bc

Just Another Woman

book_age18+
1.9K
FOLLOW
8.5K
READ
billionaire
badgirl
drama
twisted
bxg
mystery
office/work place
affair
like
intro-logo
Blurb

'Di lang basta kabit serye ito. Kumbaga sa mga triller o horror story aalamin mo kung sino ang pumapatay o suspect. Dito sa Just Another Woman, aalamin ng mga mambabasa kung sino si Rv? Ang lalaking magpapatibok ng puso ni Veronica, at mamahalin nito. Huhulaan at aalamin din ng mga mambabasa kung sino ang nakabuntis kay Veronica. (As of now pati ako 'di ko alam kung sino si Rv). Mas lalong aabangan ang bawat chapter dahil maraming mga magaganap at pasabog ang bawat chapter ng Just Another Woman. Tatalakayin din nito ang pagmamahalan ng isang pamilyang filipino. Maraming-marami twist ang ilalagay ko sa bawat chapter. Para mas lalong aabangan ng mambabasa. Nasulat ko itong Just Another Woman dahil sa kanta ni Anne Murray, na Just Another Woman In Love. Syempre with twist!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Just Another Woman Chapter 1 "Veronica Stewart"  Abalang-abala si Veronica, sa pag-aayos sa kanyang sarili. Ngayon araw na ito ay special para sa kanya. Gusto niya ay mas gumanda pa siya lalo ngayon kahit alam niyang maganda na siya dahil isa siya sa magiging bride's maids sa kasal ng kanyang kaibigan na si Monica Santos. High school and college friend niya ito. Nakilala niya si Monica, noong nasa 1st year high school sila. Akala niya ay 'di sila magkakasundo dahil medyo tahimik si Monica. Naging close lang sila noong naging kapartner niya ito sa isang project. Doon nagsimula ang pagiging magkaibigan nila. Ngunit noong nag-graduate na sila sa college ay nagkahiwalay na sila ng landas. Pero gayunman, 'di pa rin nila nakakalimutan ang isa't-isa magkamustahan. Last month lang nalaman ni Veronica, na kinuha siyang bride's maids ni Monica. Nagulat nga si Veronica, na malaman niyang ikakasal na ang kanyang kaibigan na si Monica. Nalaman niya lang ito nang magkita sila sa isang sikat na coffee shop sa Chavez Mall ang Rald's Box Café. Tuwang-tuwa  at excited si Veronica, na muling makita si Monica. Dahil ilang taon din silang 'di nagkita dahil sa Singapore nagtratrabaho si Monica. Napag-alaman din ni Veronica, na roon din natagpuan ni Monica ang kanyang mapapangasawa.  ______________________ "Friendship, jusko inunahan mo pa ako ah!" pagbibiro ni Veronica, sa kaibigan.  "Haayy naku Friendship, kasi naman sobrang mapagmahal at guwapo, hot and yummy kasi niya kaya 'di ko na siya pakakawalan pa" tila nang-iinggit naman sagot ni Monica. "So siya ba 'yung pinakita mo sa akin sa messager? Siya 'yung magiging asawa mo?" ang usisa ni Veronica, na tinaguan ni Monica. Naghawakan sila lang kamay at napatili silang pareho. Napatingin tuloy ang mga tao sa loob ng coffee shop sa kanila pero wala silang pakialam. Tuloy pa rin sila sa kwentuhan nila.  "Infairness, ha. Yummy, hot at guwapo yung magiging asawa mo ah!" ang sabi ni Veronica. Kahit 'di aminin ni Veronica, sa kanyang sarili ay nakakaramdam siya ng inggit sa kanyang kaibigan na si Monica.  "Friendship, asawa ko na 'yang pinagpapantasyahan mo." pagbibiro ni Monica.  "Sana all, Friendship. Pero sa totoo lang I'm so happy for you!" ang masayang sabi ni Veronica.  "Thank you so much friendship. Malay mo sa araw ng kasal ko ay roon mo pala makikita ang "the one" mo, diba?" panunusok naman ni Monica, na tinawanan lang ni Veronica. "Teka, sino nga ba ang magiging escort ko?" ang tanong ni Veronica. "Nakasulat na sa invitation kung sino ang partner mo. Veronica, kailangan ko na palang umalis. Salamat sa time at see you sa wedding ko. Send mo na lang sa messager 'yung sukat mo sa akin para 'di ka na pumunta pa sa bahay." ang nakangiting paalam ni Monica, sa kaibigan bago ito tuluyan tumalikod at umalis. Habang pinagmamasdan ni Veronica, ang papaalis na kaibigan ay napaisip siya kung kailangan naman kaya siya ikakasal at kung kailan niya matatagpuan ang para sa kanya. Sa kagandahan ni Veronica, ay maraming gustong manligaw, nanliligaw at nagpaparamdam sa kanya. Pero ni isa sa kanila ay wala siyang gusto. Naniniwala kasi siya sa tinatawag na "sparks". 'Yung tipong kapag nakita mo na ang para sa'yo bigla na lang liliwanag at magkakaroon ng fireworks sa paligid.  'Yun bang tipo na kapag nahawakan mo na 'yung tao na para sa'yo ay parang magliliwanag ang kapaligiran dahil sa "sparks" na iyon.   Ngunit…iba ang natagpuan ni Veronica. Iba ang tadhana para kay Veronica.  ______________________ "Veronica, ano ba 'yan!? Ang tagal mo!" ang sigaw ng Ate Vanessa, niya mula sa labas ng kanyang kuwarto.  25 years old na si Veronica, samantalang ang Ate Vanessa, naman niya ay 30 years old na. Matanda ito ng limang taon sa kanya. Nakapangasawa na ito ng isang seaman. Si Richard Cruz, na 32 years old. Pinahinto na rin siya ng kanyang asawa sa pagtratrabaho bilang isang store manager.  Malaki-laki rin kasi ang sahod ng isang seaman. Iyon nga lang, sa tatlong taong nilang pagsasama ay 'di pa sila nabibigyan ng isang anak.  "Patapos na ako Ate!" ang inis na sabi ni Veronica. Lipstick na lang ang 'di niya nailalagay at puwede na siyang tumayo sa kinauupuan niya. Ilang oras din siyang naglalagay ng make up sa kanyang mukha at matiyaga niyang kinulot ang kanyang sariling buhok.  "Ano ba yan si Ate Vaness, akala mo naman siya ang bride's maids. Atat na atat makaalis. Ang aga pa naman" ang sabi ni Veronica, sa kanyang sarili. Napatingin pa siya sa wall clock sa kuwarto niya. Meron na lang pala 45 minutes bago ang kasal. Napag-isip-isip niya na 'di naman nasusunod ang nakalagay na oras sa invitation.  Sabi nga nila, "Filipino Time" "Jusko naman Veronica, ang tagal mo ah! Maganda kana, okay? baka mabasag na iyang salamin sa'yo" ang inis na sabi ni Vanessa, sa nakakabatang kapatid.  Tapos na ni Veronica, na maipahid sa kanyang mga labi ang light pink shades na lipstick. Tinignan niya nang mabuti ang naging resulta sa ilang oras na pag-aayos ng kanyang sarili sa harap ng salamin. Medyo kulot ang ayos ng kanyang buhok at 'di masyadong makapal ang make up na nilagay niya sa kanyang mukha. Litaw na litaw ang kaputian, kagandahan ni Veronica. Sa suot niyang mint green na dress na pang bride's maids. Tinernuhan niya ito ng isang simpleng white pearls na hikaw. Suot niya rin ang six inches high heels na kulay puti.  "Oh, Ate, tapos na ako. Tara na! Handa na ba ang kotse?" ang sabi naman ni Veronica, habang kinukuha niya ang kanyang cellphone, blush on, foundation at lipstick. Inilagay niya ang mga ito sa paborito niyang blue shoulder bag.  "Gaga! Kaya nga pinagmamadali kita dahil biglang nasira ang kotse natin. Ayun dinala na muna ni Vincent, sa shop nila Matteo." ang sagot ni Vanesssa, at dahil 'di inaasahan ni Veronica, na ngayon pa masisiraan ang kanilang kotse ay napa "Oh My God" na lang siya.  "Ate, naman! Bat 'di mo sinabi agad" Ang inis na sabi ni Veronica.  "Aba, malay ko? Kakatanggap ko nga lang ng text mula kay Vincent, sinabi niya na nasiraan nga yung kotse natin. Tsaka, ano ka ba? Sakay na lang tayo ng jeepney malapit lang naman ang simbahan eh" sagot ng Ate Vanessa, niya. 'Di naman makapaniwala si Veronica, sa sinabi ng Ate Vanessa, niya dahil nag-aalala siya na baka masira ang ayos ng kanyang buhok sa lakas ng hangin pagsakay nila sa jeepney at sobrang maalikabok ang dadaanan nila dahil 'di pa tapos ang ginagawang daan papuntang simbahan. Iniisip niya rin na baka mahulas ang kanyang make up siguradong pagpapawisan siya sa sobrang init ng panahon. Tirik na tirik pa naman ang sikat ng araw.  "Iiihhhh!, Wala na ba tayong masasakyan na iba?" ang reklamong sabi ni Veronica. "Alam mo ang arte at oa mo. May payong naman akong dala. Sige ka, baka 'di ka makapaglakad sa simbahan kapag na-late tayo sa papunta sa simbahan. Sayang naman ang effort mo" ang pang-aasar ng kanyang Ate Vanessa, sa kanya. Mukhang tama ang Ate Vanessa, niya. Sayang ang kanyang kulot na buhok at ang make-up niya kung ‘di nga siya makakapaglakad sa simbahan. Kapag nangyari iyon, walang makakakita sa kanyang kagandahan kaya naman pumayag na siya na sumakay na lang sila ng jeepney.  Sinabi agad ni Vernonica, na pumapayag na siyang sumakay ng jeepney kahit maalikabok sa dadaanan nila at sobrang mainit ang panahon ngayon. Lumabas silang dalawa sa bahay ng Ate Vanessa, niya na nakapayong.  Walang tigil sa kakapaypay si Veronica, 'di na niya mapigilan na magpawisan dahil sa sobrang init ng panahon. Mabuti na lang ay may dala-dala siyang puting panyo. Padampi niyang pinunasan ang kanyang pawis sa mukha baka masira ang nilagay niyang make up. Samantala ang Ate Vanessa, niya ang taga hawak ng payong habang nag-aabang sila ng masasakyang jeepney.  "Ate, text o call mo nga ulit si Vincent, baka ok na 'yung kotse. Jusko, sobrang init!" ang reklamong ni Veronica. Patuloy pa rin siya sa kakapaypay sa sarili imbes na mapreskohan siya ay lalo pa siyang naiinitan dahil sa singaw ng init na nagmumula sa lupa.  "Kanina ko pa nga tinatawagan ang loko na 'yun 'di man sumasagot! Paypayin mo rin naman ako Veronica, naiinitan din naman ako. Ano? ginawa mo kong P.A?" Ang inis din na sagot ng Ate Vanessa, niya.  Sa tagal din nilang nag-aabang ng jeepney nang sa wakas nakapara rin sila kaso nga lang medyo puno na ang sakay ng jeepney. Wala na silang magagawa kundi makipagsiksikan na lang. Kung 'di nila gagawin yun at maisipan pa nilang mag-abang ng panibagong jeepney siguradong 'di na nila maabutan ang seremonya ng kasal sa simbahan.  "Jusko, Lord! Ate Vanessa, 'di na ako fresh!" ang maarteng sabi ni Veronica.  Kakababa lang nila sa jeepney. Wala man lang bumaba na pasahero kahit isa man papuntang simbahan. Nang nakarating na sila sa simbahan, agad sila naglakad papasok dahil sobrang init talaga ng panahon. "Gaga, ikaw lang ba? Ang init ng panahon ngayon. Jusko, Lord!" pagrereklamo rin ni Vanessa. Pawisan silang pareho nang marating nila ang loob ng simbahan. Agad silang nagpunas ng pawis. Dahan-dahang pinunasan ni Veronica, ang kanyang pawis sa mukha gamit ang kanyang puting panyo dahil baka mabura ang kanyang inilagay na make up. Nandito na sa loob ng simbahan ang mga bisita ng ikakasal mga kamag-anak, kaibigan at kakilala. Narinig nila na hinihintay na lang pala ang bride at magsisimula na ang kasal. Habang abala naman nagpupunas ng pawis si Vanessa, ay meron siyang nakitang familiar na lalaki nakaupo sa may bandang unahan ng upuan na malapt sa altar at may kausap itong magandang babae na mukhang bride's maids din.  "Tangina! Si Vincent, ba 'yun?" ang bulong na sabi ni Vanessa, kay Veronica. Napaturo pa siya dito at sinundan naman ni Veronica, ang tinuro ng kanyang Ate.  "Ate Vanessa, nasa simbahan tayo. Mahiya ka naman. Wag ka magmura. Tara, puntahan nga natin yung loko na 'yun" ang inis din na sabi ni Veronica. Nakilala niya na si Vincent, nga 'yung tinuro ng kanyang Ate. Samantala masayang nakikipagkwentuhan at nakikipaglandian si Vincent, sa isang magandang babae na kasing edad lang niya at isa rin bride's maids.  "Edi, puwede tayo magdate sa lunes. Malapit lang pala ang pinapasukan mong University sa Malaya University na pinapasukan ko" ang ngiting sabi ni Vincent. 'Di naman maitago ng dalagang kausap ni Vincent, ang kanyang pagkakilig habang kinakausap siya nito.  "Susunduin mo ba ako?" ang pakipot na sabi ng babae.  "Syempre naman. Sayang 'di mo ko naging escort. Edi, sana perfect couple este perfect partner tayo. Maganda ka at gwapo naman ako" ang pambobola ni Vincent, sa kausap niyang magandang dalaga. Napakunot noo na lang siya ng mapansin ang kausap niyang babae na parang takot na takot ang mata nito na para bang nakakita ng multo.  "Ayos ka lang ba?" ang alalang tanong ni Vincent, hinawakan pa niya ang kamay ng kausap niyang babae. Naramdaman na lang niya na may humila sa kanyang tenga 'di lang isa kundi dalawang tenga niya ang nahihila 'di niya napansin na nasa likod pala ang dalawang Ate niya na galit na galit sakanya.  "A-aray!" ang daing na sabi ni Vincent. "Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo di ka man lang sumasagot kaya pala! Busy ka sa pakikipaglandian" ang gigil na sabi ni Vanessa, habang hawak-hawak pa rin niya ang isang tenga ng bunsong kapatid niya. "Inuna mo pa ang pakikipaglandian kaysa sa mga Ate mo na nahirapan sumakay ng jeepney at ang init-init pa naman! Alam mo ba 'yun Vincent?" gigil na gigil na hinila ni Veronica, ang tenga ng kanyang bunsong kapatid. "Aray! Aray! Tama na! Bitawan niyo na tenga ko. Ang oa ninyo ate! 'Di ba nasiraan ang kotse natin" ang sabi naman ni Vincent. Nakahawak ito sa kanyang mga namumula at masakit na tenga dahil sa paghila ng dalawang ate niya.  Vincent Stewart, na 18 years old, 1st college. Ang kinuha niyang kurso ay Automotive dahil sinabi ni Vincent, sa dalawang ate niya ay gusto niyang magkaroon ng sariling Car Repair Shop tulad sa Kuya Matteo, niya.  "Oo, nga nasiraan 'yung kotse natin! At paano ka nakapunta dito?" inis na sabi ni Veronica. Naagaw ang pansin niya sa isang guwapo at makisig na binatang lalaking may hawak-hawak na dalawang bote ng mineral water. Animo'y nasa commercial ng isang uri ng inumin habang naglalakad ito papunta sa direksyon nila. 'Di naman maiwasan ng mga tao sa loob nang simbahan ang mapatingin lalo na ang mga kababaihan. Ibinigay ng guwapong lalaki ang isang hawak niyang bote ng tubig kay Vincent, na agad naman inigaw ng Ate Vanessa, niya.  "Uhaw na uhaw na ako" ang sabi ni Vanessa, sa bunsong kapatid. "Sa akin binigay ni Kuya Matteo, 'yun eh!" ang pagrereklamong sabi ni Vincent, napakamot na lang siya sa kanyang ulo.  Ang lalaking may hawak ng bote ng tubig ay si Matteo Gue, na 25 years old. Guwapo at makisig na binata. Siya rin ang may-ari ng Car Repair Shop na pinagdalhan ni Vincent, sa nasirang kotse nila. Kababata at matagal nang nanliligaw ito kay Veronica.  "Ako ang kasama ni Vincent, pumunta rito. Wala naman ako ginagawa sa shop kaya sinamahan ko na lang siya" ang ngiting sabi ni Matteo, binuksan niya ang hawak niyang bote ng tubig at dahan-dahan siyang uminom. Kitang-kita ang magandang hulma ng biceps sa suot niyang royal blue na polo shirt at isang nakakabighaning ngiti ang pinakita niya pagkatapos niyang uminom ng tubig.  "Wow ah! Nasabihan pa naman kita na manliligaw 'di mo man ako naisip o nag-alala na wala akong masakyan papunta dito" ang arteng sabi ni Veronica. "Sabi kasi ni Vincent, nauna na raw kayo dito kaya 'di na ako pumunta sa inyo." ang sabi ni Matteo.  Nagkatinginan sila Veronica, at Vanessa, sa kaninang bunsong kapatid na si Vincent, na ngayon ay nagtatago na sa likod ni Matteo.  "Ang over acting ninyo mga Ate. Akala ko nga nauna na kayo kaya 'yun ang sinabi ko kay Kuya Matteo. Sayang naman ang effort ni Kuya Matteo, kung pupuntahan pa kayo sa bahay natin" ang ngising sabi ni Vincent. Napailing na lang ang dalawang nakakatandang kapatid niyang babae.  Bigla na lang nataranta si Veronica, dahil 'di pa pala siya nakapagretouch. Umupo muna siya at inilabas ang mga make-up kit niya. Habang abala sa pagre-retouch si Veronica. Narinig na nila na dumating na ang bride kaya naman tinatawag na ang mga bride's maids para masimulan na ang paglalakad ng mga entourage. "Ano maganda na ba ako? Fresh na ba ulit ako?" ang tarantang tanong ni Veronica. Habang nakatingin ito sa kanyang sarili sa maliit na salamin na hawak niya.  "Always" ang ngiting sabi ni Matteo, na nakatingin kay Veronica. Napatingin si Veronica, sa guwapo at makisig na binata sa harapan niya. Aaminin niya na kinilig siya sa sinabi ni Matteo. Napahampas tuloy ang kamay niya sa matigas na biceps ni Matteo.  "Bolero ka talaga Matteo." ang natatawang sabi ni Veronica.  "Totoo naman ang sinabi ko." ngiting sagot naman ni Matteo. "Ewan ko sayo Matteo?! Sige alis na muna ako." ang paalam na sabi ni Veronica. Nagmamadali na siyang naglakad papunta sa entrance ng simbahan dahil nandoon na halos ang mga kasama niyang bride's maids at iba pang kasama sa entourage. Habang hinihintay niya ang wedding organizer na ituro kung saan ang pwesto niya mamaya ay pasimple niyang tinignan ang mga kagaya niyang bride's maids. Napangiti siya ng lihim dahil angat na angat ang kagandahan niya. Isa-isa na tinawag ang mga pangalan na kasama sa wedding entourage. Narinig niya ang kanyang pangalan at pumunta siya sa tinurong pwesto ng wedding organizer. Abalang pinagmamasdan ni Veronica, ang mga tao sa loob ng simbahan 'di niya napansin na tumabi na pala sa kanya ang magiging escort niya. "Hello miss!" ang masayang bati sa kanya ng isang guwapong binata.  Napatingin bigla si Veronica, sa lalaking tumawag sa kanya. Napa "Oh my god" siya dahil sobrang guwapo ng lalaking katabi niya. Mukhang mayaman ito dahil kita sa tindig at kutis, na-realize na lang niya na itong lalaking katabi niya ngayon ay magiging escort niya.   "I'm Miggy Tolentino, and you?" ang ngiting pagpapakilala ng guwapong binata. "I'm Veronica Stewart." Nakipagkamay si Veronica, na malugod naman itong tinanggap ni Miggy.  "Ang ganda mo naman" ngiting sabi ni Miggy. "Ano ba tong lalaki na to? Sinasabi pa niya sa akin na matagal ko nang alam." ang sabi ni Veronica, sa kanyang sarili.  "Thank you. Ah, kaano-ano mo pala ang ikakasal?" ang tanong ni Veronica.  "Kaibigan ako ni Joven." ang sagot naman ni Miggy, at tinuon na niya ang pansin sa kanyang cellphone.  Hinihintay ni Veronica, na tanungin din siya ni Miggy. Pero abala na ang binatang lalaki sa cellphone nito dahil mukhang may katext ito. Hinayaan na lang ni Veronica, si Miggy, ayaw na niya itong kausapin. Naramdaman niyang 'di interesado si Miggy, sa kanya.  "Snob, ang beauty ko?" ang tanong ni Veronica sakanyang sarili.  ________________ "Ang tagal nang seremonya ng kasal! Ngayon naman ang daming paandar ng organizer na yan" ang inis na sabi ni Vanessa, habang pinagmamasdan niya ang wedding organizer kung paano nito utusan ang wedding photographer kung ano ang gagawin sa pictorial ng bagong kasal.  Kakatapos nang kasal at pinuntahan agad ni Veronica, ang kinaroroonan nila Vincent, Matteo, at Ate Vanessa, niya. Dahil wala naman kasi makausap o kumakausap sa kanya at nahalata niya na palaging tumitingin sa kanya ang mga kagayang bride's maids, ramdam niyang insecure ang mga ito sa kanya. Sabagay sa kagandahan niyang taglay ay maiilang kahit sinong babae na tumabi sa kanya 'yun ang palaging nasa isip niya. Napansin din niya na sobrang tagal nga nang sermonya ng kasal. Sumakit nga ang kanyang pwet sa sobrang tagal niya sa pagkakaupo habang nakikinig ng sermon ng pari at mga vows ng bagong kasal na sila Joven, at Monica. Ngayon abala ang bagong kasal at kasama sa entourage sa pictorial at tama ang Ate Vanessa, niya maraming paandar ang organizer na kinuha nila Monica.  Habang hinihintay ni Veronica, na tawagin ang bride's maids ay nagretouch siyang muli. Konting bush on at nag-apply siya ng lipstick sa kanyang labi. Para mamaya sa pictorial, fresh at maganda siya. Gusto niya mamaya ay katabi niya ang  bride. Para kapag titignan ng mga tao ang mga larawan ay siguradong agad siyang mapapansin. Kaya makikipag-unahan siya sa ibang bride's maids na makatabi niya ang bride.  "Gutom na ako" ang biglang sabi ni Vincent. Narinig iyon ng Ate Veronica, niya. "Ikaw lang ba? Ako rin no! Konti lang 'yung nakain ko kaninang almusal. Kaya ikaw, manahimik ka dyan!" ang sabi ng Ate Veronica, niya. "Humingi ka ng pagkain sa kalandian mo kanina!" ang sabi naman ng nakakatandang kapatid ni Vincent, na si Vanessa. "Wala talaga kayong awa sa akin? Sarili ninyong kapatid ginaganyan niyo?" ang seryosong sabi ni Vincent, na ikinainis lalo ng Ate Veronica, niya. Mabilis na lumapit at hinila ng Ate Veronica, niya ang kanyang tenga.  "Aray! Tama na! Kuya Matteo tulong!" ang pagmamakaawa sabi ni Vincent. Agad na lumapit at pumagitna si Matteo, kina Vincent, at Veronica. Sinabihan pa niya si Veronica, na wag ng patulan ang bunsong kapatid nito.  "Magsama nga kayo! Hoy! Ikaw Vincent, loko ka! 'di pa namin nakakalimutan ang ginawa mo kanina sa amin ni Ate Vanessa, iniwan mo kami" ang tampong sabi ni Veronica.  "Oo nga! Sasabihin ko sa Kuya Richard, mo na wag ka na ibili ng bagong cellphone" ngising sabi ni Vanessa.  Naisip ni Vincent, ang pinapabili niyang cellphone sa kanyang Kuya Richard, ang asawa ng Ate Vanessa, niya. Bigla na lang itong naging maamong tupa sa dalawang ate niya. Agad niya kinuha ang mapaypay at salitan niyang pinaypay ang kanyang dalawang nakakatandang kapatid.  "Ayun lang! Kapag may kailangan doon lang mabait sa amin" ang natatawang sabi ni Veronica.  Habang nagkukulitan ang tatlong magkakapatid ay lihim naman napapangiti si Matteo, sakanyang nakikita. Wala kasi siyang kapatid. Nag-iisang anak lang siya ng kanyang magulang. Kaya napalapit siya kay Vincent. Lagi kasi tumatambay ito sa kanyang Car Repair Shop. Tinuturing na niya itong nakakabatang kapatid.  "Oh! Bat ka ngiti-ngiti dyan Matteo. Para kang sira dyan" ang sabi ni Veronica. Napansin niya na kanina pa sila pinagmamasdan ni Matteo, habang nag-aasaran silang magkakapatid. "Wala lang! Ang ganda mo kasi!" ngiting sagot ni Matteo, 'di na lang pinansin ni Veronica, ang sinabi ni Matteo, sa kanya. Lagi na lang kasi siya niloloko o madaling salita laging nambobola. Matagal ng nanliligaw sa kanya si Matteo, pero hanggang ngayon 'di pa niya ito sinasagot dahil sa isang dahilan walang siyang nakikitang sparks. Oo, guwapo si Matteo. Magandan rin katawan nito. Kahit mayaman ang pamilya ni Matteo. Matapos siyang makapagtapos sa kursong Automotive ay nagsumikap siyang magtayo ng kanyang sariling negosyo, isang Car Repair Shop na ngayon ay kilala sa lugar nila at umaasenso na.  Naghihintay si Veronica, na magkaroon ng sparks si Matteo, sa kanya. Oo, kinikilig siya sa mga regalo na binibigay sa kanya ni Matteo. Lalo na kapag rosas ang binibigay sa kanya ng guwapong binata. 'Di naman binabalewala ni Veronica, ang pinapakitang effort ni Matteo, sa kanya. Sa katunayan ay sobra siyang napapahanga kay Matteo, sa sobrang sipag at pursidigong panliligaw sa kanya. Napapahanga rin siya sa pagrespeto binibigay sa kanya ng binata. Wala siyang matandaan na pinagbawalan o nakialam si Matteo, sa buhay niya. Tulad minsan sa pagsusuot ng mga sexy damit 'yun lang talaga ay wala pa talaga siyang nakikita o nararamdaman na special na pagtingin kay Matteo.   Narinig ni Veronica, na tinatawagan na ng wedding organizer ang mga bride's maids. Kaya naman naglakad na siya sa harap at pasimple siyang tumabi sa bagong kasal na babae na si Monica.  "Friendship, congrats! Kasal ka na!" ang masayang bati ni Veronica. Nakipagbeso pa siya kay Monica.  "Salamat friendship" masayang tugon ni Monica.  Naagaw ang pansin ni Veronica, ang matangkad, makisig at guwapong lalaking katabi ni Monica. Kanina pa niya kasi ito tinitignan at napapansin niyang kanina pa rin siyang lihim tinitignan ng asawa ni Monica. Ngayon ay mas malapitan na niya itong nakikita.  "Hon, gusto ko ipakilala sayo ang friendship ko, si Veronica Stewart." ang ngiting sabi ni Monica.  "Hi! Wakas nakita na rin kita sa personal" ang masayang sabi ni Joven, at nakipagkamay pa siya kay Veronica. Agad na naramdaman ng dalaga ang pasimpleng pagpisil sa kanyang kamay. Kitang-kita at naramdaman niya na namangha sa kagandahan niya si Joven, at nakita niya rin na pasimple nitong tinignan ang kanyang malulusong na dibdib.  Naramdaman na lang ni Joven, na sinisiko na pala siya ng kanyang asawa na si Monica, at napatingin siya sa kanyang asawa na para bang nagsasabing bitawan na niya ang kamay ni Veronica, 'di nga niya namalayan na kanina pa niya hawak ang kamay ng kaibigan ng kanyang asawa. Agad niya itong binitawan at ngumiti sa kanyang asawa. "Hon, paalala lang kakatapos lang natin ikasal kaya behave ka dyan" pabibirong sabi ni Monica. 'Di naman kasi niya masisisi ang kanyang asawa dahil agaw pansin talaga ang friendship, niyang si Veronica. Sa taglay na kagandahan ay lahat yata ng lalaki ay napapalingon sa kanyang kaibigan. Lalo na sa suot nitong dress na may pa clevage. "Friendship, asawa ko na yan. Wag mo na." pagbibirong sabi Monica. "Ano kaba friendship? Guwapo pala ng napangasawa mo sa personal" ang sabi naman ni Veronica, na titig na titig kay Joven. 'Di na niya makontrol ang bibig niya. Dahil totoo naman na guwapo ang napangasawa ng kanyang kaibigan. "Pangit ba ako sa mga litrato na pinasa sa'yo ng asawa ko." natatawang sabi ni Joven. "Hindi naman! Ayos lang. Pero iba pa rin kapag personal di ba?" ang sabi ni Veronica. Nakakaramdam na ng inis si Monica, sa pakikipag-usap ng kanyang friendship, na si Veronica, sa kanyang asawa na si Joven. Pero 'di niya ito pinapahalata. Nakangiti pa rin ito habang nakikinig sa pag-uusap ng kanyang kaibigan at asawa niya. Nakakahiya naman kung gagawa siya ng eksena dahil lang sa pagseselos sa mismong kaibigan niya. Naramdaman naman agad ni Veronica, na nagseselos na ang kanyang kaibigan sa pakikipag-usap niya sa asawa nito. Kaya naman niyakap niya ito ng mahigpit. At sinabing masaya talaga siya na natagpuan na nito ang lalaking mamahalin niya at magmamahal sa kanya. Totoong din naman na naiingit si Veronica, kay Monica, pero mas nangingibabaw ang sayang nararamdam niya para sa kanyang kaibigan dahil alam ni Veronica, na noon pa man ay pangarap na talaga ni Monica, na ikasal sa simbahan at bumuo ng sariling pamilya.  "Uy! Gaga ka friendship, bat ka umiiyak dyan?" ang takang sabi ni Monica. Nakita niyang nagpupunas ng luha si Veronica, gamit ang puting panyo.  "Gaga ka friendship! Sobrang saya ko lang dahil nakita mo na ang "The One" mo 'di ba pangarap mong ikasal. Heto na yun friendship" ang naluluhang sabi ni Veronica.  Naantig naman ang damdamin ni Monica, sa sinabi ng kaibigan niya. Naglahong parang bula ang kanyang nararamdaman na selos kanina at napalitan ng pagkagalak sa kanyang puso. Nagyakapan pa silang dalawa 'di na rin napigilan ni Monica, ang 'di mapaluha sa sobrang saya.  "Hon, ayos lang ba kayo? Bat kayo nagsisi-iyakan" ang alalang tanong ni Joven.  "Ah?! Wala ito Joven, tears of joy itong mga luha namin." ang sabi ni Veronica, habang padamping pinupunasan niya ang luha sa kanyang pisngi. "Ano ba yan friendship?! Dapat mamaya na ito sa reception. Isa ka pa naman sa listahan ko na gusto kong marinig at magbigay ng mensahe sa aming mag-asawa." ang sabi naman ni Monica. Pinunasan siya ng luha ni Joven, ang kanyang asawa na pasimpleng tumitingin kay Veronica. Kinakailangan pang iretouch si Monica, ng kanyang make up artist dahil na basa ng luha ang make up nito dahil sa pag-iyak nila ni Veronica. "Gurl ako rin! Paki-retouch." ang sabi ni Veronica sa make up artist ni Monica. Wala naman nagawa ang make-up artist kundi i-retouch din niya si Veronica.  Sinabihan si Veronica, ng wedding organizer na lumipat ng pwesto. Dahil ang maid of honor ang magiging katabi ng bride kaya wala siyang choice kundi lumipat sa tabi ni Joven.  "Friendship, wag kang magselos! Asawa mo na to!" ang natatawang sabi ni Veronica.  "Sira ka talaga friendship! May tiwala ako sa asawa ko no!" ang natatawang sabi ni Monica.  Sinabihan sila ng photographer na tumingin sa camera. Naka-ilang shot na sila at ang panghuling shot ay sinabihan sila wacky shot na. Meron naisip na kalokohan si Veronica, kaya naman inihanda niya ang kanyang sarili upang gawin ang kalokohang naisip niya. "1, 2 ,3!"  Biglang hinawakan ni Veronica, ang pwet ni Joven, na ikinagulat naman nito.  "Hon ang oa mo mag Wacky" ang natatawang sabi ni Monica. Lihim naman napatawa si Veronica, sa ginawa niyang kalokohan. Nagpaalam na si Veronica, kina Monica, at kay Joven, na titig na titig sa kanya habang papalayo siya.  "Sa sobrang ganda at sexy ko pati bagong kasal na lalaki naakit yata sa akin" ang natatawang sabi ni Veronica, sa kanyang sarili.  Nag-aya ng umalis si Veronica, papuntang reception dahil malayo-layo rin ito. Baka maipit sila sa traffic. Lahat sila ay nakakaramdam ng gutom lalo na si Vincent. Habang nasa biyahe sila papuntang wedding reception. Kinuha ni Veronica, ang kanyang cellphone sa shoulder bag at nagcheck siya ng cellphone at meron siyang natanggap ng isang text message. Galing sa isang especial na tao. "See you later" 'yan ang laman ng text message galing sa isang taong especial kay Veronica. Napangiti na lang ang magandang dalaga nang mabasa niya ang text message sa kanya. Napansin naman siya ni Matteo. Agad siyang tinanong nito kung bakit ito nakangiti.  "Naku wala! Magdrive ka na lang baka ma-accidente pa tayo" ang ngiting sabi ni Veronica.  'Di naman lingid sa kaalaman ni Matteo, na maraming nanliligaw at nagpaparamdam kay Veronica, ngunit 'di siya susuko sa panliligaw niya dito. Gusto niya makuha ang matamis na oo, ni Veronica. Simula palang bata sila ay sinabi ni Matteo, sa kanyang sarili na pakakasalan niya si Veronica.  "Veronica eksena kayo kanina ah?!" Ang biglang sabi ng Ate Vanessa niya.  Alam agad ni Veronica, kung ano ang tinutukoy ng ate niya. Kinukwento ni Veronica, kung ano ang napag-usapan nila ni Monica, kanina.  "Ang drama naman ninyo dalawa!" Ang singit na sabi ni Vincent, habang naglalaro ito ng mobile legends sa kanyang cellphone. Nakikinig pala ito sa usapan ng dalawang ate niya.  "Ihuhulog kita sa kotse Vincent! Kanina ka pa ah!" ang asar na sabi ni Veronica. "Yung kalandian mo pala kanina ay maid of honor at kapatid pala ni Joven, 'yun" ang sabi ni Vanessa. "Alam mo naman ako pumili. 'Di basta-basta." ang ngising sabi ni Vincent, 'di man lang inaalis ang paningin sa kanyang nilalarong mobile legends.  "Paano mo naman nalaman yan ate?" tanong ni Veronica. "Sa sobrang tagal ng seremonyas ng pari kanina ay nakipagkwentuhan ako sa isa sa mga kamag-anak ni Joven." ang sabi ni Vanessa. "Ang chika minute mo ate!" ang natatawang sabi ni Veronica.  "Tsk! Alam mo bang ang laki pala ng kinikita ni Joven, at Monica, sa Singapore, ayon sa malapit nilang kamag-anak na nakausap ko kanina." ang pagmamalaking sabi ni Vanessa.  "Kaya pala bongga ang kasal nila. Sinabi rin ni Monica, sa akin noong nagkita kami sa Rald's Box. Pinag-ipunan talaga nila ang magiging kasal nilang dalawa." ang ngiting sabi ni Veronica.  "Drive tru na muna tayo" ang sabi ni Matteo, meron kasi siyang nakitang fast food chain na dadaanan nila. "Naku wag na Kuya Matteo. Para sulit ang pagkain sa reception mamaya" ang natatawang sabi ni Vincent, tuloy pa rin siya sa kanyang nilalaro.  "Loko ka talaga Vincent. Siguradong may program pa 'yun bago kumain ang mga bisita" ang sabi ni Veronica. Sumang-ayon naman sa kanya sila Matteo, at Ate Vanessa, niya. "Kung pagdating natin puwede na kumain edi, agad na uuwi ang mga bisita nila dahil nakakain na sila. Wala na matitirang bisita kundi mga pamilya na lang nila." ang natatawang sabi ni Vanessa.  "Ano 'yun eat and run?" ang natatawa rin sabi ni Veronica. Napatingin naman si Matteo, sa kanya. Dahil naka-upo siya sa passenger seat at katabi niya ang makisig na binata. Samantalang sila Vincent,b at Ate Vanessa, niya ay sa likod nakaupo. Natuloy rin sila sa drive tru sa Mcdo. Si Matteo, na ang nagbayad sa inorder nila. "Hoy! Vincent kumain ka nga muna. Puro ka laro dyan! Baka mamaya pagdating natin doon nag-aalburoto ka dahil sa gutom ka." ang sabi ni Vanessa, sa kanyang bunsong kapatid na focus na focus sa paglalaro.  "Mamaya na lang. Pagtira niyo na lang ako." ang sagot ni Vincent, na 'di man lang tumingin sa Ate Vanessa, niya.  Nakarating sila sa isang 5 star hotel sa Makati ang Makati Shangri-La. Ibinigay ni Matteo, ang susi ng kanyang kotse sa vallet parking attendant ng hotel. Sabay-sabay na silang pumasok sa loob ng hotel. Nakatanggap muli ng text message si Veronica, sa parehong nagtext sa kanya kanina.  "Nasaan ka na?"  Agad na nagreply si Veronica. "Sa lobby."  Nakatanggap agad siya ng reply.  "Powder Room."  Alam agad ni Veronica, ang ibig sabihin 'yun ngunit 'di niya alam na pa simple siyang tinitignan ni Matteo. Gustuhin man alamin ni Matteo, kung sino ang katext ni Veronica, ay hindi niya ito gagawin. Para sa kanya ay nirerespeto niya ang privacy ng kanyang nililigawan at ang babaeng iyon ay Veronica. "Ate Vanessa, pa-picture naman. Para sa my day sa social media ko. Para makita naman ng mga followers ko kung saan ako ngayon." ang pagmamayabang na sabi ni Vincent.  "Sige ako rin ah! Ipapasa ko sa Kuya Richard, mo para maglaway siya sa barko at para umuwi na siya kaagad." ang natatawang sabi ni Vanessa. Maganda at sexy rin ang ate ni Veronica, na si Vanessa. 'Di nagkakalayo ang kagandahan at kasexihan nilang dalawa. Pero angat pa rin si Veronica.  Pa-simpleng nagpaalam si Veronica, na pupunta siya sa powder room. Hawak-hawak ang kanyang cellphone ay nagtanong-tanong siya sa mga staff ng hotel kung saan ang powder room ng hotel. Pero ang totoo ay may kikitain lang siyang importanteng tao. Nagtext muli si Veronica, sa taong 'yun. Sinabi niya na nasa labas na siya ng powder room ng lobby ng hotel. 'Di nagtagal ay isang familiar na lalaki ang lumabas sa cr ng panlalaki 'di napigilan ni Veronica, na mapangiti habang papalapit sa kanya ang guwapo, matangkad at makisig na lalaki. Gusto man niya yakapin ito ay 'di puwede dahil baka may makakita sa kanilang dalawa.  "Veronica" ang ngiting sabi ng makisig na lalaki sa kanya.  "Wag mong sabihin kanina ka pa pabalik-balik sa Cr?" natatawang tanong ni Veronica. "Hhmm… Ganun nga! 'Di na kasi ako makapaghintay hanggang mamaya. Sabik na ako makita kita" ang ngiting sagot ng guwapong lalaki. May usapan silang dalawa na pagkatapos ng wedding reception ay magpapaiwan si Veronica, at pupuntahan siya nito sa hotel room at doon ay magsasama sila buong magdamag. Hinila siya ng lalaki papasok sa cr ng panglalaki. Mabilis ang mga kilos nilang dalawa papasok sa bandang dulo ng cubicle.  "Ano ba tong ginagawa mo? Buti na lang walang tao sa loob" ang inis na tanong ni Veronica. Hindi na siya sinagot ng lalaki. Sinunggaban agad siya ng halik at agad naman tumugon si Veronica. Inaamin niya sa kanyang sarili na namiss niya ang lalaking kahalikan niya ngayon. Dila sa dila. Laway sa laway. Labi sa labi. Matagal din sila di nagkita. Kaya naman uhaw na uhaw sila sa isa't-isa. Ilang minuto rin tinatagal ang halikan nilang dalawa. Ngayon ay naghahabol silang pareho ng hininga.  "s**t ka! Veronica! Namiss ko kung paano kitang halikan. Mas ok na dito tayo sa loob kaysa sa labas pa tayo mag-usap baka may makakita pa sa ating dalawa." ang gigil na sabi ng lalaki. Sinunggaban niya ulit ng halik si Veronica. Ngayon ay di na ito mapusok. Malumanay na. Para bang ninamannam nila ang bawat isa.  "I miss you so much" ang sabi ni Veronica, na nakatingin sa lalaking kaharap niya ngayon. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang gwapong mukha nito. Totoong na miss niya ito. Nagpapasalamat siya na nakagawa sila ng paraan para magkita ngayon kahit nakaw na sandali lang.  Alam naman ni Veronica, kung saan siya lulugar. Kahit na nahihirapan na siya sa sitwasyon nilang dalawa ay kinakaya niya ito dahil mahal na mahal niya ang lalaking nakangiting nakatingin sa kanya 'di na niya maiwan ang lalaki. Alam niyang bawal ang pagmamahalan nila dahil may asawa na ito. Pero heto pa rin siya. Nakikipagkita at sumasama sa taong 'di para sa kanya. At hinding-hindi magiging sa kanya kahit kailanman. 'Yun ang masakit na katotohanan na hinaharap ngayon ni Veronica.  "Sige na labas na tayo rito baka maubos mo pa ako" ang birong sabi ni Veronica. Ayaw niyang maging emosyunal sa harap ng lalaki mahal niya. Pinipigilan lang niya kanina pa ang mga luha pilit na lumalabas sa kanyang mga mata.  "Kapit ka lang Veronica. Tandaan mong napakaimportante at especial mong tao para sa akin" ang ngiting sabi ng lalaki. Hawak-hawak niya ang magandang mukha ni Veronica. Isang matamis na halik ang binigay niya rito.  "S-sige na labas na tayo baka may pumasok pa rito at mahuli pa tayo" ang ngiting sabi ni Veronica. Pasimpleng siyang yumuko at mabilis na pinunasan sa kanyang kamay ang lumabas na luha sa kanyang mga mata.  Inayos muna ang sarili nila bago lumabas sa cubicle. Sumilip muna si Veronica, sa labas ng pinto ng cubicle ng masigurado niya na walang tao sa loob ng cr ay naunang siyang lumabas ng cubicle. Nagmadali ito naglakad papunta sa pinto ng cr, sumilip muli siya ngunit agad din niya sinara ang pintuan dahil nakita niyang paparating sila Matteo, at Vincent. Mukhang papasok sila sa cr kung saan naroroon siya.  "Balik dali!" ang tarantang sabi ni Veronica, sa lalaking kasama niya ngayon.   "T-teka kala ko ba baka maubos kita bat ngayon ikaw na ang uubos sa akin?" ang natatawang sabi ng lalaki 'di pinansin ni Veronica, ang sinabi sa kanya ng lalaki.  "Sshh… Wag kang ma-ingay! May papasok dito" ang mahinang sabi ni Veronica. Natahimik naman ang kasamang niyang lalaki. Ang importante ngayon ay nakapasok na sila sa cubicle. Nasa unahan cubicle sila nakapasok 'di na nila nagawang bumalik sa pinakadulong cubicle. Narinig nilang may pumasok sa loob ng cr. Tahimik silang nakikinig sa mga taong pumasok. Alam naman ni Veronica, na sila Matteo, at Vincent, ang pumasok sa cr.  "Ang tagal naman mag-banyo ni Ate Veronica." boses 'yun ni Vincent, ang kanyang bunsong katapid.  "Alam mo naman ang mga babae Vincent." Boses naman yun ni Matteo. "Naku baka tumatae lang 'yun!" ang natatawang sabi ni Vincent. Nainis naman si Veronica, sa kanyang narinig. Napapahiya siya tuloy sa kanyang kasamang lalaki sa loob ng cubicle.  "Kapag narinig ka ng ate mo. Siguradong hihilain na naman niya ang tenga mo" ang natatawang sabi ni Matteo.  "Eh, totoo naman. Baka tumatae yun. Dami niya kaya kinain kaninang burger. Siya lang ang nakaubos pati french fries sabi ko sakanila itira nila akong pagkain." ang inis na sabi ni Vincent.  "Favorite ng ate mo 'yun kaya dinamihan ko na inorder ko kanina. Tara na baka nandoon na yun" ang sabi ni Matteo.  Narinig na nila Veronica, lumabas na ang dalawa. Napatingin si Veronica, sa kasama niyang lalaki at napakunot noo na lang siya. Pinipigilan kasi ng guwapong lalaki ang wag matawa dahil na rin sa narinig niyang sabi ng bunsong kapatid ni Veronica, na si Vincent. Siniko siya ni Veronica, sa tyan pero 'di man lang ito nasaktan. "Ano nakakatawa?" ang inis na tanong ni Veronica, na nakatingin sa makisig na lalaking kasama niya ngayon. "W-wala. Teka kasama ninyo pala si Matteo? 'Di mo man sinabi?" ang takang tanong ng lalaki.  "Nasiraan yung kotse namin kaya sa kotse ni Matteo, kami sumakay" ang sabi ni Veronica.  "Bat ba ayaw mo pa kasi bumili ng bagong kotse? Binibigyan naman kita ayaw mo naman tanggapin" ang seryosong sabi ng guwapong lalaki.  "Ano ba yan! 'Di ba napag-usapan na natin yan. Ayoko ng mga ganyang bagay. Ang baba nga ng tingin ko sa sarili ko dahil sa sitwasyon na pinasukan ko. Ayaw ko ng ibaon pa ang sarili ko sa lupa." Ang seryosong sagot ni Veronica.  "Ok I'm sorry. Pero Lumayo layo ka nga kay Matteo." ang galit ng sabi ng lalaki.  "Nagseselos ka?" ang takang tanong ni Veronica.  "Oo"  "Ewan ko sayo"  "Mamaya ah? Sige una ka na muna lumabas baka kapag nagkasabay tayo baka may makakita pa sa atin." ang ngiting sabi ng guwapong lalaki.  "Oo, excited lang? Talagang mauuna ako. Siguradong kanina pa naghihintay sila Ate Vanessa, sa akin sa lobby." Ang natatawang sabi ni Veronica. Bago siya lumabas ay sumilip muna siya sa pinto kung may tao pa ba?  "Dito na lang kaya tayo hanggang mamaya" ang bulong na sabi sa kanya ng lalaki.  "Sira! Sa cr talaga ng panlalaki. Sige na mamaya na lang! Bye!" isang mabilisang halik ang binigay ni Veronica, sa guwapong lalaki at mabilis siyang lumabas ng cubicle. Sa pagmamadali niyang lumabas sa cr ay 'di niya napansin ang papasok na lalaki kaya sa 'di inaasahan ay nagkabungguan silang dalawa.  "I'm so sorry M-miss? T-teka?!" napakunot noo ang lalaking nakabungguan ni Veronica, dahil nagtataka ito kung bakit may babaeng papalabas sa cr ng panlalaki? Agad siyang nagdouble check kung tama ba ang napasukan niyang cr.  "Ah!? I'm sorry mali yung napasukan ko. Nagmamadali kasi ako. Sorry!" Ang tatarantang sabi ni Veronica. Para siyang nahuli sa kasalanan niya. Pinagpapawisan  ang kanyang kamay at 'di niya alam kung hahalata ba siya ng lalaking nakabungguan niya na kinakabahan. Feeling niya kasi ay maputla siya ngayon. Nakatinging na seryoso ang lalaking nakabungguan niya. Yumuko na lang si Veronica, at nagmamadaling makalayo sa lalaking nakabungguan niya. Pinapanangalin niya na wag na muna lumabas ang kasama niyang lalaki sa loob ng cubicle. At sana ay wag na rin niyang makita o makasalubong man lang ang lalaki nakabungguan niya 'di na niya nilingon pa ang lalaki alam at ramdam niya na nakatingin sa kanya habang papalayo na siya rito. Inayos na muna ni Veronica, ang kanyang sarili. Huminga muna siya ng malalim at kinalma niya ang sarili bago nakangiti siyang lumapit kina Vincent, Matteo, at Ate niya.  "Ang tagal mo naman Veronica! Wag mong sabihin na nagretouch ka. Hawak ko ang bag mo nandito ang make up kit mo. Ginawa mo na talaga akong personal assistant mo." ang sabi ng Ate Vanessa, niya.   Inaasahan na ni Veronica, na magrereklamo ang kanyang ate. At yun sana idadahilan ni Veronica. Kaso nakalimutan pala niyang dalhin ang make up kit 'di na niya nakuha dahil excited siyang makita 'yung lalaking nakasama niya sa cubicle kanina 'Di niya maiwasan na mapangiti habang naalala niya ang nangyari kanina sa loob ng cubicle ng cr.  "Ate Veronica, ano success ba? Tumae 'yan Ate Vanessa! Dami niya kaya kinain na burger at french fries. Halos siya lang ang naka-ubos." ang natatawang sabi ni Vincent.  Tumingin ng masama si Veronica, sa bunso niyang kapatid. Naalala niya kanina ang sinabi nito at ngayon naman lantaran na naman nito sinabi na tumae siya. Nakakahiya dahil may mga tao sa lobby. Sigurado siyang may nakarinig sa sinabi g bunsong kapatid niya. Mabilis niya ito nilapitan at hinila na naman niya ang kaliwang tenga nito.  "Ang bunganga mo! Nakakahihiya ka!" ang gigil na sabi ni Veronica.  "Aray! M-masakit! Ate! Guilty ka kasi hahaha!" ang natatawang sabi ni Vincent. Napapatingin ang mga tao sa lobby sa asarang nilang magkapatid. Ang mga ibang tao ay napapangiti habang nanonuod sa kanila. "Ang ingay mo Vincent, nakakahiya ka!" ang inis na sabi ni Veronica. Binitawan na niya ang tenga ni Vincent.  Nakaramdam agad ng guilty si Vincent, sa pang-aasar sa Ate Veronica, niya. Alam niyang sa punto na ito ay napikon na ang Ate niya. Napatingin siya sa Ate Vanessa, niya na para bang humihingi ng saklolo dito. "Oh ayan! Asaran pa ah! Tara nga akyat na tayo sa taas." ang seryosong sabi ni Vanessa.  Tahimik silang umakyat sa taas. Alam nila Vanessa, at Matteo, na napikon si Veronica, kay Vincent. 'Di naman mapakali si Vincent, habang papuntang Rizal ballroom kung saan gaganapin ang wedding reception. Sobrang siyang naguguilty sa kanyang nagawa.  Dumating sila sa labas ng Rizal ballroom. Nadatnan nila ang marami mga bisita. Narinig pa nila na nagkakaroon pala ng pictorial sa loob ng ballroom kaya 'di na muna pinapasok ang mga bisita. May lumapit sa kanilang isa sa mga wedding organizer. Sinabihan sila na kailangan muna nila magregister.  "Bongga talaga ang wedding ng kaibigan mo Monica! Sa Makati Shangri-La pa talaga ang reception. Eh? Nung kami ni Richard, sa bahay lang haha!" ang natatawang sabi ni Vanessa, habang nagsusulat siya ng kanyang pangalan sa wedding log book. "Heto talaga ang pangarap ni Monica" ang ngiting sabi naman ni Veronica, at siya naman ang sumulat ng kanyang pangalan sa wedding log book. Bigla na lang siya nakaramdam ng kalungkutan 'di niya alam kung bakit. Siguro dahil 'di niya ito mararanasan 'yung ganitong ka-bonggang wedding reception. Kahit man lang isang simpleng kasal na lang sa lalaking mahal niya.  "Miss ok lang po ba kayo?" Nagulat ang receptionist kay Veronica, dahil pumatak ang luha nito sa wedding log book habang nagsusulat ng pangalan.  'Di namalayan ni Veronica, na lumuha na pala siya 'di niya alam bat siya naging emosyunal. Agad niya pinunasan ang luha niya sa kanyang pisngi gamit ang kanyang puting panyo at ngumiti siya sa receptionist at sinabi niyang ok lang siya.  "Veronica, anong kadramahan yan? Nagbibiro lang naman si Vincent masyado mo naman dinidibdib 'yun" ang sabi ng Ate Vanessa, niya.  Nagulat nalang si Veronica, ng biglang may yumakap sa kanya 'yun pala ay si Vincent.  "Sorry na Ate Veronica!" ang sabi ng bunsong kapatid niya. Napangiti na lang si Veronica, dahil di naman talaga siya napikon sa pang-aasar sa kanya ni Vincent. Sanay naman siya sa bunso niyang kapatid na sobrang mapang-asar hindi lang sa kanya kundi pati sa Ate Vanessa, nila.  "Vincent, para kang tanga sa ginagawa mo! Tignan mo naguilty ka sa ginawa mo sa akin no?!" ang natatawang sabi ni Veronica.  'Di pa rin bumibitaw sa pagka-kayakap si Vincent, sa Ate Veronica, niya. Nakita niya kasi na parang umiiyak ito habang nagsusulat ng pangalan sa wedding log book 'di na niya kaya ang nararamdaman niyang guilty kaya niyakap na niya agad ang Ate Veronica, niya. Ganito lagi ang ginagawang paglalambing sa mga ate niya. Wala siyang pakialam kung binata na siya at nagpapakita pa rin siya ng pagka-childish na ugali sa harap ng maraming tao.  "Ang sweet niyo naman! Puwede payakap din ako kay Veronica?" ang pabirong sabi ni Matteo, na papayakap na sana siya kay Veronica. Agad naman humarang at niyakap ni Vanessa, si Matteo, na ikinagulat naman ng guwapong binata.  "Ate, manliligaw ko yan si Matteo. May asawa ka na! Isusumbong kita kay Kuya Richard." ang biro naman ni Veronica, at tumingin siya kay Vincent, na nakaakap pa rin sa kanya. Ang kaninang nararamdaman niyang lungkot ay napawi at napalitan ng saya dahil sa pagyakap sa kanya ng bunsong kapatid nito na si Vincent. Sanay siyang niyayakap ni Vincent kapag naglalambing ito o may gustong hingin sa kanya.  "Uy! Mahiya ka naman sa mga taong nakakakita sayo! Ang laki-laki mong tao gumaganyan ka pa. Tignan mo nakatingin sa'yo yung kalandian mo kanina. 'Yung kapatid ni Joven." ang natatawang sabi ni Veronica. Tinuro pa niya ang direksyon ng kapatid na babae ni Joven, na nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa.  "Hayaan mo siya. Ate sorry na ha? Sorry! Babawasan ko ang pang-aasar ko sa inyo ni Ate Vanessa." ang pakiusap ni Vincent, sa Ate Veronica, niya. Nakaakap pa rin siya sa ate niya.  "Oo, na ok na! Nasasakal na ako sa pagyakap mo sa akin." ang ngiting sabi ni Veronica. Kumalas na siya sa pagkakayakap sa kanya ni Vincent, at binigyan siya ng isang mabilis na halik sa pisngi. "I love you ate! Wag mong babawasan baon ko ah?! Love you!" ang ngiting sabi ni Vincent, at nagpaalam ito na pupuntahan niya ang kapatid na babae ni Joven, na kanina pang nakatingin sa kanila. Napa-iling na lang si Veronica, sa ginawa ni Vincent, sa kanya at napakunot noo naman siya ng mapansin niyang nakaakap pa rin ang Ate Vanessa, niya kay Matteo, na halatang 'di komportable at nahihiya na ito sa ginagawa ng Ate Vanessa, niya.  "Ate Vanessa, tama na. Quota ka na kay Matteo." natatawang birong sabi ni Veronica.  "Ay! Sorry sarap kasi yakapin ni Matteo. Naalala ko sa kanya ang aking mahal at guwapong asawa na si Richard. Ganyan na ganyan din ang katawan niya di ba? Pero mas hunk ito si Matteo" ang sabi ni Vanessa, at kumalas na siya sa pagkakayakap kay Matteo. Inayos pa talaga nito ang na gusot na damit ni Matteo, dahil sa mahigpit na pagkakayakap niya.  "Ate quota na! Para-paraan lang." ang natatawang sabi ni Veronica.  "Ang yummy kasi ni Matteo!" ang gigil na sabi ni Vanessa, sabay hawak sa biceps ni Matteo, na ikinatawa naman nito.  "Ate tignan mo si Matteo, awkward na ang guwapong mukha niya dahil ginagawa mo. Para-paraan lang talaga?" ang sabi ni Veronica, sa Ate Vanessa, niya.  "Naku naman! Ang kill joy mo! Hayaan mo na ako, nami-miss ko lang talaga ang asawa ko." ang natatawang sabi ni Vanessa. Niyakap na naman niya ang matipunong braso ni Matteo. Naputol ang usapan nilang dalawa ng biglang may tumawag kay Veronica.  "Hi! Veronica"  Napatingin si Veronica, sa tumawag sa kanya. Si Miggy Tolentino, pala ang partner niya ang tumawag sa kanya. May kasama itong isang lalaki napaka-guwapo at isang mala-anghel na babae. Nanlaki ang mata ni Veronica, ng mamukhaan niya ang kasamang lalaki ni Miggy. Siya 'yung lalaking nakabungguan niya kanina sa cr.   Kinakalma agad ni Veronica, ang kanyang sarili na wag maging tense o mataranta. Nararamdaman na niya na namumuo na ang kanyang pawis sa noo niya. Isang pasimpleng malalim na hinibga ang kanyang ginawa.  "Baby, siya pala ang partner ko kanina 'di ba ang ganda niya?" ang pagmamalaking sabi ni Miggy. "Taken na pala itong si Miggy. Ang swerte ng babaeng kasama niya. Sabagay bagay naman silang dalawa." ang nasabi na lang ni Veronica, sa kanyang sarili. Nakangiti siyang nakatingin kina Miggy. Ayaw niyang ipahalata na kinakabahan siya. Iniiwasan niyang tumingin sa kasamang lalaki ni Miggy. Gayunpaman ramdam niyang nakatingin ito sa kanya. Ipinakilala ni Miggy ang kasama niya na sila Sofia, at Dexter.  "Tama ka sa sinabi mo Miggy. Sobrang ganda niya." ang ngiting sabi ni Sofia. Napansin ni Veronica, na may ibinulong si Dexter, kay Miggy. Kinabahan siya, iniisip niya kung ano ang binulong ni Dexter, kay Miggy. Napapalunok siya habang seryosong nakatingin sa kanya si Dexter. 'Di pa rin niya inaalis ang kanyang ngiti sa kanyang labi habang nakatingin kina Miggy. "Veronica, pala ang pangalan niya baby" ang ngiting sabi ni Dexter, na nakatingin siya kay Veronica.  "Sorry kung 'di na ako nakipagkwentuhan sa'yo kanina. Busy kasi ako sa kakatext sa baby ko 'di niya kasi alam ang papunta sa simbahan" ang ngiting sabi ni Miggy. Napakunot noo na lang si Veronica. Naguluhan siya sa sinabi ni Miggy. Tinawag kasi nito na baby si Dexter. Ibig bang sabihin nito ay magjowa pala sila Miggy, at Dexter, at hindi si Sofia, ang "baby" ni Miggy.  "Naku girl! Epic ang reaction mo girl! Tama ka sa iniisip mo magjowa silang dalawa" ang natatawang sabi ni Sofia. Nagulat si Veronica, dahil akala niya ay mahinhin itong si Sofia, mala-anghel at para bang 'di makabasag ng plato ang mukha ni Sofia, 'yun pala ay babaeng bakla pala ito kung magsalita. Tumingin ulit siya kina Miggy, at Dexter, na ngayon ay magkahawak na ng kamay at nakangiti nakatingin sila sa kanya.  "Ganyan lagi ang nakukuha namin reaction sa mga tao. Kapag nalaman nilang magkasintahan kami " ang natatawa sabi ni Miggy. "Nabigla lang ako. Open-minded naman ako sa mga ganyang bagay" ang nakangiti sabi ni Veronica. Marami siyang mga lgbt friends 'di lang talaga niya nahalata sila Miggy, at Dexter, dahil lalaking-lalaki ang mga kilos, sa pagsasalita at pati guwapo silang dalawa.  Lumapit si Matteo, kay Veronica, para sabihin niya na pinapapasok na ang mga bisita sa ballroom. Kanina pa kasi niya napapansin na nakikipag-usap si Veronica, sa dalawang lalaking kaharap nila ngayon. Ayaw niyang binabakuran si Veronica, baka magalit pa ito sa kanya. Kaya pasimple na lang siyang lumapit sa magandang dalagang nililigawan niya.  "Wow ah! Girl, may jowa ka na rin pala at sobrang hot naman yan girl. Sana all" ang sabi ni Sofia, habang titig na titig siya kay Matteo. "Naku, hindi!" ang ngiting sabi ni Veronica.  "Nanliligaw pa lang ako sa kanya" ang ngiting sagot ni Matteo.  Napahampas tuloy si Veronica, sa matipunong dibdib ni Matteo. Naramdaman agad niya ang katigasan ng dibdib ni Matteo. Kaya pala kung mahawak ang kanyang Ate Vanessa, kanina wakas. Sobrang ganda at maintain ang katawan ni Matteo, sa gym.  "Girl bat 'di mo pa sinasagot. Wag mo ng pakawalan 'yan." ang sabi ni Sofia Napangiti lang sila Matteo, at Veronica, sa sinabi ni Sofia, sa kanilang dalawa.  "Ah!" Ang bigla reaction ni Dexter.  Napatingin naman sila kay Dexter.  "Baby, napano ka?" ang may pag-aalalang sabi ni Miggy.  "Ah? W-wala may naalala lang ako. Sige na pasok na tayo sa loob" ang ngiting sabi ni Dexter. Malakas ang pakiramdam ni Veronica, na siya ang tinutukoy ni Dexter, 'di niya alam kung praning ba siya, basta alam at ramdam niya na siya ang tinutukoy ni Dexter. Ayaw naman niya magsalita kay Dexter, tungkol sa nangyari kanina sa cr. Baka magtaka ito bat pa niya gustong pag-usapan tungkol doon.  "Gusto niyo sa isang table na lang tayo?" ang tanong ni Miggy.  Sumang-ayon naman sila Veronica, at Matteo. Pinakilala rin ni Veronica, ang Ate Vanessa, niya kina Miggy. Hinahanap niya si Vincent, kaso 'di niya ito makita. Ipapakilala rin niya sana ito kina Miggy. Tinanong niya sa kanyang ate kung 'di pa ba nakakabalik si Vincent, simula pinuntahan nito ang kapatid na babae ni Joven.  "Naku hayaan muna natin siya. Malaki na 'yun alam mo naman 'yun basta magandang babae. Nilalapitan agad niya." ang sabi ni Vanessa. "Mukhang nagmana si Vincent, sa pagkachickboy ni papa." ang natatawang sabi ni Veronica.  "Ano ba yan?! Wag naman sana!" kontrang sagot ni Vanessa. Napailing na lang si Veronica. Chickboy talaga ang bunsong kapatid nila na si Vincent. Makakita lang na magandang babae ay kinakausap na niya ito. Sa edad niyang 18 years old, sa kanyang maputing kutis, tangkad, kaguwapuhan at maganda pangangatawan ay maraming mga kababaihan ang nahuhumaling sa kanya. Pinagsasabihan siya ng mga ate niya na mag-ingat baka makabuntis o mapikot ito ng mga babaeng nilalapitan o nililigawan niya. Lalong maraming nagkakagusto mga babae sa kanya sa Malaya University kung saan siya pumapasok ngayon.  "Miggy, kwento mo naman kung paano kayo nagkita at nagkakilala ni Dexter." ang usisa tanong ni Vanessa.  "Oo, nga naman. Kwento ninyo 'yung love story ninyong dalawa?" hirit na tanong ni Veronica, sa dalawang magkasintahan.  Masaya naman sinagot ni Miggy, ang mga tanong sa kanila ni Dexter. Samantala si Sofia, ay wala naman itong tigil sa pakikipag-usap kay Matteo. Napansin iyon ni Veronica. Pasimple siyang nakikinig sa usapan ng dalawa. 'Di niya alam bat nakakaramdam siya ng inis dahil magiliw na sinasagot ni Matteo, ang mga tanong sa kanya ni Sofia.  Tumunog ang cellphone ni Veronica, sa loob ng kanyang shoulder bag. Kinuha niya ito para alamin kung sino ang tumatawag sa kanya. Napangiti siya habang nakatingin sa kanyang cellphone. Nagsabi siya sa kanyang ate pati na rin kay Matteo, na lalabas na muna siya para sagutin ang tumatawag sa kanyang cellphone.  "Hello" "________"  "Ngayon na ba? 'Di ba puwede na mamaya na lang?"  "__________"  "O-ok papunta na ako."  Kahit na sinabi ni Veronica, na papunta na siya ay nagdadalawang-isip siya baka hanapin siya ng Ate Vanessa, niya at 'di niya alam kung paano siya magpapaalam. Ang usapan kasi nila ay magkikita sila pagkatapos ng reception ng kasal 'di niya alam ngayon kung anong gagawin niyang palusot para makaalis siya ngayon.  "Ate anong ginagawa mo dito sa labas" Nagulat naman si Veronica, sa biglang  pagsulpot ng kanyang bunsong kapatid na si Vincent.  "Ano ka ba naman Vincent, nakakagulat ka naman!" inis na sabi ni Veronica.  "Naku! Ate Veronica, mukhang may kalokohan ka na naman yatang binabalak ah!?" ang ngising sabi ni Vincent.  "Loko ka! May kausap lang ako. Tsaka hinahanap kita! Saan ka na naman nagpupunta!" sagot ni Veronica. "Weh?! Ako hinahanap mo o may balak kang umalis o kaya tumakas?" ang natatawang sabi ni Vincent. 'Di alam ni Veronica, kung hinuhuli lang siya ng kanyang bunsong kapatid. Minsan na kasi siyang muntikan na muhuli ni Vincent. Buti na lang ay nakalusot siya noon. Kaya naman mas nag-iingat siya ngayon. "Pasok nga tayo sa loob. Maya-maya lang ay magbubukas na ang buffet. Gutom na ako" ang sabi ni Veronica. Sumunod agad si Vincent, sa kanyang Ate Veronica, papasok sa loob ng Rizal ballroom.  "Oh! Buti magkasama kayo?" ang takang sabi ni Vanessa, nang makita niyang magkasama sila Veronica, at Vincent.  "Nakita ko lang siya sa labas. Ano? 'di pa ba tapos yang program na yan!?" ang inip na tanong ni Veronica.  "Bakit? Ate Veronica, gusto mo na bang umuwi este gutom ka na ba?" ang ngising tanong ni Vincent.  'Di na lang pinansin ni Veronica, ang kanyang bunsong kapatid. Ayaw na lang niya itong patulan. Umupo na lang siya sa tabi ng Ate Vanessa, niya. Katabi niya rin sa upuan si Matteo, na abala pa rin sa pakikipag-usap kay Sofia 'di na lang niya ito masyado pinapansin. Ang inaalala niya ngayon kung paano siya makakaalis para mapuntahan ang lalaking kasama niya kanina sa cubicle ng cr. Napatingin siya sa kanyang cellphone. May mga texts messages ito.  _"Veronica asan ka na?"  _"Waiting……." _"I'm still waiting… Veronica"  _"Veronica, puntahan na lang kita dyan?"  Napamura na lang si Veronica, sa kanyang sarili sa nabasang huling text message 'di na ito mapakali, para itong natataranta na 'di niya alam ang gagawin. May tumatawag na naman sa kanyang cellphone. Buti na lang na silent mode na niya ito kanina 'di talaga siya mapakali kung sasagutin ba niya ito o ica-cancel niya ang tawag. "Veronica, ayos ka lang ba?" ang alalang tanong sa kanya ni Matteo. Kanina pa niya napapansin si Veronica, na 'di mapakali sa kinauupuan nito.   "Hoy! Veronica, ano? Para kang kiti-kiti dyan! 'di ka mapakali sa upuan mo?" ang sabi ng Ate Vanessa niya.  "Ah! baka gusto na naman ni Ate Veronica, na tumae" ang natatawang sabi ni Vincent. Napatingin tuloy sila Miggy, sa kanilang kinaroroonan. Nagkunwari na lang si Veronica, na sumasakit ang kanyang tyan. Tumayo siya habang hawak-hawak ang kanyang tyan. Nagpaalam ito na pupunta lang siya sa powder room. Mabilis ang kanyang hakbang papalabas ng ballroom hall. Nagmadali siyang sagutin ang tawag ng makalabas na siya.  "Nasaan ka na?!" ang galit na boses ng isang lalaki. "T-teka lang kumukuha lang ako ng tiyempo. Hindi ba puwede mamaya na lang. Alam mo naman na 'di ako basta-basta makakaalis ngayon." natatarantang sabi ni Veronica . "Sunduin na lang kita dyan."  "Ah? Nahihibang ka na ba? Baka may makakita pa sa ating dalawa. Sige na mamaya na lang please." ang pakiusap ni Veronica, 'di talaga siya puwede umalis ngayon dahil sigurado siyang hahanapin siya ng kanyang Ate.  "Ok. Siguraduhin mo lang bumawi ka mamaya" ang seryosong sabi ng lalaki at naputol na ang linya.  Napabuntong hininga na lang si Veronica. Buti na lang pumayag ang lalaking kausap niya sa pakiusap nito. Pumasok muna siya sa cr at tinignan niya ang kanyang sarili sa salamin. Sinuklay at inayos na lang niya ang kanyang buhok sa pamamagitan ng kanyang kamay, na pressure siya kanina. Alam na alam ni Veronica, kung paano magalit ang kanyang kausap na lalaki kanina. Babawi na lang siya dito mamaya. Isa na naman malalim buntong hininga ang pinakawalan niya bago lumabas ng cr. Sa paglabas niya ay 'di niya inaasahan na makita niya si Joven, ang napangasawa ni Monica.  "Veronica!" ang tawag pansin ni Joven.  "Hmm… Ikaw pala Joven, nga pala sorry sa ginawa ko kanina sayo" ang natatawang sabi ni Veronica.  Napatawa na lang si Joven, ng bigla niyang maalala ang ginawa sa kanya ni Veronica, kanina sa simbahan.  "Ah? 'yun ba? Naku, wala yun! Unang beses na may pumalo sa pwet ko na ibang babae bukod sa nanay ko." ang natatawang sabi ni Joven.  "Sorry ulit! Pero epic 'yun! Hahaha! Sige best wishes sa inyo ni Monica" paalis na sana si Veronica, ng tawagin siya muli ni Joven.  "Ah, Veronica, p-puwede ko bang makuha number mo?" ang nahihiyang tanong ni Joven. Napakunot noo na lang si Veronica, sa kanyang narinig kay Joven. 'Di niya alam kung para saan bat kinukuha ni Joven, ang number niya.  "S-sige Sorry Veronica. Kalimutan mo na lang yung sinabi ko." ang nahihiyang sabi ni Joven. Papasok na sana siya sa loob ng cr kanina. Nagpaalam lang siya kay Monica na gagamit lang siya ng banyo. Dahil kanina pa siya naiihi at 'di naman niya inaasahan na makikita niya si Veronica, ngayon. Tumingin-tingin muna si Veronica, sa paligid. Bago niya isagawa ang isang kalokohan na pumasok sa kanyang isip. "Siguro naman wala naman masama kung papatulan ko tong si Joven. Sorry Monica." ang sabi ni Veronica, sa kanyang sarili.    "Joven" 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
38.1K
bc

Love Donor

read
86.6K
bc

OSCAR

read
225.9K
bc

Stubborn Love

read
98.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
25.9K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook