bc

The Billionaire’s Collateral (Bachelorette Series #3)

book_age4+
10.3K
FOLLOW
89.1K
READ
billionaire
sex
CEO
drama
sweet
bxg
city
enimies to lovers
virgin
surrender
like
intro-logo
Blurb

“What will you do in the name of love?”

(PRIMO BUENAVISTA and SAMARA MONTEREAL) SPG

Kasalukuyang nasa 4th year college si Samara na kumukuha ng Nursing na kurso. Hindi man galing sa mayaman na pamilya, pursigido pa rin itong makatapos kahit na minamaliit siya ng kaniyang step-mother at ng mga anak nito. Buo na ang desisyon ni Samara na lumuwas ng ibang bansa pagkatapos nitong makapag-aral, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, dinukot siya ng mga hindi kilalang lalaki. Nagising na lamang ito sa isang malaking mansiyon at tumambad sa kaniya ang ubod ng pogi na lalaki, si Primo Buenavista, CEO ng isa sa pinakamalaking Multinational Technology Company sa bansa na isa ring Mafia.

Napagkamalan pala si Samara bilang ang babaeng nang-iwan kay Primo, at ngayong nasa kamay na siya ng lalaki, ayaw na niya itong bitawan. Doon na nagbago ang buhay ni Samara at unti-unting nahulog ang loob niya sa lalaki kahit na halos sampung taon ang agwat ng edad nito sa kaniya. Primo became her protector, pero sa kabila ng mga iyon, maraming mga panganib ang naghihintay para kay Samara. Maraming mga sekreto ang mabubunyag at maraming pagbabago ang magaganap.

Can Samara endure everything? Ano kaya ang mga pagbabagong mangyayari sa buhay ni Samara pagkatapos nitong mapadpad sa puder ni Primo? Ano kaya ang mangyayari kapag bumalik ang kamukha ni Samara na siyang totoong mahal ni Primo Buenavista?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
EPISODE 1 “Sam, ito na ‘yung hinihiram mong libro sa akin oh.” Napalingon na ako nang maiabot sa akin ni Trixie ang librong kailangan ko. “Salamat, Trix, ah? Ibabalik ko na lang ‘to sa’yo pagkatapos kong mag-review.” “Bakit ba kasi hindi ka na lang bigyan ng pera ng stepmother mo.” “Asa pang bigyan ako ng pera ng dragona na ‘yon,” usal ko pa sabay hinga nang malalim. “Kaya nga ako nagtatrabaho ngayon dahil wala akong maaasahan sa mga ‘yon simula nang mawala si Tatay.” Tinapik na ni Trixie ang balikat ko. “Hayaan mo na lang, Sam. Last semester na ‘to at konting-konti na lang ay graduate ka na. Mag-apply na lang tayo papuntang abroad para makalayo ka na sa pamilya na ‘yan.” “Korek! Pagkatapos ko talaga maka-graduate ay pupunta ako ng Switzerland at isasama ko na roon ang kapatid ko.” Kinuha ko na ang mga gamit ko pati na rin ang libro namin sa major. “Una na ako, Trix, may shift pa ako sa Coffeebucks ngayong hapon, e.” Nagpaalam na ako kay Trixie at umalis na rin ng room namin. Nang makalabas na ako ng paaralan, tumungo kaagad ako sa bandang likod para mag-short cut na lang papunta sa Cafe na pinagtatrabahuhan ko. “Pst, ganda!” “Tigil ka naman muna rito.” Kung hindi lang sana ako limang minutong late sa trabaho ko, ayoko talagang dumaan dito, pero wala akong magawa dahil hindi namn ako puwedeng masisante nang wala sa oras. Binilisan ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa makarating na ako sa labas ng eskinita. “Sa wakas, nakalabas din—” Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko nang biglang may tumigil na isang puting van sa harapan ko. Mayroong lumabas na dalawang matipunong lalaki at bigla akong hinablot. Napakabilis ng pangyayari na nadatnan ko na lang ang sarili kong nasa loob na ng van at tuluyan na rin itong umalis. “Sino ho kayo? P-promise po hindi n’yo po mapapakinabangan ang lamang loob ko at marami po akong sakit…” nanginginig kong pahayag sa kanila. “Madalang lang din po akong maligo kaya hindi n’yo po talaga ako mabebenta—” “You’re too loud!” Biglang may naglagay ng panyo sa bibig ko at dahil doon ay unti-unti na akong nahihilo hanggang sa tuluyan nang magdilim ang paningin ko. “Hey, wake up.” “Hey!” Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko sabay hawak sa bandang noo ko dahil kumikirot ito. Nahihilo pa rin ako kaya medyo blurred ang nakikita ko sa paligid maliban na lang sa mga naririnig kong ingay ng mga lalaki. Napabalik na ako sa diwa ko nang maaalala ko ang nangyari kanina. I was kidnapped. “Bakit n’yo ako dinala rito? Ano ba’ng kasalanan ko sa inyo?” Nagpupumiglas na ako sa inuupuan ko pero masyado namang matibay ang itinali nila sa akin. “Shut up and wait for our boss,” pahayag ng isang lalaki. Mayroon nang lumapit sa akin na lalaking iba ang suot sa kanila habang nakangiti. “Lagot ka kay doon, Mikana. Tinakbuhan mo pa talaga siya, ha.” “Ha? Eh, hindi naman ako si Mika—” Bigla akong napatigil nang bumukas na ang pinto. Tumambad sa harapan ko ang ubod ng poging lalaki habang nakatitig lang ito sa akin. He’s giving me Tito vibes pero hindi pa rin maalis sa dibdib ko ang sobrang kaba lalo na at wala naman akong kilala ni isa sa kanila. “Why is she tied up?!” asik ng lalaki sa mga nandito sa loob kaya dali-dali nila akong nilapitan at inalis na ang nakataling tape sa kamay ko. “Sino ka at ano’ng kailangan mo sa’kin?” nanginginig kong tanong sa lalaki. Patuloy pa rin ito sa pagtitig sa akin hanggang sa tuluyan na niya akong niyakap. “Mikana…” Nagpumiglas kaagad ako dahil parang mga baliw ‘tong mga taong ‘to sa pagtawag sa akin ng Mikana e hindi naman ako iyon. “Teka lang po, nagkakamali po ata kayo ng na-kidnap,” usal ko pa. Kumawala na ang lalaki sa akin sabay ngiti. “I know that you can’t still accept me despite this kind of set up, Mikana, but I promise you, I’ll protect you with everything I can. Please, come back to be, baby.” “Baby?!” Napasigaw ako nang wala sa oras at kinilabutan. Napaka-corny naman ng lalaking ‘to! May ex-boyfriend naman akk na inagaw ng step-sister ko pero hindi naman ganito ka-corny. “Leave us alone,” malamig niyang pahayag. Nang makalabas na ang lahat ng mga nag-kidnap sa akin kanina, he grabbed my hands. “Please, Mikana, stop pretending that you don’t know me.” “Pasensiya na po talaga kayo pero hindi po ako sa Mikana, at please rin po, pakalawan n’yo na po ako. May kapatid pa po akong maysakit na naghihintay sa akin…” Gagawin ko talaga ang lahat para makawala lang dito. Hindi ko na iniisip ang sarili ko, para na lang sa kapatid kong si Samantha. Na-diagnose kasi siya sa Stage 2 Lung Cancer at kaya ako nagtatrabaho at nang-aaral nang maayos para sa kaniya. Napabuntong-hininga na lang ang lalaki dahil baka napagtanto niyang hindi nga talaga ako si Mikana. Marahan niyang hinawakan ang mukha ko. “You really look like her. What’s your name?” “S-samara po, Sir…Sam na lang for short.” “I’m sorry, Samara. My girlfriend looks exactly like you and it was surreal.” Tumayo na ito at bumalik na naman sa pagka-cold ang mukha niya. “You can go now. Here, some compensation.” May hinugot siya sa kaniyang wallet na check at ibinigay na sa akin. Tumayo na rin ako at tinanggihan ang offer niya sa akin. “H-hindi na po, salamat na lang.” Dali-dali na akong lumabas ng silid kung saan nila ako itinali kanina. Medyo nagulat nga ako dahil sila lang yata ang kidnaper na basta-bastang pinapakawalan ang biktima nila. Pero naisip ko rin na baka lang nila ako kinuha dahil napagkamalan akong si Mikana, na girlfriend ng lalaking ‘yon. “Uy, Mikana!” Napasulyap ako sa lalaking tumawag sa akin. Siya rin kanina ang nagsabing lagot ko sa lalaking ‘yon. “Sabing hindi nga ako si Mikana, e.” “Here’s your things nga pala. Pati ‘tong libro mo.” Kinuha ko na kaagad ang mga gamit ko sa kaniya pati na rin ang cellphone ko na nagulat ako dahil nakabukas na ito sa mga photos ko. “Paano mo nabuksan ang cellphone ko?” pagtatakang tanong ko sa kaniya. “You’re invading my privacy.” “I’m sorry, Mika—I mean, Samara Montereal,” nakangiting pahayag pa niya sa akin. “Let’s just say that I’m quite knowledgeable about hacking.” To be honest, he’s really charming when he’s smiling pero deadma lang ‘to sa akin dahil mas masakit pa rin ang pag-iwan sa akin ng ex ko para kay Nathalie, step-sister ko. Tuluyan na akong nakalabas sa pinagdalhan sa akin at hindi ko naman akalain na sa isang napakalaking mansiyon pala ako dinala. Hindi rin pala biro itong nagkidnap sa akin dahil sa itsura ng kanilang bahay, hindi lang sila milyonaryo—that man might be a billionaire. Umalis na ako at kaagad na dumiretso sa pinagtatrabahuhan ko. Nang makarating ako roon ay tumungo kaagad ako sa kusina pero tamang-tama naman na nandoon si Ma’am Glenda, ang may-ari ng cafe. “Late again, Samara?” “P-pasensiya na po kayo, Ma’am, hindi na po mauulit—” “Hindi na talaga mauulit dahil tanggal ka na sa trabaho!” Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Ma’am Glenda. Biglang sumikip ang dibdib ko dahil dito lang naman sa trabaho ako nagkakapera at dito rin ako kumukuha ng pang chemotherapy ng kapatid ko. “Ma’am, nagmamakaawa po ako sa inyo, kailangan ko po ang trabahong ‘to para sa kapatid ko.” “Kailangan mo pala ang trabaho, bakit hindi ka pumupunta on time? Ano na naman ang dahilan? Late nag-dismiss ang professor mo? Sira ang daan?” Napahinga na lang ako nang malalim habang unti-unting pinupunasan ang mga luha ko. “Pasensiya na po talaga—” “Sige na, fix your things at umalis na dito. Hindi ka pa ready magtrabaho, Samara, kung ganito palagi ang performance mo,” aniya at lumabas na ng kusina. Napatayo na lang ako at tumungo sa locker ko dahil wala rin naman akong kaibigan sa cafe na ‘to. Isa-isa ko nang kinuha ang mga gamit ko habang nag-iisip ng panibagong trabaho na papasukan ko. Napasulyap ang mata ko sa mga diyaryo at magazine sa bandang mesa at may nakita akong pamilyar na mukha, dali-dali ko itong kinuha at nanlaki ang mga mata ko. “Primo Buenavista, CEO of Atlantis, a Multinational Technology Company…” Teka, ito ‘yung lalaki na nag-kidnap sa akin? Si Primo Buenavista na sikat na sikat sa paaralan ko dahil kahit early 30’s na ang edad ay mukhang bata pa rin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook