bc

Dad, Mom I've Found Your Future Son-in-law

book_age16+
1.0K
FOLLOW
3.1K
READ
neighbor
heir/heiress
drama
bxg
humorous
lighthearted
campus
small town
faceslapping
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Simple lang naman ang gusto ni Gabrianna. Ang mahanap ang taong ipapakilala sa mga magulang n'ya at kagaya ng ibang kabataan, maramdaman kung ano ba ang tinatawag na 'pag-ibig'. At sa pagpasok nga ng ating bida sa mundo ng mga taong pumapag-ibig, marami s'yang mga bagay na mari-realize. Maraming makikilalang magbibigay ng kulay at gulo sa tahimik n'yang buhay. Pero magkaganoon pa man, she always see the positive side of everything.

It's a story of frienship, family and true love. About separation and reuniting.

THE OCAMPO HEIRESS SERIES: Gabrianna Joëlle Ocampo

chap-preview
Free preview
Chapter 1. Aleotti-Ocampo
Originally, nakatira talaga si papa at mama sa Siudad. My father came from a wealthy and respectable family. While mom? I dunno. Once a year, nakikita namin ang lolo at lola namin sa mother side. Para silang mga kabute na taunan kung sumulpot. They're barely around us kaya wala kaming masyadong ala-ala na kasama sila. Siguro isa yun sa mga dahilan kung bakit hindi boto ang lolo at lola ko sa father side kay mama noon, kaya naman nagtanan ang parents ko at dito sila napadpad sa Barrio Matahimik. Nang ipanganak ni mama si kuya Zeb, doon na s'ya unti-unting tinanggap ng pamilya ni papa. At nung lumabas ang kambal kong kuya, doon nila mas lalong minahal si mama. And then, dumating sa buhay nila mama si Gigi. My pamangkin na ipinaglihi yata sa dragon. Sa totoo lang, marami sa pamilya ni papa ang ayaw Gigi noon dahil unang-una, ang bata pa ni kuya noong makabuntis. But at the end of the day, they accepted her just how they accept mama. At isa pa, hirap ding makabuo ng babaeng supling ang Ocampo family kaya naman saglit lang ang nangyaring pag-aatubili kay Gigi. Ilang araw lang ng pakikiusap ni mama, papa at kuya Zeb kina lolo Julio at lola Clara ay tinanggap na ng buong angkan ang maganda ngunit masyungit kong pamangkin. Simple lang ang Ocampo family. Kahit na kilala sila sa lipunan, hindi nila inaabuso ang kapangyarihang meron sila. At ang pinakahahangaan sa kanila ng mga tao? They priority their family. They're a very family oriented people. At noong ipanganak na ako, mas lalong tumaas ang posisyon ni mama sa puso ng lola at lolo. Who can blame them though? I'm such a precious, beautiful little creature that captured their fragile hearts. I know right? Pinakiusapan sina papa at mama ng buong Ocampo clan na umuwi na sa Siudad. Pero hindi sila pumayag dahil ayon sa mga magulang ko, mas safe kaming magkakapatid sa Barrio Matahimik at isa pa, may nakuha na rin silang maayos na trabaho sa naturang lugar. And that's the reason why we all grew up here. Sa tuwing magkakaroon ng okasyon sa Siudad like my uncle or auntie's birthday, lolo or lola's birthday. Or kung may mga importanteng okasyon, we always make sure na makakadalo kami sa pagtitipon. And we're a one big, united and happy family. Don't mess with an Ocampo or you'll lose your precious little life. Akala ng marami sa Barrio Matahimik ay simpleng doktor lang si papa at interior designer naman si mama. Pero kahit na hindi nila alam na galing sa kilalang pamilya si papa sa Siudad, they still gave them their respect dahil talaga namang my parents are both beautiful inside and out. They're both amazing. That's also the reason why my grandparents fall inlove with mom. Kahit na, isa s'yang napakalaking kontrabida sa buhay ko. Ang Aleotti family naman, well, we don't know much about them. Sabi ni mama it doesn't matter. As long as we're a good person. Tatanggapin kami ng pamilya n'ya. Kaya tigilan ko na lang ang pagkukwento about sa kanila kase limited lang talaga ang alam ko. Mag-focus muna tayo sa akin at sa kung paano ko pasasagutin ang future manugang ni mama at papa. Ahm, wait. I forgot a very important detail. Bago ko pala simulan ang kwento ko, may isa pa akong kwento... Alam n'yo ba na sa pamilya nila mama, may isang alamat na gustong-gusto ko? Narinig ko lang 'yun dati sa lola ko. Lola ko sa mother side. Isang beses n'ya lang din kinuwento sa aming dalawa ng tita ko at hindi na iyon naulit pa. Ayun sa sinabi n'ya, ang pamilya Aleotti ay isang kilalang angkan sa Europe. In every generation of the main family branch, maswerte na kung magkaroon ng isa o dalawang sanggol na babae. And when that female baby grow up and fall in love, she will only love one man for the rest of her life. That's why walang nagawa ang lolo at lola ko noong ma-inlove si mama sa 'commoner' kong ama. Oh diba? Ang weird ng pamilya ni mama. They called my father a 'commoner', while others are so envious sa yaman at pangalang meron ang mga Ocampo. For me, ang OA lang nila sa part na 'yun. But anyways, wala naman silang magawa kaya hinayaan na lang nilang magsama ang mga magulang ko sa kundisyong hindi nila susuportahan si mama. Hindi na lang nila aminin na nahulog din sila sa charm ni papa. Hmp. And, that's the end of the myth! I also hope that when I fall in love, sa iisang tao lang. Kaya naman I wish myself goodluck! Sana magustuhan din ako ng taong gusto ko. *** Napapailing ako habang pinapanuod ang kambal kong kuya na kaninang umaga pa yata nagba-basketball sa gilid ng aming bahay. May maliit na court doon. Minsan, doon kami naglalaro ni Gigi ng badminton. Ganyan ang mga kuya ko lalo na't linggo ngayon. Kung hindi 'yan sila nagpapakapagod sa paglalaro ng basketball, nasa loob sila ng kanilang kwarto at nagb-video games. Sisigaw sana ako para i-cheer ang isa sa kambal na natatalo na nang bigla kong marinig na lumangitngit ang lumang-luma at super kinakalawang na gate sa katabi naming bahay. Napakunot-noo ako noong may makita akong pumasok na dalawang lalaki. Hindi ko maaninag ang mga mukha nila dahil may kalayuan sa pwesto ko ang gate sa kabila. At isa pa, medyo papadilim na. Maliit lang 'yung lalaki na unang pumasok habang ang tangkad-tangkad naman nung sumunod na pumasok na lalaki. 'Sino naman kaya ang mga 'yan?' Kahit naman siguro sino, ma-c-curious sa mga bagong salta. Ang tagal tagal na kayang walang nakatira sa bahay na 'yan. Sa pagkakatanda ko Grade 3 pa lang ako, nakabakante na 'yang bahay. Ginagawa ko nga lang taguan 'yan noong bata pa ako kapag naglalaro kaming magpipinsan ng tagu-taguan. Tas maraming taon na rin akong nangungulimbat ng manga dyan sa kabila. Kulang na nga lang kumuha ako ng sako-sako saka ibenta sa palengke. Pero dahil hindi naman ganun kakapal ang pagmumuka ko, isang balde lang sa isang linggo ay sapat na para sa akin. "Tinitingnan-tingnan mo diyan?" Muntik na akong malaglag mula sa pagkakaupo sa terrace dahil sa gulat. Kahit naman sinong bulungan sa tabi ng tenga sa tonong kala mo ay nanggaling sa ilalim ng hukay ay magugulat. Naiinis na nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. At iisang nilalang lang naman ang may boses lalaki (kahit na i-alter pa n'ya) na naturingan namang babae-- sa aming angkan. Ang pamangkin kong si Gigi. Ewan ko ba sa nanay at tatay ko kung bakit sa dinami-dami ng pwedeng ibigay na palayaw dito sa unang apo nila... hindi ko lubos-maisip na bibigyan nila ito ng pangalan ng isda. Gigi? For real? So sobrang stress siguro nila sa presyo ng galunggong noong mga panahong sila ang nag-aalaga sa pamangkin ko ay idinaan na lang nila ang stress sa pagbibigay ng ganoong palayaw kay Giorgia. And anyway, kahit mas madalas nakakainis ang taong 'to, wala akong choice dahil pamangkin ko s'ya. And take note, mas matanda s'ya sa akin ng isang taon kaya kahit na mas madali pang hulaan ang weather forecast sa Pilipinas kesa sa ugali n'ya, karapat-dapat ko pa rin s'yang igalang. Ang paggalang ko sa kanya ay for seniority purposes only. Don't ask me what does that mean, hindi ko rin masasagot. Anak nga pala s'ya ng panganay kong kapatid na ang bata-batang nagpabuntis este nambuntis. "Nakakainis ka. Ba't ba pasulpot-sulpot ka?!" Naasar kong tanong. Alam naman na magugulatin ako eh. Inirapan ko pa si Gigi para mas dama n'ya. "Eh bakit ba kase titig na titig ka dyan sa kabilang bahay? Nakakita ka ba ng multo ha?" "Ano bang multo. Tumahimik ka nga d'yan Giorgia Jade! May dalawang lalaki lang akong nakitang pumasok. Ano bang multo ang pinagsasasabi mo?" Lalo akong nainis sa bruha kong pamangkin. Alam naman n'yang matatakutin ako. And to be honest, medyo creepy naman kase talaga sa kabilang bahay kapag ganitong pagabi na. "Oww. Nakita mo rin?" Pinagtaasan ko s'ya ng kilay. "Sila 'yung nakabili n'yang bahay. Balita ko yayamanin sila." ani Gigi sabay kibit ng balikat n'ya. Sa aming dalawa, s'ya ang pinaka-moody. Pero kapag napapa-trouble ako, s'ya ang kauna-unahang rumiresbak para sa akin. Lumingon ako sa kabilang bahay. Kung yayamanin nga ang mga bagong nakabili sa bahay na 'yan, bakit hindi na lang nila ipinagiba at pinatayuan ng bagong bahay. Bakit pa nila pagtatyagaan 'yang binubukbok at inaamag na bahay? "Sino kaya ang mga yan?" Curious kong tanong. Ang tagal tagal na talagang nakabakante n'yang bahay na 'yan. Sabi nga ng iba may masamang espiritu na daw na nakatira d'yan eh. Hindi ba sila natatakot? Napailing-iling na lang ako. Bakit ba ang pakialamera ko? Marunong pa ako aa bumili. Kaloka. Ilang taon na lang ga-graduate na ako eh. Hindi pa nakapag-antay ang bahay na 'yan. Haist. Gustong-gusto ko pa naman sana ang loteng 'yan eh. Kaya lang masyadong malapit sa bahay namin. Hindi ko pwedeng ipaalam sa mga magulang ko na may secret account ako. At palaki nang palaki ang laman noon dahil sa ginagawa kong pambuburaot at panggigipit sa mga pinsan kong pasaway. Actually ang pamangkin kong si Gigi at ang pinsan kong si Kenjie na kanang kamay ni Pamangkin ang madalas kong maburaot. Paano silang dalawa ang pinakapasaway sa buong angkan namin. Pinaningkitan ko ng mga mata ang bahay sa tabi namin. Pagkatapos ay napangiwi ako. Bibilhin ko na sana kahit na medyo creepy eh. Willing akong maglabas ng salapi since pwede namang ipa-renovate. Kaso nga lang, may iba ng may-ari ngayon. So sad. "Sabi ni Aling Puring ang gwapo daw ng apo nung may-ari. " Pinagtaasan ko ng kilay ang magaling kong pamangkin. Basta tsismis talaga, ang husay-husay neto eh. Tatahi-tahimik lang 'to pero ang sense of hearing nito, palaging nakataas ang radar. "Teka lang ah. Bakit parang hindi yara ako na-inform. Kailan pa kayo naging magkaututang dila ni Aling Puring?" Nakataas ang kilay na tanong ko. "Hindi ba asar na asar ka dun kase gustong-gusto kang gawing daughter in-law?" nakangising tanong ko pa. Inirapan ako ni Gigi. "Tapos ang layo pa ng pwesto nila sa bahay natin. Dinaig pa talaga ni Aling Puring ang balita sa radyo at tv ah, palagi s'yang nangunguna. Paano kaya noon nalaman na may nakabili na?" naiiling na saad ko. "Hmp. Wala kang kwentang sabihan ng tsismis!" May pa-flip pa ng buhok ang bruha bago ako talikuran. Natatawang naiiling na lang ako habang sinusundan ng paningin si Gigi. Gwapo ha. Tologoh bho? "Iana, aba'y bakit hindi ka pa nagbibihis?" Mula sa loob ng bahay ay lumabas ang napakaganda kong ina. Yep. Maganda talaga si mother dear. Walang halong pang-uuto at mas lalong wala ring nangyayaring bayaran. May dala-dalang kape si Mama habang pinandidilatan na naman ako ng mga mata n'ya. Kung hindi n'ya lang ako kamuka, iisipin kong napulot n'ya lang ako sa may imburnal d'yan sa labas ng bahay. Galing ako sa school. Anyway, I'm a Grade 12 student. Taking HE (Home Economics). Wala eh, puro pagkain lang ang alam ko. At puro pagkain lang din ang gusto ko. So bakit pa ako pipili ng komplikadong tracks o strand? Di dito na ako sa pakikinabangan at gusto ko diba? "Ano na? Magtititigan lang ba tayo rito, Gabrianna?" nakataas ang kilay na tanong pa ni mama. "Opo. Magbibihis na nga po. Napatingin lang ako kila kuya saka d'yan sa katabing bahay." Sabi ko habang papasok sa loob ng bahay namin. Simple lang ang bahay namin, nasa isang Subdivision kami na hindi naman pangmayayaman dito sa Brgy. Matahimik. May second floor at syempre nasa pangalawang palapag ang kwarto ko. Hindi na natutulog sa kwarto si Gigi kaya naman solo ko na ang kwarto na dati ay pag-aari namin. Oh, diba? I'm such a princess. Dalawa kami ni Gigi na gumagamit noong kwarto dati pero dahil hindi naman halos umuuwi dito ang tatay niya, na kuya ko, s'ya na lang ang gumagamit sa kwarto ni kuya. Kapag umuuwi naman si kuya, 'yung guest room na lang ang ipinapagamit sa kanya ni mama. "Andyan na nga yung nakabili n'yang bahay. Nung isang araw pa sila nag-aayos d'yan eh." Sabi ni mama habang inaayos ang hinubad kong sapatos. Nung isang araw pa? Ba't hindi ko yata alam? "Andun ka sa bahay ng kaklase mo nun. Saka bakit ba kailangan mong alamin? Ikaw ba ang binilhan nila ng bahay ha?" pagtataray na naman ni mama habang nakataas pa ang magandang kilay. Napangiwi na lang ako sa sinabi ng nanay ko. Kitams. Kala mo palaging may gyera kapag ako ang kausap eh. Akala mo buntis 'tong mama ko eh tas ako yung pinaglilihian. Tsk. Napapailing na lang na nilayasan ko ng tuluyan ang nanay ko. Hindi ko na lang din s'ya sinagot. Hahaba lang ang lahat. Pareho kaya kaming magaling mangatwiran at magdahilan. Syempre, saan pa ba ako magmamana diba? Bukod sa kuhang-kuha daw naming dalawa ni Gigi ang mukha ni mama, nakuha din naming magtiyahin ang ilan sa mga di kaaya-ayang pag-uugali niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Billionaire In Disguise

read
653.9K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
439.4K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

SILENCE

read
380.5K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
469.8K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
215.9K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
308.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook