bc

DARK BOYS SERIES 2 (The Governor's Son)

book_age18+
848
FOLLOW
2.9K
READ
love-triangle
possessive
sex
escape while being pregnant
age gap
second chance
playboy
drama
sweet
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Si Ricky Vergara ay anak ng gobernador ng Quezon province na kilalang Playboy at mapaglaro sa babae ay mabibighani kay Kimberly Dela Fuente na isang simpleng dalaga na malaki ang kabataan kay Ricky.

Lingid sa kaalaman ni Ricky si Kimberly ay isang Haciendera sa bayan ng Tarlac na piniling talikuran ang buhay na kinagisnan dahil siya ay pilit na ipagkakasundo ng sariling ama.

Pero si Kimberly ay mapipilitan bumalik sa Tarlac upang patunayan sa tao na hindi pera ang ginusto niya kay Ricky. Sa kanyang pagbalik ay tuluyang masisira Ang kanilang relasyon dahil sa isang patibong at sa kanyang paglayo ay isang ala-ala ang naiwan sa kanya ni Ricky

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
KIMBERLY'S POV Andito ako ngayon sa labas ng mansyon ng mga Vergara. Kung saan kailangan kong harapin ang ama ng aking anak ang lalaking ayaw ko nang makita kahit kailan. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang lalaking kinasusuklaman ko dahil pinagpalit niya ako sa isang babaeng pakawala. "Kimberly," tawag nito sa akin. "Ricky," sambit ko sa pangalan niya. Habang papalapit siya sa akin ay lumalakas ang pintig aking puso. Sa loob nang mahabang panahon ay biglang nabuhay ang natutulog kong puso kasabay nang galit ko sa kaniya. "Kimberly, nagbalik ka," masayang sabi niti at lalo akong nanigas nang yakapin ako nito. Bigla akong nakaramdam ng mga paro-paro sa aking tiyan. Ngumiti ako nang pilit. "Ricky, bumalik ako, da—" putol ko sa sasabihin ko at bigla akong nag-isip kung paano ko ipagtatapat sa kaniya na may anak kami. "Kim, may problema ba?" tanong nito sa akin. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. "Ricky, kailangan ko ang tulong mo," pagtatapat ko. Kumalas ito nang pagkakayakap sa akin at tinitigan ako. "Anong ibig mong sabihin?" seryosong tanong nito sa akin. Huminga muna ako bago magsalita. "Ricky, nang umalis ako. Buntis a—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla itong nagsalita. "Buntis ka?" putol nito sa sasabihin ko. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong nito sa baritonong boses niya. Imbis na sagutin ko ang tanong nito ay pinagtapat ko na ang dahilan nang pagbalik ko. "Ricky, ang anak mo, nasa peligro. Kinakailangan niyang sumailalim sa bone marrow transplant," pagtatapat ko na kitang-kita ko ang pagkabigla sa mga mata niya. Napailing ito. "May anak talaga tayo?" paniniguro nito sa akin. Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Oo, Ricky, may anak tayo. Kaya ako naririto ngayon. Dahil kailangan ka ng anak mo." Huminga ako bago muling nagsalita. "Ang sabi ng doctor hindi kami magka-match ni Ricko. Kaya ikaw lang, ang pwede niyang maging ka match." Ngumiti ito. "Lalaki ang anak natin?" masayang sabi nito. Sabay yakap sa akin nang mahigpit. "Kim, hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon." Itinulak ko ito ng magtangkang halikan ako. "Bumalik ako para sa anak ko! Hindi para sa 'yo!" walang buhay kong sabi na may kasamang galit. "Kimberly, alam ko galit ka sa akin. Pero hayaan mo akong magpaliwanag," pakiusap sa akin nito. Ngumiti ako na parang aso. "Para ano pa, Ricky?! Para muli mo akong saktan?! At paglaruan?!" tanong ko na may galit sa dibdib ko. Nagulat ako ng lumuhod ito sa aking harapan. "Kimberly, mahal na mahal kita. At hanggang ngayon. Ikaw pa rin, ang tinitibok ng puso ko. Kaya nakikiusap ako sac'yo. Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. Para patunayan ko sa 'yo, na nagbago na ako," sabi nito habang nakayakap sa mga hita ko. Tumulo ang luha ko at may naramdaman akong kirot sa dibdib ko, para sa lalaking hanggang ngayon ay laman pa rin ng puso ko. "Ricky, gustuhin ko man. Pero hindi na pwede da—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may biglang nagsalita sa likuran ko. "Kimberly! Bakit kailangan mo pang kausapin ang lalaking 'yan?!" galit na tanong sa akin ni Anton. "Kimberly, sino siya?" tanong sa akin ni Ricky. Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Anton. "Ako lang naman ang fiancee ni Kimberly, na tinakasan niya noon!" galit na tugon ni Anton. Kita ko ang pagdilim ng mukha ni Ricky. Bigla itong tumayo at hinawakan ako sa aking mga kamay. "Akin lang si Kimberly. Hindi ako papayag na mapapunta siya sa 'yo!" galit na pahayag ni Ricky. Ngumiti na parang aso si Anton. "Magkakamatayan muna tayo! Bago mo makuha sa akin si Kimberly!" sabay hawak nito sa aking isang kamay at pilit akong hinihila kay Ricky. Pero mas hinigpitan ni Ricky ang pagkakahawak niya sa aking kamay. "Bitawan niyo ako! Anak ko ang dahilan kung bakit narito ako ngayon!" galit kong sigaw. Tumingin ako kay Ricky at tumulo ang luha ko. "Ricky, andito ako ako para sa anak natin," pahayag ko na may kasamang lungkot. "Kim, sabihin mo sa akin na mahal mo pa rin ako," utos nito sa akin. Magsasalita na sana ako nang tutukan ng baril ni Anton si Ricky. "Pare, akin si Kimberly! Kung kailangan kitang patayin! Upang mapasa akin si Kimberly! Hindi ako magdadalawang isip na pindutin ang gatilyo nito!" banta ni Anton. Humarang ako sa unahan ni Ricky. "Please, Anton, huwag mong sasaktan ang tatay ng anak ko. Nakahanda akong magpakasal sa 'yo, huwag mo lang papatayin si Ricky," pagmamakaawa ko. Gagawin ko lang ang dapat kahit pa si Ricky ang nagmamay-ari ng puso ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The ex-girlfriend

read
138.6K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
215.9K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.5K
bc

My Favorite Subject

read
216.4K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
549.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook