bc

SE7EN : The Prophecy

book_age16+
317
FOLLOW
2.1K
READ
possessive
reincarnation/transmigration
dominant
kickass heroine
gxg
kicking
mystery
magical world
another world
first love
like
intro-logo
Blurb

Isang nilalang mula sa nakaraan ang magiging dahilan ng pagkasira ng balanse ng mundo. Magigising ang kapangyarihan ng mga taong ganid at sakim na siyang mas magpapasiklab ng digmaan. Manganganib ang mga mahihina at maghahari ang mga mas nakakaangat. Ang tanging pag-asa ng sangkatauhan ay nakasalalay sa kamay ng prinsesa at ng pitong gabay.

Ngunit paano niya ito maisasakatuparan kung nakasalalay rin ang kanyang kaligayahan…

chap-preview
Free preview
Kabanata 1 - RICH: "Rich Gozon"
Isa na naman ito sa mga nakakaboring na araw. Babangon, kakain, maliligo at papasok sa eskuwelahan. Jeans, pink t-shirt, kicks and ready na ako. Huminga ako nang malalim habang nakaharap sa salamin. Sino bang mag-aakalang ang isang tulad ko ay makapasok sa XerXen University na ang unang qualification ay ang pagkakaroon ng kapangyarihan. Isa sa walong unibersidad sa Pilipinas ang XerXen University na nagsasanay sa mga tulad ko na mayroong kapangyarihan. May sampung taon na ring itong pinapalakad nina Sir Xeron at Sir Xenon. VIP nga ang pakiramdam ko noong sila mismo ang pumunta ditto. Tapos malaman-laman nilang napakababa ng kapangyarihan ko. Haha! Nakakahiya! Hindi bale daanin ko na lang sa patalinuhan. Ang importante? Pasok tayo sa qualifications. Pak! Naku! Mali-late na naman ako. Patakbo na akong bumaba ng hagdan. “Ma, alis na ako.” Paalam ko kay Mama na nagluluto pa. “Hindi ka na ba kakain?” “Mali-late na ako e.” Kumuha lang ako ng tinapay at ininom ang hinanda niyang gatas para sakin. “Si Papa?” “Nasa trabaho na.” Nagbalot pa siya ng isang sandwich. “Ikaw Rich ha? Umiwas ka sa gulo. Aba may naibalita namang estudyanteng nanloob ng convenient store. Buti e nahuli.” Napanood ko nga sa balita `yong kagabi. May kapangyarihan din `yong suspect. Nagiging invisible daw. E siyempre nakahanap ng katapat. Hayun timbog. Hindi nag-iisip e. Siyempre nag-adjust na rin sa sitwasyon ang kinauukulan. Tsk tsk. Sayang. Kung ginamit sana niya sa may katuturan ang abilidad niya. At sanaol maganda ang powers. Haha. Inggit ako ah. Di bale na nga. Nagsapatos ako saka nagmadaling pumunta sa katapat naming bahay. Makailang beses akong nagdo-doorbell bago lumabas si Brigitte. “Ang-aga mo naman.” Kakamot-kamot pa siya sa ulo niya. “May dala kang pagkain?” Ngiting aso na naman! Naku, `tong bespren ko talaga! “Mamaya na lang sa school. Late na tayo. Tara na.” `Yan si Brigitte! Kaibigan ko siya mula nung nasa grade 4 pa lang ako. At Besprens kami! Mahilig sa itim na outfit `yan at laging may headband na may marka ng bungo. Babae nga pala siya pero nagco-cross dress. Napagtanto daw niyang babae ang gusto niya nung 7 years old pa lang siya. Ang-aga nagbinata ng bespren ko! Hihi. Kinuha niya `yong dalawang skateboard at nilagay sa bag niyang pagkalaki-laki `yong isa. “Dadaan ba tayo ulit sa bakeshop?” Tumango siya. Pinalo ko siya sa balikat. “Sus! Gusto mo ng good vibes bago maurat sa klase ha?” “Naman!” Aba! Umabot gang tainga ang ngiti niya! Kinikilig ang bespren ko ah! Seryoso siya habang binabagtas namin ang patungo sa bakeshop kung saan nagtatrabaho `yung crush niyang si Ada. Maganda si Ada. Maraming natutuwa sa kanya. Sikat nga ito sa XXU. Siyempre, ang mga boys ay crush na crush siya. Parang olats `tong si Brigitte kung nagkataon. Haha! Siguro ay ilang linggo na rin namin siyang dinadaanan dito ne minsan ay hindi magawang lapitan nitong si Brigitte. Olats na talaga. “Matunaw `yan.” Siniko ko siya. Aba! Titig na titig kay Ada! Sobrang `yong paghanga sa mga mata niya. Sarap dukutin! “Yah! Nagfofocus ako dito e.” Saway niya sa akin habang nakasilip sa may poste. Parang tanga lang `to? Magtatago sa poste e kitang-kita pa ang kalahati ng katawan niya. Hinayaan ko lang siyang sumilip ng ilang minuto nang bigla niya akong hinigit sa braso at nagmadaling umalis. Aray naman! Nambibigla! “Bakit?” Hindi ito umimik. Umiinit lang ang kanyang kamay na nakahawak sa akin. “Malalapnos ang braso ko Brigitte!” Pinalo-palo ko pa siya. “Hoy! `Yang kamay mo!” Saka lang siya natauhan nang napalakas ang hampas ko sa kanya. “Sorry…” Pumikit ito at nang muling bumukas ang kanyang mga mata ay napapalibutan na kami ng kanyang aura . “Huwag kang bibitiw sa akin…” Kinuha niya sa bag niya `yong isang skateboard at inabot sa akin. Parang alam ko ang susunod na mangyayari. Paglingon ko ay may mga lalaking nakasunod sa amin. Armado sila ng hindi ko maipaliwanag na bagay. `Yong dala nung isa ay nababalutan ng kuryente samantalang `yong isa ay kulay itim ang aura na pumapalibot sa kanyang katawan. Oh my Gee! Anong laban ng very poor kong powers sa kanila? Hindi naman ako marunong mag-skateboard pero dahil sa tulong ni Brigitte ay nagagawa kong makasabay sa kanya. Pinapadaloy kasi niya sa katawan ko ang aura niya para mapaandar ito. Kumapit ako ng mahigpit sa kamay niya habang ang mga nakakasalubong namin ay umiiwas sa kapahamakan na maari nilang sapitin. May mga napapahiyaw pa nga sa takot. Ako man! “Sino ba ang mga `yan?!” Halos pasigaw ko ng tanong. “Mga walang magawa sa buhay.” Kalmado pa siya niyan ha? Hinahabol na kami ng mga masasamang loob e kalma pa siya. “Hindi ka ba lalaban? E kayang-kaya mo naman sila.” “Mali-late na tayo e.” Lilingon sana ako pero pinigilan niya ako. “Sa harap ang tingin!” Mas bumilis ang takbo ng skateboards. Pero ganun rin ang lakas ng mga pagsabog sa paligid. “Gago ka! may makakasalubong tayong truck!” Ibinaba niyang konti ang katawan at parang automatikong gumaya ang katawan ko sa kanya. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko dahil kung mabibitawan niya ako ay sigurado sa langit na mapupunta ang kaluluwa ko. Rumaragasa na ang truck sa amin. Ilang metro na lang layo ay umangat kami kasama ang mga skateboards at nag-360 degrees turns sa ere. Nagmistulang slowmotion ang lahat para sa akin samantalang si Brigitte ay ngingisi-ngisi pa pagkalapag namin. “That was awesome!” Sigaw pa niya habang pabagal nang pagal ang takbo namin. Lumiko kami sa may kanan at binabaan niya ang aura. Napaupo siya. “Mas dumadami ang mga tulad nila.” “Ok ka lang?” Tumango ito. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkaroon kami ng engkwentro sa mga masasamang loob na may kakaibang kapangyarihan pero tama siya habang tumatagal ay mas dumarami sila at nagiging mas malakas. “Maraming nawalang enerhiya sa`yo, Tanga ka ba?” Binatukan ko nga siya. “Pwede namang simpleng stunts lang ang gawin mo kanina. Nagpapasikat ka pa!” Ngumiti lang ito. “Hindi uubra ang simpleng stunts sa mga matang nakamasid sa atin.” Nanlaki ang mga mata ko! Kung ganoon ay bukod sa mga lalaking humahabol sa amin ay merong pang ibang hindi ko maramdaman? “Pero…” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bibig ko. Mas binabaan niya ang aura niya habang nakatago kami. Nakita ko si Ada na mabilis na tumatakbo at parang may hinahanap. Pero kakaibang Ada ang nakita ko habang dumadaloy sa katawan ko ang aura ni Brigitte. Kulay itim ito na habang tumatagal ay lalong lumalawak. Lumilinga-linga siya at nang mapagtanto wala ang kanyang hinahanap ay umalis na ito. Napabuntong hininga si Brigitte. “Ngayon alam mo na kung bakit hindi ko siya pwedeng kaibiganin?” Angsaklap naman ng kapalaran ng kaibigan ko. Ang tangin pinapangarap niya ay hindi niya pwedeng mahalin. “Pero diba? Pwede mo naman siyang mabago?” Ngumiti ito pero pilit. “Hindi na. Full blooded assassin si Ada. Walang pwedeng mapagpabago sa kanya.” “Sabi mo e. Pero parang wala sa itsura niya…” Tumahimik siyang sandali. “Ang alam ko lang Rich may hindi magandang mangyayari sa hinaharap.” “Ang-creepy mo!” Nagtungo na kami sa university. Pagdating pa lang namin sa gate ay pinagtitinginan na kami ng mga schoolmates namin. Narinig ko na ang bell. Late na naman! Takbuhan na rin ang ibang estudyante. Talk of the campus nga pala ako dahil ako na ang may pinakamahina at pinaka-walang kwentang kapangyarihan sa school na `to. Anggrabe! Hinarangan pa nila kami! Lampas sampu sila. Wala siguro silang first subject kaya nandadamay! Nakakainis lalo! “So, here comes the princess with that so lame powers. Ilatag ang red carpet!” Pangangantiyaw nung isa. Sinimangutan ko nga sila. Angyayabang ng mga `to! Porke astig ng mga powers nila! Ma-lobat sana kayo at ma-drain ang mga powers niyo! Black Wolf Gang.`Yan ang tawag sa grupo nila. Isa sila sa mga grupong kinakatakutan sa university na `to. Every year ay naghahanap sila ng mga magiging slaves nila. Mga pwedeng utus-utusan at kawawain. Gagawin nilang punching bag o kung ano mang maisipan nila. Napakabalasubas nila. Sa totoo lang! Sarap ibaon sa yelo! “Sige nga at gawin mong pagkain `tong libro ko.” Binato niya sa akin `yong isang libro niya. Sinalo naman ito ni Brigitte. “Humanap ka ng katapat mo.” Tumawa lang `yong lalaki. “Tingnan mo kung sino ang tagapagtanggol ng Food Princess natin dito? Si cross dresser Brigitte.” Pangungutya pa nito. “Patingin nga ng galit?” Nakakainis ang mga tawa nila. Sakit sa tainga! Susugurin niya na ito pero pinigilan ko siya. Marami nang nawalang enerhiya sa kanya at baka mas mapahamak pa siya. “Ano ha?! Lalaban ka?!” Hamon pa sa kanya nung lalaking kulay blonde ang buhok. Napakayayabang talaga! Nakakagigil! Bumuntong hininga si Brigitte. “Call me anything you want pero hindi ako bababa sa level niyo.” Hinigit niya ako papalayo sa kanila. Papalayo na kami nang may tumama sa ulo ko. s**t lang. Napahawak ako dito ay naramdaman kong may bukol. Paglingon ko sa kanila ay nakangisi pa ang mga ito habang hinahagis-salo ang bola ng soft ball. Salamat na lang sa force field ni Brigitte at hindi ganoon kalakas ang impact ng bola. Oo nga pala pag magkasama kami ay laging may nakabalot na forcefield sa amin dalawa. Palagi kasing may mga nambu-bully sa amin at hindi lang basta-basta pambubully. Dumarating pa `yong punto na nananakit na sila. Lalo na ang mga nasa upper year level kung saan malapit na nilang ma-master ang mga kapangyarihan nila. “Tsss… Angyayabang nila.” “Don’t mind them.” Walang emosyon na sabi nito. “Bakit kasi hindi mo pinapakita ang tunay mong kapangyarihan dito? Para kang tanga! Kailan pa naging pagkontrol sa manika ang kapangyarihan mo ha? E kung pwede mo naman silang patalsikin sa isang suntok mo lang.” Sinimangutan ko na rin siya sa inis ko. Pwede naman hindi magpaapi e! Isang suntok lang ni Brigitte tumba na ang mga `yon! Ngumiti ito. “Hayaan mo na. Cool ka lang.” Nagpunta na ako sa klase ko. Tulad ng mga pangkaraniwang unibersidad ay pareho rin ang mga basic subjects namin dito. Magkaklase kami ni Brigitte pero malayo ang upuan niya sa akin. Harmless ang section na ito. Kung baga nandito kami sa grupo ng mga may pinaka-mababang uri ng kapangyarihan. Parang ako. `Di ba? Paano `yon makakatulong sa pagligtas ng mundo? Ah siguro pag nagkaroon ng shortage sa pagkain. Rich to the rescue! Haha. Hay! Anglame ng powers ko. Sad. Si Brigitte naman ay may napakalakas ng suntok, kaya niyang magpalabas ng force field barrier, magkontrol ng mga bagay na walang buhay pero hindi ko maunawaan kung bakit mas gusto niyang makilala siya na ang kaya lang niyang gawin ay magkontrol ng manika. Tampulan tuloy siya ng tukso. Siniko ako ng katabi ko. “Muntik na kayo kanina ah?” “Nga e..” Nginuso niya si Brigitte. “Parang anglalim na naman ng iniisip niya. Iniisip niya siguro yung mga manika niya.” Tinawag naman ng prof si Brigitte. Ipakita raw niya sa klase ang bagong trick na magagawa niya gamit ang mga manika. Bumuntong hininga ito. `Yong mga manika ay nakapatong lang sa mesa. Isa-isa niya itong hinawakan at itinaas niya ang kanyang kamay para pagalawin ang mga ito. Ang-oa niya promise! Pasayawin ba ang mga manika! May papikit-pikit pa siyang nalalaman. Tuwang-tuwa naman ang mga kaklase namin. Naku Brigitte! Feel na feel! Nagpalakpakan sila pagkatapos niyang magpakitang gilas. Kumukuha siya ng extra class sa self-defense. Ako naman ay sa art class. May kung anong seal ang nilagay sa mga classroom namin kaya pagpasok ay nagiging normal na tao lang kami. Wala naman ako pake do`n? Hindi naman nakakasakit ang kapangyarihan ko. Binigyan kami ng sketchpad at pastel. Ang instruction lang naman ng instructor namin ay idrawing namin ang mga madalas naming mapanaginipan. We have an hour to finish our work. Malinaw sa aking ala-ala ang isang imahe sa na madalas kung mapanaginipan. Tuloy-tuloy lang ang pangguhit ko hanggang sa tuluyan nang mabuo sa sketchpad ang saktong nasa isipan ko. Lumapit sa akin ang instructor at natigilan sa sketchpad ko. Dalawang dragong kasi ang aking naiguhit. Ang isa at bumuga ng apoy samantalang ang isa naman ay bumubuga ng yelo. Nakapulupot sila sa isa’t-isa na parang naglalaban. “How long have you been dreaming of that?” “Huwag kang magtitiwala agad-agad” `Yan ang biglang pumasok sa isip ko. Ang mga salitang binitawan ng babaeng sumagip sa akin nung muntik na akong mamatay sa kamay ng aking kaibigan. “Po? Uhm, Last week lang sir. E `yun lang ang naalala ko e.” Pagpapalusot ko. Tumango lang siya at pinuntahan yung ibang kaklase ko. May kapareho ako ng drawing pero yung sa kanya ay dragon na nasa himpapawid. Tinanong rin siya ni sir. Nung sinabi niyang simula bata ay napapanaginipan na niya ito pareho silang lumabas. “Saan sila pupunta?” Tanong ko sa katabi ko. “Hindi ko alam. Pero narinig mo na ba `yong prophecy?” “Eh?” “`Yung tungkol sa mga apat na makapangyarihang dragon na nagpapanatili ng balanse sa mundo.” “Oh bakit? `Di ba kwentong barbero lang `yon?” Umiling ito. “Maraming naka-enroll sa university na `to ang sinasabing galing sa lahi ng apat na legendary dragons…” “At?” “Ewan ko. Ang alam ko ay nagiging miyembro sila ng guardians. Sinasanay para maging tagapagtanggol ng mundo laban sa mga masasamang nilalang.” Angkorni namang prophecy nun? Pero parang cool `di ba? Anglaking responsibilidad naman `yong buong mundo. Tapos naman na ako sa ginagawa ko. Bumaling ako sa bintana at pinagmasdan ang ilang estudyante na nagsusukatan ng lakas. Safe naman sa quadrangle dahil napapalibutan ito ng forcefield upang hindi makapaminsala sa iba ang mga kapanyarihan nila habang nagsasanay. Kung may ganyang kapangyarihan lang ako siguro wala nang mang-aapi sa akin. Siguro sa isang pitik ko lang ay tatalsik na silang lahat. “Naiinggit ka?” Tanong ulit ng seatmate ko. “Minsan. Bakit?” “Ako hindi. Kontento na ako sa kung anong meron ako. Kahit ang nagagawa ko lang ay magpatubo ng halaman sa tuwing papatak ang mga luha ko,” Nangiti pa siya. ”Atleast hindi ganun kalaki ang responsilibidad ko.” May punto naman siya d’on pero hindi ko maiwasang mainggit talaga sa kanila. Iniisip ko rin si Brigitte. `Yon siguro ang dahilan kung bakit tinatago niya ang tunay niyang kakayahan dito. Ayaw rin niya ng mabigat na responsibilidad. Nagtext nga pala siya na late matatapos ang self-defense class niya. Hihintayin ko na lang siya sa may likuran ng shool para makaiwas sa mga bullies na siguradong naghihintay sa akin. Nagtago ako sa may malaking puno. Inilabas ko ang sketchpad ko at nagsimulang gumuhit. Maya-maya ay may pumatak sa sketchpad ko at nagsimula itong matunaw. Asido! Unti-unti kong inangat ang mukha ko. Isang babaeng kagrupo ng Black Wolf Gang! Isa siya sa mga nanunuya sa amin kanina! Nasa itaas ng puno at nakangisi sa akin. Pinagpawisan na naman ako nang malamig. `Yung t***k ng puso ko nag-uunahan na naman! Siya yung dumudura ng asido. Sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya. “Hi. You can run but you can not hide.” Napatayo ako at nagtangkang tumakbo pero dumura siya ng asido sa hahakbangan ko. Napabalik tuloy ako sa puno. “Tatakbo ka na naman? Alam mo bang pwede kong kitilin ang buhay mo ngayon mismo?” Napapalunok ako. Ito na ba ang katapusan ko? Ito na ba? Tagaktak na rin ang pawis ko. Humahakbang siya papalapit sa akin. Nakapakapit ako sa puno as if may magagawa ito. “Itigil mo `yan.” Sabi ng isang boses na ma-otoridad. Napatigil siya at kitang-kita ang takot sa kanyang mukha, nagpalinga-linga ito sa paligid. Mula sa puno sa likuran niya ay lumitaw si Lyle. Isa sa mga makapangyarihan seniors. Kinakatakutan siya ng lahat. As in! Angelic ang mukha niya pero mainitin ang ulo niya. Nanapok agad! “Layuan mo siya.” Walang emosyong sabi nito. “Amin siya. Kami ang unang nakakita sa kanya.” Maangas pang sabi nung babae. Aakto pa ito na parang lalaban. Ano ako? Lost and found na gamit? Grabe ang tingin sa akin ng babaeng `to ha. Itinutok ni Lyle ang hawak niyang maliit na piraso ng bato sa kanya. May kapangyarihan nga pala siyang gawing parang bala ng baril ang kahit anong mababalutan niya ng kanyang aura. “Isa…” Unti-unting nag-aapoy ang mga bato. Lumingon sa akin yung babae. “Hindi pa tayo tapos.” Pagbabanta niya. Masama ang tingin ng babae kay Lyle bago ito umalis. Nakatingin pa rin sa akin si Lyle. Bakit nakatutok pa rin sa akin yung bato? At habang tumatagal ay mas lumalaki ang apoy nito. Halla? Target rin ba niya ako? “Dalawa…” “Whoaahhhh! Anong kasalanan ko sa`yo?!” Garalgal ang boses ko sa kakasigaw. Tinaas ko pa ang dalawang kamay ko. “Teka naman! Wala akong ginawang masama.” May narinig akong mahinang tawa sa hindi kalayuan. “Tatlo…” Napatakip ako ng mga mata ko. Gustuhin ko mang tumakbo ay hindi ko maigalaw ang mga paa ko! May tumawa na naman. Mula sa parehong puno na pinanggalingan ni Lyle ay nagpakita ang isang babae na naka-pink hoodie at ngumunguya-nguya ng bubble gum. Pakiramdam ko naman ay namumutla na ako. Sa kumpas niya ay nawala si Lyle. Napaupo ako. Kainis! Ilusyon lang pala! Lumapit siya at naupo para maabot ako. Ngumuya-nguya lang siya ng bubble at ngumiti. “Did I scare you?” Tumango ako. E natakot nga ako e! Ikaw ba naman ang bilangan ni Lyle habang may nakatutok sayong bato na nag-aapoy? Sinong hindi matatakot dun! Ano bang trip niya at tatawa-tawa pa rin siya? “Sorry.” Inilahad niya ang kamay niya. “Ako nga pala si Nuie Hana pero tawagin mo na lang ako Nuie…” Inabot ko ang kamay niya. “Rich Gozon.” “I know. Talk of the campus ka nga e.” ngiti pa niya. Bago nagpalobo ng bubble gum. Hindi ko alam kung mapa-proud ba ako o maiinis dahil siguradong dahil sa kapangyarihan ko kaya ako talk of the campus. “Sigurado dahil sa weird kong powers.” Tumango ito. “Gutom na ako. Gawin mo ngang pagkain `to?” Inabot niya sa akin ang dahon ng puno. Kumuha pa siya ng maraming dahon bago naupo sa tabi ko. “Gusto ko ng chips ha? Yung hindi gaanong maalat…” Tumango lang ako. “Hindi mo ba ako sasaktan? Saka ano pang mga kaya mong gawin?” Sandali itong nag-isip at tumingin sa akin. Kumumpas siya sa dalawang kamay niya at lumitaw ulit si Lyle. “Kaya kong gumawa ng ilusyon…” “Ilusyon? Meaning hindi siya nakakasakit?” Tumawa ito. “Look at this Rich…” Sa kumpas ng kamay niya ay itinapat ng ilusyon ni Lyle yung umaapoy na bato sa isang puno. “Ready…aim…” Pabirong bilang pa niya. “Fiiireeee!” Pinitik ng ilusyon `yong bato at tumama ito sa puno. Hindi lang basta tumama. Tumagos pa ito sa tatlo pang puno. Natawa na naman siya. Parang bata naman `to na tuwang-tuwa sa achievement. ‘Galing no? Pero ang nagagawa ko lang ay `yong mga nakita ko ng abilidad. At kung nahawakan ko na `yong tao.” “Wow… Cool...” Sanaol. Haha! Sanaol talaga may cool na powers! Natawa na naman siya. Ang-happy kid siguro nito. “Mas cool yung nakakagawa ng pagkain `no. Uhm, kapag nagugutom ako pupuntahan kita ha? Gawan mo ako ng maraming chips…” Tumango ako. Nagconcentrate ako sa mga dahon na hawak-hawak ko. Lumiwanag ang mga ito at naging chips gaya ng nasa isip ko. Inabot sa ang mga chip. Baked potato ang flavor. Sana masarap. Tinikman niya ang mga ito. “Hmmm. Sarap…” Naubos niya agad. Angtagkaw din ni Ate Girl! Tumayo naman siya. “Let’s go. Hinihintay ka na ng kaibigan mo sa main gate.” “Pa`no mo alam?” Pagtataka ko naman. “I just know…”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.3K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
597.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K
bc

The Sex Web

read
127.3K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
450.7K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
628.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook