bc

My Maid

book_age0+
623
FOLLOW
3.7K
READ
maid
drama
comedy
sweet
gxg
like
intro-logo
Blurb

Hessa:

Even though how much you love the person, kahit na parehas ng nararamdaman, may mga bagay talagang hindi mo kayang labanan.

chap-preview
Free preview
Episode 1 First met
Claire POV "Ayoko na..." Nakayuko na tugon sakin ni Arthur habang nakatayo kami sa may gilid ng park. Walang gaanong tao sa kinaroroonan namin dahil medyo madilim ang parteng ito. Naiiyak naman akong tumingin sakanya. Hinawakan ko yung dalawang kamay niya ng mahigpit at nag susumamo sakanya na huwag niya akong iwan.   "Please Arthur...... Please naman... May nagawa ba 'kong mali? Masyado ba kitang nasakal? Ano dapat kong gawin para di ka makipag hiwalay?" Nag mamakaawang tanong ko sa taong halos tatlong taon kong minahal.      Hindi parin siya kumikibo, nakayuko lang siya at pinag mamasdan lamang ang kanyang sapatos. Dahil sa wala parin makuhang sagot mula dito ay di ko na napigilang pagtaasan siya ng boses.    "Huy ano ba! Magsalita ka.." Hindi ko na kinaya. Umagos na ang mga luha ko saking pisngi dahil sa sobrang galit at sakit na nararamdaman. Pinag hahampas ko na siya dahil hindi parin niya sinasagot yung katanungan ko.       Pilit naman na hinuhuli nito ang mga kamay ko at mahigpit niya itong hinawakan. Inis na sinalubong nito ang aking mga mata. Mukhang napikon na ata siya sa ginawa ko.     "Claire! Ano ba!.." inis na bulalas niya ng pilit kong iniwawaksi ang aking mga kamay upang pag hahampasin muli ito.        "Bakit ba ayaw mo na?? Ano bang nagawa ko??" Nanghihinang tanong ko. Feeling ko babagsak na ko sa kinatatayuan ko. Napayuko na lamang ako at pilit na nilalabanan ang namumuong luha saking mata. napakagat labi tuloy ako upang hindi muling maiyak na naman sa harapan niya. Narinig ko ang pag buntong hininga nito.      "Walang problema sayo Claire." Pauna niya. "Uhmm.. Ang totoo niyan.. Nasa akin ang problema. Sorry. Parang hindi ko na kasi maramdaman yung nararamdaman ko para sayo noon. Parang di na tayo tulad ng dati. I'm so sorry. Please, forget about me. Ngayon pa lang, subukan mo na akong kalimutan. Sorry, we're done."     Medyo may lungkot na saad nito. Binitawan niya na ang aking mga kamay at dire diretsong nagtungo sa sasakyan niya ng wala man lang lingon. Pagkabukas niya ng makina ay agad na niya iyon pinasibad paalis sa lugar na to. Tila parang nasabugan ako ng bomba sa narinig.     Tuluyang napaupo na ako sa damuhan ng park.  Nanlalabo narin ang aking paningin dahil sa mga luha na walang tigil sa pag agos habang inihahatid tanaw ko ang kanyang sasakyan. Kasabay non ay ang tuluyang pag kawasak ng puso ko. Parang pinag sasaksak iyon ng paulit ulit.     Lumipas ang ilang mga oras ay nasa ganoon parin akong kalagayan. Nakatulala sa kawalan. Inaalala ang mga maliligayang araw kasama si Arthur. Halos di ko na maramdaman ang pag t***k ng puso ko sa sobrang sakit. Namamanhid ang buong katawan ko at walang lakas upang gumalaw pa.   Nakabalik lang ako saking ulirat ng may biglang sumigaw sa di kalayuan.    "Lord pleases! Bigyan niyo po ako ng girlfriend! Kahit isa lang oh!" Sigaw nung taong nakatayo sa tapat ng ilog malapit sa pwesto ng kinauupuan ko. Hindi ko mawari pero bigla akong na curious sa taong sumisigaw sa may ilog. Hindi ko man maaninag ang kanyang hitsura dahil sa kadiliman ngunit nalaman kong babae siya dahil sa boses niya. Patuloy lang siya sa pag sigaw.      "Promise!!! Hindi na ko mamba-babae! Magiging mabait na ko! Susunod sa mga utos ng magulang. At mag aaral ng mabuti. Basta bigyan niyo lang ako ng girlfriend. Please..."     Natawa na lang ako saking narinig. Hanep! Hinihiling na pala ngayon yung girlfriend, tapos ano? Papaiyakin. Sasaktan at iiwang luhaan. tss! Bitter! -utak Tse! Naiiling na lang ako sa mga naririnig. Pare parehas lang silang mga lalaki. Pagkatapos kunin ang gusto pag nag sawa mamba-babae na tsk. May sapak eh. Hindi ko na lang pinansin yung mga pinag sisisigaw niya dahil parang may sapak ata to at bigla na lang akong nainis sa idea na baka babae ang naging dahilan kung bakit ako hiniwalayan ni Arthur.   Makalipas lang ng ilang sandali tumigil din to sa kakasigaw. Napagod din. Bigla namang lumingon yung babae sa direksyon ko. Oo, babae. Halata naman sa boses. Para siyang natigilan sa pwesto niya. Kung hindi ako nag kakamali, parang tinitingnan niya ko.       Unti unti siyang lumapit sa kinaroroonan ko. Habang papalapit siya ng papalapit sakin medyo naaanigan ko na yung hitsura niya. Uhmm.. matangkad siya at mukhang maganda. Nakasuot siya ng plain white t-shirt at black leather jacket, ripped jeans na kulay black at puting rubber shoes. Nang marating na niya yung kinaroroonan ko, huminto siya saking harapan at yumuko.     "Miss.. okay ka lang ba?" Hindi ko alam pero parang nainis ako sa tanong niya.     "Ano ba sa tingin mo? Halata namang hindi okay diba??? Tsk!" Sagot ko. Obvious naman eh. Bulag ata to..       "Uhmm ano yun miss??" Hindi makapaniwalang tiningnan ko ulit ito. Sa pag kakataon na yan hindi ko na mapigilang mapang ikutan siya ng mata. Bulag na nga, bingi pa.         "Wala!!" Sigaw ko at dali daling tumayo. Tinalikuran ko na siya at dire-diretsong naglakad palayo. Tsk. Makauwi na nga lang sa apartment. Umiinit lang yung ulo ko.     "Sandali miss!!!" Sigaw niya. Hindi ko na lang nililingon. Broken na broken ako dito tas nakakainis pa siya.     "Hoy miss!!!" Binilisan ko na lang yung lakad ko kasi pakiramdam ko'y hinahabol na niya ko. Mukhang holdaper pa ata to ah. Posible ba yun? Mukhang oo. Diba yung mga holdaper nasa madidilim na lugar nag lulungga tapos naghihintay lang na may mabibiktima. Sa naisip ay bigla akong kinabahan. Huwag sana akong maholdapan. Wala na kong dalang pera. Pamasahe ko na lang to pauwi.          "Misssss teka lang!!!!!" Hala. Hindi parin tumitigil kakasunod to. Takbo na! "Whaaaaaaaaaaaa!!!!!!!" Takot na sigaw ko habang tumatakbo. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa takot. Malapit ko ng marating yung kalsada. Sakto namang may dumaan na taxi sa harapan ko. Pinara ko agad yun at dali dali pumasok sa loob..             "Manong don po sa may ikatlong kanto"       Pagkasabi ko ng lugar kay manong driver agad naman nito pinasibad yung sasakyan.     Taas baba ang aking dibdib sa kaba at pagod na ginawa kong pagtakbo kanina. Dumungaw ako sa may bintana sa likod. Tumatakbo si babaeng holdaper papunta sa direksyon ko. Mukhang hahabulin parin ako. Bumaling na lang ako sa harap ng kalsada at pumikit.     Lord please... Hindi ko sinisisi sa inyo yung break up namin pero sana hindi ako mapatay sa araw na 'to.    Mapatay agad? Tse! Ganon din yun. Nababalitaan ko minsan   Ang judgemental mo te! Pano kung hindi pala holdaper yun.      Iiling iling ako at pilit iniwawaksi sa isipan ko si babaeng holdaper. Dumungaw ulit ako sa bandang likuran ng sasakyan.     "Whooooo!" Napabuga ako ng hangin. Napatingin tuloy si manong driver sakin. Nakahinga na ko ng maluwag ng makitang hindi na sumusunod yung babae. Hay.. Buntong hininga ko. Grabeng araw to. Hindi na nga ko pupunta don.      "Eto po.." sabay abot ng isang daan kay manong driver. Pagkatapos niya akong suklian, bumaba na ko sa taxi at pumasok na sa loob ng apartment na tinutuluyan ko.       Pumanik na agad ako sa cr para maglinis ng katawan.    Pagkatapos magpatuyo ng buhok, nahiga na ko sa kama. Pinagmamasdan ang puting kisame. Ayan nanaman si luha ko. Umaagos na naman.     Kainis naman ang araw na to! Ang sakit! Muntikan pa kong maholdap!      "Kainis! Kainis! Kainis!"sigaw ko habang sinusuntok yung unan.     "Ang sakit eh!" Ngawa ko sabay subsob ng aking mukha sa unan at doon ibinuhos lahat ng luha ko.     Hanggang sa nakatulog na ko kakaiyak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Obsession

read
2.6K
bc

Unexpected Romance

read
37.4K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
68.1K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
245.6K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

The ex-girlfriend

read
138.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook