bc

Her Hunky Tricks

book_age12+
633
FOLLOW
3.0K
READ
second chance
tomboy
brave
sporty
doctor
female lead
basketball
feminism
tricky
like
intro-logo
Blurb

Edrian Clark Latwick’s life revolves into three things; books, family and his part-time job. He walks with contentment in life and he walks like he has his own world. But, who among in this world would have that kind of life until forever’s gone? There’s always an exception for everything but Edrian is not on the list.

The perk of having a twin brother, people tend to have wronged him as Evan Clarence Latwick. One of those people is the carefree woman, Chrystienne Brielle Clarete who mistakenly pestered his everyday life.

He decided to run to bring back his normal life and to walk again in his own world. But before he can run, he was like stuck in the path, waiting for that carefree woman to walk with him.

chap-preview
Free preview
Pre read
        INAABANGAN ko ang pagpasa ni Ara ng bola sa akin, agad ko naman itong sinalo. Dinribble-dribble ko pa ito dahil bina-block ako ni Kyra. Nagpa-practice lang naman kami kaya kami-kami lang din ng team ko ang hinati sa dalawang grupo. Tumakbo ako sa bandang kaliwa kung saan naroon si Clarence my babyboo, na nakaupo sa bleachers habang nagbabasa ng aklat. Ang weird din nito, may library naman kami, rito pa talaga nagbasa. Baka gusto akong makita? Kaya pasimpleng kunwaring nabitiwan ko ang bola kaya napunta malapit sa kanya. "Oops! Sorry, muntik ka pang matamaan," sabi ko kaya napaangat siya ng tingin sa akin. Agad naman akong ngumiti, malay niyo madala sa ngiti. Kininditan ko siya bago pinulot ang bola at bumalik sa gitna kung saan napatigil din sa paglalaro ang team ko, malamang nasa akin ang bola eh. "Ikaw talaga Chrys mga para-paraan eh no?" ani Kyra. "Ano? Kita mong nabitiwan ko ‘yong bola," sabi ko na pilit silang pinapaniwala. "'Yon na nga eh, kita kong sinadya mong binitiwan ang bola," aniya na talagang pinagdiinang pang sinadya ko talaga. "Hindi ah," natatawang sabi ko. "Piso Chrys oh, bumili ka ng maloloko mo,” singit ni Jella. "Oo na! Kaya tulungan niyo'ko do’n niyo ipunta ang bola," sabi ko at kinindatan sila. "Ayuuun, lumalandi si Ineng." Nagtawanan sila sa sinabi ni Ara. "Sige na,” pamimilit ko pa. "Ano pa? Oh siya, pumapag-ibig si Captain. Game!" Kaya nagsimula na uli kaming naglaro and seems like my team is very cooperative. Bina-block nila ako sa banda kung nasaan siya kaya 'di ako makaalis. Pero kung tutuusin ay makakaalis naman talaga ako, eh syempre nagpapapansin kaya madalas ko ring binibitawan ang bola kapag nasisigurado kong malapit sa kanya mapunta. Nang pinagbigyan na nila ako ay nakaalis ako at of course binigyan nila ako ng way to show off my sharpshooting skill and voila! "Shoot!" sabi ko kaya nagpalakpakan sila. "Ikaw na talaga Chrys, Galing!" Si Reez na talagang above the head pa ang palakpak. Kaya mahal na mahal ko 'tong mga ka team ko eh, sinusuportahan ako. "Chrys!" Lumingon ako para tingnan kung sino man ang nagbroadcast ng napakaastig kong pangalan pero bola ang sumalubong sa akin. Mabuti nalang at nasalo ko pero hindi ko maiikakailang napaatras ako ng kaunti dahil sa lakas ng pagtapon. Nakita ko ang grupo ni Archo. Nag-iba ang timpla ko, ito na naman ang mga mayayabang na 'to. Hindi ko nga alam kung bakit ang iinit ng ulo sa akin. "Oh, what a move. Impressive." He even clapped his hands sounding sarcasm. "Pero tandaan mo Clarete hanggang diyan ka lang." Tsss. Kalalaking tao, nilalamon ng insecurity. Tinapon ko nang paasik ang bola at lumapit sa kanila. "Bakit? Natatakot kang malamangan ng isang babae?" "Ooh, I'm scared. Even your best moves and skills cannot threaten me, and what? Babae?" aniya na talagang may pagkadisgusto sa boses habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Kaya napatingin na rin ako sa sarili, I'm wearing our jersey uniform. "You call yourself a girl?" he said with a smirk in his face. "Yes. Bakit hindi? I have my v****a,” taas noong sabi ko. Narinig ko ang pagsinghap ng ibang estudyante sa paligid. "Ooh. Very straightforward. Okay, so be it. Pero sabi ko nga, gaano ka man kagaling you will never be a threat to me,” aniya at tumalikod kasama ng mga asong teammate niyang sunud-sunuran sa kanya. "Tss. So ironic, I'll never be a threat to you? So why say, gaano man ako kaGALING?" pahabol kong sabi na may diin. He looked back at me with a death glare and I just smirked. Para lang may dumaang anghel na may tinatagong kademonyohan kanina dahil natahimik ang buong gym, at nang lumabas ay saka lang nag-ingay ulit. "Woah, what was that, Chrys?" pagbasag ni Jella sa katahimikan. "Guys and Gals, Gays and Les, Ladies and Gentlemen. University of Heinstein Women's basketball team captain, the amazing Chrys Clarete! Around of applause please," anunsyo ni Kyra. Kaya nagpalakpakan naman ang mga tao rito. Lumapit ako kay Kyra at sinakal siya patalikod. "Shet ka Kyra, nakakahiya.” "Aray! Ano ba, Chrys! ‘Pag ako mamatay isusumpa kong maging basketball ring ka." "Oy ‘wag naman." Kaya agad ko naman siyang binitiwan. "Ang yayabang talaga ng grupo ni Archo, kala mo ke gwapo.” "Yaan niyo na, wala naman silang panama diyan kay Captain eh!" ani Ara na naglalakad na patungong locker room. Bastusan lang? "Oh, sige na salamat sa inyo,” sabi ko habang tiningnan si Clarence sa pheripheral vision ko. "Ang sabihin mo, umalis na kami at magmo-moment ka pa!" Napatawa ako sa sinabi ni Jella "Parang gano’n na nga, Love you Jel!" "Tse!" At nagsipasukan na rin sila sa locker room. Ako nama'y tumungo sa bleachers dahil nando’n ang tubig ko. Habang umiinom ay tanaw na tanaw ko si Clarence. Pagkatapos uminom ay dali-dali ko ring tinungo ang locker room dahil may naisip na naman akong kabulastugan. "Oh? Anyare sa moment?" Hindi ko na pinansin si Reez. Binuksan ko ang locker at kumuha ng piraso ng papel at ballpen at sumulat. "Yucks ang corny mo, Chrystienne!" Si Kyra na nakita kung ano ang sinulat ko. Tinapon ko nga ang ballpen sa kanya. "Chrystienne ka riyan, ang sagwa.” Ayaw na ayaw ko talaga ang pangalan ko, masyadong girly. My goodness, kaya Chrys nalang. ‘Yon nalang ang natitirang pangalan ko na hindi masyadong girly. Nilukot ko ang papel at pumunta sa pinto ng locker room. Tanaw na tanaw ko mula rito si Clarence kaya tinapon ko sa kanya ang nilukot kong papel. "Hala ka, tinapunan ba,” komento ni Ara. "Ssshh" Kahit sila'y nagtumpukan din sa pinto at nakatingin. Nagpalinga-linga si Clarence at napapakagat-labi ako nang binuksan niya ang nilukot kong papel. Tanaw na tanaw ko ang pagsalubong ng kilay niya at maya-maya'y luminga-linga ulit. Malamang hinahanap kung sino ang nagtapon. Nakita kong tumayo siya nang may lalaking pumasok. Si... teka? Don't tell me? "Oh, Edrian... sorry natagalan,” sabi ng kararating na lalaki. Edrian? "Ano pa ba i-e-expect ko sa'yo Clarence?" sagot niya. Si Edrian 'yon? "What the fvck,” napamura ako nang ‘di oras at naririnig ko ang namumuong tawanan ng mga kasama ko. "At ang ating Team Captain ay nagkamali ng nilandi. Bow," ani Ara at nagsitawanan na talaga sila. Sht. Si Edrian 'yon?! 'Yong kambal ni Clarence? 'Nak ng puchang kambal naman oh. I'm Chrystienne Brielle Clarete and Ara is right, nagkamali ako ng nilandi.   --------------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
608.7K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
319.7K
bc

NINONG II

read
616.6K
bc

Love Donor

read
85.8K
bc

Stubborn Love

read
98.5K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
532.5K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
90.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook