bc

As I Fall

book_age16+
1.6K
FOLLOW
12.3K
READ
love-triangle
friends to lovers
badgirl
independent
brave
boss
maid
drama
twisted
sweet
like
intro-logo
Blurb

Danyela Lazaro is a short-tempered woman. Mas lalo pang nasubukan ang pasensiya nito nang maging amo niya si Liam Galvez. It was her devil-like boss. Sa kabila ng pagiging magandang lalaki nito ay may dalawang mahabang sungay ang nakakubli. She loathed him.. at first. Dahil unti-unti habang tumatagal silang magkasama ay mas lalo pa niya itong nakikila.

Pero teka, ano itong nararamdaman niya sa tuwing malapit ang binata?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue "Magandang umaga, Sir Ruel. Pinapatawag niyo raw po kami ng anak ko?" Magalang na tanong ni nanay. "Oo, may gusto lang akong sabihin bago ako lumuwas pabalik ng Cebu." Ngiting sagot naman ni Sir Ruel. Kumunot ang noo ko. Ano namang connect no'n sa'kin? "Ano po 'yon, Sir?" Sunod na tanong ni nanay. "Ngayong bakasyon, gusto ko sanang dumito muna si Danyela para maging yaya ni Liam, pero kung gusto niyo ay pwede mo siyang samahan dito, nanang Teresita. Gusto ko lamang na may titingin sa apo kong si Liam." Napatikom ako ng bibig at tumingin kay nanay. Diretso lamang ang tingin nito kay Sir Ruel pero alam kong batid niya ang pagtingin ko sakanya. Huwag niyang sabihing papayag siya? Nang tumango ito ay wala na akong nagawa. Hindi ko narin nagawang magprotesta. Gustuhin ko mang tumutol pero anong sasabihin kong rason? Kase ayaw ko sa apo niya? Bumagsak ang balikat ko. "Sige ho, Sir Ruel. Makaka-asa kayo." Ngiting sagot ni nanay bago magpaalam para umalis. Hindi ako nagsalita hanggang sa makalabas kami ng bahay. Alam ko namang hindi lang ma-hindian ni nanay si Sir Ruel kaya siya pumayag. Pero kase, alam niya kung gaano kasama ang ugali ni Sir Liam, at ngayong pumayag siyang doon ako tumira, mukhang araw araw madadagdagan ang edad ko. Napabuga nalang ako ng hangin. "Nay naman," may halong inis na sabi ko sa gitna ng paglalakad. "Ipagdasal mo nalang na sana humaba pa ang pasensya ko, sa haba ng sungay ni Sir Liam, baka isang araw palang umalis na 'ko sa bahay." Nakasimangot na pahayag ko. "Anak, hindi pupwedeng gano'n. Boss natin si Sir Liam. Hindi siya ang mag-aadjust sa'tin kung hindi tayo." "Oo nga, pero nay—" "Ayaw mo ba niyon, hindi kana maghahanap ng trabaho. Magiging yaya ka lang ni Sir Liam at sasahod kapa. Libre ang pagkain at tutuluyan. Hindi ka naman mahihirapan dahil marunong magluto si Sir Liam." Nakangiting sagot ni nanay, may pangungumbinsi sa mga mata nito. "Eh syempre nay, ako parin ang magluluto no'n. 'Saka, baka nga hindi ako makatulog sa sobrang dami ng utos no'n. Tamad iyon, e." Pagpoprotesta ko rito. Umiling si nanay. "Para sa'kin nalang anak. Dalawang buwan lang naman ito. Sige na." Marahang sabi ni nanay. Napabuntong hininga nalang ako at tumango. Kinabukasan, lumuwas si Sir Ruel papuntang Cebu. Nag-impake narin ako ng gamit para sa paglipat ko. Kung pwede lang na si nanay nalang ang pumunta doon ay hindi ako tutuloy. Pero dahil sa trabaho ni nanay ay wala akong ibang pagpipilian. Tinanong ko rin si nanay kung gusto niya akong samahan doon pero tumanggi siya, wala daw kasing magiging kasama ang kapatid ko at si tatay sa bahay pag sumama siya sa'kin. Dati kaming care taker ng bahay ni Sir Ruel, no'ng nakaraang linggo ay umuwi sila dito kasama ni Sir Liam. Ang sabi ni Sir Ruel ay dito daw magbabakasyon sa Lipa si Sir Liam. Hindi ko naman alam na ako pala ang magiging yaya niya, edi sana naghanap ako agad ng trabaho para may rason si nanay na tumanggi. "Anak, tapos kana ba?" Tanong ni nanay sa labas ng pinto kasabay ng ilang katok. Isinarado ko ang bag ko bago binuksan ang pinto. Nang makita ako ni nanay ay ngumiti ito sa'kin. Hindi ko alam kung maiinis ako o' ano. Mukha siyang excited samantalang ako naman ay gusto nang ipagtulos ng kandila ang sarili. "Anak, mag iingat ka do'n ha." Si Tatay. Napatawa ako. "Buti kapa 'tay. Tignan mo 'to si nanay parang excited akong umalis ng bahay." Saad ko. "Syempre, para wala nang reklamador." Sagot naman ni nanay. "Mawawalan na ng maganda sa bahay." Malungkot na saad ko habang nakatingin sakanila. "Ang kapal ng balat mo. Maganda maganda ka diyan. Sige na at pumaroon kana." "Aray, si nanay naman grabe makapag-paalis." "Sige na at ayan na si Domeng sa labas para ihatid ka." Si Nanay. "Sige na nga. Aalis na ho ako. Ingat kayo dito ha. Uuwi ako t'wing linggo." "Kahit 'wag na." Si nanay iyon. Sinamaan ko ito ng tingin, tumawa lang siya 'saka kumaway. Pagkarating na pagkarating doon ay natanaw ko agad si Sir Liam na nagdidilig. Unang tingin ko palang sakanya ay kinabahan agad ako. Napalunok ako at lumapit sakanya. "M-magandang umaga, Sir." Bati ko rito at pilit na ngumiti. Hindi ako nito tinatapunan ng tingin pero tumango siya. "Go inside. Your room is in the first floor, the one near the kitchen." Napatango nalang ako. "S-sige po." Nang pumasok sa loob ay dumiretso agad ako sa kwarto na sinabi niya. Malinis iyon na may kulay cream at brown na kulay. May isang kama na parang pang dalawang tao, lampshade at may aircon din. Hindi ko naiwasang tignan muna ang buong kabuuan ng kwarto bago inayos ang gamit ko. Parang hindi silid ng katulong. Mas mukha pa nga itong kwarto ng mga bisita. Ang ganda. Ang lambot din ng kama, parang sa hotel. Lumabas ako at nagtungo sa kusina. Ang tahimik at tanging ingay lang na nang-gagaling sa telebisyon ang maririnig sa buong bahay. Nagsimula akong maghiwa ng sibuyas at bawang 'saka nagbalat ng patatas. Maya-maya ay nakarinig ako ng mahihinang yabag. Nang magtaas ako ng tingin ay nakita ko si Sir Liam sa harap ko habang hawak-hawak ang cellphone niya. Lamesa lang ang pagitan namin at mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko kung gaano kakinis ang mukha nito. Kung gaano kalaki ang katawan niya at kung gaano pumuputok ang mga muscle nito sa fitted shirt na suot niya. Napalunok ako at nagbaba ng tingin para ipagpatuloy ang ginagawa. "Anong lulutuin mo?" Malalim ang boses na tanong nito, kalmado lang ang boses niya at parang relax na relax. Ang swabe ng tono. "A-adobo." Utal na sagot ko at tumalikod sakanya. Huminga ako ng malalim at sinindi ang apoy. Pumikit ako ng mariin at sinubukang ayusin ang sarili. Bakit ba ako kinakabahan? Nang humarap ako ulit sakanya ay nakita ko itong nakatingin sa'kin. Malalim ang mga mata nito at seryoso. "I have my rules in this house, Dan." Dan? Ano iyon, nickname niya para sa'kin? Alam niya ang pangalan ko? "You're not allowed to go the second floor. To my room, and to my office. Ayoko ng maingay. Ayoko ng may ginagalaw ka sa mga gamit ko at kung maaari huwag na huwag mo akong kakausapin kung hindi importante at kailangan." Napatango ako at yumuko. "Opo, Sir." "Good. I'll go now. I'll be back before twelve and make sure everything's ready by then." Pagtalikod ko ay nakita ko ang umuusok na kawali. Nanlaki ang mata ko at hininaan ang apoy. Napakagat ako sa ibabang labi ko at sumulyap kay Sir Liam para i-check kung nakita niya ba iyon. Mabuti nalang at dirediretso siyang umalis. Napahawak ako sa ibabaw ng dibdib ko at napailing. Napahilamos ako sa mukha ko bago ginulo ang buhok ko. Ang gwapo niya,  medyo nakakatense. Napakamot nalang ako sa tungki ng ilong ko at nagpatuloy sa ginagawa. Nang matapos akong magluto ay nagpatiuna akong kumain. Wala naman akong balak sumabay sakanya. Nakakahiya at isa pa, baka anong isipin niya. Pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan ko ay nag-linis ako sa sala. Iniwasan kong magawi sa office at kwarto niya kaya konti lang ang nalinis ko. Magtutwelve ng tanghali nang dumating siya kasama ang aso niyang si Riyo. Nang makasalubong niya ako sa sala ay hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Para akong hangin na hindi niya nakikita. Hindi ko nalang din ito pinansin at pumasok nalang sa kwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama at binalot ang sarili sa kumot. Ang lamig ng kwarto dahil sa aircon. Napatitig ako sa ceiling. Kung gano'n, puro luto lang ang gagawin ko? Napakaboring naman dito, kung gano'n. Hindi ko siya pwedeng kausapin, hindi pwedeng linisin ang ibang parte ng bahay dahil ayaw niya. Para pala akong binuburo. May wifi nga, wala naman akong cellphone. Dapat pala nagdala ako ng ilang pocketbook pampalipas oras. Napahikab ako at ipinatong ang braso sa ibabaw ng mga mata ko. "Dan? Are you there?" Napabangon ako nang marinig ang boses ni Sir Liam. Kinatok niya ang pinto kaya dali dali 'kong inalis ang kumot na nakapalupot saakin 'saka binukas ang pinto. "Bakit po?" "Have you eaten?" Tumango ako rito. Katulad kanina, seryoso na naman ang itsura nito. Nang tumingin ako sa gilid niya ay nakita ko ang aso nitong si Riyo. Hawak hawak niya ang tali nito sa kabilang kamay niya. "Change your clothes. We're going out." Napakunot ang noo ko. "Po? Saan?" Hindi ito sumagot at tinalikuran lang ako. Napairap ako sa hangin at isinarado ang pinto. Gano'n ba kahirap sumagot? Pwede naman siyang sabihing, "secret" kung ayaw niyang ipaalam sa'kin. Ang bastos. Kahit naiinis ay nagbihis nalang ako. Mabuti nalang nagdala ako ng damit na pang-alis. Naglagay din ako ng bb cream at lipstick bago lumabas ng bahay. Natagpuan ko sa garahe si Sir Liam kasama ang aso niya. Pagkalapit ko do'n ay nakita ko siyang humihithit sa sigarilyo. Lumayo ako ng kaunti rito at nagtakip ng ilong. "Saan ang pinakamalapit na grocery store dito?" Tanong ni Sir Liam bago itinapon ang yosing hawak. "Savemore." Walang buhay na sagot ko rito. Pumasok siya sa sasakyan kasama ang aso niya. Nang buksan ko ang pinto ng kotse niya ay nagsalita ito. "What are you doing?" Taas na kilay na tanong nito. Umupo ako at isinara ang pinto. "Wala," sagot ko at tumingin sa bintana. "Out." Napatanga ako sa sinabi nito. "Ha?" "Get out of my car." "A-ano?" Naguguluhang tanong ko rito. "Akala ko po ba kasama ako?" "Did I say that?" Inosenteng tanong nito 'saka nagtaas ng kilay. Unti-unti ay nalukot ang mukha ko. Nang hindi ako agad kumilos ay nilingon niya ako. "What now? Still not going out?" Pigil na pigil ko ang sariling makapagsalita nang hindi maganda. Lumabas ako ng kotse nang tahimik at malakas na isinara ang pinto. Huminga ako ng malalim habang pinapakalma ang sarili. Wala ka sa bahay niyo, Danyela. Hindi mo pwedeng dalin dito ang ugali mong maiiinitin ang ulo. Boss mo iyan at hindi kung sino lang. Hindi pa ako nakakaalis sa kinatatayuan ko nang buksan nito ang bintana ng kotse. "Gagabihin ako. 'Wag ka narin magluto. Ang pangit ng lasa ng adobo na niluto mo. Sa labas nalang ako kakain." Mapang-asar na sabi nito bago pinaandar ang sasakyan. Napabuga ako ng hangin bago napasipa sa hangin. Bwisit! Hinabol ko ng tingin ang kotse nitong unti-unti nang nawawala sa paningin ko at napairap. Sinabi ko ba kaninang gwapo siya? Pwes, binabawi ko na. Isa siyang sperm. Nakakainis! Napatingala nalang ako at napatili sa sobrang kabwisitan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
388.9K
bc

My Godfather My husband

read
269.2K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K
bc

Married to a Hot Magnate

read
356.8K
bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
286.9K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.1K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
328.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook