bc

The Insolent Hunk (Dangerous Man Series)

book_age0+
3.3K
FOLLOW
15.5K
READ
billionaire
arrogant
boss
bxb
like
intro-logo
Blurb

The Keith Lawrence and John Wayne Villacorta romance story, will give you most seductive and intimate turn around story in the making

Keith was a poor junk gay cutie who has a positive and strong attitude. His simple and quiet life has changed when he accidentally damaged the Infiniti Sport Car owned by a rich kiddo named John Wayne.

Sorry is not enough for a spoiled rich hunk. Keith's aura, innocent look and his cute gestures catches the attention of Wayne. He wanted Keith to pay for the damage... but not on a cash basis.

Keith will work on Wayne's, but until when will he work for the hunk? Will his contract is to pay for the damage or is the damage make Wayne to realize what is more than life aside from being rich? Will Keith be Wayne's the most treasured gold? Or by chance, did Keith made the right decision to be the dangerous man's employee?

One of the dangerous man will reveal his hunky personality. Together with an androgynous gay who has the most charming look and innocent face.

Have fun on reading while Keith and Wayne giving you the romcom that you will surely love them. This is under Dangerous Man Series. Have a meet and greet with Keith and Wayne in The Insolent Hunk.

This is a Tagalog/Filipino Story. :)

chap-preview
Free preview
Prologue
"You are the cure to my obscenity... you showed the wonder of love and infinity." Dangerous Man Series - The Insolent Hunk Prologue "Akin na nga 'yan!" sabi ko habang inaabot ko ang aking laruang kotse sa lalaking nang-aasar sa akin. "Ayaw. Di bagay sa'yo ang kotse kasi bakla ka!" pang-iinsulto nito sa akin. "At bakit? Lalaki pa rin ako. Pati bakit mo pakikialaman ang gusto ko ha?" matapang na tanong ko sa kanya. "Dapat ang gusto mo yung mga manyika! Hindi kotse. Bakla, bakla! sabi niya pa. Inaabot ko pa habang lumulundag na inaabot ang kotse ko. Matangkad siya. Ang hirap maging maliit. Kapag talaga ako lumaki, nako sinasabi ko talaga babawian ko din silang mga nang-aaway sa'kin. "Akin na kasi yan! Bakit ba gusto mo yan ha? Mayroon ka ng de remote na kotse oh. Ayan tulak-tulak lang!" inis kong sabi sa kanya. "Hindi ito de-tulak lang. Saan mo ito nakita? Bakit ka mayroon nito? Akala ko ba nagkakariton lang kayo ng pamilya mo?" pang-iinsulto nito. "Grabe ka ha? Oo nagkakariton lang kami. Pero mabuti kaming tao, hindi tulad mo nang-aaway! Wala naman akong ginagawa sa'yo!" sabi ko dito. Hindi siya nakapagsalita sa tapang na ipinakita ko. Sabi kasi ng Inay at Itay, kahit na mahirap kami, kung mayaman kami sa pagmamahal sa kapwa. Mas okay na daw yung ipaglaban ang tama kaysa lumaban ng wala sa tama. Kung hindi ako tinuruan ng Inay at Itay, ay nako... sinabunutan ko na 'tong lalaking nasa harapan ko. "Wala akong pakialam. Siguro nakaw mo 'to noh? Umamin ka? Ang mahal ng ganitong laruan kaya imposibleng magkaroon ang mahirap na tulad mo!" isa pang panlalait na sabi niya. Nasaktan na ko sa sinabi niya. Kaya sumimangot ako at buong lakas ko siyang itinulak. Kahit malaki siya kaysa sa akin ay nagawa kong mapatumba siya. Nabitawan niya yung kotse ko. Nagulat siya sa inasta ko sa kanya. "Hindi ko ninakaw yan! Grabi ka talaga! Ikaw nga 'tong mas masama sa akin! Nang-aaway na ka tapos nangunguha ka pa ng laruan! At para sabihin ko sa'yo, hindi nakaw yan! Galing yan sa junkshop namin! Kaya wag kang manghusga! Ikaw nga 'tong kung saan na sumulpot eh! Hindi kita kilala. Hindi mo ko kilala kaya wala kang karapatang sabihin ang mga bagay na yan! Ang sakit mong magsalita! Akala mo kung sino ka! Sige sa'yo na yang kotse ko! Mukhang gusto mo yan eh. Napatol ka sa mahina kaysa sa'yo! Pero dahil hindi ako ganun kahina, ayan natumba ka! Tapang mo rin eh. Malaki ka lang!" sabi ko saka tumalikod. Nagmartsa akong padabog na lumayo sa kanya. Nakakainis lang kasi. Akala mo kung sino. Bakit ba kasi may mga ganoong tao? Porque bihis mayaman tapos malinis pwede na nilang laitin ang tulad kong mahirap! Sa damit ba talaga nakikita ang ugali ng tao? Dahil ba madumi lang itong suot ko at hindi presentable, masama na ugali? Kung hindi lang talaga ako tinuruan ng mga magulang ko ng good morals at right conduct, baka hindi lang pagtulak ang mangyayari sa kanya! Kung pwede lang talaga kakalbuhin ko siya ng pino! Pumunta na lamang ako sa pinagtatambayan ko malapit sa ilog. Maganda kasi ang tanawin dito. Nakakawala ng mga isipin. Pwedeng magpalamig ng ulo. Preskoat malamig ang simoy ng hangin. Palagi na lang akong binubully! Una dahil bakla ako at pangalawa, dahil nagja-junkshop lang kami. Tinutukso nila ko lagi, lalo na mga kalaro ko. Pero may ilan naman din akong kalaro na naging kaibigan ko talaga. Iniisip ko kung bakit kaya hindi kami naging mayaman? Para hindi ako nagkakaganito. Ayoko kasing nakakarinig ng masasakit na salita na hindi masyadong pinag-iisipan at lalo na kung hindi naman nila kilala yung tao. Hanggang kailan kaya kami ganito? Kung nakatapos lang siguro si Inay at Itay ng pag-aaral siguro hindi kami ganito ngayon. Hindi kami isang kahig isang tuka lang. Pero alam kong hindi naman din nila ginusto ang ganitong buhay. Kasalukuyang nakaupo ako sa damuhan, nakatungin sa palubog na araw at iniisip ang mga bagay-bagay. Hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko. Kapag nagagalit ako naiiyak ako. Pumapasok lahat ng mga problema ng pamilya ko at problema ko. Hindi ko talaga maiwasan kahitnasa murang edad pa lang ako. Pakiramdam ko ay sinubok na ako ni Lord. Papahiran ko na sana ng may kulay asul na panyo akong nakita sa harapan ko. Tinignan ko kung sino ang nagbibigay. Yung lalaki kanina. Nakatingin siya sa akin. "Oh, anong drama yan? Naging mabait ka?" sabi ko. "Just get this! I hate seeing someone crying..." bumaling ang tingin niya sa tanawin ng ilog at palubog na araw. "...b-because of me." sabi pa nito. "Hindi ako naiyak!" pagtanggi ko at pahablot kong kinuha yung panyong ibinibigay niya. "Really? So, bakit basa yang mata mo?" tanong niya. "Nilagyan ko ng tubig. Kaya basa!" sabi ko habang nagpupunas ng luha ako. "Tsk. Don't deny it. Ang dungis mo na nga, ang pangit mo pa kapag umiiyak." pang-aasar niya. "Nandito ka ba para laitin ako? O para ibalik yang kotse ko?" turo ko sa hawak niyang laruan ko. "Saglit." umupo siya sa tabi ko at kinalikot yung kotse na hawak niya. Maya-maya ay biglang umandar ang laruang kotse niya... kotse ko pala. Umikot yung dalawang gulong sa hulihan ng kotse at lumikha ng tunog makina. "See? Hindi yan de-tulak na sinasabi mo. Lalagyan lang batteries para umandar." inilapag niya yung kotse at kusa itong umarangkada. Sinundan naman naming dalawa ng tingin ito. Pero bago pa makalayo ay tumayo siya at kinuha ang laruan. Agad naman siyang bumalik sa kinauupuan niya sa tabi ko. "Ganoon pala 'yon malay ko ba? Ngayon lang ako nagkaroon niyan eh." sabi ko. "Halata naman." sabi nito. "Napakayabang mo 'no?" reklamo ko sa kanya at umirap. "Tsk. Hindi ah. Ganito lang talaga ako, alam mo na.. gwapo." awtomatikong napatingin ako sa kanya. Anong konek? Kung sabagay. Gwapo nga ito. Maputi. Matangos ang ilong. Tuwid at bagsak ang buhok nito na bumagay talaga sa kanya. Malaabo ang kulay ng kanyang mga mata at tikwas ang katamtamang haba ng mga pilik mata. May pagkakapal ang labi ngunit sapat lang at bumagay sa kany. Maputi siya. Nakakainggit ang kulay niya. Napatingin naman siya sa akin. "Di ba? Gwapo ako? Ayaw mo nang alisin mata mo sa mukha eh. Haha." sabi nito. "Oo napakapresko mo. Kasing presko ng hangin dito." sabi ko sa kanya at umirap. "Aminin mo na!" "Alin ang aaminin ko?" mataray kong tanong. "Na gwapo ako." at tumawa siya "Hindi ah!" "Tsk. Ang cute mo pagnagagalit. Para tuloy walang maniniwala na galit ka na minsan." sabi niya. Namula naman ako. Ako? Cute?? "Ewan ko sa'yo." sabi ko. Akma akong tatayo ng hilahin niya ako pabalik. "Seryoso ako." wika nito ng mabalik ang tingin ko sa kanya. Hindi ako makapagsalita. Kung sabihin niya 'yon parang hindi siya bata. May pagkaseryoso kasi ito di makikitaan ng pagbibiro. "O-oo na. Cute ako at alam ko yun pero hindi ko masabing gwapo ka. Kasi hindi naman talaga! At kung gaano mo pa sabihing gwapo ka kung hindi naman nakikita na maganda rin ang ugali mo, wala ring kwenta ang sinasabi mo." sabi ko at umupo. Bumitaw naman siya. "Tsk. Iba ka. Well, anyway akin na 'tong laruan mo ha. Sa'yo na lang yang panyo ko." "Teka! Parang 'di naman ata tama yun! Bakit ba gustong-gusto mo yang kotse na yan ha?" tanong ko dito. "Hilig ko kasi ito. Kaya akin na lang." inangat niya ang kotse at ngumiti. Grabe! Lalo siyang gumwapo. "Okay. Sige di ko rin naman na pakikinabangan pa yan. Sa'yo na lang. Bakit ka pala nahilig diyan?" "Wala, ang cool lang. Kaya paglaki ko bibili ako ng maraming kotse. Para imaneho at makapunta sa iba't- ibang lugar!" pagmamalaki niya at kita kong gusto niya talaga sigurong magkakotse. "Goodluck. Sana makabili ka nga." wika ko. "O, siya, mauna na ako. Palubog na rin ang araw." pagpapaalam nito sa akin. "Si-sige.. ingat" may panghihinayang kong sagot. Mayabang man siya ngunkt parang may kabutihan naman din siyang taglay. "Magkikita pa tayo. Magpapakita pa ang gwapong ito sa'yo." sabi niya at tumawa. Sabay naman humangin ng malakas. "Hindi sang-ayon sa'yo ang kalikasan!" may pagkamataray kong sabi. Tumawa lang ito. "Hanggang sa muli." tumayo ito at nasimulang maglakad. Pinanood ko lamang siya. Bago man tuluyang umalis ay sumenyas ito ng 'babay' at tumalikod saka nagtatakbo. "Hindi ko pala natanong ang pangalan." Napatingin ako sa panyo na binigay niya. Napangiti ako dito. J.W.V Ayan ang nakalagay na burda sa panyo. "Asar. Nako kung hindi ka nagpakita ulit, babatukan kita!" Napangiti na lamang ako at tumingin sa paglubog ng araw. Hindi naman siguro lahat ay mayabang ay mapangalait. Kahit siguro ganoon ang ugali nila, may nakatago pa rin siguro na kabaitan sa pagkatao nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Devil's Night Bride (Completed)

read
4.1M
bc

Ours to Love

read
350.2K
bc

THE PHOENIX WOLF (Book Three chronicles of HER GRACE)

read
135.7K
bc

Chased By The Billionaire

read
12.4K
bc

Loving A Werewolf

read
45.2K
bc

The girl nobody wanted

read
390.1K
bc

Intoxicated With You

read
429.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook