bc

INTOXICATED LOVE

book_age18+
31.9K
FOLLOW
199.2K
READ
sex
kickass heroine
independent
sweet
bxg
genius
campus
first love
naive
wild
like
intro-logo
Blurb

Warning: Read at your own risk!

MATURE CONTENT

"Kiss me, Linus," paos ang boses ko, nalasing yata ako nang matikman ang labi niya.

 

"I... I don't know how..." nauutal at wala sa sariling sagot niya.

Damn! Is it true that I was his first kiss? Totoo ba siya? May ganito pa ba talagang lalaki?

 

"I'll lead you. Just open your mouth and follow my lips," pinag-iinitan ako ng katawan at pakiramdam ko'y ako ang lalaki sa aming dalawa.

chap-preview
Free preview
INTOXICATED LOVE 01
Walking like a goddess. Dewy white skin. Small pointed nose. Straight long jet black hair. Brows on point. Eye cat make up and dark berry lipstick on my natural pouty lips. My uniform is three inches above the knee. Three inches heel boots black. Blouse with two open buttons showing some skin. I'm look like a wild goddess walking in the school corridor. Nakatingin ang lahat ng nadaraanan kong mga estudyante. Hindi ko alam kung bakit hindi sila nasasanay kahit araw-araw nama'y ganito ang ayos ko. I rolled my eyes and walked straight to the cafeteria. Kaagad na hinanap ng mga mata ko ang mga kaibigan. Nagsisimula na silang kumain at naroon na rin ang madalas kong ipabili kay Cara na pagkain. Paupo pa lang ako sinimulan na akong kausapin ni Caleb. "May bagong transfer! Ang ganda ng chicks!" he announced as if I'll be interested in chicks he was talking about. Natawa siya sa masamang tingin ko at dinala ang dalawang daliri sa ibabaw ng labi para gumuhit ng imaginary na zipper. "Mas maganda sa akin?" taas kilay na pakikisakay ko kahit hindi naman interesado. Maraming magandang babae rito, aminado ako. Pero sigurado rin akong mas malakas ang s*x appeal ko. I am confident, I won't won pageants if I'm not gorgeous and beautiful. But, well... nobody's perfect. I admitted long before that I am boo when it comes to academics. Tinitigan niya ako ng mabuti na para bang bigla siyang nahirapan magdesisyon. Umirap ako at sinipa ang paa niya sa ilalim ng lamesa. "Aw!" Ungot niya. "Bakit ba? Sa nahihirapan ako, e! Ang ganda kasi! Sobrang inosente ng mukha!" "Hindi ko tinatanong kung sino ang mas mukhang inosente! Ang itinatanong ko ay kung sino ang mas maganda!" Inalis ko ang masamang tingin sa kanya at tumutok sa pinto ng canteen ang mga mata. Mayroon lalaking pumasok at nasa tabi'y babae na mahaba at itim na itim ang buhok. His hair was on clean cut. Sa gilid ay malinis ang pagkakagupit. Samantalang sa ibabaw na buhok ay nakaayos na parang hindi maaaring may makatakas kahit isang pirasong buhok. Ang uniporme ay pormado't walang makikita kahit kaonting lukot. Napangiwi ako sa ayos ng lalaki. Sobrang linis niyang tingnan at maihahalintulad ko ang itsura niya sa isang bayaning pinatay sa Luneta. Sayang at gwapo pa naman. Kaya lang ay napaglipasan yata ng panahon. I don't usually cringe at nerdy look guys but his being old fashioned was too much. Dinaig niya ang mga nerds na nag-aaral dito. Nakakakuha ng sobrang atensyon ang ayos niya dahil sa pagiging makaluma. Ang ibang kumakain ay napalingon din. Nakakapagtaka nga lang na pinapamulahan ang iba sa mga babae na para bang heartthrob ang pumasok. I curiously stared at him because of some girls reaction as if they were fan girling. The man sat near our table. Bukod sa buhok niyang puno ng pomada'y wala namang maipipintas. Makapal ang kilay at matangos ang ilong. Malalim ang mga mata at mahahaba ang mga pilik mata na mabilis mapansin lalo sa tuwing kumukurap siya na parang nang-aakit nang hindi sinasadya. Ang panga ay perpekto. Manipis ang mapulang labi at may pagka-moreno. Dalawang lamesa lang ang pagitan namin. Tumayo ito kasama ang babae para pumila. Pagkaraan ng ilang minuto'y bumalik sila na may dala nang pagkain. He's handsome, yes. But he also looks boring. Para sa aki'y walang dating. Bukod sa gwapo niyang mukha'y wala nang interesante pa sa kanya. "Look at that girl, Sadie. Siya 'yong sinasabi kong bagong transferee na chicks," sinulyapan ko si Caleb at muling ibinalik ang tingin sa babaeng sinasabi niya. "Boyfriend niya siguro 'yang lalaki kasi lahat ng subjects pareho sila. Parang ayaw maghiwalay at palaging magkasama," dagdag niya. Isa talaga ito sa pinaka chismoso kong kaibigan. Lahat alam niya, na pati pagkakapareho ng mga subjects ng mga iyon nalaman niya. "Yummy!" Si Cara. Nakatingin siya doon sa lalaki habang kumakain ng fries. Hindi ko tuloy sigurado kung anong yummy ang sinasabi niya. Ang ibang mga kasama naming kaibigan sa lamesa ay tahimik lang naman. "Kaklase mo sa isang subject 'yong babae, 'di ba?" Tanong ni Caleb kay Aston. Tumango si Aston at nakatitig sa babaeng nagsisimula na kumain. Sina Seth at Marco ay may mga sariling mundo sa isang tabi. "Is that what you called beautiful? Kailan pa lumabo ang mga mata mo, Caleb?" tamad na tanong ko at naki-agaw sa fries ni Cara. "Pangit para sayo 'yung babae? Kung gano'n, 'yung lalaki ba gwapo?" "Hindi rin," mabilis na sagot ko. Tumingin sila sa akin at alam ko na kaagad ang iniisip nila. Nasanay kami sa mga pustahan. Minsan may pustang pera. Pero mas madalas, trip lang. "Why don't you try him? Mukhang masarap paglaruan?" Nakangising tudyo ni Cara. Akala mo'y pagkain lang na inaalok niya. "Tipo ko 'yung babae na kasama niya! Ibalato mo na sa akin! Paglayuin mo!" Humalakhak si Caleb. Agad din naman siyang nagtaas ng dalawang kamay nang tingnan ko siya ng masama. Pero ang totoo, medyo interesado ako. "Okay," walang ganang sagot ko at sinulyapan ang boring na lalaki. "I'll wait for him to look at me and we'll see if he can be my next victim." Natahimik silang lahat. Lahat kami nakatingin sa direksyon nila. Kahit sino siguro'y mararamdaman ang titig namin, lalo't anim na pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya. Sa paglingon niya'y saktong tumama ang mga mata niya sa akin. Para bang ako talaga ang hinanap ng mga mata niya kaya't madali kaming nagkatinginan. Tinitigan ko siya habang marahan na kinakagatan ang burger na pinabili ko kay Cara. Medyo nagulat ako sa kulay ng mga mata niya ngunit nagpatuloy ako para hindi mapahiya. His eyes are dark blue green. Parang dagat na nasisinagan ng araw. Ang haba ng mga nakatabing na pilikmata. Mayroon siyang cleft chin. Muntik ko nang mapigilan ang paghinga ko at mukhang ako pa yata ang maaakit niya. Nakatitig pa lang siya sa mga mata ko'y para na akong nalulunod. Bumaba ang mga mata niya sa labi ko matapos kong kagatan ang burger na kinakain. I intentionally leave a small portion of sauce on my lower lip so I can lick it. Sumunod ang tingin niya sa labi at dila ko. Pinigilan kong ngumisi nang mapansin ko ang pag-awang ng kanyang labi. Bingo! I think he saw my tongue piercing! Bumalik paakyat ang tingin niya sa mga mata ko at medyo nanlaki ang kanyang mga mata. Namula siya at madaling umiwas ng tingin. Paulit ulit ang naging paggalaw ng lalamunan niya na para bang nahirapan siyang lumunok. Kitang kita ko ang pag-taas baba ng adams apple niya dahil nakatagilid na siya at hindi na ibinalik sa akin ang mga mata. I tore my eyes off of him and smirked at my friends. Seducing him at first glance, succeed. Napailing si Caleb at Aston. Si Cara, natawa. Si Seth at Marco, medyo dismayado, hindi pabor sa ginagawa naming pustahan. "My god! I can't believe he's so easy! You made him blush!" Si Cara. Hindi mawala ang mayabang na ngisi ko. Masiyado akong nadalian. Binalikan ko ng tingin ang lalaki. Nagmamadali na itong kumain ngayon at mukhang pinipigilan ang sarili na mapabaling sa table namin. "Hey, your eyes! I know what that look means, Sadie! Don't tell me you want him to be your next boytoy?" Caleb looked at me while he's shaking his head. Nang tahimik akong ngumisi sa kanya'y alam na niya ang sagot. I grinned. "You started it, Caleb."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook