bc

DEAL BREAKER

book_age18+
4.5K
FOLLOW
40.4K
READ
dark
drama
comedy
bxg
heavy
betrayal
disappearance
friendship
lies
punishment
like
intro-logo
Blurb

Hindi s'ya tutulad sa kanyang ina na masyadong magulo pagdating sa pagdedesisyon sa buhay nito. Pero nang makilala n'ya si William Agassi Apolinario ay nagbago ang lahat. Pumayag s'ya na magpanggap na kasintahan nito. Pumayag s'ya sa malaking kalokohan nito. Ngunit nang maramdaman n'yang unti-unti s'yang nahuhulog dito ay nakiusap s'yang tapusin na ang kanilang usapan.

Ngunit hindi ito pumayag.

Hindi nga s'ya pumayag, ngunit bago pa man sila makapagtapos ng high school ay bigla na lang itong naglaho.

Walang dahilan, walang kahit na anong salita.

May pag-asa pa kayang masagot ang lahat ng bakit sa bigla n'yang pagkawala. O, muling masasaktan sa kanyang malalaman?

chap-preview
Free preview
One
"Ayusin mo naman ang buhok mo." Ngiting-ngiti na ani ni Mama saka lumapit bitbit ang suklay. Iiwas sana ako ngunit pinigil nito ang balikat ko. Saka marahang sinuklay ang buhok ko. Mariin kong kinagat ang labi ko upang pigilin ang emosyon nag-uumapaw sa dibdib ko na waring nais umalpas. Langhap na langhap ko ang usok mula sa sigarilyo na ipit-ipit sa labi nito. Alam naman nitong mahina ako sa mga gano'n usok eh. Kahit nakatalikod ako ay nararamdaman ko rin ang titig nito. "Dumaan ka sa bahay ni Mayor, humingi ka ng baon mo ha! Sabihin mo rin malapit na tayong maputulan ng kuryente. Wala na rin tayong groceries at pamasahe mo na rin." Bilin nito. Kaya ganito ito ngayon dahil may gusto na namang iutos. "S-ige po, Ma." Humarap ako rito. Mabilis naman nitong pinitik ang sigarilyo at pinatay ang sindi no'n. Saka nakangiting bumaling ang tingin sa akin. Humalik ako sa pisngi nito saka akma na sanang aalis ngunit muli na namang pinigil nito. Tapos na ako nitong suklayan, ano na naman kaya ang sunod nitong dahilan? "Anak, baka pwede mo ring pakiusapan si Mayor na bumisita rito sa bahay. Para makita n'yang lumang-luma na itong bahay natin. Saka tayo na lang ang walang internet dito sa street natin. Sina Aileen ay mayroon na, kahit ang kababata mo sa likod mayroon na rin." "Sasabihin ko po kay M-ayor." Hindi ko ito magawang tignan. Bumuntonghininga naman ito saka pinakawalan na ako. "Ingat sa pagpasok." Bilin nito sa akin. Ito ang unang araw kong pumasok sa Luwalhati High School. Sa Luwalhati Foundation H.S talaga ako pumapasok, pero si Mayor ang nagpumilit na lumipat ako sa prestigious school na pribado para sa mayayamang student sa Pilipinas. Iginiit kong malaking gastos lang ang pag-aaral doon ngunit dahil ito ang masusunod ay wala na rin akong nagawa. Saka gustong-gusto ni Mama. Ito pa ang unang omo-o nang malaman nito ang gustong mangyari ni Mayor. Kinapa ko ang bulsa ko. Bagong-bago nga pala ang uniform ko. Uniform na parang ilang buwan ko ng baon at pamasahe kung nanatili lang ako sa Luwalhati Foundation H.S. Inilabas ko ang baryang laman ng bulsa ko. Labimpitong piso iyon. Tira sa ibinigay ni Mayor, kinuha kasi ni Mama ang tatlong libo. Sabi nito ay ipanggro-grocery pero itinambay nito sa kabilang kanto at inilaro. Ito lang tuloy ang tira. Kung daraan pa ako kay Mayor ay tiyak na kukulangin na iyon kapag pumasok na ako. Kaya naman nilakad ko na lang ang palabas sa Dambong Street, nang marating ang kanto ay pumara na lang ako ng jeep. 12 pesos ang pamasahe sa jeep pa lang iyon, may limang piso pa ako na pwedeng ibili ng palamig o kaya ay fishball mamayang break time. Nang marating ko ang kanto papasok naman sa school ay pumara na ako. Hindi nagpapapasok sa kantong iyon ng public transportation, puro magagarang sasakyan ang makikitang papasok doon. Wala ka ngang makikitang naglalakad. Possible pa sa kabilang kanto dahil doon ang daan sa LFSH. Dahil karamihan sa mga student doon ay katulad ko rin naman. Tapos 'yong mga schoolmate ko ngayon dito sa LHS ay puro mga magagara ang sasakyan. "Ineng, doon ang daan." Harang ng security guard sa akin. Napatingin ako sa itinuro nito. Mas maliit na gate kung saan may scanner pa ang mga bag. Weird. Paano naman 'yong mga nakasakay sa magarang sasakyan? Nagkibitbalikat na lang akong sumunod saka umatras at humakbang patungo sa kabilang gate. "ID?" seryosong tanong ni Manong guard. "Kukunin ko pa lang po sa registrar." Nag-angat ito nang tingin sa akin na waring hindi ito naniniwala. "Ineng, ibinibigay ang ID sa mga estudyante rito bago pa magsimula ang klase." "Ganoon po ba? Hindi ko po alam. Ngayon pa lang po ako papasok." "Ilagay mo ang bag mo d'yan." Nanganganiti akong magtanong dito kung paano 'yong mga estudyante na nasa magagarang sasakyan pero mas pinili kong itikom ang bibig ko. Inilagay ko ang bag ko sa kulay itim na tray. Saka iyon dumaan sa scanner. "Good, kunin mo na ang ID mo. Sa susunod na wala kang ID hindi kita papapasukin." "Sige po. Salamat." Tumango lang ang guard kaya dinampot ko na ang bag ko. Mukhang mamahalin ang suot kong damit at sapatos, isama pa ang bag na galing lahat kay Mayor, pero halata na hindi ako nababagay sa lugar na ito. Ibinigay sa akin ang map ng school noong nagpunta kami rito ng assistant ni Mayor. Kaya naman pinag-aralan ko na agad. Nasa kaliwang bahagi ang registrar. Doon ko kukunin iyon dahil may taong naghihintay sa akin sa lugar na iyon. Kakausapin daw muna ako, siguro ay para i-orient na rin sa bagong environment ko. Pagpasok ko ng gusali ay agad na tinahak ang ikaapat na pinto saka marahang kumatok doon. "Come in." Pinihit ko ang doorknob saka marahang itinulak ang pinto. Ramdam ko agad ang lamig sa silid, isinara ko agad ang pinto upang hindi lumabas ang aircon. Iyon kasi ang madalas sabihin ng librarian sa kabilang eskwelahan. "I'm Kalila Farrah Monoban." Pakilala ko sa matandang babae na inabutan ko sa silid. "I'm Miss Laura Esfid. Ibinilin ka ni Mayor sa akin." Marahan akong napalunok pero nakuha ko pa ring tumango. Sinenyasan nitong maupo ako kaya naman iyon ang ginawa ko."Ito ang school manual, basahin mong mabuti 'yan. Ito naman ang ID mo. Hindi ka makapapasok ng school kapag wala kang ID." Tumango ako rito at tinanggap iyon. Isinuot ko agad ang ID ko. "Thank you, Miss Laura." "Kalila Farrah, galingan mo ha. Huwag ka ring lalabag sa rules ng paaralan dahil mahigpit ang school na ito pagdating sa rules and regulations." "Alam ko po," ani ko rito. "Sige na, kapag may tanong ka ay pumunta ka rito. Kapag may hindi ka maintindihan sa mga nakalagay d'yan sa libro ay puntahan mo lang ako at tanungin." "Opo, gagawin ko po 'yan." Pagkatapos kong nagpasalamat ay umalis na rin ako. Sa kabilang bahagi pa ng eskwelahan ang classroom ko. Kung ayaw kong ma-late ay kailangan ko nang magmadali. Pagdating ko sa gusali ay nakisabay na ako sa mga student na nagmamadali patungo sa elevator. Napunta sa dulong parte. Sapat para makapag-obserba ako sa mga ito. Ikaapat na baitang ang classroom ko. Graduating naman na ako, hindi ko nga maunawaan si Mayor kung bakit ipinilit pa n'yang lumipat ako rito. Pagbukas ng elevator ay nagmamadali rin ang mga student na makalabas. Fourth floor, ikapitong pinto sa kaliwa. Tinandaan ko talaga upang hindi ako magmukhang tanga pagdating ng unang araw ng pasukan. Nakita ko naman iyon agad. Humakbang ako palapit doon. Kinakabahan ako, pero ayaw ko namang mahalata ng iba. Huminga muna ako nang malalim bago marahang kumatok sa pinto. Saka ko iyon pinihit at marahang itinulak. Agad na gumawi ang tingin ng mga tao sa loob. Ang iba ay nag-angat ng kilay. Ang iba naman ay waring wala lang na muling bumalik sa kanilang ginagawa. Iginala ko agad ang tingin sa classroom upang maghanap ng bakanteng upuan. Nakita ko ang pinakadulong upuan, mayroon pa naman sa harap ngunit pakiramdam ko ay hindi ako nababagay roon. Humakbang ako patungo sa dulo at doon inilapag ang bag at naupo. Walang approachable na kaklase, may mga sarili silang ginagawa. Mabuti na rin siguro 'yon. Nang tumunog ang bell ay mabilis na umupo ang mga ito sa pwesto nila. Mapapanisan ako ng laway rito. Wala akong makausap. Nang dumating ang guro ay agad na iginala nito ang tingin sa classroom. Nagsalubong ang kilay nito na napatitig sa akin. "May bagong mukha." Napangiwi ako sa sinabi nito. "Commoner..." singit ng isang student na may hawak na salamin at pinapahiran ang mukha n'ya. "Hi, can you please introduce yourself?" mukha namang mabait si Ma'am kaya tumayo ako at humakbang patungo sa harap. Pilit ang ngiti, kahit kinakabahan ay nakuha ko pa ring ngumiti. "I'm Kalila Farrah Monoban, 16 years old." Sinulyapan ko ang guro. Hindi ko na kasi alam kung anong dapat kong sabihin. "From what school, hija?" bahagyang inayos nito ang suot n'yang salamin saka ngumiti. "I'm from LFHS," tukoy ko sa kabilang eskwelahan na pinangalingan. Mas lalo silang nawalan ng interes makinig. Ayos lang naman iyon. "I'm Teacher Fatima," pakilala ng guro. S'ya ang homeroom teacher namin, mukhang mabait pero nang sabihin nitong magsisimula na agad ang klase ay sumeryoso na ang mga kaklase ko. Naupo na lang ako at pinanatili ang pag-obserba sa klase. Sa isang oras na pagsasalita nito ay marami rin naman akong naisulat. Katulad ni Teacher Fatima ay pagdating sa klase ay istrikto na ang sumunod na mga guro. Focus ang mga kaklase ko, parang ako nga lang 'yong nililipad ang isipan. Ilang ulit pa akong na tawag. Palibhasa ako 'yong bagong mukha sa klase. Nang tumunog ang bell para sa recess ay mabilis na nagpulasan ang mga kaklase ko. Dahan-dahan ang kilos ko na inayos ang gamit ko. Inilabas ko rin ang barya sa bulsa ko at bahagyang napakamot ng ulo. Akala ko naman magkaka-magic, 'yong limang piso ay magiging isang daan. Kaso hindi, may binebenta kayang tubig sa canteen? Palamig? O, ice water? Feeling ko kasi ay iyon lang ang aabutin ng pera ko. Nagpasya akong lumabas na rin. Pupunta ako kay Miss Laura para tanungin ito kung may pwede ba akong maging sideline sa school na ito. Pagdating ko sa office nito ay sarado naman. Ilang minuto rin akong naglakad. 20 minutes lang ang break, ilang minuto na ang na kunsumo ko sa paglalakad at tiyak na ganoon din pabalik. Hindi naman siguro mahahalata na wala akong baon kapag naglalakad ako. Kaya naman naglakad na ulit ako pabalik. Malakas na tawanan ang pumukaw sa atensyon ko. Kaya naman out of curiosity ay tinahak ko ang daan kung saan nanggaling ang malakas na tawanan. Pinalilibutan ang isang student na nakasalampak sa sahig. Mukha itong basang sisiw at hindi magawang tumayo dahil sa malapot na likido sa sahig. "Welcome back, Maya." Nagtawanan ang mga estudyante na nanonood. Bullying, hindi naman bago sa akin 'yan. May mga ganyan din sa kabilang eskwelahan. Hindi ko nga lang naranasan dahil may mga kaibigan ako sa kabila. "Dapat kasi lumipat ka na ng school. Hindi ka na bumalik dito dahil hindi ka nababagay rito." Tawanan ang mga ito kaya naman napahikbi na ang babae. Wala man lang kumilos para pigilan ang mga ito. Nasaan ba ang mga security guards? Ang mga teachers? Mayayaman nga ang mga tao rito pero parang walang manners. Napansin ko ang timbang nasa gilid. Iyon siguro 'yong ginamit nila. Humakbang ako palapit doon at sinipat ang loob. Mukhang itlog ang inilagay roon, pansin ko ang isang plastic, I think harina ang naroon. Bago pa bumalik ang atensyon ng mga bully sa lagayan ay pasimpleng kinuha ko na iyon at lumakad palayo. Nang makakita ng basurahan ay itinapon ko roon ang harina. Siguro naman magiging okay na 'yong Maya na nakasalampak sa sahig. Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay bumalik na lang ako sa classroom. Para kumunsumo pa ng oras ay naghagdan na lang ako, kaysa elevator. Saktong pagdating sa 4th floor ay tumunog na ang bell. Sakto ang oras. Pero pagod naman ako sa paglalakad. Nang maupo ako sa pwesto ko ay ilan pa lang ang student. As usual, walang pakialam sa akin ang mga ito na may mga sariling mundo. Nang ibaling ko ang tingin sa bintana, tumambad sa akin ang malaking pangalan ng eskwelahan. Sabi ng assistant ni Mayor ay may swimming pool, covered court, mayroon ding soccer field ang lugar. Marami pa raw facilities at maganda kung sasali ako sa mga sports na available rito. Ayaw ko nga. Mapapagod lang ako. Sabi rin n'ya may mga store rin daw rito, hindi ko lang alam kung ano ang paninda. Saka tiyak walang mabibili ang limang piso ko, baka mamaya ko pa ito maibili. Lalakad ako pauwi dahil hindi naman na kasya para sa pamasahe sa jeep. Kaya kong lakarin iyon, dating gawi na katulad lang noong nag-aaral ako sa kabila. Nang pumasok ang guro ay muling nagsimula ang klase. Pero sa buong araw na klase namin, wala man lang akong nailaman sa sikmura ko. Kanina pa iyon nagrerebelde na waring mas lumakas pa nang tumunog ang bell, hudyat na uwian na. Walang lakas na iniayos ko ang mga gamit ko at lumabas na ng classroom. Hindi na pinilit makipag-unahan sa elevator. Hinintay na hindi na siksikan bago bumaba.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook