bc

Ugly Truth

book_age0+
1.9K
FOLLOW
5.5K
READ
drama
comedy
sweet
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY) Siya si RUTH KLARIZZA MAE IMPERIAL o Ruth. Isang babaeng hindi kagandahan ngunit busilak ang puso. Sounds cliche...

Isang babae na may mapagmahal na ina at inggiterang kapatid. May malanding kaibigan at mapagmahal na nobyo. Ngunit talaga nga yatang hindi siya mapalad sa buhay pag-ibig. Simula nang hiwalayan siya ng kanyang nobyo ay naging sunud-sunod na ang kanyang boylet. At naging sunud-sunod na rin ang kanyang heartaches...

Hanggang sa mapagod na siya. Kung kailan naman nawasak na ang paniniwala niya sa "forever" ay saka naman dumating ang lalaking mamahalin niya nang sagad na sagad! At ang lalaking iyon ang naging dahilan upang naisin niyang gumanda! At gagawin niya ang lahat para maging kamukha niya si Marian Rivera!

At doon na magsisimula ang panget na katotohanan na itatago ni Ruth...

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
KAPAG may panget kang bagay na nakikita, gusto mo itong palitan ng mas maganda. Isa iyan sa katotohanan na matagal nang nangyayari dito sa mundo. Kapag panget ang damit, papalitan. Kapag panget na ang cellphone, bibili ng bago. Kapag panget ang make-up, buburahin. Kapag panget ang jowa, hahanap ng mas maganda o mas gwapo! Base na rin sa aking obserbasyon, higit na mas maraming advantages ang magaganda kesa sa mga panget. Isang halimbawa diyan ay sa trabaho. Kunwari sa mga fastfood... Kapag maganda ka, siyempre, sa cashier ka. Ikaw iyong kumukuha ng order ng mga tao. Pero kapag panget ka? Doon ka sa kusina! Tagaktak ang pawis kakaprito ng french fries na ilang linggo nang nakaimbak sa refrigerator. Tapos kapag ang lalaki, may nakabanggaan na magandang babae sa kalye sasabihin: “Sorry, miss. Can I get your number?”. At may kasama pang kindat! Pero kapag panget naman ang nakabanggaan: “Puta! Bulag ka ba?! Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!” May kasama pa yang mura at f**k you sign. Ang unfair, `di ba? Pero kung iisipin, dapat ay magpasalamat ang magaganda sa mga panget. Bakit? Kasi hindi maaappreciate ang magaganda kung walang mga panget. Walang comparison kumbaga. Siguro nagtataka kayo kung bakit parang kinakaawaan ko ang mga panget. Ang totoo niyan... Isa ako sa kanila. Isa ako sa nakakaramdam ng mga pinagdadaanan nila. Isa ako sa mga ginagawang katatawanan ng karamihan. Pero kahit papaano naman ay maswerte pa rin ako. May mga bagay at katangian din naman ako na maganda. Tulad ng pangalan ko. RUTH KLARIZZA MAE IMPERIAL. Oh, `di ba pang-artista ang name ko. Ang katawan ko... Check! Ang kutis ko... Check din! Ang mukha ko... Hmm... Nasaan na nga ba ako sa kinukwento ko? Okey, heto na nga. Nandito ako para patunayan sa inyo na hindi hadlang ang pagiging panget sa pagbabalat ng patatas! “PURO Ruth! Puro Ruth! Puro Ruth!” Iyon ang galit na galit na boses ni Ate Charming na naririnig ko mula sa pagkakaupo ko sa hagdan paakyat sa bahay namin na yari sa sawali at pawid. Isang tipikal na bahay sa bukid kung saan kami nakatira. Nag-aaway na naman si Ate Charming at Nanay Greta habang ako ay prenteng nakaupo lang dito at pinagmamasdan ang kalawakan ng palayan na nasa harapan lang ng aming kubo. At ang pinag-aawayan nila ay ako na naman. “Anong sabi mo? Bastos ka! Bastos ka!” ganting sigaw ni Nanay Greta. “Totoo naman, ah! Lagi na lang si Ruth! Puro Ruth! Puro Ruth!” “Anong pururot? Bastos ka! Ang baho ng bibig mong bata ka!” “Aalis na lang ako! Tutal naman ay walang ibang magaling para sa inyo kundi ang chararat niyong anak!” “Hala, sige! Lumayas ka, Charming. At `wag na `wag ka nang babalik! Napakawala mong utang na loob... Ang dibdib ko! Naninikip! Ahhh...” Tiningnan ko sina nanay at ate sa likuran ko. Kitang-kita ko ang pagiging best actress ni nanay. Parang totoo na mamamatay na nga siya! “Ginamit mo naman ang bra ko kaya sumisikip `yang dibdib niyo! Ang laki-laki ng s**o niyo,” sabi ni ate. Umirap si nanay. “Grabe ka naman! Eh, sa mga basa pa bra ko. Bakit ba?!” Nakita ko na nag-eempake na ng mga damit niya si ate. Wala siyang maleta o travelling bag kaya sa isang eco bag niya pinaglalagay ang kanyang mga damit. Nang matapos na siya ay muli siyang humarap kay nanay at sinabi niya na: “Hinding-hindi na ako babalik sa impyernong ito. Isinusumpa ko, magpapayaman ako at iingitin ko kayo! Magsama kayo ng anak mong panget!” sabay walk-out ni Ate Charming. Ngunit hindi pa man nakaka-limang hakbang si ate nang muli siyang humarap kay nanay. Kitang-kita ko kung paano ngumisi si Nanay Greta na parang aso. “Ano, Charming? Hindi ka a man nakakaalis ay babalik ka na agad?” nakakaloko na sabi pa ni nanay. “Yung bra ko, hubarin niyo! Akin na `yan!” ani ate. Gimbal si nanay. Labag man sa loob niya dahil mawawalan siya ng bra ay hinubad na niya iyon sabay hagis sa mukha ng kapatid ko. “`Ayan! Akala mo naman ay kagandahan iyang bra mo,” sabay irap ni nanay. “Sana ay hindi ka magsisi sa paglayas mo dito, Charming!” “Hinding-hindi talaga. Isinusumpa ko!” sabay talikod ni ate. Pababa na siya ng hagdan namin nang magtama ang aming mga mata. Kita ko ang galit sa mga mata niya. Para siyang isang killer na gusto akong saksakin. “Ate, huwag ka nang umalis...” utos iyon at hindi isang pakiusap. Naniningkit ang mga mata na kinausap niya ako. “`Wag ka ngang plastik, Ruth! Alam kong ito naman talaga ang gusto mo, `di ba? Ang umalis na ako sa bahay na ito. Para masolo mo na ang atensiyon ni Nanay Greta! Lahat naman ginawa ko para ako ang maging paborito niya. Nagkargador ako pagkatapos ko ng high school habang ikaw ay paprente-prente at feeling prinsesa na mukhang tasa dito sa bahay! Dinadala mo sa charm si nanay! Nagpakahirap ako, Ruth pero ikaw pa rin ang laging pinapaboran sa pesteng bahay na ito. Kahit na ubod ka ng panget!!!” Paulit-ulit na umalingawngaw ang huling salitang binitiwan ni Ate Charming. Panget... Panget... Panget... “Pero, ate, parehas tayong mahal ni nanay. Parehas niya tayong anak, `di ba?” nagpatuloy ako sa pagiging mahinahon. Ayokong sabayan ang drama ng kapatid ko. Alam ko naman na binalot na siya ng inggit niya sa akin. Alam ko naman iyon. Iyong mga sakripisyo ni Ate Charming. Dahil mahirap lamang kami ay high school lamang ang natapos niya. Seventeen years old na siya ngayon habang ako naman ay fifteen years old pa lamang. Third year high school. Mabuti na lamang at hindi ako inabot ng K-12 na iyan. Back to Ate Charming... Yes, totoo na nagkargador siya pero sariling kagustuhan niya iyon. Walang pumilit sa kanya tapos ngayon ay isusumbat niya iyon sa amin. Saka anong aasahan niya sa akin? Nag-aaral pa ako. Pasalamat na lamang siya at biniyayaan siya ng magandang mukha. Samantalang ako ay hindi pinalad. Nagmana daw ako sa tatay namin na katulad kong panget at si ate naman sa nanay namin na dating Mutya ng Baranggay Ilaya. “Iyon na nga, Ruth, eh! Parehas tayong anak pero ikaw ang mas mahal ni nanay! Maiintindihan ko sana kung ampon ko pero hindi, eh! Sana nga naging ampon na lang ako!” “`Wag mong sabihin iyan, ate—“ “Ah! Wala kang pakialam! Tumabi ka nga diyan!” at bahagya pa niya akong sinipa sa aking balikat. Umalis ako sa pagkakaupo sa hagdanan. May lungkot sa aking dibdib na pinagmamasdan ko ang malalaking hakbang ng aking kapatid. Nang nasa huling baitang na siya ng hagdan ay bigla siyang tumigil. “Ate... bakit?” tanong ko sa kanya. Nagtaka ako nang bigla siyang pumanhik ulit. “Bukas na lang ako lalayas. Madilim na sa labas!” aniya. Nakakaloka naman si ate! KAPAPASOK ko pa lang sa Ilaya National High School nang salubungin agad ako ng bestfriend ko na si Marichu. Ano kayang nangyari sa kanya at para siyang maiihi na parang kilig na kilig? Actually, tulad ko ay hindi rin kagandahan si Marichu. Medyo maitim siya at medyo hindi katangkaran. Hindi katulad ko na matangkad. “Bes! Bes! Bes!” excited na salubong niya sa akin. “Anong nangyayari sa iyo at para kang hinahabol ng bubuyog diyan?” “Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko sa iyo!” Umirap ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa classroom namin. Classmates din kasi kami niyan ni Marichu. “Eh, hindi naman pala ako maniniwala. `Wag mo na lang sabihin!” Mahina niya akong hinampas sa aking balikat. “Basag trip ka rin, `no? Hindi mo man lang ba itatanong kung bakit ako kinikilig today? Hindi mo ba napapansin ang magandang aura ko ngayon? Hindi mo ba napapansin ang glow ng skin ko?” “Hindi! Pero napapansin ko yang muta mo! Kadiri ka!” “Ay!” pakli niya sabay tanggal ng muta. “Okey. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Ruth. Alam mo ba na kinausap ako kanina ni Steven Saliba?” Literal na namuti ang kanyang mga mata nang sabihin niya ang pangalan na ‘Steven Saliba’. Tumigil ako sa paglalakad at sinalat-salat ko ang kanyang noo at leeg. “Nilalagnat ka ba, Marichu? Bakit ka naman kakausapin ng ubod ng gwapo at heartthrob ng Ilaya National High School? Hay naku, nakatulog ka na naman sa flower garden at nanaginip ka na naman, `no!” “Hindi, `no. Totoo kaya ito. At alam mo ba, inaya niya ako sa isang date!” “Ano? Totoo?” “Oo. Totoo!” “Kailan naman daw kayo mag-de-date?” “Sa February 30 daw. Hindi na nga ako makapaghintay na mag-February, eh. Love month iyon, `di ba?” tuwang-tuwang turan niya. Napalabi ako at makaramdam ng kalungkutan. “Buti ka pa, kahit hindi mo boyfriend si Steven, niyaya ka niya sa isang date. Samantalang ako, may boyfriend nga ako pero never pa niya akong binalak na i-date...” “Akala ko ba, okey kayo ni James?” “Hindi nga, eh. Parang nanlalamig na siya after ng third periodical exam namin... Oo, binibigyan niya ako ng chocolates pero kapag may quiz lang.” “Ganoon? Pero sa nakikita ko, mukhang okey naman kayo. Palagi nga siyang tumatabi sa iyo kapag may quiz at exams, `di ba? Oh, diba... ang sweet niya!” Bumuntung-hininga ako. “Ewan ko. Sa susunod na araw ay kakausapin ko nga si James ko... Hay... Tara na nga sa room at baka ma-late na tayo,” yakag ko kay Marichu. Papasok na kami ng classroom nang may tumawag sa pangalan ni Marichu. Si Steven Saliba pala kasama ang mga kabarkada nito. Halos panawan ng ulirat si Marichu nang kindatan pa siya ng lalaki. “Marichu!” tawag ni Steven. “Excited ka na ba sa date natin sa February 30?” Pero bakit ganoon. Parang nagpipigil ng tawa si Steven. “Ah, labis-labis ang aking pagka-excite sa date natin sa February 30, Steven!” Sa sinabing iyon ni Marichu ay bigalang naghagalpakan ng tawa si Steven kasama ang mga kaibigan nitong lalaki. Ano bang nangyayari? Bakit sila tumatawa? Mga loko-loko ba sila? “Tara na, Marichu...” at hinila ko na siya papasok sa aming classroom.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
825.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.1K
bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
572.6K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook