bc

Size Matters

book_age0+
2.2K
FOLLOW
15.5K
READ
drama
comedy
sweet
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY) Dalawang tao na VIRGIN...

Si VALENTINA (32 years old), isang writer na gustong magkaroon ng "experience" para makapagsulat na siya ng erotic story. Pero choosy siya! Ang gusto niyang makauna sa kanya ay isang lalaking may malaking *tooooot...*

At si SUZUKI (21 years old), gusto rin niya na magkaroon ng "experience" pero nahihiya siya dahil sa two-inches lang ang kanyang *tooooot...*

Wala silang kamalay-malay na pagtatagpuin sila ng tadhana sa isang malamig na kwarto at wala silang kahit na anong saplot sa katawan!

chap-preview
Free preview
IKA- 1 NA LABAS
VALENTINA'S POV "VALENTINA, Valentina, Valentina..." naiiling ang editor ng Precious Life Publishing Corporation na si Miss Agatha habang binabasa niya ang manuscript na ipinasa ko sa kanya. Napalunok ako ng laway. "B-bakit po, Miss Agatha? M-may problema po ba sa manuscript ko?" kinakabahan kong tanong. Kung tataunin ay first time na marereject ang story na ipinasa ko sa PLPC simula ng maging contract writer nila ako ten years ago. Iniharap niya ang laptop niya sa akin. "Actually, it is perfectly written! Walang mali except sa genre nito. Another teen-fiction? Are you serious? Hindi mo ba nareceive ang memo na ipinadala ko sa iyo last month?" "Nareceive ko po..." nakayuko kong sagot. Mabait naman talaga si Miss Agatha. Nakakasama pa nga namin iyan sa mga gimikan at outing pero very professional talaga niya pagdating sa trabaho. Walang kai-kaibigan. Walang ka-close-close! "Binasa mo ba ang memo, Valentina?" "Binasa ko po." "And what? Ano ang nabasa mo sa memo ko sa iyo?" Napiga ko ng kamay ko ang laylayan ng palda ko nang tingnan ko si Miss Agatha straight to her face. "Pero, Miss Agatha---" "No, Valentina! Ano ang nakalagay sa memo?!" medyo dumadagundong na sa apat na sulok ng office niya ang kanyang boses. Napayuko akong muli. Tila may bara ako sa lalamunan na pumipigil sa akin na magsalita. "N-no more teen-fiction..." sa wakas ay nasabi ko na. "Iyon naman pala. Nabasa mo at sigurado naman ako na naintindihan mo ang ibig kong sabihin, diba?" Tumango na lamang ako bilang pagtugon. "Okey, ipapasa ko ang story mo na ito pero please lang...last na teen-fiction mo na ito. To tell you the fact, hindi na ganoon kabenta ang stories mo. Nagbabasa ka rin naman siguro ng comments sa iyo ng readers mo sa fan page mo. Anong sabi nila?" "Paulit-ulit na lang daw ang story ko." Masakit para sa tulad kong writer na sabihin iyon. Pakiramdam ko ay nilait ko ang sarili kong kakayahan ng mga oras na iyon. "Kung hindi high school na magkakainlaban ay magbestfriend na magkakagusthan ang plot ko. Pero hindi ko na sila pinapansin kasi sabi nga ng iba learn the art of deadma kapag may haters ka. So, iyon po ang ginagawa ko. I ignore them!" Tumayo na si Miss Agatha. "They are not haters, Valentina. Isinasalba lang nila ang writing career mo. Hindi porket negative na ang sinasabi sa iyo ay haters na. Some of them...concern lang sila sa iyo. And they are right. Explore other genre! Hindi lang teen-fiction! Look at Kristine Cecillia...one of our best seller author. Naka-ilang reprint na ang mga stories niya dahil sa pagsusulat niya ng mga stories with s*x scenes!" Pakiramdam ko ay naeskandalo ako sa salitang "s*x" na iyon. Gusto ko sanang takpan ang aking tenga pero, wala na. Narinig ko na, eh. Ano pang magagawa ko? Hindi lang talaga ako sanay makarinig ng mga ganoong salita dahil mga taong-simbahan ang kanyang nanay at hindi siya nito pinasanay na makarinig o magsalita ng mga ganoong salita. "Eh, h-hindi naman po ako sanay magsulat ng mga mahahalay na stories na katulad ng sinusulat ni Kristine Cecillia!" pangangatwiran ko. "Hindi mahalay iyon, Valentina. Non teen-fiction ang tawag doon. So, I am expecting you na hindi na teen-fiction ang isusulat mo sa susunod, okey?" Hindi ako sumagot. "Nagkakaintindihan ba tayo, Valentina?" tanong niya ulit. Malalim ang pagkakatingin ni Miss Agatha sa akin. Mariin akong umiling. Tila paiyak na. "H-hindi ko po talaga kaya..." Nasapo na ni Miss Agatha ang kanyang noo. Mukhang na-ha-high blood na nga siya sa akin. "Hay, naku, Valentina... Why can't you do that? Simpleng genre lang ang non teen-fiction! Or erotic stories. You are not a teenager anymore. Thirty-two ka na! Don't tell me wala ka pang experience sa s*x?" Naeskandalo na naman ako sa sinabing iyon ni Miss Agatha. Kung alam lang niya... BUSANGOT ang aking mukha nang lumabas ako sa opisina ni Miss Agatha. First time in my life bilang writer na nasabon ako ng aking editor. Ano bang problema sa pagsusulat ko ng teen-fictions? Napapakilig ko naman ang mga mambabasa ko... Errr... Iyong iba lang pala. At anong malay ko naman sa pagsusulat ng erotic na kwento kung wala pa akong--- "Mare!" napatigil ako sa paglalakad nang isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko sa aking likod ay nakita ko ang co-writer at bestfriend kong bading na si Antonn. Yes, he is a gay pero sabi niya bisexual daw siya kasi hindi pa alam ng mga magulang niya na gay siya. Eh, paano naman niya nasabi na bisexual siya kung puro naman lalaki ang nakakarelasyon niya. Walang babae! Kaya nga bisexual. AC-DC dapat. Pwede sa boy at pwede sa girl. Kung hindi mo kilala si Antonn at first time mo siyang makikita ay hindi mo aakalain na isa siyang bading. Pero infairness, gwapo naman si Antonn. Twenty-five years old pa lang ito. Matangkad, maputi at mukhang koreano. At laging naka-brush up ang buhok kaya alam na! Hinintay ko siyang makalapit sa akin bago ako nagsalita. "Ano? Bakit ba?" medyo iritable kong tanong sa kanya. Bad mood on. "Ay, bad mood ka..." anito na sinamahan pa ng peksaheradang paghawak sa dibdib. "Bakit naman bad mood? Hindi ba dapat ay natutuwa ka kasi kinausap ka ni Miss Agatha?" Napangiwi ako. "Bakit naman ako matutuwa?" Hinila ako ni Antonn sa isang sulok. Doon sa lugar na walang taong maaring makadinig sa sasabihin niya. "Hindi mo pa ba naririnig dito ang bali-balita? Malapit na daw mag-resign si Miss Agatha as editor ng Precious Life. At ang nakakaloka ay si Miss Agatha daw ang mismong pipili ng taong papalit sa babakantihin niyang position! Oh, di ba, bongga iyon!" "Kaya pala natutuwa ka kasi kinausap niya ako? Well, mali ka. Kinausap niya ako para sabunin!" sabi ko at naglakad na ako palabas ng building ng Precious Life Publishing Company. "Sabunin? Paanong sabunin?" Nakalabas na kami ng building at nasa parking lot na kami. "Ayokong pag-usapan dito. Sa bahay na lang natin, Antonn," aniya at sumakay na ako sa aking kotse. Sumunod na rin si Antonn at nag-drive na ako pauwi sa bahay namin ni Antonn. FOURTH floor. Room 413. Tuloy-tuloy kaming pumasok ni Antonn sa loob ng condo unit na inuupahan naming dalawa. Share kami sa lahat kaya naman wala kaming nagiging problema sa mga expenses. Magkasundo kami kahit na puro pang-ha-hard lang ang ginagawa namin sa isa't-isa. Sakto lang naman ang laki ng condo unit namin na may salas, kusina, banyo at dalawang kwarto. Umupo ako sa sofa at binuksan ang TV. "Oh, magkwento ka na, mare! Kanina pa ako naiintriga sa kung ano ang pinag-usapan niyo ni Miss Agatha kanina." Bumuntung-hininga ako. "Okey, pero huwag na huwag mo akong tatawanang bakla ka kung ayaw mong ihulog kita sa building na ito!" Itinaas ni Antonn ang kanan niyang kamay. "Promise!!! Hindi ako tatawa! Ano ba! Magkwento ka na, please. The curiosity is killing me!" "Bago ako magkwento, kuhain mo muna iyong Emperador sa ref." Pakendeng-kendeng na nagtungo si Antonn sa kusina. Pagbalik niya ay dala na nga niya ang pinapakuha ko. May dala na rin siyang dalawang baso na may ice cubes. "Nasaan ang pulutan?" tanong ko. Itinirik ni Antonn ang kanyang mga mata. "Wala ka naman sinabing kumuha ako ng pulutan, ah!" "Tanga-ers ka rin, ano? Mag-iinom walang pulutan? Ano ito, sunog-baga?!" "Hindi! Sunog-bunganga! Dahil susunugin ko 'yang bunganga mo, Valentina dahil utos ka ng utos!" at bumalik na siya agad sa kusina. Normal lang para sa amin ni Antonn ang ganyang uri ng pag-uusap. Sa tagal ba naman naming magkaibigan...nakakapagtaka kung hindi pa rin namain kilala ang isa't-isa. Ilang sandali pa ay bumalik na nga si Antonn na may dalang tray. "Oh, ayan! Mani, crispy pata at adobo! Baka naman kulangin ka pa, ha? Nakakahiya naman sa iyo. Baka naman mag request ka rin ng macho dancer?! Mag gay bar na lang tayo kung ganun!" aniya sabay upo sa pang-isahan na upuan sa harapan ko. Nag-OK sign ako kay Antonn. "Okey na iyan. Salamat, ha. Ang hard mo talaga!" at nagsalin na nga ako ng alak sa aking baso. "Magkwento ka na kasi, mare. Kating-kati na talaga ako kung bakit ka nasabon ni Miss Agatha." Tinitigan ko iyong yelo sa loob ng baso habang unti-unti iyong tinutunaw ng alak. "Sinabon ako ni Miss Agatha dahil sa pagsusulat ko ng teen-fiction. Pinapatigil na niya ako sa paggawa ng story na may ganoon na genre. Matanda na raw ako para sa ganoong uri ng kwento... Ang sakit, diba?" "Alin ang masakit? Iyong hindi ka na niya pinagsusulat ng teen-fiction?" "Hindi. Iyong sinabihan niya akong matanda na, iyon ang masakit! Magsulat naman daw ako ng ibang genre. Erotic stories to be exact!" Napatawa si Antonn. Tiningnan ko siya ng masama na parang pinapaalala ko sa kanya na bawal siyang tumawa kaya naman pilit niyang pinaseryoso ang mukha niya. "Okey... So, anong gagawin mo, mare? Sundin mo na lang kasi si Miss Agatha at magsulat ka ng erotic stories. Para rin naman sa iyo iyon. As a writer, dapat nag-go-grow din tayo..." Umiling ako matapos kong uminom ng alak. "P-pero paano ako magsusulat ng erotic story kung..." ibinitin ko ang sasabihin ko. Tila may bumabara na naman sa aking lalamunan. "Kung...?" "Kung ano..." "Kung ano, Valentina?!" sigaw na tanong ni Antonn na ikinagulat ko. "Paano ako magsusulat ng kwentong erotic kung VIRGIN pa ako!" dire-diretso kong pagsasalita dahil sa pagkagulat ko kanina. Namumula ang mukha ko matapos iyon at narinig ko na nga ang malakas na tawa ni Antonn! Sinabi ng bawal tumawa, eh!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.4K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

A Night With My Professor

read
495.9K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
408.0K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.7K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook