bc

Dangerous Gentlemen III: The Ruthless

book_age16+
5.8K
FOLLOW
30.3K
READ
billionaire
dark
second chance
goodgirl
CEO
drama
realistic earth
rejected
like
intro-logo
Blurb

Chessa’s hopeless bitter life turned 360 when she met their old Boss who provided her with everything that she needed and more than what she asked. Despite being called names, she chose to pursue her dreams and became what she feared to be. A “sugar baby”. She went home one day and found a hot stranger lying on top of her bed, who turned out to be the only heir of her boss. From then on, her complicated life became a roller coaster of emotions.

--

Disclaimer: Names, characters, places and events in this story are from the author's imagination. Any resemblance to actual person or event is purely coincidental.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Saan ka na naman nagpupupuntang babae ka? Plano mo ba na sumunod sa yapak ng Ate mo ah?” nakapamewang na bungad sa akin ni Mama, mismong pagkapasok ko ng bahay. Agad na naglapat ang labi ko para pigilan ang sarili kong bumitaw ng mga salitang hindi dapat pero ang pasensya ko ay malapit nang maubos. Pagod na pagod ako mula sa trabaho tapos ito pa ang sasalubong sa akin pagkauwi ko ng bahay. Ni hindi manlang ako tinanong kung nakakain na ba ako o ano.  Minsan napapaisip ako kung Nanay ko ba talaga siya dahil parang hindi niya ako anak kung tratuhin. Mas okay pa siguro na malaman ko na ampon lang ako.  “Oh ba’t ang sama ng tingin mo sa akin? Lalaban ka na ba ngayon ha? Tandaan mo, hindi ka nakapagtapos kaya wala kang karapatan na sumagot-sagot sa’kin,” mahabang litanya niya at dinuro pa ako.  Hindi ko maiwasang mapangisi nang mapansin ko ang ilang bote ng alak na nagkalat sa taas ng mesa. “Wala naman akong sinab,” tipid na sagot ko at nilampasan siya.  “Aba’t!-” Walang lingon-likod na sinarado ko ang pinto nang tuluyang makapasok ako sa kwarto. Naririnig ko pa ang malulutong niyang mura mula sa labas pero hindi ko na lang pinansin iyon at pasalampak na nahiga sa kama.  Malalim akong napabuntong hininga at inabot ang picture frame ng namayapa kong ate na nasa tabi lang ng kama ko.  “Hi ate. Kumusta ka na diyan? Okay lang naman ako dito,” pilit ang ngiting sabi ko at hinimas ang nakangiti niyang mukha sa litrato. Ilang taon na rin ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.  Flashback   Naalimpungatan ako sa gita ng gabi nang marinig ko ang sunod-sunod na rumaragitnit na tunog ng kung ano kaya naupo ako sa kama at inaantok na kinamot ang mata.  “Ate?” tawag ko sa kadiliman at tiningnan ang paligid. Sobrang dilim ng kwarto namin dahil walang bintana at tanging ilaw lang na papaandarin ang meron.  Ilang segundo ang lumipas pero wala namang sumagot sakin. Tumigil na din ang tunog na naririnig ko kanina.  ‘Siguro si ate lang na lumabas papuntang trabaho’ isip ko sa sarili at kibit-balikat na nahiga na ng kama. Nagtatrabaho kasi si Ate sa call center at paiba-iba ang oras ng shift niya kaya sanay na ako na lumalabas siya kahit hating gabi na.  Hindi naman nagtagal at dahil inaantok pa ako ay agad akong nakabalik sa pagtulog.  Kinabukasan ay nagising ako ng alas singko ng umaga dahil may pasok pa ako ng alas sais. Hindi naman malayo ang paaralang pinapasukan ko kaya okay lang kahit hindi ako gumising ng maaga. Walking distance lang naman. I’m currently a third year nursing student. Ayaw ko sana sa kurso na kinuha ko pero pinilit ako nina Mama na nursing ang kukunin para makalabas ako ng bansa. Kung ako ang papipiliin ay gusto ko sanang kumuha ng Tourism dahil gusto kong maging flight attendant pero wala naman akong planong itakwil ng wala sa oras ng sarili kong nanay.  Saglit kong sinilip ang higaan ni Ate at napansin na nakaayos iyon. Gusto ko pa sanang magnakaw ng ilang minutong tulog pero kilala ko na ang sarili ko. Kapag sinabi ko na five minutes lang ay aabot iyon ng thirty minutes kaya bago pa ako ma-late ay babangon na ako. Ganun kasi ako when I was still in 2nd year. Nakatanggap tuloy ako ng palo at mura nang malaman ni Mama na madami akong late at babayaran iyon kasama ng make-up duty.  Wala sa sariling kinuha ko ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto at dumeretso na sa cr.  Parang pinako ako sa kinatatayuan ko nang tuluyan kong mabuksan ang pinto ng cr at nakaharap ang bangkay ni Ate na nakalambitin sa bubong. Sobrang putla na ng itsura niya at nangingitim ang labi at mga kuko.  Ilang segundo pa akong natulala dahil pakiramdam ko ay bigla akong namanhid at hindi makapag-isip.  “Mama!” malakas na sigaw ko sa buong kabahayan nang tuluyan akong makahulma at nanginginig na naupo sa sahig dulot ng panlalambot.  End of flashback  Naiiyak na niyakap ko ang picture frame ni Ate. Noon hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang nangyari. I sided pa with Mama at sinisita ko pa siya tuwing sinasagot niya ng pabalang si Mama. Ang tanging sagot niya lang sakin noon ay “maiintindihan mo rin ako bunso kapag naranasan mo na. Pero habang nandito ako ay hindi kita pababayaan” tama nga siya. Dahil ngayon na wala na siya ay naintindihan ko na ang lahat. Naging klaro sakin ang mga sagot sa katanungan ko noon na hindi ko manlang napansin na nasa harap lang mismo ng mga mata ko.  Kinabukasan ay nagising akong mugto ang mga mata dahil sa lakas ng iyak ko kagabi. Medyo singkit kasi ang mga mata ko kaya masyado iyong halata.  “Feel ko talaga ampon ako,” usal ko habang kasalukuyan akong nakatingin sa sariling repleksyon ko. Hindi lang ako ang nakapansin kundi maging ang mga kaibigan kong nakita na si Mama na hindi daw kami magkamukha. Wala naman akong lakas ng loob na itanong iyon kaya iniisip ko na lang na nagmana ako kay Papa na hindi ko rin nakita. Iniwan niya daw kami noong bata pa si Ate tapos pinagbubuntis palang ako. Kapag tinatanong ko naman si Ate kung ano itsura ni Papa ay hindi naman niya maalala kaya wala talaga akong ideya kung ano ang itsura niya.  “Saan ka na naman pupunta. Ang aga-aga pa aalis ka na naman,” taas kilay na bungad sa akin ni Mama na nakaupo sa harap ng mesa at umiinom ng kape nang lumabas ako ng kwarto pagkatapos kong maligo at mag-ayos.  “Trabaho,” tipid na sagot ko at dumereto sa harap ng refrigerator para maghanap ng makakain.  “Anong trabaho? Eh ni pera wala ka ngang maibigay,” agad naman akong nakaramdam ng pagkairita nang mahimigan ang mapanuyang tono sa boses ni Mama.  Kunot-noong nilingon ko siya. “Anong wala? Lahat na nga ng sweldo ko sayo napupunta tapos ikaw Ma? Anong ginagawa mo? Papuntahin dito ang lalaki mong kaedad ko lang? Hindi mo ba naisip na pineperahan ka lang non ha?” galit na sumbat ko sa kanya.  “Oo alam ko. Akala mo ba hindi ko alam?” dugtong ko nang rumehistro ang pagkagulat sa mukha niya.  “Aba’t-”  Agad ko na siyang inunahan bago pa man niya masabi ang akmang sasabihin niya. “Oo Ma. Sumusunod ako sa yapak ni Ate. Ang kaibahan lang namin ay hindi ako aatras sayo,” matapang na sabi ko at padabog na sinarado ang pinto ng refrigerator. Mabilis niya naman akong pinigilan sa braso nang akmang lalampasan ko siya. Patago pa akong napangiwi nang maramdaman ko ang sakit ng kuko niyang nakabaon sa balat ko.  “Sige umalis ka. Lumayas ka na at wag nang umuwi. Pwede ding magpakamatay ka nalang kagaya ng Ate mo.” Sinamaan ko siya ng tingin at inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin.  Labis na galit ang nararamdaman ko ngayon pero ayokong bumaba sa lebel niya. Napakuyom ako ng kamao para pigilin ang sarili kong saktan ang sarili kong Nanay na parang hindi Nanay kung umasta.  “Hindi nagpakamatay si Ate,” masaganang tumulo ang luha ko dahil sa sobrang pagtitimpi at galit na nararamdaman ko. “Ikaw ang pumatay kay Ate,” malamig na sabi ko at tiningnan siya sa huling pagkakataon. Sinigurado kong makikita niya sa mga mata ko ang pagkasuklam na nararamdaman ko para sa kaniya.  ‘Tama ka nga ate. Naiintindihan ko na ang lahat’ isip ko sa sarili at mabilis na nag-empake ng gamit ko. Tama na ang tatlong taong pagtitiis sa isang taong hindi na magbabago.  “Pasensya ka na Ate kung hindi ko maibibigay ang hustisya para sa’yo. Sasalbahin ko muna ang sarili ko bago paman ako mabaliw.” Umiiyak na sabi ko habang nakatingin sa picture niya. Hinalikan ko iyon at nilagay na sa loob ng bag.  Ilang mura pa ang natanggap ko mula kay Mama nang nakita niyang bitbit ko ang lahat ng gamit ko pagkalabas ko ng kwarto pero ininda ko ang lahat dahil ito na ang huling beses na maririnig ko ang masasakit na mga katagang galing sa sarili ko mismong Nanay.  - - ✘ R E A D ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘ 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook