bc

HMSS:Andrew Guerrero(TAMING THE HOT FARMER)

book_age18+
14.0K
FOLLOW
75.3K
READ
contract marriage
age gap
body exchange
dominant
scandal
badgirl
bitch
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Tereesa is in trouble.

Dahil sa kaniyang pagtakas mula sa sariling engagement party, siya ngayon ay pinaghahanap ng buong angkan nila.

In order to hide herself, she seek help from her best friend, kasama na roon ang pagbabalat-kayo. Kaya ang maarte at ubod na reklamador na kagaya niya ay sa probinsiya napunta.

But wait, there's more. . . dahil ang beauty niya na noon ay laman ng spotlight at magazine ay sa bukid na lang rumarampa.

Papaano siya mabubuhay ng mag-isa kung ang putik na pinakaayaw niya ay araw-araw niyang makakasama? Susuko na lang ba siya?

Nope!

Hinding-hindi siya susuko. Lalo na kung ang magiging amo niya ay isang YUMMY at HOT NA MAGSASAKA.

@sheinAlthea

chap-preview
Free preview
Simula
Mainit at mausok. Maalinsangan dahil sa gitgitan ng mga pasahero sa isang bus patungong probinsiya. Maingay dahil sa kaniya-kaniyang reklamo at sentimiyento. May mga magkakatabing nagchichismisan. Mayroon ding humahalukipkip at mas piniling matulog na lang. Nagkibit-balikat si Eesa. Sinulyapan niya rin ang katabing kaibigan na tila ba hindi mapakali. Nakaupo ang dalawa sa pangalawang upuan mula sa driver ng bus kaya kitang-kita nila kung saan ang kanilang tungo. Walang bahay at puro kakahuyan ang kanilang nadaraanan, at isang two way lane na sinadya para sa transportasyon. It was a secluded area, perhaps. Ngunit walang pakialam si Eesa kung saan man siya dalhin ng kaibigan. Ang importante sa kaniya ay ang makalayo siya sa Metro at makapagtago mula sa buong angkan niyang tiyak na naghahanap sa kaniya. "Sure ka bang ayaw mong sumama? I need you best friend. . ." maarteng pagmamakaawa niya rito. Ngumuso pa siya para mapansin nito. Inirapan siya ng kaibigan. "Gaga ka ba? Eh di, nalaman ni Tito na connivance ako sa drama mo!" Natawa siya sa sinabi nito. Kung hindi naman kasi naisip ng Papa niya na ipagkasundo siya sa isang estranghero, ay hindi siya maglalayas at magpakalayo-layo. Eesa felt guilty of what she did but she had to do it to save herself. Hindi naman kasi siya papayag na maikasal sa taong hindi niya mahal. Wala siya sa isang royal family at hindi siya isang dugong bughaw para sundin ang utos ng ama, kaya ito ngayon ang drama niya. Napabuntonghininga siya at isinandal ang likod sa pulang upuan ng bus. She was thinking about what would happen to her for the next days and the life that awaited her in the province. Alam niyang mahihirapan siya sa bagong buhay niya dahil namuhay siyang mala-prinsesa sa loob ng dalawampu't-tatlong taon. In one snap of her finger, she could have everything. But now. . . She sighed again. Lulugo-lugo ang pakiramdam na kinuha niya ang backpack na naglalaman ng kaniyang konting gamit at ang kaniyang wallet. Sinilip niya iyon at nakita ang iilang lilibuhin na gagastusin niya para sa pangangailangan sa susunod na araw. Naroon din ang litrato ng kaniyang Mommy Ramona. Gusto sana niya iyong tingnan ngunit pinigilan niya ang sarili. Baka kasi kapag ginawa niya iyon ay maiyak lang siya dahil na-mi-miss niya na kaagad ito. "Oh, Maribilis! Maribilis Terminal!" "s**t! Nandito na tayo!" eksaheradong wika ng kaniyang kaibigan. Huminto ang sinasakyan nilang bus sa isang hindi kalakihang terminal. Nang silipin iyon ni Eesa mula sa bintana ay napangiwi siya sa nakita. Kaniya-kaniyang abot ang mga taong naroon sa labas ng bus ng mga pagkain at paninda ng mga ito. Nagsisigawan pa at nagtutulakan na para bang nag-aagawan para lamang makabinta. Sinitsitan siya ng isang lalaki nang makita siya nito at itinuro ang paninda nito ngunit umiling lamang ang dalaga. She was not used to it and she didn't even know how to react. Mukhang mapapalaban nga talaga siya sa bago niyang buhay. "Hoy!" "Aray!" Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan nang malakas siya nitong tapikin sa balikat. Nagkibit-balikat lamang ang kaibigan niyang si Krist sa kaniya at sinenyasan siyang tumayo, pagkatapos ay walang sabi-sabing iniwan siya nito. Ni hindi niya nakita ang ekspresyon nito dahil sa facemask na suot. Balot na balot din ito sa suot na black Adidas jacket at jogging pants. "Ma'am, umalis na po ang kasama ninyo." Nagising ang diwa ni Eesa sa sinabi ng konduktor. Dali-dali niyang isinukbit ang backpack sa kaniyang likod at mabilis na tumayo upang pumanaog. Nakipaggitgitan pa siya sa mga gustong sumakay sa bus para lang makababa. Nakita niya kaagad ang kaibigan na nag-aabang sa kaniya. Nakapameywang ito at halatang inis na sa klase ng tingin nito sa kaniya. "Sorry, Beshie. . ." hinging paumanhin niya rito. Tumaas naman ang kilay nito. "My job is done here, Tereesa. I already gave you the address. All you have to do--" "Señorita!! Señorita!!" "s**t!" Sabay na napamura sina Krist at Tereesa. Nang lingunin nila ang pinagmulan ng tinig ay hindi nga sila nagkamali, ang mga tauhan ng Daddy ng dalaga ang tunatawag dito. Kaya naman nagkatinginan muna ang dalawa bago magkahawak kamay na tumakbo para iligaw ang mga tauhan. "Señorita Tereesa!!" tawag muli ng mga ito na hindi nila pinansin. Nakipaggitgitan. Nakipaghabulan. Natatapilok at minsan pa'y may nakakabungguan ngunit walang pakialam ang dalawa. Maging ang init ng araw ay hindi nila alintana. Ang tanging gusto nila ay makalayo. Hanggang narating nila ang merkado o maliit na pamilihan sa lugar at nagtago sa isang maliit na comfort room. "Bakit tayo nasundan?!" humihingal na wika ni Eesa. Yumuko pa ito para hawakan ang nanlalambot na tuhod. Ngunit napangiwi sa nakitang maruming tiles at lumang toilet bowl na mukhang kakagamit lamang ng kung sino. "s**t!" dagdag nito. "Yuck!" maarteng komento naman ng kaibigan. Walang pagdadalawang-isip na lumabas ang dalawa mula sa loob ng cubicle. Lumapit si Eesa sa pinto ng pampublikong palikuran at sinilip ang paligid. Nakahinga ito nang maluwag nang wala na itong makitang tauhan ng Daddy nito. Kampante siyang naiwala na nila ang mga tauhan. Bumalik kaagad siya sa tabi ng best friend niyang si Krist at niyakap ito nang mahigpit. "Thank you," madamdaming saad niya rito. "I will make it up to you when I come back," dagdag na wika niya. Umiling naman ang kaibigan. Lumayo rin ito sa kaniya ng bahagya. "I want you safe. Dadalo pa tayo ulit sa party ng Hot Men Society," wala sa loob na sagot naman nito. Napangiwi ang dalaga. Naalala niya bigla ang nangyaring party na ginanap sa eksklusibong village ng mga miyembro ng HMS.  The reason why she hated to be drunk again and the reason why she could still feel pain in her core. Isang linggo na ang nakalipas ngunit masakit pa rin ang epekto ng ginawa ng isang estrangherong lalaki sa kaniya. Napakagat siya sa labi dahil sa naisip. Masakit na masarap pala kung tutuusin. "Tulala ka na naman d'yan. Ito cellphone mo." Inabot nito ang isang old model na 3310. Mukhang gamit na gamit iyon at halatang pinaglumaan na. "Bakit ito?" reklamo niya. "Role playing 'di ba? Aarte ka pa. Walang selfie sa bukid. Oh!" Inabot nitong muli ang aparato. Hindi na rin siya nagreklamo at kinuha iyon. Lumapit ang kaibigan sa sink at inilapag ang dala rin nitong backpack. Inilibas nito ang isang wig. Itim na maikli iyon. Naglabas din ito ng kompletong set ng make-up kit at iniabot sa kaniya. "Alam kong modelo ka at marunong mag-make up kaya ikaw na ang bahalang gawing pangit ang sarili mo." Tumango siya sa sinabi nito. She smiled to her best friend when she finally gave her all she wanted. Nagyakapan muli sila at muntik pang magkaiyakan kung hindi nila pinigilan ang sarili. Kapagkuwan ay nagpaalam na itong umalis. Nagpasalamat muna siya rito bago niya ito pinakawalan. Tereesa looked at her reflection in the mirror in front of her. Napabuntonghininga muli ang dalaga at nagsimulang ayusan ang sarili. She wore the wig. Hindi siya komportable ngunit tiniis niya. She put light make-up on her face and put some freckles around her pointed nose. Pinakapal niya rin ang kilay gamit ang waterproof na brow tattoo pencil. Nilagyan niya rin ng nunal ang ibabaw ng kaniyang labi. Nang magsawa ay nakangiting pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Isinuot niya rin ang makapal na eyeglasses na mukhang panahon pa ni Betty La Fea. Natatawa na lamang siya habang papalabas sa kinaroroonan dahil sa mga matang nakatutok sa kaniya. Mukhang hindi makapaniwala ang mga ito sa nakikita. "Manong sa San Vicente po. Hacienda Guerrero!" malakas na wika niya sa isang tricycle driver. Napakaingay kasi ng buong lugar kaya halos pasigaw na ang kaniyang boses. Pinasadahan muna siya ng tingin ng driver at nagtanong, "May pambayad ka ba?" "Grabe naman kayo. Oo naman po." Sinamaan niya ng tingin ang driver kahit hindi nito iyon nakikita. Nainis siya sa sinabi nito pero hindi na niya pinatulan pa. Kung alam lang nito kung gaano siya kayaman ay baka mahiya ito sa sinabi sa kaniya. Ngunit, ayaw na niyang pamukhaan ang driver dahil alam na kaagad niyang hinusgahan kaagad siya nito base sa kaniyang hitsurang pisikal. "Hala, sakay!" Nagmamadaling sumakay si Eesa. Ilang sandali pa ay tinatahak na nila ang daan patungo sa mansion ng mga Guerrero. Ang sabi ng kaniyang best friend, doon daw nagtatrabaho ang dati nitong yaya na si Yaya Melba. Nakausap na rin ito ng kaniyang kaibigan tungkol sa pangpapanggap na gagawin nila at ipinakilala siyang pamangkin ng ginang mula sa malayong probinsiya. Lahat ay nakaplano na sa kaniyang bagong buhay. Lahat ay naisip na niya ang gagawin. May palusot na rin siya sa mga magtatanong kung sakali. Lahat nga ay napaghandaan niya ngunit ang pagbagsak ng ulan ay hindi niya na-i-plano, kaya ang ending, iniwan siya ng tricycle driver sa gitna ng putikan. Pinilit niyang maglakad at maghanap ng masisilungan ngunit bigo siyang makahanap man lang kahit malaking puno dahil puro maisan ang nakikita niya. "Bakit naman, Lord!" sigaw niya. Mas lalo namang lumakas ang ulan na may hindi kalakasang hangin. Napatingala si Tereesa. Frustration enveloped her being. Anong kamalasan ba ang dala niya at mukhang sinusubukan siya ng langit? Matapang siya, oo pero umiiyak din siya. Katulad na lamang ngayon na hinayaan niyang tumulo ang luha kasabay ng ulan. "Nakakainis!" she shouted out loud. Her voice echoed the place. Nanghihina siya sa mga nangyayari. Gusto niyang maglupasay ngunit dahil sa putik ay pinigilan niya ang sarili. Nawawalan na nang pag-asa ang dalaga ngunit nang marinig niya ang isang kakaibang tinig ay bigla siyang nabuhayan ng loob. Nagpalinga-linga siya sa buong paligid at ilang beses na napakurap nang makita ang kung sinumang may likha ng kakaibang tunog. 'Ano 'yon?' Tereesa's visions were blurry because of the heavy rain but she could still managed to see the black horse, running faster towards her direction. The sticky mud and the heavy rain didn't hinder the speed it was exerting. Namangha ang dalaga dahil doon. Ngunit mas namangha siya nang makalapit ito at makita ang kung sinumang sakay nito. It was a long haired man with broad shoulders and tanned skin. Having a hard expression with his eyebrows furrowed, he looked more intimidating. Naalala niya tuloy ang isang eksena ni Lee Min Ho sa isang pelikula. Iyon nga lang, puting kabayo ang gamit nito at balot na balot habang itim naman ang gamit ng lalaking kaniyang kaharap. Bukod pa roon, hubad baro ito dahilan kung bakit natigagal siya sa nakita at hindi niya napigilang umawang ang bibig. Check ang six pack abs nito. Napalunok siya. Mukhang hindi siya ganoon kamalas dahil sa kabila nang pagkabasa sa ulan at sa putikang mga paa ay nakita na niya ang totoong kahulugan ng salitang Adonis. And it was the long haired man in his black horse. @sheinAlthea 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
36.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

The Sex Web

read
131.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.4K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
33.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook