bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

book_age0+
49.9K
FOLLOW
341.9K
READ
dark
possessive
second chance
playboy
arrogant
mafia
drama
tragedy
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

[ The Possessive Series #1 ]

Cashedy Flaire Montegreen made a plan on her mind. Magtatrabaho siya sa isang kompanya para makapag-ipon ng pera. At kapag nakapag-ipon na siya ng malaking pera, ipapahanap niya kung sino ang pumatay sa kaniyang Ina. Her mother was killed by anonymous people. Bata pa siya noon ng mangyare ang bangungot na 'yun sa buhay niya. And now, she's 18 years old. Handa na siyang harapin ang buhay niya at maghiganti sa mga taong nanakit sa kanila.

Dashnell Raff Peterson is a real definition of the word perfectionist. Ayaw niya sa mga taong palpak at mga taong walang kwenta. He's very intimidating. Dangerous and a lot of secrets in life. Walang sino man ang nasa tamang katinuan ang bubungguin siya. He's a mafia prince. A possessive mafia prince.

"What Mr. Peterson wants, he always get. And Cashedy Flaire Montegreen is not an exception."

@jynx19

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 "Panandalian lang ang pagpapatira ko dito sa'yo, Flaire. Alam mo naman siguro kung gaano kahirap ang buhay dito sa Pilipinas, hindi ba? Pasensiya ka na." Saad ni Tita Luceng sa akin. Inaayos ko ngayon iyong mga gamit kong matagal ko na ding pinagtitiisan. Ang ilan nga ay hindi na kasya sa akin. "Okay na po sa akin 'yun Tita. Naiintindihan ko naman po ang dahilan niyo." Nakangiting saad ko. Si Tita Luceng ay nakababatang kapatid ni Nanay. Lumuwas pa ako ng Maynila para lang makapunta sa kaniya dahil wala na talaga akong matitirahan. I was 9 years old before ng mamatay si Nanay. Binaril siya ng mga hindi ko nakikilang armadong tao. Madami sila at lahat sila ay nakasuot ng itim na maskara. That's all I remember. Wala na akong ibang maalala pa sa bangungot na 'yun. Si Tatay naman, hindi ko naabutan ng ako ay ipinanganak. Ang sabi ni Nanay, naghiwalay na sila simula pa lamang ng pinagbubuntis niya ako. "Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Lalo na ngayon at tutungtong na pagko-kolehiyo si Gina. Lalong lalaki ang gastos natin dito sa bahay." Dagdag na paliwanag ni Tita. Napapikit ako ng mariin. Ang dami talagang problema. Sobrang dami. At alam kong lahat ng tao dito sa mundo, may mga problemang dinadala. "Kaya nga po naghahanap ako ng magandang trabaho. Bukas na bukas din po, maga-apply ako sa mga malalapit na kompanya dito sa Maynila." Saad ko. I was graduated before kaso Fourth Year High School lang. Hindi ako nakapag-college dahil nadin sa kakapusan sa pera. Si Tita Minda naman noon ang nagpaaral sa akin. Sa kasamaang palad, namatay siya. Ang malas na nga talaga siguro ng buhay ko. "Sigurado ka ba, Flaire? Eh hindi ba't High School lamang ang natapos mo? Baka walang tumanggap sa'yo. Mahirap na," Napapailing na saad ni Tita. I sighed. Alam kong hindi ito magiging madali but I need to try. "Hindi naman po siguro," Pagtatanggol ko sa sarili ko. Pumikit ako ng mariin. Makakahanap ako ng trabaho. Pinapangako ko iyan. *** "Sorry Miss, pero wala kaming vacant ngayon, eh. Maybe sa ibang kompanya, meron." Nakangiting saad sa akin ng babae. Sa tingin ko, siya iyong sekretarya dito. Halata naman sa mga ngiti niya na peke lang ito. "Okay." Walang emosyon na saad ko. Seriously? Walang vacant? Just wow. So anong tingin niya sa nakapaskil sa labas ng building nila? Design? Malinaw na nakasulat doon na madami silang bakante. And if I'm not mistaken, hindi pa sila nakakahanap ng marami. Anyways, maghahanap na lang siguro ako sa iba. Mukhang tama si Tita. Mahihirapan talaga akong makakuha ng trabaho dito sa Maynila. Wala naman kasing mga extra oportunidad dito sa Maynila na maaari kong pasukan. "Ang kapal naman ng babae na iyan. Dito pa talaga siya nag-apply eh mukhang wala namang pinag-aralan." "True ka diyan beshie. Ang panget pa ng suot. Halatang mahirap." Napahinto ako sa paglalakad ko ng makarinig ako ng bulongan. Hindi ko alam kung bulongan ba talaga iyon o sadiyang pinaparinig nila sa akin. Nagtuloy ako sa paglalakad at hindi sila pinakinggan. Obvious naman na ako 'yung pinaparinggan nila. Hindi pa nila ako deretsuhin. Kahit masakit para sa akin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa exit door. Iba ang tingin sa akin ng mga guard kaya napahigpit ang hawak ko sa envelope na hawak ko na naglalaman ng resume ko. Todo kapa sila sa akin bago ako makalabas na para bang may kinuha ako o ninakaw sa kompanya nila. I really hate those people who always want to judge others base on what they are seeing. Naiinis ako sa mga panghuhusga at panlalait nila. Nang makalabas ako, sinalubong kaagad ako ng napakainit na sikat ng araw. Pinagpawisan kaagad ako dahil doon. Wala pa man akong dalang payong dahil..wala naman talaga akong payong. Nasira kasi iyong payong ko sa bagyo nung nakaraan at wala akong pera pambili. Tiniis ko na lamang ang init at naglakad sa side ways. Tanaw ko di kalayuan sa akin ang Peterson Company. Ang isa sa pinakamalaking kompanya dito sa Pilipinas. I think, I really had no choice. Lahat na ata ng kompanya at maaari kong pasukan na trabaho ay napasukan ko na. Except this one. Masyadong malaki ang expectations nila sa mga empleyadong maga-apply. They are all perfectionist. No doubt. Successful silang lahat. Their family is very rich. Filthy rich. Wala namang mawawala sa akin kung susubukan ko diba? Kahit na alam kong kaunting chance lang ang mayroon ako. Atleast, I tried. Atleast, sumubok ako. Tinanggal ko na iyong heels ko na pagkasakit sakit sa paa at tinakbo na iyong building. Sira na ang mga make up ko at pawis na pawis na talaga ako. Magre-retouch na lang siguro ako sa comfort room pagdating ko doon. Ilang takbuhan pa ay nakadating na ako sa napakalaking gate doon. Madaming security guards ang nagbabantay dito. Madami din akong cctv na nakita sa iba't ibang parte. Privacy and Secured. "Miss. Bawal pong pumasok dito ang walang appointment kay Sir." Bungad kaagad sa akin ng isang guard na sa aking tantiya ay binata pa. Tumaas naman ang isang kilay ko dahil doon. "Excuse me?" Huminto muna ako at lumunok. "Maga-apply lang sana ako ng trabaho dito. Anything will do." Nakangiting saad ko. Flaire, huwag kang magmataray ngayon. Kailangan mo ng trabaho! "Patingin ng resume." Saad nito. Mukha ba akong nagsisinungaling? Pinakita ko sa kaniya iyong envelope na hawak ko. "Andiyan sa loob." Sabi ko. Binuksan naman niya iyon at tinignan 'yung resume ko. Ang tagal kong ginawa 'yun kagabi bago ako matulog. Binalik niya sa akin 'yung envelope ko at may sinenyas sa guard. Mukhang nagkaindintihan naman sila at humarap ulit siya sa akin. "Pasama ka na lang sa guard na 'yun para malaman mo kung kanino ka magpapa-interview." Saad nito. Tumango naman ako at nagpasalamat. Pumasok ako sa loob ng gate at sinundan iyong guard. Sa tingin ko ay nasa mahigit 20 na 'yung edad niya. Parang mas matanda lang siya ng kaunti kay kuyang guard kanina. "Hanapin niyo lang miss si Ma'am Honda sa Office Room doon sa 2nd Floor. Siya ang magi-interview sa inyo sa kung anumang posisyon ang gusto niyo." Saad nito sa akin habang nakangiti. "Salamat sa info." Sabi ko din sa kaniya at ngumiti. He's good and fine. Hinatid niya lamang ako hanggang sa ground floor at bumalik na siya sa guard house. Iyong unang kinausap ko ay Jake ang pangalan, Paul naman iyong sumunod. Punta na tayo sa totoong pakay ko dito. Hindi hamak na sobrang laki ng building na ito kumpara sa iba. Hanggang anim na floor ang mayroon at may malaking rooftop pa sa itaas. Idagdag mo pa ang parking lot na sobrang laki din at ang guard na house na mas malaki pa sa bahay na tinitirhan namin ngayon. Nag-elevator kaagad ako at hindi naman ako nahirapan. Walang masyadong tao sa paligid. Siguro halos lahat sila ay busy sa kanilang mga trabaho. Lumabas ako sa second floor at tinignan sa blue print na nakadikit sa wall kung nasaan iyong Office Room ni Ma'am Honda. Medyo natawa ako ng kaunti dahil sa pangalan niya. Ang weird. Naglakad ako papunta sa OR -- ( Office Room ) -- at kumatok dito. Isolated masyado ang bawat rooms kada pasilyo at wala talagang ingay. Ang lakas din ng aircon dahil sobrang lamig. Parang mas gusto ko talagang magtrabaho dito dahil sa ganda ng itsura at facilities. Iyon nga lang, kung matatanggap ba ako. Tiwala lang, Flaire. Just trust yourself. Kaya mo ito. Nagdasal muna ako bago muling kumatok sa pintuan ng OR. Wala kasing nagbukas ng pinto. Ilang saglit pa ay bumukas na iyong pinto. Lumabas dito ang isang babae na sa aking tantiya ay 30mid na ang edad. Mataray ang itsura niya habang nakatingin sa akin. "Anong a-apply-an mo?" Nakataas kilay na tanong nito. Medyo umawang ang aking bibig dahil sa deretsahan niyang pagtanong. "Ano pa po ba 'yung available?" Mahinang tanong ko. Hindi ako sure sa sinabi ko. Malay ko ba! "Tanga naman," rinig kong bulong niya. "Janitress." Nakangising sabi niya sa akin. W-what? "Janitress?" Ulit ko. "Wala na po bang iba?" Pagbabaka-sakali ko. Baka naman niloloko niya lang ako. "Mukha ba?" Pambabara nito. Seryoso? Anong problema niya sa akin? Bakit parang galit na galit siya sa'kin? Napahinto lamang kaming dalawa sa pag-uusap ng may isang baritinong boses ang nagsalita. "What's the commotion here?" Isang malamig na tinig na nakapagbigay sa akin ng kaba at kaagad na takot. @jynx19

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.3K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
470.0K
bc

The Young Master's Maid

read
749.1K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
343.5K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.5K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
479.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook