bc

Sweet Seduction (Kanto Boys Series)

book_age18+
1.7K
FOLLOW
8.2K
READ
kidnap
self-improved
heir/heiress
comedy
sweet
bxg
enimies to lovers
bodyguard
passionate
wild
like
intro-logo
Blurb

Venus Alcantara, kilalang anak ng isa sa may malaking kompanya sa basang Pilipinas. Gorgeous, spoiled bratt and head turner. Niloko si Venus ng kan'yang fiance at nahuli niya itong may kasamang ibang babae. Dahil sa sakit na naramdaman ay gustong magpakalasing ni Venus at inaya siya ng kaibigan sa LiquidDoze bar kung saan nagtatrabaho bilang isang sercurity guard si Gabriel Sales na binansagang isa sa 'Kanto Boys'. Ililigtas siya nito sa tiyak na kapahamakan ngunit dahil sa hindi maganda ang mood ni Venus ay imbes na magpasalamat sa lalaking ubod ng guwapo, matangkad, may magandang pangangatawan ay inaway niya pa ito at pinandirihan. Dahil sa kaniya ay natanggal si Gabriel sa LiquidDoze bar kaya galit na galit si Gab sa kaniya.

One day, nagising si Venus na isa na sa bodyguard niya si Gabriel Sales. Magkakamabutihan kaya ang dalawang nag-uumpugang bato gayong may itinatagong pagkagusto si Venus sa binata ngunit takot na magmahal muli? Sa huli ay mapagtanto ni Venus kung bakit niya nakilala si Gabriel ay para maging tagapagligtas niya sa anumang kapahamakan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 (Venus)
NAGMAMADALI akong binaba ang hagdan at tinungo sina Mommy at Daddy na nasa living room. Nakaupo sila roon habang abala sa pag-uusap sa nalalapit kong wedding. Napalingon sila sa ‘kin at napangiti ako nang matamis. “Good morning, Hija,” magiliw na bati ni Mommy Alexandra. Tinungo ko ang kinauupuan nilang dalawa at ginawaran sila ng mga halik sa pisngi. “Wow, you look happy,” sabi ni Daddy Amorsolo. Nakapamulsa ang magkabilang kamay ko habang nakatayo sa kanilang harapan. “Halata ba, Dad? I just wanted to say na aalis muna ako at magsa-shopping.” “Okay… pero, isasama mo ang bodyguard mo,” ani Daddy na may seryosong mukha at ibinaba ang hawak na laptop. “But, Dad?” giit ko. Nagpamaywang ako at napapikit nang mariin. Hindi kasi ako gaanong makapag-enjoy kapag kasama ko ang kinuhang mga bodyguard ni Daddy. “Hija, it’s for your safety.” “Alright, then.” Napabuntong-hininga ako. “Kasama mo ba si Harvey?” tanong ni Mommy. “Nope. Makikipagkita ako kay Marla.” “Marla?” nagtatakang tanong ni Daddy. “Marla, she’s my childhood friend.” “Oh, I remember. Ang dami mo kasing friends.” Natigilan ako noong tumunog ang cellphone sa loob ng branded sling bag ko. Hindi ako gumagamit ng mga hindi kilalang brand. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang si Marla ang tumatawag. Pinindot ko ang answer button. “Hello, Marla.” “Where are you?” tanong niya sa kabilang linya. “Paalis pa lang. I’ll text you.” “Okay, I’m waiting here.” Matapos naming mag-usap ay ibinaba ko na ang kan’yang tawag at ibinalik sa sling bag ko ang cellphone. “Mom, Dad, I got to go,” sambit ko at hinalikan silang muli sa kani-kanilang pisngi. “Don’t forget to bring them,” paalalang sabi ni Mommy. Tumango-tango ako at inihakbang ang mga paa ko palabas ng mansyon. Sinalubong ako ng mga tauhan namin sa labas at binati nila ako. “Ma’am Venus, aalis, po, ba kayo?” tanong ng isa sa mga tauhan. “Yes. Sumama ka sa ‘kin and bring them.” “Copy, Ma’am Venus.” Sumakay ako sa kotse ko kung nasaan nasa loob na rin ang driver kong si Mang Roberto. Habang ang apat na tauhan ay may sariling kotse at nakabuntot sila sa sinasakyan kong kotse. Habang binabaybay naming ang kahabaan ng kalsada ay may naisip akong kapilyahan. “Mang Roberto, can you drive faster?” “Ho, Ma’am Venus?” Bakas sa mukha ni Mang Roberto ang pagkabigla. Maingat kasi itong si Mang Roberto sa pagmamaneho. Well, the hell I care. Ang gusto ko lang naman ay bilisan niya ang pagmamaneho. “Hindi mo ba ako narinig? I said, bilisan mo ang pagmamaneho.” “P-Pero, baka madisgrasya, po, tayo.” “Hurry! Inuutusan kita. Takasan mo sila, bilis!” maawtoridad kong utos. Nanlaki pa ang mga mata nito sa aking sinabi. I rolled my eyes at him. “Baka po kasi magalit sina Ma’am Alexandra at Sir Amorsolo.” “Are you deaf? Don’t mind them. Gusto mo bang matanggal sa trabaho? If I were you, sumunod ka na lang.” Ngisi ko. “S-Sige, po, Ma’am Venus. Masusunod, po.” “Good.” Inarangkada ni Mang Roberto ang kotse at panay ang lingon ko sa likuran. Tinitingnan ko kung nasa likuran pa namin sila. Napakunot-noo akong binalingan nang tingin si Mang Roberto. “Hurry, Mang Roberto! Maabutan nila tayo! Kailangan natin silang iwanan— or you should use other route.” “O-Opo, Ma’am Venus!” Lumawak ang ngiti ko sa aking labi noong tuluyan naming natakasan ang mga tauhan ni Daddy. Kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag ko at t-in-ext si Marla na kanina pang naghihintay sa mall. I’m sure of it na nagngangalit na ito sa kahihintay sa ‘kin. To: Marla [Marla, I’m on my way.] She replied. [Okay, see you then. I’m here at the cafeteria.] I try to call Harvey, my fiancé, ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Maybe he’s busy right now. Anak mayaman si Harvey at isa sila sa pinakamalaking investor namin. We met before in a company event. Simula noon ay parati na kaming magkausap at hanggang sa niligawan niya na ako. He’s so good-looking man and he’s hot as well. Kahit sinong babae ay nagkakandarapa sa kan’ya. Pagdating namin sa parking lot ay kaagad na akong bumaba. Nagmamadali naman si Mang Roberto at hinabol ako. “Ma’am Venus. Sandali lang, ho, Ma’am!” Nilingon ko siya at napahinto sa aking paglalakad. I rolled my eyes again sa labis na inis dahil kung kailan na nagmamadali ako ay nakikisabay pa itong si Mang Roberto. Ang ayaw ko sa lahat ay nai-interrupt ako o naiistorbo. I hate it! “Why, Mang Roberto?” naiirita kong tanong. “Ma’am Venus, wala, ho, kayong kasama na papasok sa loob ng mall.” “So? Ano’ng pakialam mo? Driver lang kita, okay? Ako ang masusunod dahil ako ang boss.” “P-Pero, baka kung may mangyaring masama, ho, sa inyo ay ako ang pagagalitan ng mga magulang mo,” natatakot na sagot ni Mang Roberto. “Sorry, but… nagmamdali ako. Just sit back in the car and wait. Is that clear? Hindi na ako bata, Mang Roberto. Isa pa, we’re always doing this thing.” “P-Pero, Ma’am—” “Stop, okay? Enough.” Itinaas ko nang bahagya ang palad ko para ipakita sa kaniyang huminto na siya sa pangungulit. I looked at my wristwatch and I had to hurry. Marla might be bored and angry with me. Minsan na nga lang kami magkita at late pa ako. Naglakad ako nang matulin at tinungo ang cafeteria. Pinagbuksan ako ng staff at binati. “Good morning, Ma’am. Please come in and enjoy.” “Thank you,” nakangiti kong sagot. Pagpasok ko ay hinagilap kaagad ng magkabilang mata ko si Marla. Oh, there she is! Nakasimangot na at may ka-text sa phone. “Marla! Beshy!” mahinang hiyaw ko nang malakas at nagmadaling pinuntahan siya. Tumayo si Marla at sinalubong ako para gawaran ng halik sa magkabilang pisngi. Gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi. I miss her so much! “Sorry, ha. Naghintay ka nang matagal.” “Sus, sanay na ‘ko!” Luminga-linga sa paligid si Marla at nagkasalubong ang magkabilang kilay habang puno ng pagtataka ang kaniyang mukha. “Hmm… himala yata, Beshy? Where are your bodyguards?” “Well, iniwan ko sila ulit, ha-ha-ha!” “What the hell, Venus! You did it again? Ikaw na talaga!” tatawa-tawang sabi ni Marla habang hindi makapaniwala. “Yeah, I did it. Nahihirapan kasi akong mag-enjoy kapag nakabuntot sila.” “Tiyak na magagalit na naman ang parents’ mo for sure.” Lumapit ang waitress sa ‘ming kinauupuan. Kinuha ang order naming dalawa ni Marla. Marla is my childhood friend. Halos sabay kaming lumaki dahil iisa lang ang school na pinag-aralan namin. Nagkahiwalay lang kami noong college na dahil lumipat kami nang may nabili si Daddy na property sa Quezon City. “Siya nga pala. Tuloy na ba talaga ang kasal ninyo ni Harvey?” tanong niya. “Yup! You know what, I’m so excited! Sino ba’ng hindi mae-excite na ikasal sa isang tulad ni Harvey. He had it all! Looks, height, wealthy, and hot!” tugon ko sabay inom ng kape. Nakangiti lamang si Marla habang umiinom din ng kape niya. Napahinto ako at inilapag sa table ang tasa. “What?” “Nothing. I’m just— happy for you. Akala ko ay walang magta-tyaga sa ‘yo,” tatawa-tawang sabi niya. “Hey, hey, hey! Sa ganda kong ‘to?! Ako yata ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa! V-E-N-U-S! Venus! Named for the goddess of love and beauty,” giit ko. “Yeah, yeah. That’s why Harvey loves you.” “Of course. Sa dami ng nanliligaw sa ‘kin, he’s the luckiest guy,” I said confidently.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook