bc

HIS PROPERTY IS MY VIRGINITY (Tagalog)

book_age18+
3.9K
FOLLOW
30.2K
READ
spy/agent
scandal
billionairess
enimies to lovers
virgin
punishment
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Reegan Vargas, isang CIA, walang ibang gusto kundi makamit ang hustisya. Para iyon sa kapatid na hanggang ngayon ay nasa isang mental hospital. Kaya naman ay handa siyang sumugal basta't makuha lang ang kanyang inaasam.

Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nag krus ang landas nila ng dalaga. Ang taong matagal na niyang hinahanap upang pagbayarin sa kasalanan nito.

*

Kathleen Montemayor, isang respetadong dalaga, hinahangaan at tinitingala ng karamihan. Masayahin, palakaibigan at higit sa lahat ay may ginintuang puso. Ngunit sa isang iglap ay biglang naging magulo ang buhay ng may taong dumukot dito. Nang magising siya ay nasa isang madilim na lugar at wala na rin ang iniingatang puri.

Dahil sa pangyayaring yon ang kanyang career ay unti-unting nawala. Hindi niya matanggap ang nangyaring yon kaya nagpasya siyang hanapin ang lalaking siyang responsible upang pagbayarin ito.

*

Saan hahantong ang galit at paghihiganti nila sa isa't-isa kung nakapagitna ang napakalambing nilang anak?

chap-preview
Free preview
TEASER
BUMUHOS ang masaganang luha ni Kathleen, nang matanggap ang balitang agaw buhay si Reegan. Halos madapa siya sa sobrang pagmamadali mula sa mataas na building ng opisina niya, bilang isang CEO. Subalit pagdating niya sa kanyang penthouse ay naroon ang kapatid at pinsan si Josh. “Kathleen, hindi ka maaaring umalis!” matigas na pahayag ni Kuya Jordan. Habang ang pinsan niyang si Josh ay tahimik na nakaupo sa mahabang sofa. “At bakit hindi?” aniya habang papasok sa kanyang silid upang ihanda ang mga dokumento. “Bakit kailangan mong itanong kung bakit samantalang alam mo ang sagot?” “Ama siya ng anak ko kaya kailangan ko siyang puntahan!” “Ama? Nasisiraan ka na ba ng ulo upang sabihin ang salitang yon! Nakalimutan mo ba kung bakit naging ama siya ng anak mo at isa kang dalagang ina?” “Matagal ng tapos ang kabanatang yon ng buhay ko, Kuya Jordan. Kaya huwag mo akong pipigilan dahil sa pagkakataong ito ay hindi ikaw ang masusunod!” at may pagmamadaling nilagay niya ang backpack sa kanyang likod. Pagkatapos ay dinampot ang cellphone at humakbang palabas ng silid. Ngunit nang malapit na siya sa main door ay biglang humarang ang pinsang si Josh. “Hindi ka pwedeng umalis dahil naka-hold ka sa immigration.” sa sinabing yon ng pinsan ay bigla ang silakbo ng galit niya at malakas niyang tinabig ito. Hindi na siya magpapadala sa mga salita ng mga ito. Kung noon ay hinayaan niyang saktan ng mga ito si Reegan, pwes! Hindi na ngayon. Kaya pagkalabas ng pinto ay tuloy tuloy nang bumaba sa basement. Ilang bodyguard ang nagtangkang pigilan siya ngunit malakas niyang sinipa ang mga ito. Nang makasakay sa kanyang Hummer ay pinasibad iyon patungong airport. Pagdating doon ay agad siyang nakakuha ng flight. Hindi niya kailangan ang Montemayor private plane. Kahit saang eroplano ay maaari siyang sumakay. Subalit ng dumating sa immigration ay hinarang ng staff at dinala sa isang silid. Ang hindi niya inaasahan ay naroon ang kanyang ama. “Anong ginagawa mo, Kathleen Dhale!” parang nalunok niya ang dila at hindi malaman ang isasagot sa ama. Kitang kita ang umiigting nitong panga at ang mga braso ay naggagalawan ang ugat sa pinipigilan galit. Binanggit na rin nito ang kanyang buong pangalan kaya alam niyang galit talaga talaga ang ama. Pero kailangan niyang umalis kundi ay maiiwan siya ng flight. “I’m sorry Dad, pero alam kong maintindihan mo ako. I love him, kaya huwag mo akong pigilan. Don’t worry, kapag nakita ko na siya ay babalik din agad ako.” wala siyang narinig na sagot mula sa kanyang ama kaya tinalikuran na ito. Halos takbuhin na niya ang boarding area dahil narinig na ang announcement. Tinatawag na ang pangalan ng mga pasaherong hindi pa nakasakay sa eroplano. - Macau Private Hospital. “Higpitan ang seguridad at walang kahit sino ang papasukin." Malayo pa lamang siya ay naririnig na niya ang boses ng isang lalaki. At hindi siya si Kathleen Montemayor, kung magagawa na pigilan ng kahit sino. "Paraanin nyo ako!" "Sandali! Sino ka at anong pakay mo dito?" Hindi siya sumagot ngunit kinuha sa wallet ang id at inabot sa lalaki. Nang mabasa nito ang pangalan niya ay agad na suminyas sa mga bantay. Nang makapasok siya sa loob ay nanlambot ang kanyang tuhod sa nadatnan. Hindi niya na pigilan ang sarili at tumakbo upang yumakap sa walang malay na si Reegan. "R-Reegan, s-sabi mo magiging ama ka pa sa a-anak natin. Sabi mo pa nga g-gagawin mo ang lahat upang mapatawad kita. S-Sabi mo rin hindi ka s-susuko sa mga kapatid at pinsan ko. At sabi mo kahit anong mangyari magiging isang pamilya tayo. Hindi ka bibitaw hanggang hindi mo kami nakakasama ng anak natin. Pero bakit nariyan ka at ilang porsyento na lamang ang natitira upang mabuhay ka?" Napaluhod na siya sa gilid habang humahagulhol ng iyak at hindi alintana ang mga taong nasa paligid. "Ahm…. Ms. Kathleen, please calm down. M-May awa ang Diyos, at kahit kaunti na lamang ang chance niyang mabuhay. Naririto kaming mga kaibigan niya at umaasang hindi siya bibitaw. Hindi rin kami pinanghihinaan ng loob. Dahil alam namin matapang siya at hindi basta sumusuko. Lalo pa at nariyan ka ganon din ang anak nyo na naghihintay sa kanya. Magpakatatag ka sana at huwag mawalan ng pag-asa, mahal na mahal ka ng kaibigan namin. Kaya mabubuhay siya at babalik siya sa normal na buhay." napatango na lamang siya sa kaibigan ni Reegan. Makalipas ang ilang oras ay kalmado na siyang tumayo at lumapit sa lalaking nakaupo sa mahabang sofa. Hindi niya alam kung natutulog ito dahil sa klase ng pagkakasandal. "Ahm, may itatanong sana ako kung gising ka?" nakita niyang nagmulat ito ng mata at umayos ng upo. "Yes, go ahead." "Pwede ba siyang ilipat ng ibang ospital… i mean iuwi ng bansang Pilipinas?" wika niya habang nakatingin sa kaibigan ni Reegan. "Yeah, pero hindi pa sa ngayon, may mga test pa na ginagawa sa kanya. Isa pa marami pang dapat ayusin bago siya maiuwi ng bansang Pilipinas." "Here my contact number, paki tawagan mo ako kapag maaari na siyang ilipat ng ospital sa Pilipinas." "I will, Ms. Kathleen, umasa kang ipaabot agad namin sayo ang buong detalye bago ang schedule ng flight." "Mas maaga ninyong ipaalam sa akin dahil sa private plane ko siya isasakay." "Pasensya na pero sa bagay na yon ay hindi siya maaaring sumakay sa kahit anong eroplano." "Kung ganun paano siya makakabalik ng bansang Pilipinas?" "Meron kaming sariling eroplano na masasakyan niya." Sa narinig ay hindi agad siya makapagsalita. Wala talagang idea kung sino si Reegan, at kahit marami siyang gustong itanong ay piniling tumahimik na lamang. Sino nga ba si Reegan, at ano ang trabaho nito? Ganun pa man ay hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang tattoo ng mga ito. Naroon iyon sa puno ng leeg malapit sa likuran ng tenga. At parang nakita na niya iyon hindi lang maka sigurado kung saan at anong organisasyon iyon. Hindi na rin siya nagtagal pa sa ospital. Pero bago ako umalis ay muling lumapit kay Reegan. Yumuko upang magpaalam dito at ilang minuto siyang nakayakap dito bago hinalikan ito sa noo. Ngunit paglabas niya ng pinto ay nagulat sa apat na lalaking naghihintay. Walang iba kundi ang kapatid na si Kuya Jordan at tatlong pinsan na si Josh, Dark at Vince. “Let’s go, Princess.” hindi siya sumagot at sumunod na sa mga ito. At bago tuluyang makalayo ay nasulyapan pa niya ang mga kaibigan ni Reegan na nakatingin sa amin. “Bakit pa kayo sumunod dito?” Tanong niya sa mga ito. “Hindi kami maaaring sumuway sa utos ng Daddy mo.” mabilis na sagot ni Kuya Josh, kaya hindi na siya muling nagsalita pa. Ngunit ng maalala ang tattoo ni Reegan sampu ng mga kaibigan nito ay mabilis niyang kinuha ang kanyang ballpen. Sa mismong palad niya pa iyon iginuhit at agad niyang tinanong sa mga pinsan. “Kuya Josh, ano ang simbolo ng tattoo na ito?” “Saan mo nakita ang ganyang tattoo?” “Kay Reegan at sa mga kasama nito.” “Iyan ang dahilan kaya ayaw ng buong pamilya sa lalaking yon. Hindi dahil may malaking kasalanan sayo ang ama ng iyong anak. Pero ayaw ka naming ma-involve sa kagaya niya.” “Sabihin mo, ano ang simbolo ng tattoo na yon?” “CIA, mapanganib ang lalaking mahal mo, Princess.” “C-CIA?” halos mabitawan niya ang hawak na cellphone. Hindi siya makapaniwala na ganun si Reegan. “At kaya siya nasa ganyan kalagayan dahil isang malaking grupo ang nasagupa nila dito sa Macau. Ngayon nauunawaan mo na kung bakit ayaw ng buong pamilya natin sa lalaking yon. Isa pa ay malaki ang kasalanan niya sayo at hindi pa man lang niya iyon napagbayaran sa batas.” tuloy lang ang hakbang niya at nananatiling tahimik. “Kaya sana sundin mo ang utos ng Daddy mo. Kalimutan mo na ang lalaking yon. Wala kang aasahan na kabutihan sa kanya. Forget him, hindi siya nababagay sa isang tulad mo.” ani pa ni Kuya Josh. “Tayo na at nagbigay na ng signal ang piloto. Isang oras mula ngayon ay lilipad na ang Montemayor Private Plane.” Wika ng pinsang si Vince. - HABANG pataas ang eroplanong sinasakyan niya ay muling namalisbis ang kanyang luha. Isang pangako ang kanyang binitawan. No matter what… never niyang kakalimutan si Reegan…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook