bc

Ivy's League

book_age0+
1.7K
FOLLOW
10.0K
READ
fated
opposites attract
arrogant
kickass heroine
boss
sweet
like
intro-logo
Blurb

“Excuse me, hindi ako nagpakahirap maging Bill Gates scholar kung sa isang lineman lang ako mapupunta! No way! He’s out of my league.”

Muntik nang mapasubsob si Ivy nang mabunggo siya ng isang nagmamadaling lalaki. “Ano ba?” mataray na sabi niya dito.

“Miss, sorry, ha?”

Tila lumipad ang pagtataray niya at napatitig sa lalaki. His gray eyes were striking. Sanay siyang makakita ng iba’t ibang kulay ng mga mata pero hindi sa Pilipinas. Ang akala niya, itim at dark brown lang ang mata ng mga tao sa bansa. Bumaba ang tingin niya sa ilong at mga labi nito. That was when she thought he probably had a foreign blood. Matangos sa karaniwan ang ilong. And his lips were… pink!

Hindi niya alam kung maniniwala siya. Wala sa loob na dumukwang siya palapit dito. Ang baba niya ay nakataas. Walang ibang focus ang mga mata niya maliban sa mga labi nito.

Was it really pink?

Isandaang porsyento ng atensyon niya ay sumuri sa maninipis na mga labi. And she concluded it was really pink. Ang balat ay sing-nipis ng sa sanggol. And the shape was neither thin nor full. Bigla ay hindi na siya sigurado kung alin ba ang may taglay ng mas matinding atraksyon. Ang mga mata nito o ang mga labi?

At siya mismo ay hindi niya maintindihan ang naging pakiramdam. It was the lips! The lips that seemed to be made for kissing.

French kissing, she emphasized to herself.

chap-preview
Free preview
Part 1
1997   “HI, IVY! Ang aga natin ngayon, ah?” bati sa kanya si Rachel na officemate niya sa CyberPacific. “O baka naman dito ka na sa opisina nakatira? Tatlong taon pa bago ang new millennium. Baka naman hindi ka na umabot sa year 2000 kung ngayon pa lang overworked ka na.”             Iniarko niya ang kilay. “Ako, overworked? Never. May sistema yata ang trabaho ko, ‘no?”             “Sus! Lumakas na naman ang hangin,” naiiling na sabi nito. “Ibig ko lang namang sabihin, parang overloaded ang trabaho mo these days.”             “Normal lang for me. Alam mo namang ngayon pa lang, nagpe-prepare na ang mga malalaking kumpanya na baguhin ang business system nila. Kung magsalita ka diyan, parang hindi ka busy. Hindi ba, ikaw ang may-hawak ng Southeast Development Bank?”             “Madali lang iyon kumpara sa kumpanyang hawak mo. Nineties lang nang itayo ang bangkong iyon. And as early as 1991, naisip na nila ang maaaring maging problema ng papalit na millennium. Hindi masyadong malaki ang adjustments na gagawin sa program nila. For one thing, hindi nila problema ang millennium bug. Iyong program nila, ever since, four digits na ang gamit nila sa year date. Sa Meralco ba, malaki?”             “In the first place, naisip mo na ba kung gaano kalaking kumpanya ang Meralco?  Marami namang staff na ibinigay sa akin. Ang target namin doon, before the end of this year, Y2K compliant na ang buong system at siyempre pati na rin mga empleyado.” Naupo na siya sa desk niya at hinarap agad ang computer.             “I still can’t believe it,” wika ni Rachel. “When I went to college, ang sama-sama ng loob ko kasi si Daddy ang nagsulat ng course ko. Computer Science. I wanted to be a nurse! Pero ngayon, wala na akong reklamo. Ganito na ang takbo ng mundo ngayon. High-tech na tayo!”             “At mataas ang suweldo,” nasisiyahang sabi niya.             Dalawa lang sila ni Rachel sa maraming system specialists ng CyberPacific. Sa Pilipinas, isa sa pioneer at pinakamalaking software development company ang CyberPacific. Nasa kumpanya ding iyon ang mga computer wizards. At ngayong papalapit na ang bagong milenyo, nag-create din iyon ng panic sa mundo. Kahit ang mga bata ay naging aware sa tinatawag na millennium bug.             Pero relaxed lang sila sa CyberPacific. And they were taking advantage of the Y2K turmoil. Sila ang nakakontrata sa malalaking kumpanya para baguhin ang recent operating system bilang paghahanda sa darating na milenyo.             At siya, si Ivy Patria ay nakasali sa grupo ng system specialists na sa Meralco ang assignment. Dalawang team din sila. Mayroon sa technical support pero siya ay ini-assign sa training and seminar para sa mga empleyado ng kumpanya.             Ayaw niya noong una. She thought she was better at technical side. Pakiramdam niya, hindi rin siya naiba sa isang teacher kapag nag-conduct siya ng training at seminar. At wala roon ang hilig niya. Mas gusto niyang tahimik siyang nagtatrabaho sa harap ng computer.             She was nerd and impossible. Well, iyon ang unang impression sa kanya ng mga kasamahan sa CyberPacific. Walang dudang matalino siya. Kapag nagsalita siya ng tungkol sa political issues, she sounded like the President’s press secretary. She knew and understood what is happening in the world. But she was also unreachable. Hindi lahat ng tao ay kinakausap niya. Namimili siya ng kausap. At aminado siyang arogante din. Pero masisisi ba siya? Palaki siya ng lola. At iminulat siya na magkaroon ng tiwala sa sarili. Na hindi kakulangan na maaga siyang naulila. That despite her parents’ absence, she deserved the best things in the world. Pinalaki siya ng lola na may gintong kutsara sa bibig. The old woman was rich. US veteran ang kanyang lolo at malaki ang naging pensyon nito. Bukod pa roon ang maraming pension plans na in-invest nito noong araw. Sa dami ng tsekeng dumarating dito buwan-buwan, kahit na wala itong trabaho ay maginhawang-maginhawa ang buhay nila. Isa pa, siya mismo ay may sarili ring pera buhat sa life insurance ng namatay na mga magulang. Lola Beatriz niya ang nagdesisyong i-convert iyon bilang trust fund. Sa ngayon, ang laki na ng halaga niyon. Salamat na rin sa compound interest na sistema. At malamang, lalaki pa lalo iyon sapagkat hindi naman iyon binabawasan. Hindi pa nila kailangan ang salaping iyon. Ang mismong pera ng matanda ay labis-labis na para sa kanilang dalawa. At walang isa mang pagkakataon na hindi nito ipinaramdam sa kanya ang yaman na iyon.             Lumaki siya na may yaya at driver na nakasunod sa kanya. She had tutors and instructors. Piano lesson, swimming lesson, ballet, gymnastics, horseback riding even origami. Lahat ng summer courses noong kabataan niya ay pinasukan niya. And she excelled in everything. At unang-unang tagahanga niya ang lola.             Pinaka-interesado siya sa computer. Her grandmother provided her full support. Walang problema kahit na napakamahal pa noon ng personal computer. Ibinili siya nito upang makatulong na mahasa lalo ang talino niya tungkol sa bagay na iyon. At sulit naman. She graduated magna c*m laude in one of the most prestigious university in the country. Right after college graduation, ipinadala siya ng alma mater sa Amerika upang maging scholar ni Bill Gates. Natapos niya ang scholarship at nagsisimula nang magtrabaho nang bigla siyang umuwi sa Pilipinas. At walang hindi nagsabi na isang malaking oportunidad ang tinalikuran niya nang umuwi siya sa bansa. Dapat sana ay isa siya sa mga taong nasa likod ng mga software developments na inilulunsad sa buong mundo.             Ang lola niya ang dahilan. The old woman became ill. Bigla na lang itong na-stroke at malaki ang naging pinsala sa katawan. Hindi na ipinayo ng mga doktor na dalhin pa ito sa America upang doon magpagamot. Mas makakasama na lang sa kalagayan nito ang pagbibiyahe.             And she loved her grandmother very dearly para ipagwalang-bahala ang kalagayan nito. Konsensya niya ang nagdikta na bumalik sa bansa. At dahil malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niyang sa credentials niya ay hindi malayong magkaroon siya ng iba pang magandang pagkakataon.             At hindi nga siya nagkamali. Bukod sa maaari pa rin naman siyang mag-apply uli sa Microsoft, she even had irresistible offers in Hong Kong and Malaysia. Natutukso siyang tanggapin pero ang kalagayan ng lola ang pumipigil sa kanya. She was twenty-three. Kinonsola na lang niya ang sarili na mayroon pang mga oportunidad na darating.             Nabalitaan niya ang tungkol sa CyberPacific. Nag-apply siya doon at noong araw ding iyon ay natanggap siya. Wala na rin siyang reklamo sa suweldong alok sa kanya. Pansamantala ay isa-satisfy muna niya ang sarili sa ganoong buhay. At least, araw-araw ay nadadalaw niya ang lola na nasa ospital.             Three months ago, binawian na rin ng buhay ang lola niya. She was grieving pero napaghandaan na rin naman niya ang realidad na iyon. She had planned to move on. Wala na ang dahilan ng pag-uwi niya sa Pilipinas. Ang balak niya ngayon ay harapin ang mga oportunidad sa buhay niya.             But CyberPacific held her. Pinakiusapan siya ng mga ito na manatili sa kumpanya. Isang malaking kontrata ang naisara nito sa isang service utility company. At gustong isama siya sa grupo ng mga cyber specialists na isasabak doon. She was too smart para basta na lang pumayag. The management offered her a raise. Isang umento na katumbas na rin ng sasahurin niya kung tinanggap niya ang trabaho sa Hong Kong. Nagdesisyon siyang manatili—muna. Sapagkat hindi pa rin naman niya nakakalimutan na mas maganda ang oportunidad kung babalik siya sa America.             Noong isang buwan, buhat sa pagiging silent software wizard ay nagkaroon siya ng transformation bilang trainer. Nanibago siya pero bandang huli ay nagustuhan na rin niya. Selected engineers ng kumpanya ang participant ng training. Ang mga iyon naman ang bahalang mag-train sa iba pang empleyado nito.              Ngayon, balik siya uli sa tahimik na pagtatrabaho.  She was monitoring the new system. Unti-unti ang implementation nito sa kumpanya. At handa na rin sila sa mga crucial moments sa full implementation nito sa darating na linggo.             “Ivy, phone!” sabi sa kanya ni Rachel na ikinagulat pa niya. “Ilang beses na po kitang tinawag. Na-hooked ka na naman diyan sa computer,” naiiling na lang na wika pa nito.             “Inoobserbahan ko iyong takbo ng system,” katwiran niya dito bago inabot ang telepono. “Ivy speaking. May I now who’s on the line?”             “Miss Patria, please come to my office,” wika ng nasa kabilang linya.             “Yes, sir. Right away.” Ibinaba na niya ang telepono. “Si Boss pala iyon,” aniya kay Rachel at lumabas na sa workspace nila.             “Sit down, Ivy,” wika ni Mr. Sy nang naroon na siya sa private office nito. “Red alert tayo sa Meralco next week. Full implementation na ng bagong system nila and of course, kailangan ng massive support natin. I’m assigning you sa isang district office nila.”             “Sir, hindi ba puwedeng sa mainframe na lang ako mag-monitor?” banayad na tanggi niya.             “Iyong technical support ang naka-assign doon,” tipid na sabi nito.             Naitikom niya ang mga labi. Alam niya, ang ganoong tono ng boss ay finality ang kahulugan. “Okay, sir,” sabi niya pagkuwa at tumayo na rin. Nang lumabas siya ng opisina nito ay saka siya nagkunot-noo. “Promise, pagkatapos ng critical stage na ito, babalik na ako kay Bill Gates!” mariing bulong niya sa sarili.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
316.7K
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.7K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.1K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.4K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.4K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook