bc

Mr. Playboy Meet Ms. Single Mom

book_age18+
1.4K
FOLLOW
6.8K
READ
possessive
second chance
sweet
lighthearted
high-tech world
mpreg
secrets
lonely
intersex
Neglected
like
intro-logo
Blurb

"Love is Lovelier the second time Around."

Kasabihang hindi pinaniwalaan ni Hyacinth Santos.Nasaktan at nabigo siya sa pag ibig at sa huli niyang relasyon ay naanakan pa siya ng nobyo niya pagkatapos ay iniwanan siya sa ere.Kaya mag isa niyang pinapalaki ang kaniyang anak.At di na niya nakita pa ang Herodes na Umagrabyado sa kaniya.

Si Lester Espinosa,Certified womanizer,Easy go lucky man,at wala sa bukabularyo ang magseryoso sa buhay,At sinabi niya na ayaw niyang matali sa kanino mang babae.Ngunit paano kung tamaan siya ng pana ni kupido at mainlab siya sa isang dalagang ina.Paano niya mapapalambot ang puso ni Hyacinth na ayaw ng Magmahal muli.

Susugal bang muli si Hyacinth na muling magmahal?

Babaliin ba ni Lester ang pangako niyang di siya patatali sa kanino mang babae?

chap-preview
Free preview
Pagkadapa
Mag asawang sampal ang natanggap ni Hyacinth sa mga magulang niya. Sino ba naman ang matutuwang magulang na malalaman mo na buntis ang anak mo at tinakbuhan ng lalaking nakabuntis sa kaniya. Kakagraduate lang ni Hyacinth sa kursong Accountancy na halos igapang ng mga magulang niya para magkadiploma lamang siya.Tapos kakaumpisa pa lamang nito sa trabaho sa maynila ay bigla itong umuwi dahil sa buntis ito at maselan ang paglilihi nito at di na kinayang magtrabaho.Puro suka ang ginagawa niya sa lahat ng pagkain na maipasok niya sa tiyan niya. Kaya kahit labag man sa kalooban niya at kahit ipagtsismisan pa siya ng mga kapitbahay nila ay nagpasiya siyang umuwi na lamang dahil di niya kayang magtrabaho pa.Paano na ang pagbubuntis niya.Lalo lang siyang mahihirapan sa maynila lalo't mahirap din ang tiyahin niya na nagtitinda lamang sa divisoria.Nangungupahan din lang ang mga ito magpapabigat pa ba lalo siya. "Naturingan kang matalino,pero bobo ka pagdating sa pag ibig."sabi ng mama niya. "Pati kami idinamay mo sa mga kahihiyan mo.Ano na lng sasabihin ng mga kamag anakan natin?Mga kumpare ko?Na ang nag iisang anak ko ay disgrasyada?!"Ang Ama niya na halos di malaman ang gagawin.Pabalik balik ito ng lakad sa Harap ni Hyacinth,Habang ang dalaga ay di man lang nakuhang magpaliwanag at panay lang ang patak ng luha na di ata maubos ubos. Alam na alam na niya na ganito ang sasabihin ng mga magulang.Na isa siyang kahihiyan.Pero alam din niya na hindi siya matitiis ng mga ito.Siya lang ang nag iisang anak kaya alam niya na di siya ipagtatabuyan o papalayasin ng mga magulang. "Ma,Pa...Patawarin niyo po ako.Hindi ko po sinasadya."Nakayuko pa rin si Hyacinth.Wala siyang lakas ng loob na tumingin sa mukha ng mga magulang na binigo niya.Nasasaktan din ang mga ito sa sinapit niya. "Naku,Hyacinth kung alam ko lng na kakarengkeng ka sa maynila ay di ka na lang namin pinayagan ng papa mo."ang mama niya. "5 buwan ka pa lng doon,ang bilis mo namang naibigay yang perlas ng silangan mo."Ang Papa niya na dismayado sa nangyari. "Total ginawa mo, panindigan mo yan.Ikaw ang nagdesisyon niyan.Hindi ka na bata para mauto ng kendi.Kaso talaga yatang wala kang alam sa buhay Kaya ayan nauto ka."Mama niya na naman. "Nasaan na ang nakabuntis sayo?"ang papa niya. Di siya sumagot. "Ano,di mo sasabihin samin?Siguro may asawa pa yan.Kaya ayaw ka panagutan."ang mama niya ulit. "Naku babae ka,mapapatay ko ang walang bayag na bumuntis sayo.Lakas ng loob na mangialam ng babae tapos di kayang panindigan."Galit na sabi ng Papa niya. "Ma,Pa,hindi ko din ho alam.katrabaho ko po siya.At single naman po talaga siya.pero di ko po alam bakit si na siya nagpakita matapos ang isang beses na may nangyari samin.Patawarin niyo na lang po ako.Im so sorry..Di ko po talaga Sinasadya..Nagsisisi naman po ako..Kaso wala nama na po ako matatakbuhan ."Buong pusong sabi niya sa mga Magulang. Maya maya lamang ay natahimik na ang mga ito.Nakatingin lang ang mga ito sa dalaga.Naawa din ang mga magulang sa sinapit ng unica hija nila. "Wala na tayong magagawa Dennis,Nandiyan na yan.Tanggapin na lang natin.Apo pa rin natin ang batang dinadala ni Hyacinth."Malungkot na wika ng ina ni Hyacinth. "Ano pa nga ba Dahlia..Pero sana Hyacinth,dahil ganito na ang nangyari sayo,mag ingat ka na.Tandaan mo,wala ng magseseryoso sayong lalaki.paglalaruan ka na lang at di ka na irerespeto dahil isa ka ng dalagang ina.Kaya kung paano ka nag ingat noong dalaga ka pa,ay mas lalo kang dapat mag ingat ngayong magkakaanak ka na Hyacinth,Baka matulad ka sa mga kakilala ko na dumami ang anak tapos iba iba ang ama dahil wala ng magsersoyo dahil isang disgrasyada."Mahabang payo ng Ama niya. "Opo Papa..kahit hindi na po ako magmahal ulit,At hindi na po ako mag aasawa."Sabi ni Hyacinth sa Ama. ""Huwag kang magsalita ng tapos Hyacinth,Baka pag may manligaw sayo at tumibok na naman yang tangang puso mo eh bumigay ka na naman kaagad.Kaya inilagay sa ulo ang utak natin para siya ang mangibabaw.Huwag puro puso at nakakabobo."Saway naman ng ina niya. "Opo.Di na po mauulit.Pangako po."Buo na sa loob na sabi niya. "Sige magpahinga ka na."at tumalikod na ang ina sa kaniya. Dumiretso si Hyacinth sa kwarto niya. Malungkot siya pero ayaw na niyang umiyak.Wala namang mababago kung patuloy siyang mastress.Kakayanin niya ito.Lilipas din ang lahat ng ito at ipinapangako niyang babangon siyang muli at itatayo ang dignidad na nawasak. Magpapakatatag na lng siya para sa magiging anak niya.Ito na lang ang nagpapalakas sa loob niya.Hinawakan niya ang mg tatlong buwan niyang tiyan.may maliit na siyang baby bump.Dahil flat na flat ang tiyan niya kaya kung magsusuot siya ng hapit na damit mahahalata na ang umbok sa may puson niya.. Bahala na..Ipinapanalangin na lang niya na maging maayos ang pagbubuntis at panganganak niya. (R.R)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook