bc

Mass Attendance [TAGALOG]

book_age12+
212
FOLLOW
1K
READ
possessive
friends to lovers
arranged marriage
dominant
manipulative
sporty
comedy
bxg
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

“Thinking of you keeps me awake. Dreaming of you keeps me asleep. Being with you keeps me alive.” – Kyle

▼△▼△▼△▼△

Mass attendance, naranasan n'yo din bang magpa-perma nito pagkatapos ng misa noon bilang project sa school?

Para kay Jhe ang normal na mass attendance na ito ay isang malaking milagro para sa mga kaklaseng kailangan makarinig nang pahayag ng pari at salita ng Dyos, in short ay para sa mga kaklaseng luko-luko at wala nang pag-asa.

Pero hindi rin niya inaasahan na dahil din dito ay makikilala niya ang isang lalaking may sapak ata sa utak, stalker at madalas niyang tawagin na Dude kesa sa pangalan nito.

Mula sa isang simpleng pagkakaibigan na nabuo sa lagi niyang pagkikita sa simbahan ay mauuwi sa isang kasalan na hindi nila inaasahan.

Ito ba ang sisira sa pagkakaibigang binuo nila o mas magpapatibay sa relasyon na meron silang dalawa?

[IF YOU LIKE THE STORY, PLEASE DON'T FORGET TO FOLLOW ME AND CLICK THE HEART. THANK YOU!]

©2021Cutiecane23

chap-preview
Free preview
Chapter 1
JHE POV "Thank goodness na tapos na din ang general cleaning sa buong bahay," pagod na saad ko pa sa aking sarili, habang nagpupunas ng pawis sa noo. Linggo ngayon kaya full na naman ang schedule ko sa buong maghapon. Una maglinis ng bahay, maglalaba at gagawa ng mga assignment o project kung meron at syempre hindi ko pwedeng kalimutan ang isang bagay na lagi kong ginagawa kapag linggo. Ano pa eh di pagsisimba. Kaso hindi naman ako katulad ng iba na nagsisimba pag umaga, mas gusto ko kasi hapon dahil marami pa akong dapat gawin pag umaga at mainit din ang sikat ng araw kaya mahirap maglakad. Wala pa naman ako laging pamasahe para makasakay sa jeep kaya no choice kung di maglakad kaya bago ka pa makarating sa simbahan ay hagard ka na ako. Saklap ng buhay ng mahihirap. Napailing ako dahil sa mga bagay na aking iniisip. 'Ano ba yan lumipad na naman ang utak ko kaya lalo akong natatagalan sa mga gawain eh.' Dahil sa pagiging abala, hindi ko namalayan na alas tres na pala ng hapon, kailangan ko nang maghanda para sa pagpunta sa simbahan. Matapos akong maligo at magbilis ay isinarado ko nang maayos ang bahay bago umalis. Wala namang ibang tao sa aming bahay sapagkat nasa trabaho ang silang lahat. Ang aking ama ay isang jeepney driver habang ang aking ina naman ay magtitinda ng mga gulay sa palengke. Nasa school naman ang aking kuya, 3rd year college na siya. Habang naglalakad ako sa may tabing kalsada nakasabit sa aking balikad ang bag na hiniram ko pa sa aking kuya. Nakalagay dito ang dala kong payong baka sakaling umulan, narito din ang isa sa pinakamahalagang bagay na dapat kong dalhin iyon ay ang mass attendance ko at ballpen. Tama, may mass attendance kami, pakulo lang naman ito nang magaling naming teacher sa values education at adviser din. Pero kung iisipin nang mabuti, thankful din ako dahil yung mga kaklase kong walanghiya ay nabibigyan ng pagkakataon na makapagsimba at marinig ang pahayag ng pari kada linggo. Sana nga lamang ay talagang nagsisimba sila. Sabi kasi ni sir kapag daw hindi namin nakumpleto ang slots na nasa mass attendance sheet, hindi daw kami maaaring maka-graduate sapagkat kulang ang performance task namin sa subject niya. Fourth year high school na kasi kami at ilang buwan na lamang ay malapit na kaming grumaduate. Habang tahimik akong naglalakad at lumilipad ang utak, hindi ko napansin na hindi na pala ako sa side walk naglalakad kung hindi sa gitna na ng kalsada. BEEPP!!! "OY TUMABI KA DYAN !!! NAGPAPAKAMATAY KA BA?" Sa sobrang gulat ko sa busina at sigaw ng driver ng jeep ay halos atakihin na ako sa puso at bahagyang napatalon sa aking kinatatayuan bago mabilis na nagtatakbo papunta sa gilid ng kalsada. 'Ayan na naman kasi itong paglipad ng utak ko eh, siguro kailangan ko na talagang iwasan ito kung gusto ko pang tumagal buhay ko.' Napailing pa ako ng ilang beses. Pero dahil din sa nangyari at sa init ng araw ay naisip kong kalkalin ang aking bag baka kasi may naligaw na barya at makasakay pa ako ng jeep, pagod na rin kasi ako at kahit hapon na iba pa rin ang init ng araw ngayon, pakiramdam ko ay tagos ito sa payong na aking gamit. Kinalkal ko ang bag at sa di inaasahang pagkakataon ay maswerteng may nakuha nga ako na sapat bilang pamasahe patungo doon. Sigurado naman akong hindi na mainit pag nakalabas ako ng simbahan kaya wala nang problema ang paglalakad pauwi. Nang may dumaan na jeep ay pinara ko na iyon, syempre pag sakay ko pa lang ay nakiusap na ako sa aking katabi para iabot ang bayad ko sa driver. "Ate, paabot naman po ng bayad," magalang na sabi ko dito. Pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ako pinansin at pinagpatuloy ang pakikipagchismisan sa mga echosera niyang mga kaibigan. 'Bwisit to ah,' isip-isip ko pa, hindi ba nila alam ang values ng pagtutulungan sa loob ng jeep? Okay try na lang ulit ako. "Ate bayad po!" medyo nilakasan ko na din ang aking boses para marinig nila. Baka kahit isa ay may humarap. Jushiee, kung hindi pa yung kasunod na ale ang kumuha ng bayad ko ay baka na stoke na ang kamay ko sa pagkangalay. Kung pwede lang akong lumipat ng upuan malapit sa driver, ako na sana ang magbabayad ng personal. Kaso wala nang bakanteng upuan sa unahan. Napabuntong hininga nalang ako at napatanong sa sarili. 'Bakit ba may mga taong kagaya nila? wala man lang pakisama. Hindi ko na lang din inisip at baka sumakit pa ang ulo ko dahil sa kanila. Bago pa ako makatingin sa ibang dereksyon, may isang bagay na naka agaw ng aking pansin, iyon ay ang ID na suot ng mga kababaihang nasa aking unahan. Ang grupo ng babaeng pinapakiusapan ko ng bayad kanina. Napatingin din ako sa aking sarili at nasigurado na parehas nga kami ng school na pinapsukan, katulad ng ID na suot ko ang nakalagay sa leeg nila. Ngayon hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon na lamang ang asal nila, kilala kasi ang school namin sa mga luko at gagong estudyante. Tapunan nga daw ng mga kickout na estudyante galing sa ibang high school ang aming paaralan, yan pa ang balita ko noong first year ako. Pero ngayong ga-graduate na ako doon pagkatapos ng apat na taon, masasabi kong hindi isang kwento o chismis lamang ang bagay na iyon. Hindi ko naman sinasabi na lahat ng estudyante doon ay ganoong uri ng tao, karamihan lang talaga. Kuta din kasi iyon ng mga fraternity at sorority. Habang nakatingin sa tatlong babaeng ito, pakiramdam ko ay biglang pumait ang lasa ng bibig ko dahil sa inis, Ang lalakas ng boses na akala mo sila lang yung sakay ng jeep at usapan na walang pakialam kung nakakaabala na ba sa iba. Napailing na lamang muli ako at saka isinuot ang heatset na dala para di na marinig ang ingay na dulot nila. Maya-maya pa ay naramdaman kong biglang tumigil ang jeep na aking sinasakyan, alam kong hindi pa dito ang aking destinasyon kaya hindi ko pa iminulat ang mga aking mata, ni hindi ko nga napansin na naipikit ko pala ang mga ito. Dahil nasa dulong parte ako nakaupo at malapit sa sakayan, naramdaman ko na may sumakay sapagkat may lumapat sa aking tuhod nang pumasok na ang pasaherong iyon sa Jeep.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
94.8K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.4K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
234.5K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook