bc

Ella (Completed)

book_age0+
642
FOLLOW
3.0K
READ
murder
revenge
dark
like
intro-logo
Blurb

Bisperas ng pasko. Isang masayang gabi. Ngunit ito na rin pala ang huling gabi na makakasama ni Rhia ang matalik niyang kaibigan at pinsan na si Ella. At isang malagim na pangyayari ang dadanasin ni Ella na magtatakda ng kanyang kamatayan. Ngunit sa kanyang pagkamatay muling babalik ang kanyang kaluluwa upang maghiganti at magdala ng takot sa buhay ni Rhia at ng iba pang mga tao na may koneksyon sa kanya. Bakit kamo? Basahin mo ang kwento na to para malaman ang dahilan.

(Update every day at 12 Midnight.)

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ako nga pala si Rhia Reyes. Kadataon dito sa Sityo Villa Gonzalo tuwing Desyembre 25 ay ginugunita namin ang pagkamatay ng pinsan kong si Ella. May dalawang taon na ang nakakaraan.  Isang araw habang magkasama kami ng pinsan kong si Ella na naglalakad sa tulay ng Sta. Ines ay may biglang napadaan sa amin na isang pick-up car na kulay itim habang dinig na dinig sa sasakyan ang napakalakas na sound ng rock music. Ito ang sasakyan ng apat na magkakapatid na tinatawag sa aming sityo na Gonzalo Brothers. Anak sila ng gobernador na si Luis Gonzalo at ng sekretaryang asawa nito na si Lilibeth Gonzalo. Biglang huminto ang kotse ng Gonzalo Brothers sa amin dalawa ni Ella. Niyaya nila kaming sumakay at sumabay na sa kanilang sasakyan. Kaso tumanggi sa kanila ang pinsan kong si Ella. "Salamat na lang pero sanay na ang mga paa namin sa mahabang lakaran." Pero mukhang hindi ata nagustuhan ni Cedric ang pagtanggi ng pinsan kong si Ella.  "Aba, tinatanggihan mo ako Ella? Hindi mo ba alam na maraming babaeng nagkakandarapa sa akin para lamang aking pansinin. At ngayon na ako nang nasa harapan mo tatanggihan mo pa?" Mayabang na sabi ni Cedric.  "Eh, 'yon naman pala marami naman ibang babaeng nagkakandarapa sa'yo. Bakit hindi na lang sila ang isakay mo sa iyong sasakyan."  Nang biglang nagsalita si Arturo Gonzalo na pangatlo sa kanilang magkakapatid. "Eh, kuya Cedric pakipot pala 'tong chicas na gusto mo!" At hirit naman ni Juan Gonzalo na pangalawa sa magkakapatid, "Baka naman gusto lang magpapilit na isakay siya rito sa kotse natin kuya Cedric hehe?" Ngunit mukhang nababastusan na si Ella sa mga sinasabi ng Gonzalo Brothers. Kung kaya ay hindi na niya napigilan pang sagutin ang mga ito, "Hoy mga Gonzalo kung wala kayong matinong kayang gawin sa mga buhay ninyo, huwag ninyo kami idamay sa mga walang kuwentang bagay na inyong pinapaandar! Ba't di na lang kayo mag tanim ng kamote sa bukid kasama ang ibang mga obrero ninyo!" Biglang bumaba ng kotse si Cedric na namumula ang buong pisngi sa sobrang galit dahil sa sinabi ni Ella sa kanila. Kaya ang ginawa namin ng pinsan ko ay tumakbo nang mabilis sa abot ng makakaya namin. Baka kasi kung ano pang gawin sa amin nila Cedric kapag hindi kami tumakbo palayo sa kanila. Sa awa ng Diyos natakasan namin ang mga Gonzalo Brothers. Ngunit bukod sa magkakapatid na sina Cedric, Juan at Arturo ay may ikaapat silang kapatid at bunso na si Pablo Gonzalo. Si Pablo ay iba sa mga nakakatanda niyang mga kapatid. Mabait at may respeto sa kahit kaninong tao na kakilala niya. Si Pablo rin ay isang lihim na karelayson ng pinsan kong si Ella. Lihim na karelasyon dahil ipinagbabawal ng mga magulang nila Pablo sa kanila na hindi sila puwedeng umibig sa mga pobre na gaya ng pinsan kong si Ella. Tuwing gabi sa isang tahimik na burol malapit sa bahay namin ng pinsan kong si Ella  ay parating nagkikita sila ni Pablo. Dito nila nasosolo ang bawat isa. Upang hindi makita ninuman ang kanilang lihim na pagmamahalan. Noong araw din na 'yon ay sobrang saya namin ng pinsan kong si Ella dahil bente-kuwatro na ng Desyembre. At mamayang hating gabi ay magpapasko na. Napag usapan din namin ng pinsan kong si Ella na pagkatapos mag simba para sa misa ng Pasko ay tatakas kami sa bahay. Pagkauwi para mamasyal sa peryang malapit lang sa bahay namin.  Pag uwi namin sa bahay mula sa simbahan kasama ang mga magulang namin at iba pang kamag anak ay dumiretso kami ni Ella sa kuwarto niya. Dito kung saan sa bintana ng kuwarto niya kami dadaan para tumakas sa bahay. At sa perya na namin sasalubungin ang pagdating  ng Pasko. Nang nasa perya na kami ay napagdesisyunan na namin muna ng pinsan ko na maghiwalay at subukan sakyan ang iba't-ibang rides. Nang malapit nang mag alas-dose ng madaling araw ay hinanap ko na ang aking pinsan sa loob ng perya kasi meron daw fire works display pagsapit ng madaling araw. Ngunit nalibot ko na ang buong perya ay hindi ko pa rin makita ang pinsan kong si Ella. Hanggang sa nag countdown na para sa pagdating ng araw ng Pasko pero hindi ko pa rin mahagilap si Ella.  Kinakabahan na ko at do'n nang nagsimulang pumatak ang aking pawis sa noo sa sobrang takot dahil hindi ko makita ang aking pinsan. Ngunit naisip kong baka nauna nang umuwi ang aking pinsan sa bahay. Sabi niya sa akin kasi nag-aalala siya sa ginawa namin pagtakas sa bahay. Baka kasi pagalitan kami nang matindi ng mga magulang namin sa oras na malaman na umalis kami ng bahay na walang permiso. Pag uwi ko sa bahay lahat ng tao ay nahihimbing na sa pagtulog. Tiningnan ko ang kuwarto ng pinsan kong si Ella ngunit wala pa pala siya rito. Ibig sabihin nauna pa ako sa kanya. Pero saan naman kaya siya pumunta kung gano'n? Bigla kong naisip na baka nakipag kita na siya sa lihim niyang karelasyon na si Pablo sa burol. Sabi sa akin kasi ni Ella na may balak silang magtanan ni Pablo pagkatapos namin salubungin ang Pasko rito sa peryahan. Pero hindi pa naman dumarating ang alas-dose ng madaling araw. Saka hindi pa nagpapaalam sa akin si Ella na mapapaaga pala ang pagkikita nila ni Pablo sa burol. Kinabukasan ay nagising ako nang dahil sa aking naulinigang malakas na mga paghikbi sa salas, sa baba ng bahay namin. Bumaba agad ako kasi bigla akong nag-alala. Pagbaba ko ng bahay ay nakita ko ang aking mama at ang mga magulang ni Ella na humahagulgol sa pag-iyak sa may salas. Tinanong ko kung anong nangyayari at naghahagulgol silang lahat. Ang sagot naman ng papa ni Ella sa akin ay... "Rhia huwag kang mabibigla. Ang pinsan mong si Ella ay patay na!" Nagimbal ako sa sinabi ng papa ni Ella sa akin. "Ano po patay na si Ella?! Pero magkasama pa kaming dalawa kagabi kaya paano mangyayari 'yon?" Bulalas ko sa ama ni Ella.  "Natagpuan siya na wala ng buhay at maraming saksak sa katawan doon sa burol. At hindi lang 'yon nakita ang kanyang katawan na walang saplot at pinaghihinalaan ng mga pulis na maaring ginahasa ang pinsan mo!" "Tito may suspect na ba?"  "Oo, Rhia may suspect na. Kaninang umaga ay may nakitang I.D sa tabi ng katawan ni Ella. At ang I.D. na 'to ay nakapangalan kay... Pablo Gonzalo." Bigla akong napatanga sa aking narinig. Ano raw si Pablo Gonzalo? Tama ba ang pagkakadinig ko? Paanong mangyayari 'yon? Alam ng lahat na napakabait na tao ni Pablo Gonzalo. Ang alam ko mahal na mahal ni Pablo ang aking pinsan na lihim niyang karelayson. Kaya parang ang hirap paniwalaan na magagawa niya ang malagim na krimen na 'yon kay Ella. (Please LIKE and COMMENT thanks.)  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband's Mistress

read
297.0K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
414.8K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
380.2K
bc

OSCAR

read
224.9K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
271.5K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook