan?" nakangusong tanong ko kay Mia.  Dumiretso na ako sa kusina para magtimpla ng kape. Hindi kasi mag-uumpisa at matatapos ang araw ko ng walang kape. Lagi akong pinagsasabihan ni Mama na bawasan 'yon pero hindi ko talaga magawa. Pakiramdam ko ay nanghihina ako kapag konti lang ang nainom kong kape. At least ay lima hanggang pitong tasa ng kape ang naiinom ko sa maghapon. Napatingin si Mia sa akin at sinundan ang direksyon ng nguso ko. Ang tinutukoy ko ay ang bestfriend kong si Ram na salubong ang kilay habang nakatingin sa phone nito. "Stalker mode". natatawang sagot nito at natatawang napailing na lang ako.  "Hoy bruhilda, tigilan mo na 'yang pag-stalk sa ex mo dahil kahit anong gawin mo ay hindi na 'yan babalik. Masaya na siya sa bago niya na may petchay at pakwan. Akala ko ba ay naka-move on ka na." sigaw ko kay Ram mula sa counter at tiningnan lang ako nito ng masama.  "Hoy! Hindi ako ang kaaway mo kaya huwag mo akong tingnan ng ganyan. Sinabi ko naman kasi sa 'yo na may something talaga sa lalaking 'yan. Ayaw mo naman maniwala sa akin kasi nga sabi mo his the "ONE". sabi ko bago uminom ng kape. Nilabas ko mula sa oven ang mga cupcake na binake ko kaninang madaling araw at nilagay 'yon sa isang pinggan. Pag hindi kasi ako makatulog dahil sa epekto ng kape na iniinom ko ay inaabala ko ang sarili sa pag-bake. Minsan naman ay naghahanap ako ng mga recipe na pwede kong gayahin.  "Bhe, bagong flavor?" tanong ni Mia pagkalagay ko ng cupcake sa lamesa at tumango ako.  Kukuha na sana si Mia pero biglang tinapik ni Ram ang kamay nito. Tiningnan naman ni Mia ng masama si Ram dahil sa ginawa nito. Hindi ko na napigilan ang matawa habang pinapanood ang dalawa na parang aso at pusa.  "Wait, picture muna para ma-upload ko." sabi ni Ram.  Pagkatapos nitong kuhanan ng picture ang mga cupcakes ay bumalik na ulit ito sa ginagawa nito. Napatingin muna sa akin si Mia bago ito kumuha at nagkibit-balikat lang ako. "Pwede na po bang tikman, Mahal na Reyna?" nakakalokong tanong ni Mia kay Ram at nakataas ang kilay na tumango ito.  "Nag-try lang ako kagabi dahil hindi na naman ako dalawain ng antok. Nakita ko kasi 'yan sa internet then naisip ko na gayahin pero may dinagdag akong ibang ingredients para maiba. Hindi nga lang ako sure kung okay ba ang lasa." sabi ko. "Grabe pinsan ang sarap-sarap naman nito dapat ay isama natin ito sa menu. For sure, magiging best-seller na naman ito as in talaga." sabi nito habang naka-thumbs up ang isang kamay at napangiti ako sa sinabi nito.  Sa tuwing may natutuklasan or bago akong ginagawa ay lagi akong nakakaramdam ng alinlangan. Malaking bagay ang feedback na nakukuha ko mula sa mga kaibigan ko na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob. Hindi naman kasi lahat ng ginagawa ko ay pasado agad pero most of the time naman nagiging best seller talaga.  "Lagi naman masarap ang ginagawa ni Pat kaya hindi na bago 'yan. But thanks to my free critics and free advertising kaya lalong dumami ang mga customer ninyo." comment ni Ram habang nakatingin pa rin sa phone nito.  Totoo ang sinabi ni Ram dahil dito ay nagkaroon kami ng customers online. The first batch nga na binake ko ay pinost agad nito at dahil sa malawak na social media connection nito ay doon na nag-umpisa ang lahat. Pati na rin sa hotel kung saan ito nag-work ay marami na kaming naging customers dahil sa recommendation ni Ram. "Alam mo pinsan ang weird mo talaga. Biruin mo ang sarap ng mga ginagawa mo at niluluto pero ayaw mo naman tikman. Ewan ko ba kung tsamba lang pero so far masarap naman lahat." natatawang sabi nito pagkatapos ubusin ang isang cupcake.  "Hindi ko nga rin alam kung bakit ganoon. Hindi naman sa ayaw kong tikman pero minsan kasi hindi ako nasasarapan sa gawa ko at hindi ko alam kung bakit. Sa panlasa ko ay parang may kulang kaya sinusunod ko na lang ang instinct ko. Noon nga akala ko ay dahil lang kaibigan ko kayo kaya sinasabi ninyo na masarap. Naniwala lang ako dahil marami na ang umoorder sa atin." paliwanag ko saka inubos ang laman ng mug ko.  "Ano ka ba Mia marami ang ganyang tao. Isipin mo, may mga romantic writer na super nakakakilig ang mga nasusulat na story pero sa totoong buhay ay wala namang lovelife. May mga magagaling na karpintero pero hindi makagawa ng sariling bahay. May mga nagmamahal na binigay na ang lahat pero iniiwan pa rin." sabi ni Ram at bigla itong nalungkot. Nagkatinginan muna kami ni Mia saka natawa dahil sa sinabi ni Ram. Habang pinagmamasdan ito hindi ko alam kung maaawa ba ako rito o matatawa. Iba kasi ito magmahal sobra-sobra, kahit pa nga pagsabihan namin at pinipigilan ay go pa rin.  "Wow, ang aga naman ng hugot mo bakla. Baon na baon ba?" natatawang sabi ni Mia at inismiran lang ito ni Ram.  "Naisingit mo pa talaga 'yon, bakla." natatawang sabi ko.  "Oo nga pala bhe, pwede bang mahiram 'yong sasakyan mo?" tanong ko kay Mia.  "Isa pa 'yan na hindi ko talaga maintindihan, nag-offer naman si Tito na ibili ka ng sasakyan para sa delivery mo pero inayawan mo naman. Galit ka ba sa kanila?" tanong nito sa akin at umiwas ako ng tingin.  "Sabihin mo lang kung ayaw mong magpahiram." nakasimangot na sagot ko saka tumayo para ilagay sa lababo ang mug.  Hindi naman ako galit sa mga magulang ko, in fact super thankful pa nga ako sa kanila dahil super supportive ng mga ito sa akin. Pero para sa akin 'yong nakapagtapos nila ako ay napakalaking bagay na kaya as much as possible ay ayaw kong humiling pa sa kanila ng kung ano pa. Alam ko naman na gagawin nila ang lahat para sa akin kahit na magsakripisyo pa ang mga ito. After kong maka-graduate ay naghanap agad ako ng trabaho para matulungan ko ang mga magulang ko na mabayaran ang mga utang namin. Ilang taon lang ako nag-work nang maisipan kong mag-business na lang. Medyo mainitin kasi ang ulo ko kaya hindi rin ako tumatagal sa mga pinasukan ko. Marunong naman akong sumunod pero kapag alam ko kasing mali ay hindi ko mapigilang makipagtalo. Iyong naipon ko noong panahon na nag-work pa ako ang ginamit kong puhunan sa naisip ko na negosyo. "May sinabi ba akong ayaw ko? Alam mo naman na malakas ka sa akin. May sundo naman ako mamaya kaya pwede mong gamitin." nakangiting sabi nito at napalingon ako.  "Si Efren?" tanong ko at umiling ito.  "Iba na naman?!" gulat na tanong ni Ram at tumango ito.  "Anong nangyari kay Efren?" curious na tanong ko.  "Masyadong makulit ang lalaking 'yon gusto makatikim. Ang akala siguro niya dahil ganito ako ay easy to get na ako." simpleng sagot nito at nagkatinginan kami ni Ram. Kung tutuusin ay hindi na bago ang ganoong balita dahil si Mia ang tipo ng babae na hindi ata mabubuhay ng walang jowa. Pero kahit ganoon ang pinsan ko ay never pa nitong binigay ang sarili nito. Lubos nitong iniingatan ang virginity nito dahil 'yon lang daw ang maipagmamalaki nito sa future husband nito. At ayon dito ay paano mo raw mahahanap si Mr. Right kung hindi niya hahanapin kaya lagi itong nagpapalit ng boylet. "Kaya ikaw Ram, utang na loob tigilan mo na 'yang ex mo at tuluyan ka ng mag-move on please. Kung petchay ang gusto niya ay huwag mo ng pagpilitan ang talong. Ang dami pa naman na mas higit pa sa ex mo, kailangan mo lang imulat ang mga mata mo. At pwede ba this time makinig ka naman sa amin ni Mia." payo ko kay Ram at tahimik lang itong nakatingin sa phone.  Natigilan ako nang biglang tumingin ang mga ito sa akin. Sa tagal na naming magkakasama ay alam na alam ko na ang mga sasabihin ng mga ito tungkol sa akin. Umiling ako at tinaas ang isang kamay para pigilan ang mga ito sa kung ano man ang sasabihin.  "Stop. Save it. Heard it all before and don't want to hear it all over again." mariing sabi ko rito bago pa makapagsalita si Mia.  "Iyon naman pala ay narinig mo na ng ilang beses pero bakit ganyan ka pa rin?" tanong ni Mia at nailing na lang ako.  Nagulat kaming dalawa ni Mia nang out of nowhere ay bigla tumayo si Ram at padabog na binaba ang phone nito sa lamesa. Huminga ito nang malalim, pimikit saka tumingin sa aming dalawa ni Mia.  "Tama. From now on hindi ko na siya susundan at mag-move on na talaga ako. Hindi na ako magmumukmok at malulungkot. Gagawin ko ang lahat para makalimutan ko na siya." sigaw nito at nagkatinginan kami ni Mia.  "At kayong dalawa ang tutulong sa akin para magawa ko 'yon." sabi nito pagkatapos kaming ituro.  "Wala akong kinalaman diyan." umiiling na sabi ko saka umupo.  "Tama dahil mga kaibigan mo kami kaya tutulungan ka namin ni Pat na makapag-move on." sigaw naman ni Mia at tumayo na ako.  "Ay nabuang na talaga sila, kakasabi ko lang na wala akong kinalaman eh." natatawang sabi ko habang napapailing.  Natawa ako nang makitang nagyakap ang dalawa at nagtata-talon na parang mga bata. Maya-maya lang ay tumigil ang mga ito at tumingin ang mga ito sa akin na parang iniintay na sumali ako sa kabaliwan nila. Umiling ako samantalang sabay na tumatango naman ang mga ito. Ilang minuto kaming ganoon bago ako sapilitang higitin papalapit sa mga ito.  "Diyos ko po Lord, mabait naman po akong tao bakit ganito ang naging mga kaibigan ko isang abnormal at isang retarted." biro ko habang magkakayakap kami.  "Hoy Patring, pasalamat ka dahil kami ang naging kaibigan mo dahil kami lang ang nagtiyaga riyan sa ugali mo." natatawang sagot ni Ram at natawa lang ako.  "Remember we are Strong Independent Women." parang baliw na sigaw ni Mia at nagkatinginan kaming tatlo bago sabay-sabay na nagkatawanan.  "Para tayong mga baliw." naiiling na sabi ko pagkatapos naming tumawa.  Kung may makakakita lang sa amin sa mga oras na 'yon ay malamang iisipin nila na mga baliw kami pero masaya akong makasama ang mga ito. Sapat na sa akin ang pagmamahal ng mga magulang ko at mga kaibigan ko. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

His Cheating Heart

read
40.5K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.3K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.4K
bc

Marrying My Fiancee

read
460.8K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook