bc

Hannah, She Who Doesn't Smile (Filipino / Tagalog)

book_age16+
924
FOLLOW
8.6K
READ
family
fated
opposites attract
arrogant
dominant
powerful
boss
drama
comedy
mystery
like
intro-logo
Blurb

Are you looking for a story with romance, drama and a bit of comedy and action? Here's one you must not miss.

HANNAH, SHE WHO DOESN'T SMILE

by Cara Althea

Naging mapait ang buhay ni Hannah mula pagkabat nnang iniwan siya ng kaniyang ina at kapatid. She became bitter and angry kahit pa nga lumuwag ang buhay nila ng kaniyang ama nang ipamana sa kaniya ng pinagsisilbihan nila ang mga ari-arian nito.

She left the Philippines and worked in Thailand. Everything was working so well until she found herself in trouble. She had no choice but to runaway from those who wanted her dead. Just as she thought that she's finally safe, she fpund herself under the protection of the most annoying guy in the planet, Zack.

At ang mas nakakainis pa, mentras naiinis siya rito ay kinakalabit naman nito ang nakakandado niyang puso na sinubok ng galit niya sa kaniyang ina.

Tuluyan na kaya siyang mahulog sa lalaki kahit pa malaman niya ang lihim ng pagkatao nito na may malalim na kaugnayan sa buhay niya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 - THE TERROR BOSS
MAAGANG nagising si Hannah dahil sa natanggap na tawag mula sa kaniyang abogadong si Attorney Macabuhay. Ibinalita nito na mayroong isang buyer na interesado at handang magbayad ng doble sa asking price niya para sa ibinebenta niyang property sa isang probinsya sa Pilipinas. “That’s good news, Alex. I will send you the Power of Attorney by the end of the week,” wika niya habang binabagtas ang daan patungo sa kusina. “Iyan din ang dahilan kung bakit ako tumawag, Hannah. Kailangan ka niyang personal na makausap bago siya magpapasya kung itutuloy ang pagbili sa property mo,” alanganing pahayag ng lalaki. Naantala ang pag-inom niya ng tubig dahil sa narinig. Nagpanting ang tainga niya, umagang-umaga. Humugot siya ng hininga saka muling inilapag ang hawak na baso sa counter bago nagsalita. Malakas ang pagkakalapag niya ng baso kaya’t nagdulot iyon ng bahagyang alingawngaw sa condo unit niya. “Why did I even hire you, Alex? I don’t have time and I don’t want to be involved in any transactions about the property, nalimutan mo na ba ‘yon?” may himig disgusto na sambit niya. She’s selling the property discretely and anonymously dahil iniiwasan niya ang humarap sa kahit na sinong buyer at ungkatin ang tungkol sa property. One more thing, she is too busy on her job so she has no time to tend to such thing and Alex knew it very well. Narinig niya ang paghigit ng hininga ng lalaki sa kabilang linya bago ito muling nagsalita. “Nasabi ko na rin iyan sa abogado niya, Hannah, but meeting you is one of his conditions.” Napataas ang kilay niya, pagkuwa’y umupo sa stool paharap sa bar. Marahan niyang iniikot ang leeg saka ito hinimas. “Don’t tell me na bukod do’n ay may iba pang kondisyones ang buyer na iyan,” inis na anas niya. Nagsisimula na siyang pamulahanan ng mukha, tanda ng nagsisimulang galit at stress. Naglabas ng bikig sa lalamunan si Alex bago sumagot. “He also wants to change the name of the Hacienda.” “To hell will I allow it! Sabihin mo sa abogado ng kumag na buyer na iyan, kaniya na ang pera niya! Isaksak niya sa baga niya at humanap siya ng mabubuwisit niya! I’m not interested! Kahit pa hindi mabenta ang hacienda, huwag lang sa abnormal na iyan! Naiintindihan mo ba, Alex!” Halos dumagundong ang buong condo niya sa lakas ng sigaw niya. Kung pupuwede lang siguro siyang lumabas sa telepono ni Alex, ginawa na niya kanina pa para lang ito masabon nang todong-todo at may kasama pang banlaw! “S-Sige, Hannah, kakausapin ko ulit ang abogado niya,” tila nahintatakutang wika ni Alex. “Don’t bargain, Alex. Tell them that the deal is off! Tell them that we are not interested in selling the property. Period!” matigas na wika niya bago nagpakawala nang malalim na hininga. “And Alex, the next time you call me, itaon mo ulit na nasa kalaliman ako ng tulog ko, ha, para naman mas lalong malakas na sigaw ang ibigay ko sa iyo!” sarkastikong pagtatapos niya bago ito pinatayan ng telepono. ‘Buwisit! Ang aga-aga, sinira agad ang araw ko!’ bulong niya sa sarili bago binuksan ang coffee machine. Bumalik siya sa kuwarto para kuhanin ang laptop niya at dinala iyon sa kusina. She put it in the bar counter then poured herself a nice cup of hot coffee. Binuksan niya ang laptop niya saka nagkalkal sa kusina para maghanap ng maaaring gawing breakfast. “Hay, okay na ‘to,” she said when she found some left-over chicken tikka, lettuce, and tomato inside the ref. Binitbit niya ang mga iyon at saka ipinatong sa lamesa. Kinuha rin niya ang sliced bread sa gilid ng counter at nagsimulang gumawa ng sandwich. Muli siyang umupo sa tapat ng laptop at nag-check ng e-mails. This has been her morning routine eversince she started working at the DC Grand Hotel, mas napaaga nga lang ngayon ang gising niya dahil sa tawag ni Alex. Paubos na ang sandwich niya nang mapansin niya ang isang partikular na e-mail na hindi work-related ang subject. The sender’s email id is unknown to her. She opened the e-mail and read it. Galing ito sa dating empleyado ng hotel at humihingi ito ng tulong pinansyal lalo’t hindi raw nito nakuha ang final settlement mula nang umalis ito sa kanilang hotel limang buwan na ang nakakaraan. The ex-employee even mentioned that she was treated unfairly by her manager, but despite the complaint she submitted to HR, nothing happened. Sa madaling salita ay naibasura lang ang reklamo nito. Marami pang isiniwalat ang dating empleyado na sadyang ikinagulat niya na wala nang kinalaman sa employment nito kaya hindi niya maaaring sabihin sa HR. She might conduct her own investigation when she has time. Pamilyar sa kaniya ang pangalan ng empleyado pero hindi siya sigurado kung ito nga ang parehong babae na naiisip niya dahil kakikita lang niya sa naturang babae less than a month ago sa hotel at ang pagkakaalam niya ay nag-resign ito dahil nag-asawa. Nothing more, nothing less. She forwarded the e-mail to her personal e-mail dahil alam niyang pupwede itong maging ugat ng isang malaking eskandalo laban sa DC Grand Hotel ay hindi niya mapapayagang mangyari iyon lalo at may magagawa naman siyang paraan… siguro. This is not the first time she received such kind of e-mail. For the past two weeks, she received random emails, some are straight-forward threats while some are not threatening at all, but employee-related which she relayed to Adrian, the DC Grand Hotel’s Humna Resources Director. Matapos niyang mag-agahan ay bumalik na siya sa kuwarto para maligo. And to her dismay, walang tubig!  “Oh, great! Ngayon naman walang tubig! Ano naman ang susunod!” gigil niyang anas bago muling nagpakawala nang marahas na hangin sa dibdib at nagtungo sa kusina para kumuha ng mineral water upang ipampaligo. Her day is really ruined! As always, she’s wearing a black suit, black skirt and white inner polo. She pulled her hair up and tied it into a bun then put a light make up on her face. Paglabas niya ng kaniyang condo unit ay nakasabay niya ang matandang babae na katabi lang ng unit niya. Magiliw siya nitong nginitian bago sumabay sa kaniyang maglakad patungo sa elevator. “Sawadika!” bati nito sa kaniya nang ganap na silang makapasok sa elevator. Tumango lang siya rito na hindi ngumingiti bilang pagbati. “I made pad-thai today, okay? I give you,” pilit ang Ingles na wika nito para maintindihan niya. Isa muling tango ang iginanti niya rito bago tumingin sa kaniyang telepono nang marinig niya ang message tone. A message from Alex. ‘He is willing to keep the Hacienda De Amore name, but he wants to meet you. He is even willing to meet you anywhere to discuss it,’ ang nakasaad sa mensahe ni Alex. “Stupid!” anas niya sa sarili na ikinalingon ng mga kasabay niya sa elevator. Tiningnan lang din niya ang mga ito saka inignora bago nanggigigil na nagreply sa lalaki. ‘I don’t want to meet anybody. What’s the use of hiring you as my legal representative kung hindi mo kayang gawin ang trabaho mo. Should I fire you or you will directly tell that imbecile buyer to go to hell. You choose!’ Ang mensahe na ipinadala niya kay Alex. Kulang na lang ay mabasag ang screen ng telepono niya sa gigil niyang pagta-type. Hindi naglipat sandali ay nasa ground floor na sila. Nauna na siyang lumabas at mabilis na nagtungo sa parking area ng condominium. Hindi pa man ganap na nakakalabas ng parking ang kotseng minamaneho niya ay muling nag-ring ang telepono niya. Isinuot niya ang headset saka sinagot ang tawag ng sekretarya niyang si Mayuree. “Yes, Mayuree?” agad niyang tanong habang ang mata ay nasa daan. “Good morning, Ms. Hannah. Mr. Trong called and he said that the client cancelled the ballroom booking for Sunday,” balita nito sa kaniya. Ang tinutukoy nito ay ang isa sa mga Sales Manager nila at ang kliyenteng sinasabi nito ay ang isa sa pinakamalaking account na hawak ng lalaki. “Okay, let’s talk about the details when I reach the hotel. Make sure that they will follow the contract. I don’t want Trong to do the same mistake as before and end up losing the account,” pahayag niya bago kagyat na tumigil dahil sa red stoplight. “Noted, Ms. Hannah,” tugon nito. Papatayin na sana niya ang telepono nang muli itong magsalita. “A-And, Ms. Hannah…” Bahagyang tumigil sa pagsasalita ang babae sa kabilang linya. Tila ba nag-aalangan ito sa sasabihin sa kaniya. “What is it?” walang pasensyang tanong niya. “Ahm, t-the Open Day event for tomorrow got cancelled as well…” Halata sa boses nito ang bahagyang takot. “And why?” pinigil niya ang sariling sumigaw lalo’t nasa daan pa siya. Malaking kumpanya ang iyon at malaki ang kikitain nila kung sakaling maging stable client nila iyon… and for them, ang Open Day Event bukas ang maaaring mag-seal ng deal nila rito as they offered them the best offer they could possibly give to a client. “The company didn’t like the advertisement post that Mr. Smith posted on the Social Media of the hotel,” diretsang paliwanag nito. Sa loob ng tatlong taon na magkasama sila nito ay kilalang-kilala na nito ang timplada at topak niya. Alam din nito kung ano ang dapat at hindi dapat sabihin sa kaniya pagdating sa trabaho. “That’s not enough reason to cancel their Open Day. Does Smith knows about this?” seryosong tanong niya bago muling pinaandar ang sasakyan nang mag-green na ang stoplight. “Apparently, yes, Ms. Hannah,” sagot ni Mayuree. Narinig niyang may binati ito sa kabilang linya. “Ms. Hannah, Mr. Donovan is here,” pabulong na dugtong nito. “This early?” nagtatakang anas niya. “Anyway, tell him I’m on my way,” pagtatapos niya bago naiiling na tumingin sa relo. Isang araw lang siyang nagpahinga, may nangyari na kaagad sa hotel? Kaya nga as much as possible, halos matulog na siya sa opisina niya lalo at wala si Zion, ang General Manager ng hotel dahil nasa business trip ito for one week. Pagdating sa hotel, kulang na lang ay lumabas ang lahat ng litid sa sentido niya nang makitang may naka-park sa parking space niya kahit pa nga nakasulat nang malaki ang pangalan niya sa pader ng slot. “Are you kidding me! Really! My God, what else!!!” nanggigigil niyang bulong sa sarili bago padabog na hinampas ang manibela. Wala na siyang nagawa kundi humanap ng pupuwedeng parkingan bago pabalibag na isinara ang pinto. ‘Dudukutin ko talaga ang mata ng kung sino mang pumarada sa parking space ko! Mamaya tayo magtutuos!’ nagpupuyos ang dibdib na sigaw ng isio niya. Nakabusangot ang mukha niya nang dumiretso siya sa Employee’s Entrance ng hotel na matatagpuan sa left wing ng building. Magalang siyang binabati ng mga empleyadong nakakasalubong niya, and as always, poker face lang siya. Ni ha, ni ho, ni sulyap o ngiti… WALA! Mabilis niyang binagtas ang daan patungo sa kaniyang opisina. Papasok na sana siya sa elevator nang lumapit sa kaniya ang Front Desk Supervisor na si Eman at sinabi sa kaniya na may nagwawalang guest at hindi nito masawata. “Ms. Hannah, mukha pong nakainom, eh. Nakaantabay na rin po ang mga security just in case,” wika ng lalaki habang binabagtas nila ang daan papunta sa Front Desk. Pagdating doon ay natanaw niya ang lalaking nakatayo roon at panay ang reklamo. Sa salita at hitsura nito, mukha itong Amerikano. Kinuha niya ang concierge phone saka tumawag sa extension ni Mayuree. “Tell Mr. Donovan that I’m already here but something urgent came up. I’ll be there as soon as this is over,” aniya, pagkuwa’y hinarap niya si Eman bago tumingin sa guest. “Room 809, Ms. Hannah. He was here for the Muay Thai International Conference and he will check out tomorrow at noon,” agad pagbibigay impormasyon ni Eman. Tumango lang siya bago lumapit sa guest. “Good morning, sir, what seems to be the problem?” malumanay niyang tanong habang pinagmamasdan ang kabuuan nito. Dumiretso ito ng tingin sa kaniya bago inilapit ang mukha sa mukha niya. Halos bumaligtad ang sikmura niya pagkaamoy pa lang sa amoy-alak nitong hininga. She never liked alcohol kaya siguro zero-tolerance siya kahit amoy pa lang nito. Mabilis sanang aawat si Eman at ang isa pang security na naroon ngunit pinigilan niya ang mga ito na mangialam. Pagkuwa’y umatras ang guest at pagak na tumawa. Hinintay lang niyang magsalita ang sa palagay niya ay nasa early forties na lalaki ngunit nanatili lang itong tumatawa na parang nababaliw. Definitely, he is wasted! Napailing na lang siya bago ito hinawakan sa balikat nang bahagya itong yumuko. “Sir, we will be sending the Masseuse to your room today as a complimentary. My colleague here will be assisting you to your room and we’ll prepare a nice cup of beverage for your hangover,” wika niya na para bang nakikipag-usap sa isang bata. Gusto niyang mangiti sa nakitang kagalakan sa mga mata ng lalaki. Although he’s obviously way too drunk to comprehend, marahil ay alam pa rin nito ang nangyayari sa paligid nito. She is a believer that a drunk person is still conscious, hence, not in a normal mind to use his or her superego. “Oh, heaven is missing an angel today,” puri nito sa kaniya sa bulol na paraan. “He’s tired and needed a break. Just do what I just told him. I’ll call the Spa,” bulong niya kay Eman na noon ay nangingiti sa nangyari. Hindi niya inaalis ang tingin sa lalaki sa seryosong paraan. “Thank you, Ms. Hannah,” nagagalak na anas ni Eman saka lumapit sa guest. “Let’s go, sir. I will escort you to your room,” wika ng binata bago iginiya ang guest patungo sa nakalaang kuwarto nito. Muling tumigil sa paglalakad ang lalak saka malakas na nagsalita. “If I ain’t married, I’ll ask you to out in a heartbeat,” walang kahiya-hiyang sigaw nito na sinundan nito ng kindat at halakhak bago muling nagpaakay kay Eman na napakamot lang sa ulo. Tumikhim naman siya nang makita ang impit na ngiti sa naiwang receptionist. Bahagya kasi siyang namula sa tinuran ng guest. “Is that funny?” supladang wika niya sa empleyado na kaagad namang inalis ang ngiti sa labi. “Call the Room Service and prepare a very strong coffee for the guest. Ask them to deliver it to his room as complimentary,” utos niya rito bago tumalikod. Hindi pa man siyang nakakalayo ay may bigla siyang naalala. Muli siyang humarap dito. “By the way, I need to know who the hell parked on my parking space… ASAP!” dugtong niya pagdaka’y muling tumalikod at binagtas ang daan patungong elevator papunta sa kaniyang opisina. Napuna pa niyang agad na naghiwalay ang dalawang Bellman na naabutan niyang nag-uusap pagkakita sa kaniya. Kaagad siyang inasista ng isa sa mga ito saka pinindot ang elevator para sa kaniya pagkatapos siya nitong batiin. “I’m not a guest and as far as I know, my fingers are not injured and I could press the button without your help, am I right?” Imbis na magpasalamat ay pinagsabihan niya pa ito. “I-I’m sorry, Ms. Hannah,” paumanhin nito, pagkuwa’y tumungo. “Tend to our guests properly. They are the ones paying not the management,” wika niya saka nagkibit-balikat. “Yes, Ms. Hannah,” nakatungo pa ring wika ito. Tiningnan niya ito bago pumasok sa loob ng elevator nang bumukas iyon. “Keep it up, Alvin,” sambit niya na nagpaangat ng ulo nito. Nakita pa niya ang pagkabigla sa hitsura nito bago sumara ang elevator. Pagkabukas pa lamang ng elevator sa administrative floor ay narinig na kaagad niya ang boses ni Donovan Claromente, ang CEO ng DC Group of Companies na nakabase sa Thailand. Agad na lumukot ang mukha niya nang maabutan niyang impit na tumatawa si Mayuree habang ang kausap naman nitong si Donovan naman ay malakas ang boses sa pagkukuwento na halos umaalingawngaw na sa buong floor. Agad niyang pinaningkitan ng mata ang sekretarya bago tumingin sa lalaki. Nanlaki naman ang mata nito pagkakita sa kaniya at saka sumunod sa kaniya pagpasok niya sa kaniyang opisina. “Dinig sa buong hotel ang boses mo, Donovan. Gusto mo bang bigyan pa kita ng megaphone para madinig din ng kabilang building iyang boses mo?” sarkastikong wika niya pagkapasok nila ng opisina niya. Umupo sa sofa paharap sa mahogany office table niya ang lalaki habang siya naman ay umupo sa swivel chair. Napahalakhak na lang ang lalaki bago naghalukipkip. “You’re so straight-forward, Hannah. Just chill and relax. Masyado kang uptight, eh,” balewalang wika ng matanda. “I supposed you heard the news, right? Hindi ka pupunta nang ganito kaaga rito para lang makipagkuwentuhan kay Mayuree,” seryosong wika niya habang inaayos ang pagkakasalansan ng mga gamit niya sa ibabaw ng lamesa. “Yes. I already spoke with their Chairman but they refused to negotiate. Pumangit raw ang image nila dahil sa advertisement na ginawa natin sa Social Media,” pauna ng matanda saka ito dumekuwatro. “And you believed them?” nakahalukipkip niyang tanong bago diretsong tumingin dito, pagkuwa’y itinukod niya ang mga braso sa lamesa at hinintay ang sasabihin nito. Nagkibit-balikat lamang ito. “Shouldn’t I?” nakataas-kilay na balik-tanong nito. “You know Smith always follows what the clients want. I’ll call Smith to come over—” Naputol ang sasabihin niya nang muling magsalita si Donovan.  “He resigned yesterday bago pa man magreklamo ang client. It seems to me that he was already anticipating this to happen,” anito bago tumayo at seryosong ibinaling ang paningin sa labas ng building habang ang dalawang kamay ay magkasalikop sa likuran nito. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumakad patabi sa matanda bago humalukipkip at nagtanong. “Nakausap mo na ba siya?” Tumango ito bago bumaling sa kaniya. “His resignation was irrevocable and immediate. Adrian sat down with him yesterday pero hindi rin siya nagpapigil,” pahayag nito bago ngumiti ng medyo alanganin sa kaniya. “What’s with that smile?” nagdududang tanong niya. “I found a replacement for him. He’s new for the job, so he will definitely need your guidance,” wika nito bago ipinamulsa ang mga kamay sa pantalon. “That fast? Kakausapin ko muna si Smith. We all know how good he is pagdating sa trabaho niya, I don’t want to lose an asset,” nakakunot-noo na pahayag niya. She’s really close with Smith and his wife, kaya iniisip niya na baka makumbinsi niya itong magbago ang isip nito at manatili sa hotel. “My decision is final. I accepted his resignation. End of discussion,” sumilay na ang awtoridad sa tono ng matanda bago dumiretso ng tingin sa kaniya. Sasagot pa sana siya nang bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok ang isang lalaki kasunod si Mayuree. Awtomatiko silang napatingin ni Donovan sa dahon ng pintuan at sinundan ng tingin ang lalaking pumasok. “I-I’m sorry, Ms. Hannah, I tried to stop him but—” agad na paumanhin ni Mayuree ngunit pinutol ito ni Mr. Donovan. “It’s alright, Mayuree. You may go. Please close the door,” wika ng matanda na ipinagtaka niya. She will not tolerate such act of rudeness lalo’t higit sa taong hindi niya naman kakilala at basta-basta na lang pumapasok sa opisina niya. “And who the hell are you invading the privacy of my office?” May awtoridad sa tono ng kaniyang mga salita habang pinandidilatan ang lalaki. Instead of answering her, he sat down at the couch, crossed his legs and looked at her with full of amusement na lalong ikipinanggigil at ikinakulo ng dugo niya. Ngunit bago pa man lumabas ang lava ng bulkan sa tuktok ng ulo niya ay pumagitna na si Donovan sa kanilang dalawa. “Zack will be replacing Smith,” wika nito. “Who’s Zack?” kunot-noong tanong niya saka lalong lumukot ang mukha niya nang tumingin si Donovan sa bagong dating na lalaki. “What? This jerk? You must be kidding me!” angil niya. This must be one of the craziest day of her adult’s life, indeed!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
285.7K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
631.9K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.1K
bc

A Night With My Professor

read
495.4K
bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
572.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook