bc

Sorrowful Decision (Guerrero Series One)

book_age18+
5.3K
FOLLOW
54.6K
READ
possessive
sex
badgirl
bitch
CEO
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

WARNING ⚠️ 18+

Nakalakihan ni Dalliance Vercy ‘Darcy’ Zerfa na ang pera ang sagot sa lahat. Magagawa niyang gawin ang lahat, gamit lamang ang pera. ‘Money can buy happiness, iyan ang kaniyang laging sinasabi.

Ngunit para kay Delion Levorn ‘Dell’ Villion, ay hindi mabibili ng pera ang kaligayahan. Kaya naman nang parusahan si Darcy ng kaniyang ama ay agad siyang pinapunta sa Samar at doon maturan ng leksyon.

Magagawa kaya ni Dell na baguhin ang pananaw ni Darcy?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Prologue   Dalliance Vercy   “Ano? Ayoko nga! No way, Dad!” galit na galit akong tumingin kay daddy, hindi ako makakapayag na ipadala niya ako doon!   “Kasalanan mo ‘yan! Hindi ko alam kung bakit ka lumaking ganiyan!” turo niya pa sa akin. Gusto kong magwala, naiinis ako! “Lumaking ano?” pinanlakihan ko siya ng mga mata ko.   “Lumaking hindi nakasama ang tunay kong ina? Lumaking ano, Dad? Pwede mo ba sabihin sa akin? Lumaki akong brat and spoiled?” nahinto siyang tignan ako, tumulo ang mga luha ko sa aking pisngi. “Hindi mo man lang ako tinanong! Hindi mo man lang ako tinanong!” turo ko sa aking sarili.   “Hindi mo man lang ako binigyan ng oras! Buwan lang nang mawala si Mommy, Dad! Buwan lang!” alam kong may mali ako at nang dahil sa akin, kaya hindi kami nakapunta sa kasal ng kakamabal ko. Ayoko pumunta, sinadya ko talaga na hindi pumunta, kaya hindi rin nakapunta si Daddy.   “Wala sa akin ang paa mo, Dad. Pwede ka naman pumunta sa kasal ng anak mo-” hindi ko iyon natuloy nang maramdaman ko ang isang sampal sa aking pisngi. Nanlaki ang mga mata kong nakatunganga lamang, tila iniisip ang nangyari.   Sinampal ako?   “Kapatid mo iyon, Dalliance! Kasama mo iyon sa tyan ng ina mo!”   “Pero hindi ko siya kasamang lumaki! Ano ba ang ine-expect mo, Dad? Na maglaro kami? Na magyakapan? Mga kaibigan ko nga ay hindi ko magawang makipaglambingan! Sa kapatid ko pa kaya na nitong araw ko lang nakilala!?” isang sampal pa muli ang aking naramdaman, “I hate you!” galit na galit kong sigaw sa kaniya.   “Darcy!” sigaw ni daddy, ngunit hindi na ako lumingon pa. Nagkulong ako sa aking kwarto at ni-lock na lamang ang pinto. Hindi ako papayag na pumunta sa lugar na kung saan doon lumaki ang kapatid ko, no way!   “Lucy!” tawag ko sa aking kaibigan nang sagutin niya ang tawag ko. “Darcy, what happened?” rinig ko ang pag-aalala nito sa akin. “I need help!” kung gusto niya ako papuntahin doon ay siya na lamang mag-isa.   Tatakas ako!   “Bakit? Ano ang nangyari?”   “Bukas ay aalis ako, baka pwedeng d’yan muna ako sa condo mo? Magtatago lang ako, ayokong pumunta sa Samar!” mamamatay lang ako sa Samar, kung doon niya ako itatapon. “What!? bakit ka pupunta ng Samar? Oh my god, dahil ba ito sa nangyari kagabi?” mas lalo akong umiyak sa aking kama, “Yes! Mahanap ko lang talaga kung sino ang nag-video at nagpakalat no’n sa internet ay babalat ko siya gamit ang chopstick!”   “Paano na ‘yan? Hindi mo ba pwedeng kausapin si Daddy mo? Hindi na ba talaga pwede na hindi ka na lang pumunta ng Samar?”   “Ayaw niya nga makinig sa akin! Sinampal niya ako, dalawang beses, Lucy! Sa maganda kong mukha!” feeling ko nga ay bakat pa rin ang kaniyang palad sa mukha ko.   Nakakainis ka, daddy!   “Ayos ka lang ba? Hala, magdala ka ng mga damit mo. Paano ka tatakas?” iisipin ko na lang muna ang plano ko. Mahirap na at baka isumbong lang ako ng mga tao sa bahay na ito. Mga taong mahihirap na nga, sipsip pa!   “Ako na ang bahala, I have my ways.” saka ko ibinaba ang aking tawag sa kaniya. Sino’ng nagsabing hindi ako makakatakas sa bwesit na bahay na ito.   This is all your fault, dad!   Nag-impake ako ng gamit ko, kahit ang mga credit cards ko ay aking idinala na rin. Kailangan ko na rin makapag-withdraw ng cash. Baka mamaya ay I-freeze niya pa ang account ko.   Nagising ako kinabukasan nang nakahanda na ang gagawin ko. Iniwan ko na lamang ang iba kong gamit, dahil hindi ko naman pala iyon madadala. Mahahalata nila ako na tatakas.   So I need to play safe.   “Dad..” paalam ko kay daddy sa kaniyang office, “What is it?” nakaupo ito sa kaniyang upuan at may binabasa sa papel nitong hawak. “I’m so sorry for what I did.” first, kailangan ko muna na magpanggap na talagang nanghihingi ako ng sorry.   Pero sa totoo n’yan ay hindi.    “Darcy.” tawag niya sa aking pangalan, “Daddy, I know..” nagpanggap akong malungkot. “I’m so sorry, hindi ko lang gusto na-” hininto ko ang aking sasabihin, saka ko tinignan si dad nang may naluluhang mga mata.   “Hindi ko lang kaya na tanggapin pa ngayon.” at hindi ko matanggap iyon kahit kailan. “Hija.” tawag niya sa akin, saka tumayo si daddy at lumapit sa kinatatayuan ko. “I’m so sorry, hindi ko rin gusto ang mga nangyari. Sana ay patawarin mo ako.”   “Thank you, Dad.” saka ko rin siya niyakap, “Daddy, can I go out with Lucy? Tumawag kasi siya sa akin na kailangan niya raw ng kaibigan.” tumaas ang kaniyang isang kilay, “Pero sa condo niya lang kami, promise!” itinaas ko pa ang aking kamay at tila nangangako.   “Fine, don’t do stupid, Darcy.” hindi niya talaga ako kayang tiisin! Ngumiti ako nang makatalikod ako sa kaniya, now lets get into the plan.   “Lucy, I’m on my way.” nag-send ako ng voice record sa kaniya. Dadaan muna ako sa isang mall para maglabas ng pera, after no’n ay hindi na ako magpapakita pa sa kanila. “Kuya! May consent ako ni Daddy, pwede mo siya tanungi-”   “Nasabi niya na po, Ma’am.” hindi mawala ang ngiti ko sa aking labi, dahil talagang pinayagan ako ni daddy! “Sa V-Mall muna tayo, may bibilhin lang ako, Kuya.”   “Copy po.” saka niya pinaandar ang sasakyan. Hindi matago ang ngiti ko sa aking mga labi, ngunit nang makita kong nag-mask si Kuya Tupe ay nagulat ako.   “Kuya? Para saan ‘yan-” hindi ko na iyon natuloy tanungin nang huminto ang sasakyan at napuno ng usok ang loob nito. “Kuya! Oh my gee!” napaubo pa ako, para akong inaantok sa usok.   “Kuya! Help m-” hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang unti-unting nagdilim ang paningin ko.   Oh my? Na-kidnap ba ako ni Kuya Tupe? Talagang sinakto niya sa pagtakas ko? Gosh naman!   “Ouch!” ang sakit ng likod ko, para akong umiga sa simento. Like what the ef? “Oh my! My head hurts!” saka ko inimulat ang aking mga mata, ngunit gano’n na lamang ang gulat ko nang mapagtanto ko kung nasaan ako.   “Oh my gee! Asan ako?” napatingin ako gilid ko nang mapansin kong parang ang pangit ng kwartong ito. May isang malaking bintana at kita ko rito ang sinag ng araw at isang puno. Kasunod pa no’n ang isang maingay na electric fan sa gilid ko, saka ko napansin na nakahiga ako sa sahig!   At tanging isang banig lamang ang iniigaan ko!   “What the heck! Bakit ako hiniga sa isang ew!” agad akong tumayo. Kaya naman nang makita ko ang tanawin sa bintana ay agad nanlaki ang mga mata ko.   “Holy Prada!” napahawak ako sa aking bibig, umawang ang labi ko sa gulat na aking nakita. “Bakit may bukid? Oh my.. Louie Vuitton!”   Na-kidnap ba ako? Kuya Tupe? Naka-mask siya bago magkaroon ng usok sa loob ng car! Oh my gee!   “Gising ka na pala.” napalingon sa isang pinto na walang pinto, hindi ko alam kung paano siya sasabihin. Basta isa siyang pinto, ngunit walang pinto. Kumunot ang noo ko sa aking nakita, bakit siya narito? “Are you kidding me? How can you afford to kidnap me?”   “Darcy, ang tatay mo mismo ang nagpadala sa ‘yo dito.” lalong umawang ang labi ko. Bakit nasa harap ko ang babaeng ito? Alam kong siya ang tunay kong ina, pero bakit ako narito!   “Okay, what ever! I’ll go home now.” agad akong naglakad palabas sa pintong walang pinto. “Ew!” nandidiri akong hawakan ang isang kahoy na suporta para makababa ako.   “This is your home now, Darcy.” rinig kong sabi ni Belinda. “Excuse you, old lady. This is isn’t my home, hindi mo nga matatawag na bahay ‘to! Parang tambakan ng mga basura!” gigil kong sabi, saka ko siya tinarayan.   “Darcy!” tawag niya sa akin nang makalabas ako, ramdam ko ang hapdi ng araw sa aking balat. “Gosh! Wala akong sunscreen!” hinimas ko ang aking balat, hindi ako papasok sa loob. Baka d’yan lang ako makuha ng sakit, like eww! Hindi ako babalik sa bahay na ‘yan at mag-iisip ako, kung paano ako makakatakas sa lugar na ito.    “Darcy, pumasok ka at mainit sa labas! Mangingitim ka!” napalingon ako agad sa babaeng ito at akmang natakot sa kaniyang sinabi. Hindi ako pwedeng mangitim! Ayoko sa kulay ng mga mahihirap!   Kaya naman nagmadali akong pumasok sa loob, “Asan ba kasi ako? Gusto ko nang umuwi!” nakakainis, bakit ako napunta dito!   Sino naman ang nagpadala sa akin dito! Hindi ako naniniwalang si daddy, dahil pinayagan niya ako!   “Nasa Samar ka, Darcy at dito ka titira sa akin sa ayaw at sa gusto mo.” tumaas ang dalawa kong kilay, hindi ako papayag! No! Ayoko dito! Hindi ko man lang dala ang Chanel bag ko! 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
83.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.7K
bc

His Obsession

read
69.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook