bc

MY MISCHIEVOUS STAR

book_age12+
1.2K
FOLLOW
8.4K
READ
friends to lovers
bxg
like
intro-logo
Blurb

Girl magnet si Eman, palibhasa ay isa itong sikat na modelo with a gorgeous face and a hot body. Pero kung lahat ng babae ay nagkakandarapa rito, hindi si Darlyn.

"Why don't you like me?" minsan ay tanong nito sa kanya. "Why are you always angry at me?"

"Because a guy like you will just make me cry," sagot niya. "Mapaglaro ka, babaero, playboy, palikero at kung ano pa ang puwedeng itawag sa 'yo."

"Kung ganoon ay sisiguruhin ko sa 'yong babawiin mo ang lahat ng sinabi mong 'yan," seryosong pahayag nito. "I will make you fall in love with me."

She knew she shouldn't be threatened. Pero bakit hindi ganoon ang nangyari, lalo na nang halikan nito ang mga labi niya sa unang pagkakataon?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“DARLYN from now on ay dito ka na titira. At pwede mo na rin akong tawaging mama kung gusto mo,” malumanay na sabi sa kanya nang mabait na boss ng mommy niya. Tiningala niya ito ngunit hindi siya nagsalita. Suminghot na lamang siya at bahagyang pinunasan ang mga mata na may mga luha pa rin. Kahit ayaw na niyang umiyak ay hindi niya pa rin mapigilan. Naramdaman niya ang marahang paghaplos nito sa buhok niya. Ngumiti ito. “Huwag ka ng umiyak Darlyn. Kung nasaan man ang mga magulang mo ngayon ay siguradong binabantayan ka nila. Kaya huwag ka ng malungkot ha. Gusto nila maging masaya ka. Mula ngayon ako na ang mag-aalaga sa iyo,” masuyong sabi nito. Muling bumagsak ang mga luha niya at marahang tumango. Ang bait bait talaga nito. Kung hindi ito nagdesisyong kupkupin siya ay saan pa kaya siya pupunta? Tiyak na walang may ibang gustong kumupkop sa kanya. Nakakaintindi na naman siya. Sampung taong gulang naman na siya. Kaya nga nang sabihin sa kanya na naaksidente ang mga magulang niya at hindi na magigising pa ay alam na niyang patay na ang mga ito. Nawalan daw ng preno ang sinasakyan ng mga ito at dumulas sa kalsada na basang basa dahil sa malakas na buhos ng ulan at bumangga sa isang poste ng kuryente. Hindi na raw naitakbo sa ospital na buhay ang mga ito. Pero hindi ganoon kadaling tanggapin iyon para sa kanya. Lumaki siyang ang mga magulang niya lang ang kasama niya. Ngayon ay wala na ang mga ito. At alam niyang habambuhay niyang mamimiss ang mga ito. Ang masakit pa ay habang nakaburol hanggang sa mailibing ang mga ito ay naririnig niya ang pagtuturuan ng mga kamag anak niya sa kung sino ang kukupkop sa kanya. Mabuti na lamang at dumating ang boss ng mommy niya na nagpakilala sa kanyang tita Alicia. Napakaganda nito. Mukha itong koreana dahil sa singkit na mga mata nito at maputing kutis. Matangos din ang ilong nito at manipis ang mga labi. Higit sa lahat ay napakabait nito sa kanya. Kaya nang sabihin nitong ito na lang ang kukupkop sa kanya ay tumango agad siya. Mas gusto niya pa itong makasama kaysa sa mga kamag-anak niyang hindi siya gustong alagaan. Muli siyang napasinghot nang maramdaman niyang hinatak na siya ni tita Alicia papasok sa isang malaking bahay. Nanlalaki ang mga matang inikot niya ang paningin sa paligid. Masyado iyong malaki kumpara sa bahay nila. Dinala siya nito sa kusina at pinaupo sa dining chair. “Gusto mo ng cake?” alok nito. Muli niyang pinunasan ang pisngi at tumango. Nailapag na nito ang cake sa harapan niya ng may biglang magsalita. “Ma ang aga mo ah,” pukaw ng tinig ng isang lalaki. Tumingin siya sa bukana ng kusina. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang matangkad na lalaki. Kamukhang kamukha ito ni tita Alicia. Naka uniporme ito na bukas ang unang dalawang butones sa itaas ng polo nito. Matangkad ito at mukha ng mama pero sa tingin niya ay pang-high school ang uniform na suot nito. Kay tita Alicia ito nakatingin. Katunayan ay mukhang hindi siya nito napapansin. “Aba, ikaw ang maaga ngayon Eman. Gusto mong magmerienda?” tanong dito ni tita Alicia. The boy grinned. “Nope. Umuwi lang ako para magpalit ng damit. I’m going out.” “Again? Wala ka bang assignments na kailangang gawin?” Nagkibit balikat ito. Noon ito napabaling sa kanya. Nasalubong niya ang mga mata nito. Awtomatiko niyang nalunok ang cake na nasa bibig niya. “Sino yang batang kasama mo mama?” tanong nitong hindi inaalis ang tingin sa kanya. Lumapit naman sa kanya ang tita Alicia niya at umakbay sa kanya. “She is Darlyn. Remember the one I told you about? From now on dito na siya sa atin titira. Darlyn si Eman ang anak ko. Pwede mo siyang tawaging kuya kung gusto mo.” Tiningala niya si tita Alicia bago muling ibinaling ang tingin sa lalaking naglalakad na palapit sa kanya. Huminto ito sa mismong harap niya. “No way. Mama. Ayokong may iyaking batang tulad niya na tatawag sa aking kuya,” sabi nito. “Eman!” Hindi nito pinansin ang mama nito at tumitig sa kanya. Pagkatapos ay bigla nalang nitong kinurot ang magkabilang pisngi niya. “Eman lang ang itatawag mo sa akin. Eman lang ayos ba?” anitong pinisat pisat pa ang pisngi niya. “Aray ko!” sigaw niya at marahas na pinalis ang mga kamay nito. Tiningnan niya ito ng masama.  Mukhang hindi naman ito nabahala. Katunayan ay ngumisi pa ito. “Aba may boses ka naman pala. Akala ko manikin ka diyan. Well, i-enjoy mo lang ang araw na ito okay,” sabi nitong ginulo pa ang buhok niya. Pagkuwa’y ngumiti itong parang demonyo. “Because starting tomorrow, I’m gonna make your life miserable.” Napaawang ang mga labi niya sa sinabi nito. “Ano ba Eman huwag mo siyang ganyanin,” saway ng mama nito. Lumayo naman sa kanya ang lalaki. Nagpaalam ito sa mama niya at muli siyang tinapunan ng nakalolokong ngiti “Naku huwag mong pansinin ang batang iyon ha Darlyn. Nagbibiro lang iyon,” sabi nito at inabutan siya ng juice. Kahit sinabi nito iyon ay alanganin naman ang ngiti nito. May pakiramdam siyang hindi nagbibiro ang Eman na iyon.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.6K
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.3K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.2K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook