bc

Love Me, Kill Me

book_age0+
499
FOLLOW
1.5K
READ
drama
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Patay na patay si Adelentada Del Mundo sa young and fresh at bagong lipat na boy next door na si Ruperto. Feeling nga niya ay kaya niyang gawin lahat para dito. Kasabay ng paglipat ni Ruperto sa katabing bahay nila ay nag-umpisa na rin ang ilang pagtatangka sa buhay niya. Hanggang sa madiscover niya na si Ruperto pala ay ang taong binayaran ng long lost sister niya na si Natasha para patayin siya, para masolo nito ang pamana ng kanilang lolo. Ngunit biglang nagkaroon ng amnesia si Ruperto at nakalimutan nito ang mission nitong itumba siya! Mukhang ito na ang lucky but risky chance ni Adelentada upang maangkin na niya sa wakas ang lalaking tinitibok ng kanyang puso! Sinamantala na niya ang pagkakataon-- sinabi niya kay Ruperto na mag-asawa silang dalawa!

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
TAONG 2003… Umiiyak nang sobrang hard si Adelentada nang lapitan siya ng nakakatanda niyang kapatid na si Natasha. Matanda ito ng tatlong taon sa kanya. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama at hulas na hulas na ang make-up dahil sa kanyang luha. Magkapatid sila pero hindi sila ganoon magkamukha. Mahaba ang mukha ni Natasha habang siya naman ay medyo may kalaparan. Kung sa buwan, half moon ang ate niya at full moon naman siya. “Ateee!!!” Palahaw ni Adelentada sabay yakap sa kapatid. “Anong nangyari? Umiiyak ka ba?” Inilayo niya ang sarili sa kapatid at itinuro ang luha. “Baka hindi! Baka pawis ko lang ito tapos sa mata lumalabas!” sarcastic na sabi niya. Tumayo si Adelentada at naglakad-lakad sa kanyang silid. “Pinagbawalan ako ni Lola Vicente na makipagkita sa aking sinisinta na si Amando,” pagkukwento niya nang bahagya na siyang kumalma. “Ano?! Kasintahan mo ang ating hardinero?!” Humarap si Adelentada sa kapatid at kinagat ang pang-ibabang labi. “Hindi lang siya basta-bastang hardinero, ate. Masarap siya, ate. Masarap!” “Masarap? Na ano? Saan?” “Magmahal! Masarap magmahal si Amando. Ipinaramdam niya sa akin kung paano ang maging isang babae. He cares for me, ate. Pero bakit hindi iyon makita ng ating lolo? Bakit kailangan niya akong ikulong dito sa aking kwarto?!” “Anong nakakulong? Hindi naka-lock ang pinto ng kwarto mo kaya nga ako nakapasok! OA lang, Adelentada?” “Gano’n ba? Sorry naman. Basta, hindi ko maintindihan si lolo. Simula nang mamatay ang Papa at Mama dahil sa plane crash ay naging mahigpit na siya sa atin. Eighteen na ako, hindi na ako bata! Dinudugo na nga buwan-buwan ang pekpek ko, e! Ang gusto niya ay siya ang masusunod sa buhay natin, ate!” Tumayo si Natasha at nilapitan siya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “Dama ko na ang taglay mong kalandian noon pa man, Adelentada. Kaya kung gusto mo talagang makasama si Amando ay tutulungan ko kayong makatakas dito sa mansion ng Del Mundo. Magpakalayo-layo kayong dalawa at huwag nang babalik pa dito para masolo ko ang pamana ni lolo--” “Anong sabi mo, ate? Masolo ang ano?” “Ah, eh… Masolo ko ang… galit! Galit ni lolo!” “M-magsasakripisyo ka para sa akin, ate?” Naluluhang tanong ni Adelentada. Tumango si Natasha. “Suportado ko ang kakirihan mo!” “Oh, ate! Salamat! Salamat!” At mahigpit na niyakap ni Adelentada si Natasha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.5K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.4K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
47.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook