bc

Seducing The Exotic Island Girl (R18 Tagalog)

book_age18+
4.9K
FOLLOW
26.7K
READ
goodgirl
CEO
lies
seductive
like
intro-logo
Blurb

Simple lang ang pamumuhay nina Marcaria at ng pamilya niya kasama ang ilang ka-tribo sa gitna ng kagubatan ng Isla Barbates. Ngunit ang simpleng buhay ay mukhang magugulo sa pagdating ng isang estranghero...

Estrangherong walang natatandaan maliban sa pangalan nito.

Tila nahihipnostimong titig na titig si Macaria sa mala-adonis na lalaking dahan-dahang minumulat ang mga mata.

 "Sino ka?"

Sinulubong nito ang paningin niya. "Kaleb.. Kaleb ang pangalan ko."

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Macaria, Saan na naman ang punta mong bata ka?!" Nilingon ni Macaria ang ama at nakita itong nakatayo sa harapan ng kanilang kubo. Tinatanaw siya nito at nakataas ang isang kamay, winawagay sa paraang pinalalapit siya.   Subalit imbes na huminto at bumalik- nagpatuloy sa paghakbang ang dalaga. Palingon-lingon pa na sumigaw pabalik. "Diyan lang po ako, Ama! Pipitas ng mga bulaklak para sa vivaha mamayang gabi!" "Hindi!" Matigas na tutol ng amang si Ser-Al. "Bumalik ka ritong bata ka!" "Babalik rin ako kaagad bago dumilim!" Naiiling na humilot sa sentido si Ser-Al. Alam nitong hindi mapipigilan ang mapilit na dalaga. "Bumalik ka bago ang vivaha! Mag-iingat ka!" "Opo, Ama!" Ngumisi si Macaria at binilisan ang mga paghakbang, humihinto sa tuwing may nakasasalubong na ka-tribo upang bumati. Kinawayan niya ang mga kababaihang natanaw na abala sa kanilang mga gawain sa malaking kubo. "Macaria!" Tawag ni Heron. Huminto si Macaria at tiningala ang lalaking nasa itaas ng puno nang niyog. Kumukuha ito ng bukong gagamitin mamayang gabi sa pagtitipon. "Saan ang punta mo?" "Diyan lang, Heron. Mamimitas ng mga bulaklak na gagamitin mamayang gabi para sa vivaha." "Sasamahan na kita. Hintayin mo lang ako." Pinutol nito ang tangkay ng isang bungkos na buko gamit ang itak. Nalaglag iyon sa lupa na kaagad pinulot at tinalupan ng mga kalalakihang hubad barong naghihintay sa ibaba ng puno. Kasama ni Macaria na lumaki si Heron. Apo ito ni Inang Marya na siyang Manto sa kanilang tribo at kapatid ng matalik niyang kaibigan na si Haryeta. "Hindi na, Heron," umiiling na sagot ni Macaria. "Pagkatapos mo diyan ay pinapapunta ka ni Inang Marya sa malaking kubol. Magkakataw daw ng dalawang baboy at sampung manok." Lumakad na siya muli. "Paano? Ako'y tutulak na." "Bumalik ka kaagad. Mahirap maabutan ng dilim sa kagubatan," pahabol pa ni Heron. Itinaas lang ni Macaria ang isang kamay bilang sagot. Nang malapasan ang mga kubol, tinakbo niya ang pababang daan. Humahawak at nangunguyapit sa mga nakalawit na baging habang humahagikhik na dumausdos paibaba. Sa pusod ng Isla Barbates naninirahan ang mga katutubong Barbatura. Humigit isang siglo na ang nakararaan nang matagpuan ng mga ninuno ni Macaria ang isla. Orihinal na mandirigma at manlalakbay ang katutubong Barbatura na piniling tahimik na manirahan sa isla at bumuo ng maliit kumunidad. Makalipas na taong paninirahan nila sa isla, kahit papaano ay naging sibilisado na ang pamumuhay ng mga ito. Ang pangunahing pinagkakakitaan nila ay ang pangunguha ng makamandag na dagta mula sa puno ng copal na ibinebenta sa bayan na ginagawa namang resin. Pangangaso at pag-gawa ng mga sombrero, walis, basket at kung ano-anung kagamitan na yari sa kawayan, dahon ng palmera at niyog ang iba pang pinagkakakitaan ng tribo. Inaangkat 'yon ng mga tauhan ng mag-asawang Ataska at Fletcher na nakatira sa kalapit na Isla La Fuente. Mabait ang mag-asawa na dumadalaw isang beses isang buwan at nagbibigay ng tulong pinansyal, baro, pagkain, gamot at libreng konsulta kapag kasama ng mga ito ang kaibigang doktor. Bago dumating ang mag-asawang Wolfhard, naghahatid rin ng tulong ang gobyerno noon. Nahinto lamang 'yon dahil pinaghinalaan silang may kinakanlong na bandito sa Isla na ang totoo ay wala naman. Nagalit ang Ama ni Macaria nang subukan silang paalisin sa isla. Nag-aklas ang mga kalalakihang Barbatura. "Dito kami ipinanganak at dito rin kami mamamatay!" Hindi niya malilimutang galit na sabi ng ama. Hawak ang isang bolo. Natakot at umalis ang mga opisyales at kailanman ay hindi na bumalik at pinakialaman pa ang kanilang tribo. Namuhay sila ng tahimik at payapa. May iilang turista ang nais makadaupang palad ang Barbatura Tribe upang magbigay tulong. Subalit mariing tinututulan ng pinuno at ama ni Macaria na si Ser-Al. Ayaw na nitong maulit na tangkaing palisanin sila sa isla. Halos tatlong oras ang nilakad ni Macaria bago niya natanaw ang karagatan. Huminto siya at pinagmasdan ang malawak na karagatan. Ang isang kamay ay nasa itaas ng noo, panangga sa nakasisilaw na sikat ng araw. Lumakad siyang muli. Dama niya sa nakayapak na talampakan ang mainit na pinong buhangin. Kahali-halina sa kaniyang paningin ang karagatan. Tila iyon walang hangganan. Lumilipad sa kalangitan ang nga mga ibon at ang huni niyon kasabay nang mga halamang hinahampas ng mahinang ihip ng hangin at ang alon sa baybayin ay tila musika sa kaniyang padinig. Maganda at kahali-halina ang karagatan subalit may kaakibat iyong panganib. Ilan sa mga katribo ni Macaria ang sumubok na pumalaot noon. Nais na madagdagan ang kakarampot na pinagkakakitan. Dahil sa walang kasanayan sa pangingisda at kakulangan sa kagamitan. Marami ang hindi na nakabalik. Kaya mahigpit na ipinagbawal ng pinuno ang pumalaot at mangisda. Ipinagbabawal rin ang lumapit sa pampang. Ang sinomang lalabag ay may karampatang parusa. Tanging si Macaria lamang ang naglalakas loob na tumungo sa dalampisagan, isang beses sa isang buwan dahil sa isang paniniwala. Ang sabi ni Inang Marya na manghuhula o Manto kung tawagin sa kanilang tribo. Sa dalampasigan niya raw matatagpuan ang lalaking nakatadhana para sa kaniya. Wala pa sa isipan ni Macaria ang pag-aasawa. Pero tumatanda na ang amang namumuno sa kanilang tribo. Nais nito ay magkaroon na siya ng katuwang na tutulong sa kanila sa pamumuno sa buong Barbatura tribe. Bente anyos na siya, tamang edad sa pangangasawa. Pero ni isa sa mga kalalakihang ka-tribo na naghayag ng paghanga at nangahas na bihagin ang puso niya'y walang napusuan si Macaria. Dala ng kyuryosidad kung may katotohanan ang hula sa kaniya ni Inang Marya— tuwing katapusan ng buwan at katirikan ng araw ay pumaparito si Macaria. Naghihintay siya na hindi niya mawari kung saan, kung ano o kung sino... Tinungo niya ang malaking bato na nasa dalampasigan. Umakyat siya roon at naupo. Tinatangay ng hangin ang mahabang buhok. Hindi alintana ang alon na humahampas at binabasa ang laylayan ng suot niyang puti at manipis na bestida. Tumitig sa malayong parte ng karagatan si Macaria at tulad ng madalas niyang gawin kapag nag-iisa. Naisip niya ang inang hindi na kinagisnan. Lumaki siyang wala na ito. Ang kwento ng ama ay nawala ito pagkatapos siyang maisilang. Kaunti lang ang nalalaman ni Macaria patungkol sa kaniyang ina. Ayon kay Inang Marya na nagpalaki sa kaniya, taga-labas raw ang kaniyang ina. Kasama ito ng ilang boluntaryo na tumutulong upang pangalagaan ang karapatan ng mga katutubong tulad nila. Umibig ito sa kaniyang Ama na kasalukuyang pinuno ng kanilang tribo. Kinasal ang dalawa. Nanirahan sa isla at siya ang naging bunga. Napakaganda raw ng kaniyang ina. Sa katunayan maraming katangian ang namana ni Macaria kaya naiiba ang itsura sa mga katribo. Mapusyaw ang kulay niya sa natural na kayumangging balat ng mga katutubong Barbatura. Matangos ang ilong, makipot ang labi, mahaba ang paalon-along buhok at ang palaging napapansin sa kaniya ay ang mga matang kasing luntian ng kagubatan. Tanging ang limang talampakang taas lamang ang minana niya sa ama. Natigilan si Macaria at bumaling sa kanang bahagi ng dalampasigan nang mula sa kung saan ay makarinig ng mga pag-ungol na tila nahihirapan. Naniningkit ang matang inilibot niya ang tingin sa buong isla pagkatapos ay umawang ang labi nang huminto sa tila bultong nakahandusay ilang hakbang ang layo sa kinaroroonan niya. Sino 'yon?! Nagmamadaling bumaba sa malaking bato si Macaria at tinakbo ang nakahandusay sa may dalampasigan. Nakumpirma niyang lalaki 'yon nang makalapit siya. Nakadapa ito. Nakasuot ng puting pang-itaas na mahaba ang manggas at pantalong maong. Hindi alintana na hinahagip ito ng humahampas na alon sa pampang. Pinulot ni Macaria ang nakitang maliit na sanga ng punong pakalat-kalat. Tinusok-tusok niya iyon sa balikat ng lalaki. "H-Hoy.. hoy... dayo.. gumising ka—" nalunok niya ang sinasabi nang tumihaya. Makisig ang pangangatawan nito tulad ng mga ka-tribo niyang sanay sa pangangaso. Matangkad rin at kayumangging balat na tila kumikinang sa ilalim ng sikat ng araw. Nakatagilid ang mukha nito sa kaniya. Ganoon pa man hindi 'yon naging hadlang upang masabi ni Macaria na magandang lalaki 'to. Mahahaba ang pilik mata na pinaresan ng malalagong kilay. Matangos ang ilong at prominente ang panga.. huminto ang mata niya sa labi nito... mamula-mula pa 'yon at bahagyang naka-awang. Her heart beats faster than normal. Ano ba itong nangyayari sa kaniya? Estranghero ang lalaking 'to! Bakit niya ito pinag-iisipan ng mga bagay na hindi dapat at hindi kanais-nais! Hindi naman ito ang unang beses na makakita siya ng makisig at magandang lalaki. Sa katunayan, magandang lalaki ang Asawa ni Ataska at ang kaibigan nitong doktor! Naiiling na iniwas ni Macaria ang tingin sa labi nito at naupo sa tabi ng lalaki. Inilapat niya ang tainga sa dibdib nito. Nakahinga siya ng maluwag nang marinig ang normal na pagpintig ng puso nito. "Dayo... gumising ka..." Ilang sandaling tinatapik-tapik niya sa pisngi ang lalaki. Napitlag siya nang bahagya itong gumalaw. Tila nahihipnotismong tinitigan ni Macaria ang lalaking ngayon ay unti-unting minumulat ang mga mata. "Sino ka?" Tanong ni Macaria. Sinulubong ng itim na itim nitong mata ang kaniyang paningin. "Kaleb.. Kaleb ang pangalan ko." "Kaleb..." ulit niya. Tuluyan nang nawalan ng malay ang lalaki. Nanatili siyang tulala kay Kaleb. Kung tunay ang diyos ng karagatan na sinasabi ni Inang Marya. Ang lalaking 'to kaya 'yon? ???

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.3K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
408.0K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
475.6K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Tamed to Be Yours

read
385.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook