bc

Gandang Lalaki: Caloy (Carlito Dimapilis)

book_age16+
1.2K
FOLLOW
11.7K
READ
independent
drama
comedy
humorous
mystery
office/work place
enimies to lovers
secrets
nurse
wild
like
intro-logo
Blurb

On Duty: Mysterious Hottie Nurse sa OPD

Off Duty: Jealous and Caring Boyfie

Carlito "Caloy" Dimapilis.

Ang nurse na walang daplis,

Kung mag inject di ka maiinis,

Sakit ay matitiis,

Kahit di kasama ang injection sa iyong bucket list,

Sa tender touch niya pa lang itatapon mo na ang iyong wish list.

Siya ay lalaking misteryoso,

Pero sa mga galawan niya ay parang di naman masyadong seryoso,

Ngunit matakot ka na kapag dumeretso,

Ang injection niyang tumutusok kapag matigas ang iyong ulo,

Panakot niya ito kapag hindi ka pa nakuntento,

Sa sweetness and care niyang itetreasure mo ng todo todo.

Kaya naman kapag siya ang naging boyfie,

Hindi ka na talaga magsisisi,

Dahil bukod sa siya ay hottie,

May dakila pa siyang biyaya na natatangi.

Carlito "Caloy" Dimapilis

Gandang Lalaking hindi mo matitiis.

Seryoso na,

Paparusahan ka pa gamit ang salitang ligaya.

Kaya't arat na!

Basa na!

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue HAWAK ko ang appointment ko bilang bagong empleyado ng San Lorenzo Medical Center habang nakatayo ako sa harapan nito. Matagal kong pinangarap na makapasok sa ospital na ito dahil una sa lahat, gusto kong tuparin ang pangarap ni nanay na magiging nurse ako baling araw. Bukod dito ay ginusto ko rin talagang maging isang nurse upang sana ay maalagaan siya, pero bago pa man ako makapagtapos ay nawala na siya sa piling ko. Ngayon at wala na siya ay nag-iisa na lamang ako sa buhay. Kaya’t papasok ako sa ospital na ito dala dala ang pangarap sa buhay at ang kaisa isa kong lihim na gusto kong ibunyag pagdating ng araw. Ang lihim na ito ang tanging dahilan kung bakit ginusto kong magtrabaho sa ospital na ito. At kahit pa inaalok ako sa ibang mga lugar upang magtrabaho at i-practicce ang propesyon ko ay tinanggihan ko para lang dito. Muli akong tumingin sa Appointment ko, medyo nalulukot na ang dulong bahagi nito dahil sa pagkakahawak ko. Nadala ako sa emosyon na halos araw araw kong naiisip sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang pagkawala ng nanay ko. Pero masyado pang maaga para ibunyag ang lahat at para magpadala ako sa emosyon ko. Tumayo ako ng matuwid at huminga ng malalim. Naglakad ako papasok sa ospital at sumalubong sa akin ang kakaibang pakiramdam na matagal ko nang pinapangarap. Nasa loob na talaga ako ng San Lorenzo Medical Center, at dito na ako magtatrabaho bilang nurse. Kaya naman bukod sa dinadala kong sama ng loob ay nandito ako para sa sarili ko, para sa pangarap, at para sa aking kinabukasan. Hinanap ko ang HR Office upang ibigay ang aking appointment at pagkatapos ay dinala ako ng in-charge sa isang department. Ngayon ang unang araw ko bilang nurse sa pagamutang ito at dati na pala nila akong inaasahan sa pagdating ko. “Sa OPD ka ha? Naghihintay na ang mga makakasama mo doon ngayon dahil nasabihan na sila last week,” wika ng isang matandang babae na sa palagay ko ay nasa 50s na. “Sige po. Doon po ba ang assignment ko ma’am?” tanong ko habang kasabay ko siya sa paglalakad patungo sa OPD o Out Patient Department. “Yes, sa OPD Department ka. At nandito na tayo,” aniya. Tiningnan ko ang paligid at may mga babae at binabaeng nurses na nagsitinginan sa pagdating ko. “Everyone, siya si Mr. Dimapilis, siya ang bagong makakasama ninyo dito sa OPD. Be good to him. Enjoy your first day,” tinapik pa nito ang balikat ko saka umalis. “Salamat po,” pahabol kong sabi sa kanya. Lahat sila ay nag-abalang makipagkamay sa akin at isa isa ko namang inalam ang mga pangalan nila. Isa lang ang halos ayaw akong kausapin sa kanila, at nakita ko sa chart, Kyla Garcia ang kaniyang pangalan. Tsk. Mukhang mahihirapan akong makisama sa babaeng ito. Pero susubukan ko pa ring makisama sa kanila dahil wala naman akong magagawa, sila ang makakasama ko ng matagal. Sana maging madali ang lahat sa workplace ko. At sana magawa ko ang mga dapat kong gawin habang nandito ako. Pero higit sa lahat, gusto kong mag-enjoy muna bago ko tuparin ang isa sa mga misyon ko. Matagal na ring wala akong nobya. Susubukan kong makipagkilala sa isa sa mga nandito. Libangan? Sige. Pero kung may masusumpungan, bakit hindi, diba? Sana may mahanap ako, nang may maturukan naman ang injection ko. Naks! Tarantado!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
40.1K
bc

He's Cold Hearted

read
159.9K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
608.7K
bc

SILENCE

read
379.4K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.0K
bc

My Secret Agent's Mate

read
113.7K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
319.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook