bc

Oh My Gay

book_age16+
588
FOLLOW
2.6K
READ
drama
comedy
bxg
campus
city
office/work place
friendship
lies
like
intro-logo
Blurb

Kier and Sky are best friends since elementary. Halos sa lahat ng bagay ay nagkakasundo sila.

They even have the same favorites - colors, foods, movies, etc. Hindi talaga maitatanggi na kilala nila ang isa't isa.

Dahil sa rami ng pagkakaparehas nila kung kaya sila nagkakasundo.

Maliban lang sa isa, they also have the same crush.

Exactly, Kier is a guy, este a gay and Sky is a girl, very pretty girl.

But an accident changed their lives.

Kier died on a plane crash on the day of Sky's 18th birthday pero dahil sa huling pangako na binitawan sa kaibigan ay

nakadalo ito sa 18th birthday niya.

His looks are really different. Ang Kier na kilala ni Sky ay biglang nagbago. Mula sa pananamit hanggang sa pananalita.

Hanggang sa 'di naglaon ay tuluyan nang nahulog ang loob niya sa kaibigan.

Pero dahil mapagbiro ang tadhana, hindi niya aakalain na may sikreto pa lang nagkukubli sa tunay nitong pagkatao.

Ano nga ba ang itinatago nitong sikreto?

At paano malalaman ni Sky ang totoo?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Malalakas na kulog at kidlat. Kasabay ng malalakas na katok mula sa pintuan.   "Ano ba girl? Huwag mo 'kong itulak!"   "Bilisan mo na kasi,"   Patuloy ang malalakas na katok. Lalong pagbilis ng kalabog ng puso ng dalawa dahil sa labis na kaba at takot.   "Ikaw na kaya rito, natatakot din ako no?"   "Ikaw na. Ikaw ang lalake e."     "Excuse me, mas maganda pa ako sa'yo."   Isang malakas na lagabog naman ang biglang narinig nila mula sa labas ng pinto kung kaya napayakap sila sa isa't isa.   "Buksan n’yo na nga 'to. Nilalamig na ako rito kanina pa." Boses ng isang lalake mula sa labas.   "Pa?" at dali-dali namang nagtungo si Sky sa pintuan at pinagbuksan ito ng pinto.   "Kanina pa ako kumakatok pero parang wala kayong balak na buksan ang pinto," masungit na sabi ni Mang Lucio, ang papa ni Sky.   "Tito, eto po kasing anak ninyo kalerkey masyado. Porket brownout akala kaagad may multo sa labas," sabi ni Kier habang isinasara ang pinto.   "Aba nagsalita ang hindi takot," pang-aasar naman ni Sky matapos abutin ang bag ng ama.   "Oo na," tanging tugon lang ni Kier bago bumaling sa ama ni Sky. "Tito, mauuna na po akong umuwi at baka ma-stranded pa ang beauty ko rito sa bahay n’yo."   "Sige iho, mag-ingat ka at malakas ang ulan."   "It's iha, tito," pagtatama nito.   Akmang lalabas na sana ng pintuan si Kier nang marinig niya ang sinabi ng kaibigan na sinang-ayunan pa ng ama nito.   "Nako, mas nakakatakot sa labas ngayon. Madalas pa naman may nagpapakita kapag malakas ang ulan. 'Di ba pa?" pananakot ni Sky.   "Oo nga, iyon din ang sabi-sabi ng mga matatanda,"   "Ah… Tito?" Bigla namang humarap si Kier sa dalawa na may nangungusap na mga mata.   "Ano 'yon, Kier?" tanong ng ama ni Sky.   "Pwede po bang dito na ako makitulog ngayong gabi? Tatawag na lang ako sa bahay para ipaalam sa kanila na hindi ako makakauwi. Alam n’yo na, malakas ang ulan. Baka masira ang beauty ko."   "Nako nakaayos na ang tutulugan mo bakla. Tara na," mabilis naman na tugon ni Sky at saka kinaladkad ang kaibigan patungo sa kaniyang silid.   Alas-onse na subalit nananatiling dilat ang mga mata ng dalawa.   "Bakla, ano 'yon?" tanong ni Sky nang makarinig ito ng pagkalabog sa labas ng pinto ng kaniyang kwarto.   "E-ewan ko. Bakit ako ang tinatanong mo?"   "Tingnan mo kung ano 'yon," sabi ni Sky habang tinutulak ang kaibigan.   "Bakit hindi ikaw ang tumingin?" Halos ipako naman ni Kier ang kanyang mga paa sa sahig dahil sa kabang nararamdaman. Ayaw niya talaga ng mga ganoong eksena. Pumapasok kasi bigla lahat ng eksena ng pagpatay sa kanyang isipan na napapanood niya sa mga horror at suspense movies.   "Ikaw na. Natatakot ako e. Ikaw ang lalake sa atin," sagot naman ni Sky. Dahil sa narinig ni Kier mula kay Sky ay nakaisip ito ng magandang plano para sa kaibigan.   "Oo na. Ako naman palagi," sabi nito bago tuluyang lumabas ng silid.   Ang hindi alam ni Sky ay may kalokohan na pa lang naisip ang kaibigan. Tahimik lang siyang naghihintay sa pagbabalik ni Kier nang muli siyang makarinig ng malakas na kalabog sa labas ng pinto.   "K-Kier, bakla ikaw ba 'yan?"   Ngunit hindi ito sumagot bagkus ay napansin niya ang paglapit ng isang anino sa pintuan ng kaniyang kwarto at inikot ang seradura ng pinto hanggang sa tuluyang bumukas ito. Tumambad sa kanyang harapan ang isang puting tela na kasalukuyang lumulutang ngayon sa ere.   "Wahh! Kiieerr!" Napasigaw siya sa labis na takot at kaagad na nagtalukbong ng kumot. Nararamdaman naman niya ang unti-unting paglapit ng presensya nito sa kanya hanggang sa tuluyan na nitong hinaltak ang kanyang kumot. Nanginginig na ang kaniyang buong katawan. Halos mangiyak-ngiyak na rin siya sa takot hanggang sa makarinig siya ng mahinang bungisngis mula rito. Tumingin siya rito at natagpuan ang kaibigang halos maubusan na ng lakas sa pagpipigil ng tawa.   "Hindi ka nakakatuwa!" naiinis na sabi niya.   "Nakakatawa ka, Girl, kung makikita mo lang ang itsura mo. Pang best actress sa isang horror movie," sabi nito habang hawak pa ang tiyan sa katatawa.   "I hate you, Kier!"   "Oh! I love you, Girl." Kasunod noon ay ang pagyakap ni Kier sa kaibigang ngayon ay naiinis sa ginawa niya.   "Sorry na, Girl. Bukas iti-treat kita sa Savory," panunuyo pa nito.   "Talaga? Walang bawian?" paniniguro naman ni Sky.   "Oo naman," tugon nito sabay kindat pa.   "O siya, matulog na tayo."   Tahimik lang si Sky habang nakahiga katabi si Kier. Hindi niya alam pero ayaw siyang dalawin ng antok. Sinubukan niya sanang bumangon ngunit grabe ang pagkakalingkis ng braso ni Kier sa kanya. Kung hindi lang talaga bakla ang kaibigan niya ay hindi malayong mahulog siya rito. Mabait kasi ito. Hindi gaya ng ibang mayayaman, mababa ang loob ng pamilya nila Kier. Feel at home nga siya tuwing pupunta sa bahay nito at lahat halos ng pagmamahal ng pamilya nito ay ibinibigay sa kanya lalo na ang ina nitong si Millet. Sampung taon na rin kasi mula nang mamatay ang kaniyang ina kaya ganoon na lang ang pananabik niya sa yakap ng isang ina.   "Malapit na ang debut ko. Ikaw ang last dance ko ha?" bulong niya sa natutulog na si Kier. Napangiti pa siya nang maisip niya ang itsura nito habang naka-toxedo. Gwapo naman kasi talaga ang kaibigan niya, iyon nga lang ay minalas talaga na naging bading pa ito.   "Good night, Bakla." Bago niya ipinikit ang mga mata.   Kinabukasan, biglang nagising si Sky sa lakas ng hampas na naramdaman niya sa kaniyang puwetan.   "Aray!" reklamo niya habang nananatiling nakapikit.   "Hoy! Girl, gumising ka na riyan. Tanghali na. May pupuntahan tayo," sabay hatak nito sa kaniyang kumot.   "Ano ba kasi 'yon? Inaantok pa 'ko. Maaga pa naman e."   "Tirik na ang araw, Sky. It's 1 pm already. Anong maaga ka pa riyan? Echosera ka. Kung hindi lang importante 'yong pupuntahan natin malamang umalis na ako rito kanina pa at umuwi na," sabi nito sabay lapit sa salamin at iginuhit pa ng daliri ang sariling kilay.   "Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong naman niya sa kaibigan. Sa isip-isip niya, ano na naman kaya ang pakulo ni Kier? Alam kasi ni Sky na puro talaga suprises ang kaibigan niya kaya hindi na siya magtataka kung isang araw ay sabihin nitong ikakasal na ito sa isang babae.   "It's a surprise, my dear." Gaya na nga ng hula niyang isasagot nito sa kanya.   Kaagad siyang bumangon at nagtungo sa banyo. Tatlumpung minuto ang nakalipas bago siya nakalabas ng banyo. Kaagad siyang nagtungo sa walking closet na karugtong lang din ng kaniyang banyo at doon nagbihis ng susuotin niyang damit, T-shirt na tinambalan ng blue jeans, at rubber shoes. Hindi naman siya maarte manamit at bukod pa roon single naman siya kaya para sa kaniya ay hindi niya na kailangang magpaganda nang sobra. Humarap siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Kaunting puldo at lipstick lang ay ayos na. Bigla niyang naalala si Kier kung kaya kinailangan niyang magmadali dahil mainipin pa naman ang baklang kaibigan niya, baka mamaya ay mag-switch na naman bigla ito ng mood. Moody pa naman ang kaibigan niyang ito.   Matapos ang isang oras na paghihintay ay ang salubong na kilay ni Kier ang tumambad sa kanya sa pinto.   "Ay pancit ng kalabaw!" Napasigaw pa siya nang mabungaran ito. Buti na lang din at nakabihis na siya. Tanging suklay na lang ang gagawin niya. "Nakakagulat ka naman."   "Heller, Sky! Iyon na ba ang pinakamabilis mong pagtambay sa banyo? Bruha ka! Late na tayo!" Padabog nitong kinuha ang bag at ang gamit ni Sky sabay labas sa kwarto. Pabalibag pa nitong isinara ang pinto dahil sa pagkairita.   "Matagal na ba iyon para sa kanya?" Nakakunot ang noo ni Sky habang bumubulong at tila hindi pa rin niya naa-absorb na isang oras siyang nag-asikaso. Sino ba naman ang hindi mabubwisit sa kahihintay?   Pagkasakay niya ng sasakyan ni Kier ay kaagad itong pinaharurot ng kaibigan na halos lumipad na sa tulin. Muntikan pa nilang mabangga ang isang pampasaherong bus dahil sa bilis ng takbo ng kotse nito.   "Baakkllaa! Slow down." Todo kapit naman siya sa pinto ng kotse nito. Kasi naman ninenerbiyos na siya. Pakiramdam niya ay magpapatiwakal na ito.   Ganoon na lang ang pag-head bang ng ulo niya nang bigla itong huminto sa tapat ng isang mataas na gusali. Mabuti na lang at naka-seatbelt siya. Nabasa niya ang nakalagay na karatula sa tabi ng pintuan ng gusali, The Heirs Residences. Isang condominium building na pag-aari ng pamilya nila Kier. Eto ang unang beses na makakapasok siya sa isang napakataas na gusali. Ayaw na ayaw niya kasi talaga sa matataas na lugar dahil may fear of heights siya. Tiningnan niya ang relo at nakitang tatlong oras lang pala ang naging byahe nila. Ganoon kabilis silang nakarating sa Tagaytay mula sa Manila. Hindi niya man lang naramdaman ang traffic na nadaanan nila dahil tuwing magbeberde ang ilaw sa traffic light ay bigla nitong pinahaharurot ang sasakyan.   Dire-diretso lang na bumaba si Kier kaya sinundan niya na lang. Tahimik lang ito at walang sinasabi nang bigla itong humarap sa kaniya at inayus-ayos ang buhok niya.   "Dapat maganda ka kapag nagkaharap na kayo." Napakunot naman ang noo niya sa sinabi nito.   "Ano ba kasi ang ginagawa natin dito?" tanong ni Sky.   "Girl, nakikita mo ang pinakatuktok ng building na ito?" tanong din nito sa kanya. Kaya tumango naman siya bilang tugon dito.   "Ihahagis kita mula roon pababa rito sa kinatatayuan mo."   Napairap naman siya bigla sa sinabi nito kasabay noon ay ang paghampas niya sa braso nito. "Bakit nga kasi?"   "May ipakikilala ako sa iyong boylet ko." Nabulunan pa siya ng sarili niyang laway sa narinig mula rito. Sabay, talikod nito at lakad papasok sa elevator.   "T-teka," habol pa niya.   "Diyan ka lang. Kikiligin ka rin mamaya," at tanging kaway na lang ang nakita niya mula rito bago tuluyang magsara ang pinto ng elevator.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.5K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.2K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.7K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
408.0K
bc

NINONG II

read
618.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook