Share:

BOUND BY THE DARK LORD (Tagalog)

Author Ajeomma Vampire/Werewolf

83 reads

Alamat lamang sa bayan ng San Agustin ang tinatawag nilang Dark Lord. Nagpasalin-salin at naging bantog na usapin mula nang magwakas ang digmaang pandaigdig.

Ayon sa kuwento, isang binata ang isinumpa ng kanyang mga magulang at nagtaglay ng nakapangingilabot na katauhang puno ng lagim at kamatayan.

Sinasabing dugo ng isang birhen ang natatanging alay upang siya'y magising sa pagkakahimlay, at ito'y aangkinin, puso, isip, kaluluwa at katawan. At sa kanyang muling pagbangon, ang lahat ng mga pumanaw ay muling mabubuhay upang siya'y pagsilbihan; upang pagharian ang buong sanlibutan.

Kathang isip nga lang kaya ang tinutukoy sa alamat dahil sa madugong karanasan sa digmaan, o isang katotohanang ni sa panaginip ay 'di nanaising maganap?

Magsisimula ang lagim sa kanyang paggising. Mga tao'y papaslangin at gagawing patay na buhay na nagkukubli sa dilim!

Unfold

Tags: ParanormalVampireWerewolfAlphaDarkLove-triangleReligionReincarnationFriends to LoversPowerfulKingDramaTragedyTwistedSweet
Latest Updated
Comment