bc

Through Arab Eyes (Tagalog)

book_age18+
9.6K
FOLLOW
86.7K
READ
billionaire
possessive
sex
fated
dominant
manipulative
CEO
twisted
bxg
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

(Warning: Mature Content Rated SPG)

WAIT FOR FREE (JUST ADD TO YOUR LIBRARY)

"I was born and destined to love you."

It was considered a fated meeting in a distant foreign country. Is it an amazing coincidence or a twisted leap of fate? One mending a broken heart and the other with a grieving soul.

Pagkatapos kanselahin ng fiance ni Faith ang nakatakda nilang kasal ay napilitang mangibang bansa ng dalaga dahil sa labis na kahihiyan.

Sa mainit na bansa ng United Arab Emirates dinala ng tadhana ang dalaga upang paghilumin ang sakit na tinakbuhan. Mula sa hindi inaasahang gulo sa isang class na bar ay natagpuan ng dalaga ang sarili sa kanlungan ng banyagang lalaki.

Rouhi bin Futtaim al Hashimi. Half-Filipino, half-emirati na anak ng isa sa pinakamayang oil-magnate hindi lang sa Abu Dhabi kundi pati na rin sa ibat-ibang bansa tulad ng Iran, South Dakot, Japan at pati narin sa bansang Pilipinas kung saan nag-susupply ang multi-million dollar company ng pamilya nito na bin Futtaim oil reserve.

Luxurious cars tulad ng Porschia at Lamborghini to expensive yachts, private plane, and glamorous villas. Ilan lamang yun sa hindi inaasahang mararanasan ni Faith. Pero ang pinaka-gumulantang rito ay nang mapauwi siya Pilipinas at sundan siya doon ng binata mismo.

Together they would venture into a journey that would unfold the left unspoken feelings of the past. Mga sekretong kasintanda na ng tatlong henerasyon na maglalagay sa alanganin sa namumuong magandang relasyon ng dalawa. Endearing love. Intense passion. Undying loyalty.

Posible bang matuloy ang isang pagmamahalang hindi lang tutulan ng lahat dahil sa mga sekretong nakapaloob sa pagkatao nilang dalawa?

chap-preview
Free preview
Prologue
Summer 1966, Balabac, Palawan, Philippines. Marahang tinupi ni Lorena ang sa tingin niya'y pinaka-huling telegramang matatangap niya. Dumating kahapon ang isang kartero dala ang sulat para sa kanya na labis niyang ikina-gulat dahil galing pa iyun sa Middle East.  At makailang-ulit  na niya itong binabasa pero hindi parin tuluyang ma-absorb ng utak ang nakasaad doon. Pagkuwa'y isinama ito sa iba pang mga sulat na nakalagay sa isang maliit na kahon. Pinaghalong mga sulat ng pagpapahayag ng pag-ibig, sulat ng pamamaalam at paghingi ng paumanhin. All came from two people which she recieved all together in less than a year.  Maya-maya'y pinahid ang ilang butil ng luhang hindi niya namalayang nag-landas sa pisngi bago kunin sa mesa ang nag-iisang sulat na natanggap galing kay Antonio Garcia. Pinasadahan ito ng mga mata. Ang liham ng paghingi ng paumanhin at paliwanag sa kung ano ang opinion at pananaw sa mga pangyayari, in plain tagalog.  Muli ay naroon ang pamilyar na paninikip ng dibdib. Tila naging mapaglaro ang tadhana para sa kanya at sa ikalawang pagkakataon ay naiwan siyang luhaan. Humugot siya ng malalim na hininga at tumingala upang pigilan ang nagbabadyang muling pagpatak ng luha. Hindi makakatulong sa kalagayan niya ang ginagawang pag-iyak. Ibinaba niya ang sulat ni Antonio at dinampot sa kahon ang dalawang pinaka-importanteng liham. Maya-maya'y dinala sa dibdib na tila sa pamamagitan nun kahit papano'y magkaroon siya ng kaunting lakas. Para siyang unti-unting nauupos kapag pumapasok sa isip ang laman ng dalawang sulat na nanggaling sa dalwang magkaibang tao. Isang hindi nagkaroon ng lakas ng loob upang ipaglaban ang isinisigaw ng puso at ang ikalawa na mas pinili ang akuin ang hindi nito responsibilidad para sa naiwan ng yumao nitong kaibigan..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
86.7K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.0K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook