bc

Till We Meet Again, Isabella (Filipino)

book_age12+
2.2K
FOLLOW
6.3K
READ
family
fated
independent
inspirational
tragedy
twisted
mystery
brilliant
ambitious
first love
like
intro-logo
Blurb

Sean and his beloved got into a tragic accident. Waking up after the accident, his love, Isabella was nowhere to be found. Sean suffered from selective amnesia, Isabella is the only person he can remember. While searching for her, he developed a mental disorder called 'Schizophrenia'. What could he possibly find out in his schizo world? Will he be able to find Isabella?

chap-preview
Free preview
ONE
SEAN RILEY's POV "Malapit na tayong grumaduate, Isabella. Anong plano?" tanong ko sabay kurot sa pisngi niya.  "Anong plano? Wala nang plano-plano, Sean! Hahahaha. Kung saan tayo dalhin ng tadhana, edi d'on tayo pumunta. Ayos ba?" sagot niya na may parang nakakalokong tingin.    Hinarap ko ang mukha niya sa akin, “Hay nako, Maria Isabella Alvarez.”    Ngumiti siya, gustong-gusto talaga niya kapag tinatawag siya sa buo niyang pangalan, "Yes, Sean Riley Charles Levi Villanueva na napakahaba ng pangalan?" Matatawa ka na lang talaga sa mga reaksyon niya at sa ekspresyon ng mukha niya.  "Pumunta ka na sa klase mo, anong oras na rin oh. May klase pa ko," sabi ko sa kaniya habang inaayos ang buhok niyang tamad na tamad niyang itali.    "Oo na, sige na, itong feeling boss na 'to kung makapag-utos akala mo naman talaga," sagot niya sabay tawa.    Ayan ang bansag niya sakin. 'Feeling boss'. Hilig ko kasi siyang sabihan kung anong gagawin niya, hindi siya ganoon kagaling gumawa ng desisyon. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya pagdating sa ganitong mga bagay, pero parang ganoon na nga. Hindi naman ako manipulative or anything, siya pa nga 'yung mas nasusunod. Kumbaga sa 'tracers' o alphabet ng mga bata, ako 'yung dotted lines at dashes. Siya 'yung batang magte-trace at susulat.  Sa tuwing gagawa siya ng desisyon niya, panigurado magsisisi siya o kaya iiyak. Iyakin, sobrang iyakin. Parang nung nakaraan lang na pumili siya ng gagawin niyang thesis.  "Sean, magiging proud ka sakin!", sigaw niya habang naglalakad sa hallway.    "Ang lakas ng boses mo, bakit? Anong meron?" sagot ko habang umiiwas sa tingin ng mga tao sa hallway. "Alam mo bang nakapili ako ng gagawin kong thesis? Ako lang pumili, tapos ako lang rin 'yung nagdesisyon para sa sarili ko!!" sagot niya na para bang sobrang proud siya.    Kumikinang yung mga mata at mga ngiti niya. Tinanong ko siya kung ano yung mga choices niya para sa thesis at kung ano 'yung pinili niyang topic.    "Hmm, mayroon d'on na about sa Stem Cell, Nanotechnology, at Effectiveness of New Medicines. Magiging proud ka talaga sakin, kasi ang pinili ay..." sagot niya.    "Ano ba 'yan, masyadong pa-intense ha," sabi ko habang natatawa.    "Charan!!" Pinakita niya sakin ang papel kung saan nakasulat ang pinili niyang topic. 'Effectiveness of New Medicines' ang nakasulat. Medical-technology student kasi siya, kaya gan'on yung mga topic nila para sa thesis.    "Bakit ayan yung pinili mo?" tanong ko.    " 'Eh ayan lang yung alam kong madali. Para hindi na ko mahirapan, ayos ba?" eto nanaman yung nakakaloko niyang mga ngisi.    "Baka umiyak ka nanaman sakin kapag hindi tanggapin ni Prof. Henry yan 'ah?" pang-aasar ko.  Confident siyang sumagot, "Hindi 'no! Tatanggapin niya 'to kasi magaling ako gumawa ng thesis," sagot niya. One month after ng usapan namin tungkol sa thesis niya, pumunta siya sa bahay namin. Ang hina pa nga ng katok niya sa pinto, kaya akala ko nangti-trip lang siya.    "Oh bakit gabi ka na nagp-", natigilan ako nung nakita ko siya. Yakap niya yung laptop niya, yung mga gamit niya, saka may dala siyang isang set ng uniform.    "Seaaaaaaan!!" humahagulgol niyang sabi sabay nagpayakap sakin.    "Isabella!! Anong meron?! Anong nangyari sayo?!" sigaw ko. Mga 10PM na siguro no'n. Sa lakas ng sigaw ko, napababa sila mommy sa sala.    "Sean hindi ko kasi matapos-tapos yung thesis ko," tuloy tuloy siya sa pag-iyak.    "Akala ko kasi madali lang yung topic na pinili ko 'eh, hindi pala. Sean tulungan mo ko, huling pasahan na bukas. Late na ko ng dalawang araw, " niyakap ko si Isabella.    Natakot ako, akala ko kung ano nang nangyari sa kaniya. Kahit sobra akong nag-alala sa kaniya, nakuha ko pa rin siyang inisin.    "Ayan kasi, pili ng pili ng topic ng hindi humihingi ng advice ko, Isabella naman," nang-aasar kong tono.  Sa loob ng limang taon naming magkarelasyon ni Isabella, na-realize ko na siya na talaga yung gusto ko hanggang dulo. Consistent ako, maniwala ka man o hindi. Faithful. Ni minsan hindi ko naisip na lokohin o paiyakin yung babaeng 'yun.    Hindi tulad ng iba d'yan, kapag nagsawa aalis na lang. Kapag wala ng spark, aayaw na. Kapag hindi na masaya, maghahanap na ng iba. Alam ko sa sarili kong hindi sagot 'yung 'aalis ka sa isang relasyon kasi pagod ka na'.    Natutunan ko sa kaniya na, 'Dapat alam mo na sa isang relasyon, hindi palaging masaya. Dapat alam mo rin na hindi ikaw lagi 'yung iintindihin. Hindi ikaw palagi 'yung susundin, at wala sayo yung desisyon kung maghihiwalay kayo - nasa inyong dalawa 'yon'.    Sean Riley Charles Levi, hindi ko rin alam kung bakit gan'yan kahaba yung pangalan ko. Isa akong engineering student na magtatapos na ng college. Si Isabella naman, medical student. Naalala ko pa n'on, kung pa'no ako sinagot ni Isabella.    "Isabella!!" tawag ko. Naiinis pa siya sakin kasi palagi ko siyang kinukulit.  "Bakit ba?!" sasagot siya ng pabalang tapos may pagkamataray na hindi bagay pero ayos lang, at least sumagot siya. "Kapag sinagot mo ko, ako gagawa ng bahay n'yo saka bahay nating dalawa 'pag mag-asawa na tayo!!" sigaw kong muli.    Natawa siya ng bahagya, kaya medyo nabuhayan akong bumanat ng mga ganitong lines sa kaniya.    " 'Pag hindi ka tumigil ng kakakulit sakin i-di-dissect ko 'yang katawan mo!" sagot naman niya. Dissect? Mukha ba akong palaka?  "Baka 'pag di-nissect mo katawan ko makita mo yung mukha mo sa puso ko," banat ko sabay 'ayie' ng mga tropa kong binayaran ko pa para magkaroon ng audience impact.  Para sa isang Grade 11, medyo panis na 'yung mga banat ko. Ang weird kasi ng nasa isip ko, baka lalo siyang mainis sakin kapag binanatan ko siya ng line na, "Gawan kitang bahay, para magkasama tayo habang buhay," o kaya "Kumain ka ng bakal, para sakin ka ikasal," ewan ko, ako lang yata yung papasok ng engineering ng puro bato, bakal, at plywood ang nasa utak.  Isang taon ako pinahirapan ni Isabella. Finally, dumating yung araw na pinakahinintay ko. Recognition namin n'on tapos kasama niya pa mommy niya.    "Sab 'yun yata ba yung lalaking nasa home screen wallpaper mo?" sabay turo sakin. Nagulat ako. Giniginaw at hindi makagalaw, pinipilit ang pusong... 'wag na tumibok kasi nakakakaba!! Sa pagkakaalam ko kasi, bawal mag-boy friend 'tong si Isabella.    "Ano po 'yun my?" tanong niya. Hindi niya yata narinig 'yung sinabi ng mommy niya.    "'Yun ba 'yung lalaking nasa wallpaper mo? Ayun oh," sabay turo sakin.    "Hala ma, 'wag ka naman pong maingay baka marinig niya. Saka mama dare lang 'yun hindi ko rin siya boyfriend," palusot niya.    "Weh, 'di nga?" nang-aasar na tanong ng mommy niya. Parang millenial 'yung mumma niya 'eh, sadyang ayaw lang ni Tita Kendra masaktan 'yung nag-iisa niyang anak. Lalo na't wala na 'yung papa ni Isabella. Hinila siya ni Tita papunta sakin.    "Iho, hello. Ito nga pala 'yung anak ko, si Isabella. Magkakilala kayo?" sabi niya.    Nagulat ako, nakatulala lang ako sa loob ng isang minuto. Binabasa ko lang yung mukha ni Isabella na parang namumula na mahihiya na hindi ko ma-gets?    "Ah, o-opo.. Magkaklase po kami," sagot kong nagp-pretend na hindi kinakabahan at pinapakitang gwapo-with-a-class ako.    "Kung sakaling magiging girlfriend mo 'yung anak ko, paki-usap ko lang na 'wag na 'wag mo siyang papaiyakin, okay? Mababaw kasi luha nito, at saka masyadong malambot ang puso. Deal or no deal? Deal ka na, 'di ka naman luge," sabi ni Tita Kendra na para bang ine-endorse yung anak niya.  Sinabitan na ng medal si Isabella. Siya yung rank 1 namin, ako naman yung rank 2. Kung tutuusin kaya kong mag-rank 1. Pero naniniwala ako na, "Kapag mahal mo, magpapaubaya ka". Pagbaba namin ng stage, kinausap niya ko.    "Basta gagawan mo ko ng bahay ah," sabi niya. Natawa ako bigla pero nagtaka rin ako sa sinabi niya. Bakit naman 'basta gagawan mo ko ng bahay' yung sinabi niya? Aaaah, oo nga pala. Nung unang buwan na niligawan ko siya, sabi ko na gagawan ko siya ng bahay kapag sinagot niya ko.  Maria Isabella Alvarez, buo niyang pangalan. Sa totoo lang, we are the exact opposite versions of each other. English na parang may lahi yung name ko, sa kaniya naman parang pangalan ng babaeng nabuhay sa panahon ng mga Espanyol. She loves the ocean, and I love the heavens.    Mahaba ang buhok ni Isabella. Natural yung pagka-curly ng buhok niya. Kung id-describe naman 'yung height niya, parang nasa 10th grade, hindi pang-college. Mahilig siyang kumanta. Kapag naririnig niya yung pag-strum ko ng gitara, lalapit agad 'yun saka kakanta. Nakaipon na nga kami ng fifty videos namin na nagja-jamming kaming dalawa. Pero nakatago lang 'yun sa drawer ko. Hindi namin ina-upload o ipinapakita sa iba. Kasi usapan namin, ilalabas 'yun kapag kinasal na kami.    Mataas ang pangarap ni Isabella. Unlike any other college girls samin na gusto lang mag-rely sa boyfriends nila after college, ibang-iba siya. Gusto niya daw magtrabaho sa public hospitals o kaya gumawa ng sarili niyang hospital. Mas gusto niya daw na makatulong d'on sa mga hindi matataas ang estado sa buhay.     Sabi niya pa nga, "'Yung mga mayayaman kasi kaya naman nilang magpagamot kahit abutin ng bilyon yung gagastusin nila. 'Eh yung mga mahihirap? Kapag walang pambayad minsan inii-snob pa ng mga ibang doctor. Hindi lang naman mga mayayaman yung may karapatang madugtungan 'yung buhay", doon ko siya pinaka nagustuhan.  [Walang taong nabuhay para maging mag-isa. Siguro may mga tumatanda at matatamay na walang naging pag-ibig, pero siguradong mayroon silang minahal kahit isang beses sa buhay nila. Mayroong taong nakatakda para sa atin; depende na lang satin kung pipiliin nating maghintay, o mamadaliin natin ang paghahanap. Kaya nga may spaces sa pagitan ng mga daliri natin - ibig sabihin, may specific na taong kukumpleto sa empty spaces na 'yun.]

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.6K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.1K
bc

Just Another Bitch in Love

read
27.8K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K
bc

Married By Mistake

read
170.7K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook