bc

The Romantic Heartless

book_age18+
2.6K
FOLLOW
12.5K
READ
arrogant
drama
tragedy
detective
betrayal
childhood crush
first love
school
wild
like
intro-logo
Blurb

RACE CLUB BOYS SERIES #5

( Harry Fuentebella )

WARNING (SPG )

Harry Fuentebella & Joan Guevarra-story

"Kalimutan mo man ako wala akong pakialam! Basta ang alam ko... ikaw ang Joan na kilalang-kilala ng puso ko..."

-Harry

High school pa lang si Joan ay crush na niya si Harry na kaklase ng bestfriend niyang si Jhanna. Daig pa niya ang isang stalker sa ginagawa niyang pagsunod ng palihim dito. Kahit alam niyang may gusto ito sa bestfriend niya. Natigil lang ang kahibangan niya nang mag-graduate sila at mag-aral ito sa ibang bansa.

Sa paglipas ng taon ay muling nagkrus ang landas nila. Ang akala niya ay nakalimutan na niya ito, pero hindi pala at mukhang mas lumala pa! Naglakas loob siyang magtapat dito at magbigay motibo, na napagtagumpayan naman niya nang may mangyari sa kanila.

Ang akala niyang kaligayahan na pang matagalan ay isang panaginip lang pala nang harap-harapan nitong ipakita sa kanya ang paglalandi nang ibang kabaro niya.

Labis nasaktan si Joan, kaya wala sa loob niyang iwan ang bestfriend niya sa lugar kung saan niya nasaksihan at naranasan ang una niyang kasawian.

Sa ilang buwang paglisan at hindi pagpapakita dito ay napagdesisyunan niyang handa na siya...handa na siyang magpapakita at kalimutan ito.

Ngunit, paano kung ito naman ang maghabol sa kanya at handang magpakatanga para lang ibalik ang dating pagtingin niya? Uulitin pa ba niya, gayong naka-move on na siya?

chap-preview
Free preview
C1- TRH
"Bes, handa ka na ba?" excited na tanong ni Joan sa bestfriend niyang si Jhanna. First day of school nila sa huling taon ng high school. Yes, fourth year high school na sila at gagraduate na rin sa wakas! Kolehiyo na rin sa susunod na pasukan. Ang sarap sa pakiramdam dahil konting kembot na lang, makapagtrabaho na rin siya. Makakatulong na rin siya sa Mama at Papa niya kahit papano. Hindi naman sila nahihirapan dahil maganda naman ang trabaho ng Papa niya sa abroad. At bukod doon, nag-iisang anak lang din siya kaya medyo maalwan sila sa pera. Sadyang, gusto niya lang talagang kumita ng sariling pera. Dahil gusto niya, sariling pera ang wawaldasin at hindi galing sa mga magulang niya. Para kasing masarap sa pakiramdam na ang gagastusin niya ang perang pinaghirapan niya mismo. At iyon ang gusto niyang maranasan. Kagabi pa siya hindi mapakali sa sobrang excited niyang pumasok sa araw na 'yon, kaya halos hindi rin siya makatulog at paikot-ikot na lang sa kanyang higaan. Minsan tumatayo at nagpipindot sa phone niya kaya lalong hindi siya makatulog dahil nakikita niya rin ang ibang estudyanteng nagpo-post na excited din na pumasok, na kagaya niya Hanggang sa sumapit na nga ang umaga ay hindi na talaga siya nakatulog pa. Kaya minabuti niya na lamang na maligo na lang para hindi siya kapusin pa ng oras sa pagbibihis. Kaya ang ending ngayon, ang laki ng eyebags niya at halatang-halata naman dahil kanina pa siya pinagtatawanan ng bruha niyang bestfriend. Kahit pinandilatan niya na ito para lang tumigil, pero ang bruha niyang bes, ay humagalpak pa ito ng tawa na halos hindi na ito makahinga dahil tuwang-tuwa ito sa itsura niya. Pero ayos lang, dahil kayang-kaya niya naman ang buong maghapon na hindi makatulog sa klase. At saka, sanay na rin naman siya sa ganitong madalas na nangyayari sa kanya kapag sobrang saya niya. Ganito naman siya palagi, mababaw lang ang kaligayahan. Ayaw niyang masyadong nega dahil nakaka-chaka lang mukha. Ayaw niya nga sanang kumain kanina kung hindi lang siya pinilit ng mahal niyang ina. Siyempre, ayaw niya itong mag-alala sa kanya kaya sumubo na rin siya kahit konti. Pero pitong subo lang ng kutsara para makita nitong sarap na sarap siya sa mga niluluto nito sa kanya. Ganoon niya kamahal ang kanyang ina dahil wala na itong ginawa kundi alagaan siya mula pagkabata hanggang sa lumaki na siya. Parang baby pa rin ang turing nito sa kanya. Hindi niya naman ito masisisi dahil nag-iisang anak lang siya. Nang minsang naitanong niya ito sa Mama niya, ang sagot nito ay nahirapan daw itong ipinanganak siya at muntikan na itong ikamatay. Kaya nagdesisyon ang mga magulang niya na huwag nang mag-dagdag pa ng anak. Kaya eto siya, nag-iisa at boring na boring dahil wala man lang siyang kaagaw sa lahat ng bagay na binibigay ng mga ito sa kanya. Syempre, gusto rin niya ng kapatid pero ayaw na talaga ng magulang niya na sundan pa siya. "O, ano na? Tulala ka na diyan! Kaya mo pa ba?" nakangising tanong sa kanya ng bes niya sabay hampas sa balikat niya. Kaya kumurap-kurap siya para ipakita dito na kayang-kaya niyang hindi makatulog sa klase nang araw na iyon. Dahil kapag nagkataon, mapapahiya siya sa unang araw ng pasukan nila. "Oo naman, bes! Ako pa ba?" maangas rin niyang sagot dito. Kahit ang totoo ay gustong-gusto niya nang humilata sa malawak at malambot niyang kama. Pero mukhang kakainin niya yata ang sinabi niya kanina dito. Sa tingin niya kasi ay makakatulog siya nito sa klase. "Kainis! Sana lumaklak pala muna ako ng kape kanina bago pumasok." "Tara na nga!" inis niyang yaya dito at nauna nang maglakad papuntang sakayan. "'Yan ang bes ko! Mayabang pa rin kahit halatang-halata naman na babagsak na talaga ang mga mata," mapang-asar pa nitong sabi at tumawa ng bahagya. "Kaya ko, bes, huwag ka!" nakangisi niya rin na tugon. "Gwapo lang ang katapat nito, bes! Makikita mo, gising na ako!" nakaingos niyang wika dito. "Buang ka talaga! Ang hilig mo sa gwapo. E, lolokohin ka lang naman no'n!" nakasimangot nitong tugon sa sa kanya. "Siyempre! Sa pangit kong 'to? Pipili pa ako ng pangit? Kumusta na ang itsura ng anak namin?" pairap niyang bigkas dito sabay nguso dito bago pumasok ng jeep. Sumunod na rin rin ito sa kanya at kaagad silang umupo sa may bakanteng upuan. "Manong, bayad po. Dalawang studyante," sabi niya kay Manong driver sabay abot dito ng pamasahe nila ni Jhanna. "Uy! Bakit mo pa ako binayaran? E, may pamasahe naman ako." mariing angal ng bes niya. "Hayaan mo na! Para makatipid ka," tugon niya sabay kindat. "Ikaw talaga, lagi kang ganyan. Lagi mo na lang akong nililibre. Nakakahiya, wala na tuloy akong mukhang ihaharap sa 'yo." madrama pa nitong saad. Tumaas ang kilay niya nang marinig iyon. "Wow, ha? Ang drama!" irap niyang sagot. "Baka sisikat ka niyan at snob mo na ako!" dagdag niya pang biro dito. Namula ang mukha nito. "Buang ka talaga, bes!" Natatawa rin nitong sagot. "Makalimutan ko na ang lahat, huwag lang ikaw!" dugtong pa nito. "Wow! Humugot pa!" natatawa niyang saad. Kapag magkausap talaga sila, parang wala sa ulo. Dahil kung anu-ano na lang ang lumalabas sa kanilang bibig . Pero kahit kailan ay hindi pa sila nagkapikunan nito. Marahil ay nagkakasundo talaga sila sa lahat ng bagay. Kahit ang simpleng pamimilosopo nila sa isa't isa ay balewala lang sa kanila at hindi nila ito sineseryoso. Kaya siguro tumagal ang pagkakaibigan nila, dahil doon. Open naman sila sa isa't isa kaya gano'n sila ka-close. Dahil ang rules nila, bawal ang sekreto sa isa't isa. Iyon ang sumpaan nilang dalawa magmula nang maging magkaibigan sila. "Manong! Para po.." hiyaw niya sa driver nang makita niya na ang paaralan nila. "Baba na, bes," kaagad niyang saad at tinulak ito nang mahina para lumabas. Kaagad rin naman itong sumunod nang makita rin nito ang paaralan nila. Napangiti siya nang makita niya na ang malaking gate ng paaralan. Lumingon siya dito at ngumiti. "Bes, ang usapin natin, ha?" nakangiti niyang paalala dito. "Kailangan ba talagang gawin 'yon? Nakakailang kaya," nakanguso nitong balik-tanong. Ramdam niya na agad ang pagtutol nito kaya tinaasan niya ito ng kilay niyang maganda. "So, ayaw mo?" mataray niyang tanong. Lalo pang tumulis ang nguso nito nang tumingin ito sa kanya. "Bakit pa kasi kailangan mag-english? E, hindi naman tayo mayaman, no?" Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Bakit? Sila lang ba ang may karapatang magsalita ng spoken dollar?" may bahid na inis niyang tanong dito. "Bahala na nga!" inis nitong sabi sabay talikod sa kanya. "Uy! Hintayin mo 'ko!" sigaw niya saka hinabol ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook